Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na pumasok si Manson sa sulsol ni Mr. Salvador. “Sige na, Manson. Pumasok ka na sa loob. Naghihintay na sa ‘yo ang asawa mo.” Isang mata ni Manson ang nakamulat at ang isang mata ay nakapikit. Sa pamamagitan niyon ay nakokontrol niya ang pagdoble ng paningin at pagkahilo. Sumandal siya sa pader sa tabi ng pintuan at idinuro si Mr. Salvador. “Lasing lang ako, pero hindi ako bobo. This is not the room I booked for me and my wife. Bakit mo ako dinala rito?”Imbes na sumagot aykinidatan lang siya ni Mr. salvador at mabilis na isinara ang pinto pagkalabas. Pero isang segundo ang lumipas ay dumungaw ito sa pinto at nakangising nagsalita. “Hindi mo ba alam na minsan masarap din tumikim ng ibang putahe?” Pagksabi niyon ay mabilis nitong isinara ang pinto at hindi na muling nagpakita. Samantala, naisandal ni Manson ang ulo sa pder at mariing napapikit. The room smells unfamiliar. Hindi niya maamoy ang pabango na naamoy niya kanina sa asawa. Nagka
Ilang araw ang matapos ang pagdaraos ng founding anniversary ng del Vega group ay saka lang nalaman ni Manson ang totoo kung sino ang naglagay ng droga sa inumin niya. At ngayong gabi ay bibisitahin niya ang taong sumaling sa kanya, ang pinakakamamahal niyang kapatid upang turuan ito ng leksyon.Noong umaga kinabukasan matapos ang party ay saka lang niya nalaman na dinungisan ng kapatid ang pangalan niya at nag-upload ng video patungkol sa kanya at kay Veena kahit wala namang katotohanan. Nang araw ding iyon ay nagpatawag siya ng media conference upang linisin ang pangalan niya at binura lahat ng videos na nagkalat sa social media. But the damage has been done and there is no way the investors who favored him were not disappointed. Kaya ngayon ay ipapatikim niya sa kapatid kung paano gumanti ang isang Manson del Vega. Kasama ang assistant at ilang tauhan ay tinungo ni Manson ang lungga na pinagtataguan ng kapatid, isang club sa Quezon City na pagmamay-ari nito. The place was decent o
Ilang araw ang lumipas ay nabalitaan ni Manson kung ano ang naging resulta ng paghihiganti niya kay Veena at Bruce. Excited pa ang driver niyang si Jonathan, nang ibalita sa kanya ang resulta ng imbestigasyon nito. “Ano’ng sinabi mo? Buntis si Veena?” hindi makapaniwala si Claire sa narinig. Nakaupo siya sa tabi ng asawa habang kaharap nila ang driver at nagbibigay ng report. Bago sila pumunta sa OB para magpa-check up ay pinaakyat muna ito ni Manson upang kastiguhin tungkol sa resulta ng pagmamanman nito. At ngayon ngang mabunga ang dala nitong balita ay hindi makapaniwala si Claire sa narinig. Kung hindi sinabi ni Manson sa kanya ang tungkol sa ginawa nito kay Veena at Bruce ay iisipin niyang ang asawa ang ama ng dinadala ni Veena dahil sa nangyari noong gabi ng party. “Sigurado po ako, Miss Claire. Narinig ko mismo mula sa bibig ni Miss Veena na buntis siya. At ngayong araw nga ay pupunta ang mag-ina kina Mr. Peire upang panagutin si Bruce.” Isang nakakalokong ngisi ang p
“I’m sorry, Claire. My father had assigned me an urgent task. Hindi ako makakasama sa ‘yo sa Antique.” Hinawakan ni Claire ang palad ni Manson at bahagya iyong pinisil. “Walang problema. Kasama ko naman ang driver at tauhan mo ‘di ba? Saka, hindi naman kami magtatagal doon at babalik kami kaagad pagkatapos ng seremonya,” paliwanag niya saka ito nginitian. Pinayagan siya ng doktor na bumiyahe dahil maayos na ang kapit ng bata sa kanyang tiyan, pero kailangan pa rin niya ng ibayong pag-iingat. Nasa terrace ang mag-asawa at nagre-relax habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakaupo si Manson sa rattan chair habang nakakandong naman dito si Claire. Bukas ng umaga ang flight ni Claire kasama si Jonathan, ang driver, at ang tauhan na si Dante. Si Dante rin ang naging kasama niya noong pumunta siya sa Davao para sa restoration ng cave painting. Kaya ito ang pinili ni Claire ay dahil pamilyar na siya sa dalawa at masayahin ang mga itong kasama, hindi siya mabo-bored. “Hindi ako komport
Next:“Mag-iingat ka doon, iha. Huwag masiyadong magpakapagod,” bilin ni Manang Silva habang pinapabaunan siya nito ng sari-saring pasalubong para sa kamag-anakan niya. Mga pastilyas iyon galing sa Laguna at iba pang minatamis. “Salamat po,” pagpapasalamat ni Claire. “Hindi na ho sana kayo nag-abala pa.”“Naku, wala iyon, iha. Ikumusta mo na lang ako doon sa inyo.”“Sige po,” ani Claire. May mga naging kaibigan si Manang Silva sa probinsiya nila noong namalagi ito noon sa kanila. At dahil sa makabagong teknolohiya ay hindi nawalan ng kontak ang mga ito. “Huwag kayong mag-alala, manang. Kapag may pagkakataon ay isasama ko kayong muli sa amin.”Nginitian siya ng ginang. “Hala, sige na at baka ma-late pa kayo. Alam niyo naman kung gaano ka-traffic ang daan papuntang airport.”“You are right, manang,” sabad ni Manson. Kalalabas lang nito galing sa kuwarto at nakabihis na rin ng damit pangtrabaho. Bumaling ito kay Claire. “If you are ready, let’s go?” Inilahad nito ang palad na agad naman
Sa sandaling nakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Manson isang tawag mula kay Claire ang natanggap niya. Labis ang tuwang kanyang naramdaman pero ganoon na lang ang pagtataka niya nang imbes na boses ng asawa ang marinig ay boses ng lalaki ang bumungad. Salitang karay-a ang sinasabi nito kaya hindi maintindihan ni Manson ang sinasabi nito lalo pa at mabilis ang pagkakasalita nito. “Sandali. Sino ka? Bakit hawak mo ang cellphone ng asawa ko?” nagtatakang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan lalo na nang marinig ang pagmamadali sa boses ng lalaki. “Pasensya na po, ser, kung hindi niyo ako naintindihan pero emergency po ang tawag ko. Nandito po sa ospital ang may-ari ng cellphone na ito dahil naaksidente po ang sinasakyan nilang van at nahulog sa bangin.”Matigas ang tagalog ng lalaking tumatawag pero klaro itong naiintidihan ito ni Manson na parang bombing sumabog sa kanyang buong pagkatao.“Ano’ng sinabi mo?” halos pabulong na tanong niya. Lumakas ang kaba
Matagal na naghintay sa labas ng operating room si Manson. Ni hindi siya nakaramdam ng gutom kahit hindi siya nakapaghapunan. Kung hindi pa siya inabutan ni Robert ng bote ng tubig ay hindi pa niya ramdam ang pagkauhaw. “Boss, nakarating na si Mrs. Domingo,” pagbabalita ni Robert matapos nitong iabot ang bote ng tubig. Kaagad na tumayo si Manson upang salubungin ang biyenan. “Ma,” bati niya sa malungkot na boses. Mabilis siyang nilapitan ng kanyang ina na namamaga na ang mata sa kakaiyak. “Manson, anong nangyari? Nasaan ang anak ko? Kumusta na siya?” sunod-sunod na tanong ng kanyang biyenan. Habang nakikita ang nakakaawang mukha nito ay naging blangko ang isip ni Manson. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa ina ng asawa ang tunay na kalagayan ni Claire. Mabuti na lang, habang wala pa siyang naiisip na sasabihin ay bumalik na si Lt. General Turquino kasama ang ibang kapulisan ng San Jose Antique. “Mr. del Vega,” tawag sa kanya ng kaibigang heneral. “Ano’ng balita?” nagmama
Dalawang araw ang lumipas mula nang maaksidente si Claire ay saka lang siya nagising. Nananakit pa ang buo niyang katawan at halos hindi niya iyon maigalaw. Nang magmulat siya ng mata ay amoy ng medisina ang nanuot sa ilong niya at dahil konting liwanag lang ang umiilaw malapit sa kinahihigaan niya ay hindi niya mawari kung nasaan siya. Bigla siyang natuliro at ipinikit ang mata at bumalik sa isip ang huling pangyayari na naging resulta nang pagkaratay niya sa ospital.Nang muli siyang magmulat ay nakita niya si Manson na natutulog sa sofa malapit lang sa hospital bed. Nakaramdam siya ng awa sa asawa habang nakikita itong nakabaluktot at pinagkakasya ang katawan sa maliit na sofa. Hindi niya maiwasang haplusin ang tiyan na nababalot pa ng benda. Wala siyang ideya kung ano ang kalagayan ng kanyang anak. Gusto niyang tawagin ang asawa para tanungin ito pero siguradong pagod ito. Dahil may suwero ang isa niyang kamay ang malaya niyang kamay ang patuloy sa paghaplos sa kanyang flat na ti
“Ma!” muling sigaw ni Claire pero mas nangibabaw ang tawa ni Ronaldo. Ang bag na naglalaman ng pera ay matagal nang nakuha ng anak nito. “Pareho lang kayo ng iyong ina, Claire. Parehong hibang at hindi nag-iisip!” lalo pa itong tumawa nang malakas na sinabayan ng anak nito. Napatungo si Claire at tahimik na napangisi. May ilang metro ang layo niya sa mag-ama. Upang kunwari ay nasaktan siya sa ‘paghulog’ kuno ng kanyang ina ay napaluhod siya sa semento at umiyak. Pero iyon ay isang hudyat para kumilos ang kasamahan niya na hindi alam ng mag-ama na kasama pala niya. Dalawang magkasabay na putok mula sa sniper ang umalingawngaw sa kalaliman ng gabi at kasunod niyon ay ang pagbagsak ng mag-ama. Natamaan ang mga ito sa parehong braso at ang kutsilyo na hawak nito bilang panakot sa kanya. Kasunod nang pagbagsak ng dalawa ay agad na lumabas sa pinagtataguan ang mga pulis na kasama ni Claire pati na rin si Manson. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong niyakap nang mahigpit. “A
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
“Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?” pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at ‘wag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. “Saang banda ang sumasakit? Ito ba?” Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. “No.”Hinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin