Matagal na naghintay sa labas ng operating room si Manson. Ni hindi siya nakaramdam ng gutom kahit hindi siya nakapaghapunan. Kung hindi pa siya inabutan ni Robert ng bote ng tubig ay hindi pa niya ramdam ang pagkauhaw. “Boss, nakarating na si Mrs. Domingo,” pagbabalita ni Robert matapos nitong iabot ang bote ng tubig. Kaagad na tumayo si Manson upang salubungin ang biyenan. “Ma,” bati niya sa malungkot na boses. Mabilis siyang nilapitan ng kanyang ina na namamaga na ang mata sa kakaiyak. “Manson, anong nangyari? Nasaan ang anak ko? Kumusta na siya?” sunod-sunod na tanong ng kanyang biyenan. Habang nakikita ang nakakaawang mukha nito ay naging blangko ang isip ni Manson. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa ina ng asawa ang tunay na kalagayan ni Claire. Mabuti na lang, habang wala pa siyang naiisip na sasabihin ay bumalik na si Lt. General Turquino kasama ang ibang kapulisan ng San Jose Antique. “Mr. del Vega,” tawag sa kanya ng kaibigang heneral. “Ano’ng balita?” nagmama
Dalawang araw ang lumipas mula nang maaksidente si Claire ay saka lang siya nagising. Nananakit pa ang buo niyang katawan at halos hindi niya iyon maigalaw. Nang magmulat siya ng mata ay amoy ng medisina ang nanuot sa ilong niya at dahil konting liwanag lang ang umiilaw malapit sa kinahihigaan niya ay hindi niya mawari kung nasaan siya. Bigla siyang natuliro at ipinikit ang mata at bumalik sa isip ang huling pangyayari na naging resulta nang pagkaratay niya sa ospital.Nang muli siyang magmulat ay nakita niya si Manson na natutulog sa sofa malapit lang sa hospital bed. Nakaramdam siya ng awa sa asawa habang nakikita itong nakabaluktot at pinagkakasya ang katawan sa maliit na sofa. Hindi niya maiwasang haplusin ang tiyan na nababalot pa ng benda. Wala siyang ideya kung ano ang kalagayan ng kanyang anak. Gusto niyang tawagin ang asawa para tanungin ito pero siguradong pagod ito. Dahil may suwero ang isa niyang kamay ang malaya niyang kamay ang patuloy sa paghaplos sa kanyang flat na ti
“Claire, paano mo nasabi ‘yan? Kung ang pagkawala ng baby natin ang dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay. Puwede pa nating ayusin ‘to. Magkaka-baby ulit tayo, ‘wag ka lang makipaghiwalay, please…”Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi saka naikuyom ang kamao na nasa ilalim ng kumot at namumugto ang matang tumingin kay Manson. Tatlong araw na siyang umiiyak mula nang malaman niya na nawala ang anak niya. “Kung ganun lang sana kadaling tanggapin na mamatay ang taong malapit sa akin ay ipaglalaban ko ang relasyon natin.” Suminghot siya. “Ang daming napahamak dahil maraming may ayaw sa relasyon natin. “Si lola, kung hindi pa sinabi ni mama, ay hindi ko pa nalaman na kinitil niya ang kanyang buhay para lang pigilan ang pagdi-divorce natin. Si Dante, nakaratay din sa ospital at mahihirapan nang makalakad. Si Jonathan, si Jonathan…” Muli siyang napasinghot at hindi maituloy ang sasabihin. Naaalala niya kung paano magmakaawa sa kanya si Jonathan habang bumubulusok pababa ang van.
Lalong hinigpitan ni Manson ang pagkakahawak sa manibela habang ang mata ay nakadiretso pa rin kay Veena na bumakas ang takot sa mukha matapos siyang makita na dire-diretso ang pagmaneho at walang balak huminto. Nilamon na siya ng galit. Parang may bumubulong sa kanya na huwag huminto at banggain ang babaeng siyang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Claire. Nandilim ang paningin niya saka lalo pa niyang inapakan ang silinyador upang bumilis ang takbo ng kotse at hindi siya huminto hanggang bumangga ang kotse niya sa gate ng mansyon nina Veena. Sumabog ang airbag sa mukha niya at hindi niya makita kung nasaan ang babae, kung nagtagumpay siya sa ginawa. Oo, nababaliw na siya at wala sa tamang pag-iisip. May tama siya sa gilid ng mukha dahil nabangga siya sa nabasag na windshield pero ininda niya iyon. Narinig niya ang sigawan ng mga tao sa paligid lalo na ang ama ni Veena na agad lumabas nang marinig ang kumosyon. Ipinikit niya ang mata upang alisin ang pagkahilo saka lang
Sumama si Claire sa kanyang ina pabalik sa Maynila. Maraming kliyente ang naghahanap sa kanya na magpagawa ng painting o magpa-restore ng mga ceramics at balak niyang magpatayo ng sariling studio gamit ang perang naipon niya. Sa loob ng araw na nasa Antique siya ay hindi siya nakarinig ng ano man mula kay Manson. Nasasaktan siya pero ang tanging magagawa niya ay ang lunukin ang pait niyon. “Claire, bakit nakatunganga ka lang diyan at hindi pa nagbibihis? Hindi ba ang sabi mo ay may auction kang pupuntahan ngayon?”Biglang natauhan si Claire nang marinig ang boses ng kanyang ina na kinakausap siya. Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito habang nakatingin sa labas ng bintana dahil kung hindi ay makikita na nama siya nito na umiiyak. Pero hindi yata talaga kayang dayain ang puso ng mapagmahal na ina. Dahil bago pa man makasagot si Claire ay nilapitan na siya ni Mrs. Domingo saka marahang hinaplos ang kanyang likod.“Mahal mo si Manson pero bakit pumayag ka na makipaghiwalay? Pareho
Humigpit ang pagkakahawak ni Claire sa painting habang ang nagtatakang tingin ay palipat-lipat kay Manson at sa babae. “Sino siya?” kapagkuwan ay wala sa sariling tanong niya. Bago makasagot si Manson ay naunahan na ito ni Damon na nasa likuran ni Claire at humarang sa kanya. “Manson, bakit magkasama na naman kayo ni ate?”Lalong nagksalubong ang kilay ni Claire sa sinabi ni Damon. “Kilala mo siya?” tanong niya kay Damon na ang tinutukoy ang babae. Nilingon siya ni Damon saka malapad na ngumiti. “She’s my sister. And this one here,” lumapit ito kay Manson at inakbayan sa balikat. “He is Manson. A family friend.”Hindi sumagot si Manson bagkus ay umalis ito sa pagkakaakbay ni Damon at lumapit sa kanya. Tumigil ito sa harapan niya at puno nang pag-alalang nagtanong sa kanya. “Claire, how are you? Nabalitaan ko na naghahanap ka ng bahay para gawing studio. I can help you with it. May mga property pa ako na puwede kong ibigay sa ‘yo.”Napatulala si Claire habang nakatingin kay Manson.
Papasok na si Luke sa opisina nang biglang tumunog ang cellphone niya. It was an overseas call so he didn't have a choice but to answer. Isa lang ang alam niyang tatawag sa kanya mula sa ibang bansa, ang kanyang ina. “Yes, ma,” walang buhay na sagot niya. He pressed his thumb on the biometric scanner and the door to his office opened. Tahimik siyang pumasok habang pinapakinggan ang walang tigil na sermon ng kanyang ina. “Hanggang kailan ka makipagkita sa babaeng ‘yan? Alam mong asawa niya ang pamilyang ‘yon. Bakit kailangan mo pang idikdik ang sarili mo sa kanya?” Umupo si Luke sa mahabang sofa saka ipinatong ang dalawang paa sa mesa at patamad na sumandal. “They are already divorced and she is heartbroken. Pero you know naman, ma. I am not that kind of person who jumps in and reaches if a woman is in distress. Ayaw kong bigyan siya nang impression na sinasamantala ko ang kahinaan niya. I will wait. Dahil kung talagang gusto ko siyang makuhang muli ay matagal ko na siyang dinala di
“So, tama nga ang hinala ko na dito mo nilulunga ang babaeng ‘to?” Itinuro ni Mr. Perie si Claire na nasa likuran pa rin ni Manson. Ang kanyang ina ay may hawak na walis at nakahanda na para hampasin ang ama ni Manson anumang oras. Dumilim ang mukha ni Manson at naniningkit ang matang tiningnan ang ama habang ang kamay ay nakahawak sa beywang ni Claire upang itago ito sa likuran niya. “Ano’ng ginagawa mo rito? This is my property at wala kang karapatan pigilan kung sino man ang gusto kong patirahin dito.” Mr. Perie huffed in anger as his eyes stared darkly at the woman behind his son. “Claire, I’ll say this one more time. Layuan mo ang anak ko. Kung ayaw mong gawin ko ang sinabi ko sa ‘yo—”Nang marinig ni Mrs. Domingo ang sinabi ni Mr. Perie ay kaagad nitong iwinasiwas ang hawak na walis. “At sino sa tingin mo ang pinagbabantaan mo? Akala mo matatakot kami sa ‘yo? Aba, matagal-tagal na akong nagtitimpi sa ‘yong matanda ka!”Mabilis na lumabas si Claire mula sa likuran ni Manson at
Habang masayang naglalambingan sina Claire at Manson ay may isang tao naman na abala sa pagpaplano para patunayan kung totoo nga na mag-ama sina Claire at Mr. Khaleed.“Boss, may sample na kaming nakuha mula kay Miss Claire at Mr. Khaleed. Hinihintay na lamang ang resulta ng magiging paternity test kung magtutugma nga ba na mag-ama silang dalawa.”Lumawak ang pagkakangisi ni Bruce nang marinig ang sinabi ng assistant. Hindi niya akalaing mabilis itong kumilos matapos niyang utusang mag-imbestiga tungkol sa tunay na relasyon nina Claire at Mr. Khaleed. Noong una niyang makita na masayang nag-uusap ang mga ito kasama ang kanyang kapatid at ama ay binalot ng pagseselos ang kanyang puso kaya naman ginawa niya ang lahat para sirain ang mga ito. Hindi siya makakapayag na malalamangan na naman siya ni Manson.Sa ngayon, ang tanging hihintayin niya ay ang paglabas ng resulta ng paternity test na isinagawa ng assistant niya. Isang araw lang ang lumipas ay agad na niya iyong natanggap. Dali-dal
Mabigat pa rin ang loob ni Manson nang makauwi sila sa bahay at kahit kanina pa ito nilalambing ni Claire ay alam niyang hindi pa rin nawawala ang pagseselos nito. Kaya naman isang desisyon ang nabuo sa isip ni Claire nang makapasok sila sa loob. Silang dalawa lang ni Manson ang naroon dahil may pinagkakaabalahan si Aurora kasama ang kapatid nitong si Austin. Si Manang Silva naman ay umuwi sa probinsya nito dahil maysakit ang apo nito. Claire went directly to the kitchen and poured a glass of water and drank it before pouring another and taking it back to Manson, who was still sulking on the sofa. Kinuha ni Manson ang baso at inisang lagok ang laman niyon saka namumungay ang matang tumingin sa kanya na nakatungo rito. “Are you still jealous?” nakangiting tanong niya. Nilapit niya pa ang mukha sa mukha nito hanggang maamoy ang alak sa hininga nito. Her lips hovered above his. “Do you want me to make you feel better?” she teased. Kinakabahan siya sa gusto niyang gawin pero hindi niya
Dahil maraming kakilala ang kanyang ama na mga taong mahilig sa painting ay marami ang natuwa nang isa-isang ipinakilala ang mga iyon kay Claire. Nadagdagan na naman ang magiging kliyente niya pero upang matuwa ang ama ay pinagbigyan niya ito lalo na ang kasosyo nito sa negosyo na si Mr. Fulan. Kasama ni Mr. Fulan ang anak nito na si Kranji na halos kasing-edaran lang ni Claire. “Masaya ako na nakita na kita sa personal, Claire. Sinubaybayan ko lahat ng palabas mo. Hindi ka lang sa TV maganda. Mas maganda ka pa sa personal.” Inilahad nito ang palad para makipagkamay sa kanya na kiyeme namang tinanggap ni Claire. Wala si Manson sa tabi niya dahil isinama ito ng ama pati na rin si Bruce na hindi niya alam na nandoon din pala para kausapin ang kakilala ng mga ito na maging potensyal na kasosyo sa negosyo. Iyon ang bulong sa kanya kanina ni Manson bago ito umalis. Kaya naman sa paglalim ng gabi ang tanging kasama ni Claire ay ang kanyang ama pati na rin ang mag-amang Fulan at Kranji.
Kinabukasan ay isinama si Claire ng kanyang ama sa art exhibition nito na ginanap sa isang art gallery. Dahil nga pareho silang mahilig sa pagpipinta ay kaagad na pumayag si Claire. Hindi nakasama si Manson dahil may pinagkakaabalahan pa ito sa opisina nito at hindi niya alam kung maaga itong makatapos para samahan siya. Manghang-mangha si Claire sa dami ng taong dumalo sa art exhibit ng kanyang ama. Tunay ngang karapat-dapat itong tawagin magaling dahil sa napakametikuloso nitong obra. Karamihan sa naka-display na painting ay binibenta at marami ngang tao ang may gustong bumili. Kaya naman para hindi magkagulo ay ginawaan iyon ng tila maliit na auction. Bago matapos ang show, lahat ng taong gustong bilhin ang painting na nagugustuhan ay ilalagay nila ang binigay nilang presyo sa maliit na box katabi ng painting. “You are really famous, pa. Nanliliit ako.” Nilingon ni Claire ang ama na abala sa pag-iintroduce sa kanya ng mga obra nito. Maraming tao ang gustong lumapit para makipag-u
Upang alisin ang lungkot sa puso ni Claire dahil sa sinabi rito ni Veena ay dinala siya ng kanyang ama sa private resort nito sa Subic kung saan ang malaking private villa nito ay pinapamahalaan ng kanyang tatlong pinsang lalaki. Noong una ay ayaw pang pakausapin ni Manson si Claire sa mga ito pero dahil anak ito ng pinsan ng kanyang ama ay walang nagawa si Manson kundi ang hayaan siyang mag-bonding sa mga ito. Sinulit niya ang mga panahong malayo siya sa piling ng kamag-anak, lalong-lalo ng kanyang ama. “Nagustuhan mo ba dito, anak?” tanong ng kanyang ama habang nagsalo-salo sila sa tabi ng pool.“Yes, pa. Ang tagal ko na ring hindi nakapag-enjoy dahil sa trabaho. Salamat at dinala mo ako rito.”“Huwag mong pabayaan ang sarili mo, anak. Hindi porke’t marami kang kliyente ay aabusuhin mo na rin ang sarili mo. Kailangan mo ring magliwaliw kung minsan,” puno ng pag-aalala ang boses ng kanyang ama. Malayo ang tingin nito at tila may inaalala.Gustong tanungin ni Claire kung ang kanyan
“Pa?” tawag ni Claire sa ama nang matagal na hindi ito makasagot. Nakagat niya ang kuko sa hinlalaki habang hindi mapakaling naghintay sa isasagot ng kanyang ama. Kahit na si Manson na nasa kanyang tabi ay labis din na nag-alala dahil sa ikinikilos niya. “Claire, ‘wag mo na pansinin ang sinabi ni Veena. Alam mo naman ang bunganga ng isang ‘yn, puro kasinungalingan ang lumalabas.” Hindi nagresponde si Claire dahil alam niyang gusto lang ni Manson na pagaanin ang loob niya. Pero dahil hindi pa sinasabi sa kanya ng ama at tila itinatago nito sa kanya ang katauhan ng ina ay hindi niya maiwasang paniwalaan si Veena. “Claire…” makaraan ang ilang segundo ay saka tuluyan siyang sinagot ng kanyang ama. “Tama ang asawa mo. Isang sinungaling babae si Veena kaya hindi mo siya dapat pinapaniwalaan. Isang mabuting tao ang iyong ina at galing siya sa disenteng pamilya. Napakabait niya para sabihan na wala siyang moral. Hindi ka bastarda, Claire, tandaan mo ‘yan. Isa pa, maniwala ka sana sa akin n
Kinabukasan ay inimbitahan ni Manson si Claire na dumalo sa isang charity auction para sa mga batang inulila ng magulang. Kung noon ay hindi siya sinasama ni Manson dahil hindi siya sanay sa ganitong klaseng pagtitipon ngunit nang ilang beses na hindi siya pumayag na pakasalan niyang muli ang dating asawa ay gusto naman siya nitong ibida sa lahat. Gusto nitong ipaalala na mayroon ng babaeng nagmamay-ari rito. Napailing na lang si Claire habang nakatingin sa eleganteng dekorasyon ng hall kung saan ginanap ang auction. Alam niyang ang dahilan kung bakit gustong ipaalam ni Manson sa buong mundo kung sino siya ay para pigilan ang kanyang ama na ipag-blind date siya sa ibang lalaki.Nagsimula ang auction, pero wala pang nakakakuha ng atensyon ni Claire. Ang tanong inaabangan niya lang ay ang makalumang kuwentas na halos dalawang daan taon na ang edad. Malapit na ang kaarawan ng kanyang ina kaya naman nais niyang regaluhan ito. Binilhan na ito ni Manson ng ticket para makapamasyal ito sa H
Upang i-celebrate ang pagkikita ng nagkawalay na mag-ama ay nagkaroon ng salo-salo sa bahay nina Khaleed pero ang tanging bisita lamang ay sina Manson, Nana at Mr. Perie. Ganunpaman ay napuno ng pagkain ang mesa at magkasalitan ang dalawang matanda, kasama na si Mr. Khaleed sa pag-aasikaso kay Claire. Halos hindi na niya maubos ang pagkain dahil sa walang tigil na pagbibigay ng mga ito kaya naman nagmamakaawa siyang tumingin kay Manson para tulungan siya nito. Hindi naman siya binigo dahil ito ang umubos ng lahat ng pagkain sa plato niya saka sinaway na nito ang tatlo. Samantala, ang nakamasid na si Mr. Perie, na hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa naging estado ng buhay ni Claire, ay may pagkabahala sa mukha. Nang malaman niya na si Claire ay anak ni Khaleed ay kung ano-anong salita na ang nabuo sa kanyang isip habang bumabiyahe papunta sa villa ng mga Valloubos. Dahil sa masamang ginawa niya kay Claire ay siguradong magkakaroon ng impak ang pagtrato sa kanya ng mga Vall
Halos dalawang-araw lang ang lumipas nang may matanggap na tawag si Claire mula sa pulisya. Mayroon daw taong naghahanap sa kanya at ang pakilala nito ay ito ang tunay niyang ama. Dala ng labis na tuwa ay agad siyang gumayak at iniwan kay Aurora ang natirang pagre-restore ng ceramic vases. Pero bago siya umalis ng bahay ay tinawagan muna niya si Manson at ipinaalam dito ang natanggap na magandang balita. At dahil isang mapaghinalang tao si Manson ay hindi agad ito naniwala na ang lalaking naghihintay sa kanya ay kanyang tunay na ama kaya naman sumama ito sa kanya sa camp crame. “Claire, sigurado ka bang siya ang ama? Naniniwala ka sa sinasabi niya? Bakit pinalipas niya ang mahigit dalawampung-taon bago ka niya hinanap?” hanggang sa makaapak sila sa entrance at makaharap ang lalaking nagpakilalang ama niya ay puno pa rin nang paghihinala si Manson. Isa siyang negosyante kaya sa lahat ng bagay dapat ay maingat at maselan siya sa pagpili at pagdedesisyon para siguradong panalo. Nilingo