Nagising si Claire kinabukasan dahil sa malakas na tunog ng telepono sa salas. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa sofa pagkatapos siyang ihatid ni Manson kagabi. Hinagilap niya ang cellphone para tingnan ang oras pero hindi niya iyon mahanap kaya dumako ang kanyang tingin sa nakapatong na maliit na digital alarm clock sa ibabaw ng mesita. Ang alarm clock na ito lang ang siyang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid. “Four am? Sino namang tatawag sa akin ng alas-kuwatro ng madaling-araw?” Pero nang maalala na tanging kliyente lang niya ang nakakaalam ng numero niya, kahit nahihirapang magmulat ay pilit siyang bumangon upang sagutin ang telepono. Dahil hindi pa siya masiyadong pamilyar sa lay-out ng bagong bahay at madilim ang paligid, ay pakapa-kapa siya hanggang makarating siya sa telepono na nakalagay sa gilid ng hagdan.“Hello?” namamaos ang boses at inaantok na tanong niya. Kinapa niya ang switch ng ilaw saka ini-on iyon at nang bumaha ang liwanag sa paligid ay saka
“Hanggang ngayon ba ay nakatitig ka pa rin diyan?” natatawang tanong ni Manson kahit nakatutok sa pagmamaneho. Hindi ito pinansin ni Claire at patuloy lang sa pagtitig sa tseke na naglalaman ng sampung milyong dolyares. Ngayon lang siya nakahawak ng ganito kalaking pera sa tanang buhay niya. “Wala namang masama kung paulit-ulit ko itong tingnan, hindi ba?” Nilingon niya si Manson. Nagpapasalamat siya rito dahil kung hindi dahil sa kanya ay ay hindi niya maibenta ang painting. “Nope. You have all the right to admire the fruit of your labor. You deserve all of it, Claire.” Tumingin ito sa kanya dahil nakahinto ang kotse saka ginagap ng isang kamay nito ang palad niya at dinala sa labi upang halikan. “You are amazing.”Hindi na nakipag-argumento si Claire at nginitian ito pabalik. “Salamat. Kung hindi dahil sa ‘yo ay hindi ko makukuha lahat ng ito.”“Tatanggapin ko lang ang pasasalamat mo kapag magpapakasal ka na sa aking muli.” May biro sa boses ni Manson pero alam ni Claire na may b
Naging madali ang biyahe ni Claire at pagkarating nga sa airport sa LAX ay sinundo siya ng assistant ni Mr. Padroncillio saka sila dumiretso sa villa nito sa isa sa pinakamayamang state sa lugar. Base pa lang sa magarbo at eleganteng villa nito ay masusukat o na kung gaano kayaman si Mr. Padroncillio pero nang makapasok si Claire sa loob at makita ang mga collections ng matanda ay lalo pa siyang napa-wow. Talagang napakadami at authentic ng mga collections nito. Umaga na nakarating si Claire at nagpahinga lang siya ng kaunti kaya’t pagkatapos mananghalian ay tinanong na niya si Mr. Padroncillio kung nasaan ang mga paintings na gusto nitong ipa-restore. At ngayong nandito na nga siya sa loob ay hindi niya maiwasang mamangha. Inihanda na niya ang sarili niya sa makikita pero labis pa rin ang kanyang pagmangha. Iba talaga kapag mapera na kayang mangolekta ng sandamakmak na paintings. Para na itong maliit na museum dahil bukod sa paintings ay mayroon pang ancient vases, artifacts, at kah
Nang makabalik sa Pilipinas ay agad na dumiretso sa lugar kung saan matatagpuan ang kayamanan na nakalagay sa mapa sina Claire at Mr. Padroncillio. Kasama nila ang ilang tauhan ng mga ito pati na rin ang ibang expert sa treasure hunting. Nasa Cordellira region ang lugar na tinutukoy sa mapa at doon rin matatagpuan ang mga ninuno ni Mr. Padroncillio. Ngunit isang problema ang nadatnan nila. Dahil sa hindi mahigpit ang seguridad sa sementeryo kung saan nakalibing ang ninuno ni Mr. Padroncillio, ang krus na nakatusok kung saan nakalagay ang kayamanan ay nawawala kaya nahihirapan silang ma-pinpoint ang eksaktong kinalalagyan niyon. “Hindi puwedeng uuwi kami ng bigo,” mahinang bulong ni Claire. May alam siyang tao na eksperto sa ganitong trabaho, si Aurora. Kaagad siyang lumayo kay Mr. Padroncillio saka mabilis na tinawagan ang kaibigan saka ipinaliwanag dito ang sitwasyon. “Claire, magaling akong magbukas ng makalumang mekanismo pero hindi ako eksperto sa paghahanap ng kayamanan. Ir
Nang gabi ring iyon ay agad na bumiyahe pabalik ng Manila si Claire kasama ang dalawang bodyguard niya. Buong biyahe ay hindi siya mapakali at puno ng pag-aalala para kay Manson ang puso niya. Kahit gabi na ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko kaya inabot din ng siyam na oras ang kanilang biyahe bago makarating sa Manila. Pinauwi niya ang dalawang bodyguard dahil alam niyang pagod ang mga ito sa pagmamaneho ng buong gabi. Madaling-araw na pero hindi nakaramdam ng antok si Claire dahil kahit papaano ay nakatulog siya sa biyahe. May isang guard na nakabantay sa labas ng pinto ng kuwarto kung saan naka-admit si Manson. Kilala ito ni Claire dahil ito ang bodyguard na sumama sa kanya noon sa Davao. Bago pa man siya makiusap dito na papasukan siya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mr. Peire. Nang makita siya nito ay agad na dumilim ang mukha nito at mabilis a isinara ang pinto sa likuran nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” madilim ang mukhang tanong nito. “Hiwalay na kayo ng anak
Dahil kinakailangan na ring magpahinga ni Claire at hindi na kinaya ang pagod at antok ay nagpasya siyang umuwi at babalik na lang mamayang hapon kapag nakapagpahinga na. Naiwan si Meesha sa loob dahil ito muna ang magbabantay sa kapatid nito. Pagkalabas ni Claire ng kuwarto ay naghihintay sa labas si Mr. Perie. “Claire, gusto kitang makausap.”Dahil gusto ni Claire na muli pang makabalik at makausap si Manson ay pumayag siya sa request ng dating father-in-law. Tumungo sila sa garden ng ospital at umupo sa bench na naroon. May mangilan-ngilang tao ang naroon at dahil maliwanag ang paligid ay hindi nakaramdam ng takot si Claire na baka sakaling may gawin sa kanya si Mr. Perie. Kumuha ito ng sigarilyo at sinindihan bago humithit at ibinuga ang usok. Saka lang ito nagsalita kung ano ang dahilan ng paglapit nito sa kanya. “Claire, ang totoo, wala naman akong masamang hangarin sa ‘yo. Pero alam mo naman kung ano ang gusto ko ‘di ba? Si Manson lang ang anak kong lalaki na maasahan ko pag
Masakit ang ulo ni Claire nang magising kinahapunan at halos hindi niya maimulat ang mata. Nang biglang naalala na dumaan siya sa bar ay biglang nawala ang pagkahilo niya at bumalikwas ng bangon. Ang alam niya ay nalasing siya at… Inikot niya ang paningin sa paligid at nakahinga nang maluwag nang makitang nasa loob siya ng sariling kuwarto. “Pero sino ang nagdala sa akin dito?” nalilitong tanong niya sa sarili.Bumaba siya ng kama at pilit na inaalala ang nangyari habang naglalakad sa banyo upang maghilamos. Nang buksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang repleksyon niya sa salamin na magulo ang buhok at may bahid pa ng laway ang sulok ng labi. Naka-pajama na rin siya pero hindi niya matandaan kung paano siya nakapagpalit. Ni hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Ito ang unang beses na nalasing siya kaya matinding hang-over ang idinulot niyon sa kanya. Habang nakayuko at naghihilamos ay biglang may pumasok na eksena sa isip niya. Nakayuko siya at nagsusuka habang may isang lala
Napangisi si Luke sa suntok ni Manson. Marahil ay dahil naospital ito kaya walang lakas ang suntok nito. Hinaplos niya ng hinlalaki ang sulok ng labi na natamaan ng kamao ni Manson saka mahinang napatawa. “Kung gusto mo ng laban pagbibigyan kita kapag nakalabas ka na ng ospital. Hindi ko gustong samantalahin ang kahinaan ng tao, alam mo ‘yan.” Inayos niya ang nagusot na kuwelyo at inangat ang mukha. Nagsalubong ang tingin nila ni Manson. Kita niya ang galit sa mata ng lalaki pero naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil danas na danas niya iyon sa tuwing nakikita ito at si Claire na magkasama. Narinig niya ang mahinang pagtawa nang mabigat ni Manson at tumalim ang titig nito. “Hindi ka nanamantala ng kahinaan ng tao? Huwag kang hipokrito, Lucas. Alam ko kung ano ang ginawa niyo ng asawa ko kagabi.”Malamig na ngumisi si Luke at hindi itinama ang sinabi ni Manson. “Hindi na kayo kasal para sabihin mong asawa mo siya, Manson. Claire has been very good to you all this time. Kina
Halos sumikip ang dibdib ni Claire nang makita ang kalagayan ng kanyang ina. Nasa ICU ito at may tubong nakakabit sa bunganga upang tulungan itong huminga. Ligtas na ito sa kapahamakan pero dahil malubha ang lagay ay nasa coma pa rin ito. “‘Wag kang mag-aalala, Claire. Malalampasan ito ni Auntie Leonora. Magiging ayos siya.” Nilingon ni Claire si Lucas at mapait na ngumiti. Hindi niya kasama si Manson dahil bago siya pumunta ng ospital ay hindi niya ito hinayaang sumama sa kanya at nagtalo sila. She also blamed him for bringing danger to her life. Alam niyang masasaktan na naman niya si Manson dahil sa pagtataboy niya rito pero nang maisip niya na ang ama nito ang gustong manakit sa kanyang ina ay hindi niya maiwasang sumama ang loob. Kaya’t tulad ng dati, itinaboy niya ito para wala nang magpapahamak sa relasyon nila. Pero kahit sinabihan niya itong bumalik sa Pilipinas ay hindi siya nito sinunod. “Sana nga, Luke. Sana nga. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyar
Ang mga sumunod na araw ay parang normal na kay Claire. Kahit nalaman niyang hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay hindi pa rin siya nalungkot nang labis dahil hindi nagbago ang relasyon nila. Tinuturing pa rin siya nitong tunay na anak. Noong kinompronta niya si Manson tungkol dito ay inamin nito na alam na ang totoo pero dahil ayaw nitong pangunahan ang desisyon ni Mr. Khaleed kaya hindi ito nagsalita. Ang tanging gumugulo na lang sa kanya ngayon ay walang iba kundi si Mr. Perie.Magmula nang malaman nitong hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay muling bumalik sa dati ang trato nito sa kanya. Tulad na lang ngayong araw. Binisita siya nito sa kanyang bahay na may dala-dalang iisang rason. Ang hiwalayan niya si Manson. “Ilang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi ko hihiwalayan si Manson? I already gave him up once. Hindi ko a ulit gagawin iyon.”Tumalim ang tingin sa kanya ni Perie at inilapag ang cellphone sa harapan niya kung saan nagpe-play ang isang recording. Sa b
Kinabukasan isang hindi inaasahang bisita ang pumunta sa opisina ni Perrie pagkarating na pagkarating pa lang niya. Ayaw sana niya itong i-entertain pero nauna na itong umupo sa upuan sa harap ng kanyang mesa bago pa niya ito inimbitahan. “Ano’ng kailangan mo, Veena? Wala ka bang ginagawa at maaga pa lang ay iniistorbo mo na ako?” may iritasyon sa boses na tanong niya bago pinindot ang intercom upang magpatimpla ng kape sa sekretarya. Bago ang kanyang sekretarya kaya’t hindi nito alam na dapat nakahanda na ang kape niya pagpasok niya pa lang sa opisina. Ngumiti na puno nang kahulugan si Veena saka may ibinigay na folder sa kanya. “Tito, tingnan niyong mabuti ang mga papeles na ito. Ito ang paternity test ni Mr. Khaleed at Claire at dahil may kakilala akong tao ay inutusan ko ito na suriing mabuti ang resulta ng test na ‘yan. Hindi totoong mag-ama sina Claire at Mr. Khaleed dahil ang ginamit sa pagte-test mula kay Mr. Khaleed ay mula sa tunay na ina ni Claire at hindi mismo galing ka
Kinabukasan, nagpahayag ng imbitasyon si Vincent kina Claire at Manson na gusto nitong manood ng sine matapos mag-dinner sa labas. Pero ang totoong dahilan nito ay nahihiya kung silang dalawa lang ni Meesha ang magkasama. Dahil buong araw na nakapagpahinga ang dalawa ay pinaunlakan nila si Vincent. “Vincent, paano ka naman makaka-iskor kay Meesha niyan kung kasama mo kami?” biro ni Claire kay Vincent nang matapos na silang manood. Nasa labas na sila sa hallway habang hinihintay si Meesha na lumabas ng banyo. Napakamot sa ulo ang lalaki at kinakabahang napatawa. “That’s why I asked you and Manson to come. Kailangan ko lang ng moral support.” “Tsk!” naiiling na komento ni Manson pero wala na itong sinabi dahil papalapit na sa kanila si Meesha. “Goodluck! Kaya mo ‘yan!”Nangunot ang noo ni Meesha dahil sa sinabi ni Claire. “Bakit, ano’ng meron?” Tumayo ito sa tabi ni Vincent at pinaningkitan ng mata ang binata. Alanganin na ngumiti si Vincent saka inaya si Meesha. “Nothing. They
Kinabukasan ay palihim na kinausap si Claire ng kanyang ina sa kanyang kuwarto na ikinagulat niya dahil maaga pa lang ay nasa loob na ito. “Ma, may kailangan ka?” hindi niya mapigilang usisain ito dahil sa labis na pagtataka. Nakahiga pa siya sa kama dahil katatapos niya lang makipag-usap kay Manson. Umupo ang kanyang ina sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya at hinaplos ang magulo niyang buhok saka pilit na ngumiti. Nangunot naman ang noo ni Claire dahil sa nakikitang itsura ng ina na tila hindi ito nakatulog dahil sa malalim ang iniisip. Hinintay niya itong sumagot upang pakinggan kung sakali mang may dinadala itong problema. “Claire, ano ang tingin mo ay Lucas?”Lalong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagkaroon ng hinala kung bakit tila balisa ito. “Ma, is this about Aunty Marriotte asking me to marry Lucas?” Tumango ito at dumilim ang mukha ni Claire. “Ma, it can't be happen. Hindi ako magpapakasal kay Lucas dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung ano man ang n
Abala si Claire sa pag-aalaga kay Lola Rosa, ang lola ni Lucas, na hindi niya napansin ang pitong araw na binigay sa kanya ni Manson ay tapos na. Araw-araw siyang tumutungo sa ospital at inaalagan, binabantayan at iginagala sa compound ng hospital si Lola Rosa. kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang ina na kailangan na nilang umuwi dahil siguradong magagalit na naman si Manson. Kahit si Lucas ay inuudyukan din siyang bumalik na sa Pilipinas at kaya naman na nitong alagaan si Lola Rosa pero sa araw-araw na lumilipas na nakikita niyang ang unti-unting paghihina ng matanda ay nasasaktan siya at hindi niya ito kayang iwan. Naalala niya ang kanyang lola. Namatay ito na wala siya sa tabi nito. “Claire, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Kaya ko nang alagaan si Lola. bumalik ka na ng Pilipinas dahil sigurado akong hinahanap ka na ng kapatid ko. Kapag magtatagal ka pa rito ay sigurado akong hindi ka na makakabalik dahil sa ngayon ay ikaw na lang ang hinahanap ni Lola.”Mahinang napatawa
Dumating ang araw ng linggo na pinakahihintay ni Claire. Ngayong gabi kasi ay pupunta sa bahay nila sina Meesha at Vincent para sumalo sa hapunan kaya naman naghanda ng maraming pagkain si Claire. Hindi niya alam kung ano ang paboritong pagkain ng dalawa kaya bago maghanda ay tinanong niya muna si Manson na sikreto namang tinanong si Meesha upang alamin. Bukod sa in-order niyang putahi ay mayroon ding nilutong pagkain si Claire na natutunan niya sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito. At habang naghahanda nga siya ay may hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang puso sa isiping maka-bonding niya si Vincent. Mabuti na lamang at kahit halata sa kilos niya ang tuwa habang naghahanda ay hindi nagselos si Manson at inaprubahan lang kung ano ang gusto niya. Dahil wala si Aurora sa bahay ay sila ni Manang Silva lang ang natoka sa kusina kaya naman nang dumating ang dalawang bisita ay si Manson ang sumalubong dito. Habang nagsalo-salo ang tanging nagsasalita ay si Meesha, as usual ito ang pinak
Kung dati ay nagdadalawang-isip pa si Claire, ngayon ay gusto na niyang sagutin ng oo si Manson hindi dahil sa ama nito na botong-boto na sa kanya sa biglang pagtaas ng posisyon niya kundi dahil gusto niya nang matali sa kanya ng tuluyan si Manson. Sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay sigurado siyang marami at marami pang kababaihan ang gustong lumandi rito. Niyakap niya ang braso sa leeg ni Manson at sinserong ngumiti habang magkahinang ang kanilang mata. “You know that I always wanted to marry you. Hindi lang talaga sumasabay ang pagkakataon. I always wanted to be with you forever dahil gusto ko nang itali ka sa akin habang-buhay para wala nang ibang babae ang humarot sa ‘yo pero…” “Pero?” Umupo si Claire sa kandungan ni Manson habang nakaupo ito sa kama saka mabilis na dinampian ng halik sa labi at nagsalita. Her words were refined and delicate to appease the man of her dreams for him to agree to her plans. “Alam mong malubha na ang kalagayan ng lola ni Lucas at dahil isa siya
Hindi agad-agad naniniwala si Claire sa mga ganitong nababasa lalo na at dumarami ang mga scammers ngayon. Pero dahil binanggit ang pangalan ni Manson ay may bahagi ng isip niya ang naniniwala na baka totoo nga ito kaya naman mabilis niyang tinawagan ang numero nang nagpadala ng mensahe pero kahit anong tawag niya ay hindi niya na iyon makontak. Nagkibit siya ng balikat at binalewala iyon pero habang tumatagal ang oras na hindi nagre-reply sa kanya si Manson ay tila may sumusundot sa puso niya t hindi siya mapakali. Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin kung sino ang misteryosong nagpadala sa kanya ng mensahe. Mabuti na lang bago siya matulog ay tumawag sa kanya si Manson at sinabing ayos lang ito kaya naman hindi na niya inungkat dito ang tungkol sa mensahe na natanggap.Kinabukasan, inumpisahan niya ang painting na personal niyang naisip. Iyon ay ang painting ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama ay magkamukha sila nito kaya naman ginam