Kinahapunan pagkaalis ni Meesha ay saka naman dumating si Mr. Campbell. Hindi inaasahan ni Claire ang pagbisita sa kanya ng kanyang guro kaya napuno nang katahimikan ang buong silid. Silence as a needle drop. Hindi pa rin nakakabalik si Manson at kahit si Manang Silva ay nasa bahay pa rin nila upang kumuha ng kanyang gamit. Kaya ang tanging nasa kuwarto ngayon ay ang master-apprentice pair. Hindi na sumasakit ang tiyan niya at matagal na ring tumigil ang kanyang pagdurugo, at kaya na niyang bumaba sa kama. Magkatapat silang nakaupo sa sofa ngayon pero hindi niya kayang tingnan nang diretso ang matanda. Hindi alam ni Claire kung ano ba ang dapat sabihin. Isang kalabog ang bumasag sa katahimikan na ikinagulat ni Claire. Nang tingnan niya kung ano ang nangyari ay nakita niya ang kanyang guro na nakaluhod sa sahig.“Master! Ano pong ginagawa niyo?” Tumayo siya at dali-dali itong nilapitan saka tinulungang makatayo. Ngunit nagmamatigas si Mr. Campbell at nanatili sa pagkakaluhod. “Claire
“See, iho? Si Veena na mismo ang nagkumpirma na ikakasal na kayo.” “She’s lying. We are not even close.”Dumilim ang mukha ni Manson at mahigpit na hinawakan ang braso ni Veena na nakalingkis sa kanya at marahas iyong ipiniksi. Pinandilatan niya ito habang nandidiri na nakatingin dito. “Gawin mo pa ulit ‘yan at mapapahiya ka sa akin,” malamig ang boses na banta niya at mabilis itong tinalikuran. Kahit tinatawag siya ni Mr. Salvador ay hindi niya ito nilingon. Nawala ang gana ni Manson na uminom kaya ang wine na iniabot sa kanya ni Mr. Salvador ay ibinalik niya sa dumaang waiter. Lumapit siya sa mesa kung saan nakaupo ang kapatid niyang si Meesha. Naroon din si Bruce pero hindi niya ito sinulyapan at si Meesha lang ang binati. “Oh, bakit sambakol ‘yang mukha mo? Hindi ka ba pinayagan ni Ate Claire na pumunta?” Naikuyom ni Manson ang palad na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Nah. If there were a choice, I would prefer to be in bed and get cozy with my wife rather than be here and se
“Manson…”Hanggang makabalik sila sa mesa ay hindi pa rin makapaniwala si Claire na tuwang-tuwa siyang ipinagmalaki ni Manson sa lahat ng taong nasa party. Kaytagal niyang inasam ito at ngayon ngang nangyari ito ay hindi niya ma-explain ang tuwang nararamdaman. Tila ba isang bituin ang kanyang naabot at ayaw na niyang pakawalan. Ngunit sa kabila niyon ay may munting kaba na tumubo sa kanyang puso. Ngayong nalaman na ng lahat na siya ang asawa ni Manson, inposibleng walang gagawin si Mr. Perie. Lalo na na halos lumuwa ang mata nito sa galit kanina habang nakatitig sa kanila ni Manson. “Relax, my wife. Ngayong alam na nila na ikaw ang asawa ko ay walang makakasaling sa ‘yo.” Hinawakan ni Manson ang palad niya at pinagsalikop ang daliri nila saka masuyo iyong pinisil.Nang maramdaman ang init mula sa palad ng asawa ay kumalma ang magulong isip ni Claire. Kahit nakapaghapunan na siya galing sa apartment ay marami pa rin siyang nakain sa party. Marahil ay dala iyon ng pagbubuntis pero pak
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na pumasok si Manson sa sulsol ni Mr. Salvador. “Sige na, Manson. Pumasok ka na sa loob. Naghihintay na sa ‘yo ang asawa mo.” Isang mata ni Manson ang nakamulat at ang isang mata ay nakapikit. Sa pamamagitan niyon ay nakokontrol niya ang pagdoble ng paningin at pagkahilo. Sumandal siya sa pader sa tabi ng pintuan at idinuro si Mr. Salvador. “Lasing lang ako, pero hindi ako bobo. This is not the room I booked for me and my wife. Bakit mo ako dinala rito?”Imbes na sumagot aykinidatan lang siya ni Mr. salvador at mabilis na isinara ang pinto pagkalabas. Pero isang segundo ang lumipas ay dumungaw ito sa pinto at nakangising nagsalita. “Hindi mo ba alam na minsan masarap din tumikim ng ibang putahe?” Pagksabi niyon ay mabilis nitong isinara ang pinto at hindi na muling nagpakita. Samantala, naisandal ni Manson ang ulo sa pder at mariing napapikit. The room smells unfamiliar. Hindi niya maamoy ang pabango na naamoy niya kanina sa asawa. Nagka
Ilang araw ang matapos ang pagdaraos ng founding anniversary ng del Vega group ay saka lang nalaman ni Manson ang totoo kung sino ang naglagay ng droga sa inumin niya. At ngayong gabi ay bibisitahin niya ang taong sumaling sa kanya, ang pinakakamamahal niyang kapatid upang turuan ito ng leksyon.Noong umaga kinabukasan matapos ang party ay saka lang niya nalaman na dinungisan ng kapatid ang pangalan niya at nag-upload ng video patungkol sa kanya at kay Veena kahit wala namang katotohanan. Nang araw ding iyon ay nagpatawag siya ng media conference upang linisin ang pangalan niya at binura lahat ng videos na nagkalat sa social media. But the damage has been done and there is no way the investors who favored him were not disappointed. Kaya ngayon ay ipapatikim niya sa kapatid kung paano gumanti ang isang Manson del Vega. Kasama ang assistant at ilang tauhan ay tinungo ni Manson ang lungga na pinagtataguan ng kapatid, isang club sa Quezon City na pagmamay-ari nito. The place was decent o
Ilang araw ang lumipas ay nabalitaan ni Manson kung ano ang naging resulta ng paghihiganti niya kay Veena at Bruce. Excited pa ang driver niyang si Jonathan, nang ibalita sa kanya ang resulta ng imbestigasyon nito. “Ano’ng sinabi mo? Buntis si Veena?” hindi makapaniwala si Claire sa narinig. Nakaupo siya sa tabi ng asawa habang kaharap nila ang driver at nagbibigay ng report. Bago sila pumunta sa OB para magpa-check up ay pinaakyat muna ito ni Manson upang kastiguhin tungkol sa resulta ng pagmamanman nito. At ngayon ngang mabunga ang dala nitong balita ay hindi makapaniwala si Claire sa narinig. Kung hindi sinabi ni Manson sa kanya ang tungkol sa ginawa nito kay Veena at Bruce ay iisipin niyang ang asawa ang ama ng dinadala ni Veena dahil sa nangyari noong gabi ng party. “Sigurado po ako, Miss Claire. Narinig ko mismo mula sa bibig ni Miss Veena na buntis siya. At ngayong araw nga ay pupunta ang mag-ina kina Mr. Peire upang panagutin si Bruce.” Isang nakakalokong ngisi ang p
“I’m sorry, Claire. My father had assigned me an urgent task. Hindi ako makakasama sa ‘yo sa Antique.” Hinawakan ni Claire ang palad ni Manson at bahagya iyong pinisil. “Walang problema. Kasama ko naman ang driver at tauhan mo ‘di ba? Saka, hindi naman kami magtatagal doon at babalik kami kaagad pagkatapos ng seremonya,” paliwanag niya saka ito nginitian. Pinayagan siya ng doktor na bumiyahe dahil maayos na ang kapit ng bata sa kanyang tiyan, pero kailangan pa rin niya ng ibayong pag-iingat. Nasa terrace ang mag-asawa at nagre-relax habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakaupo si Manson sa rattan chair habang nakakandong naman dito si Claire. Bukas ng umaga ang flight ni Claire kasama si Jonathan, ang driver, at ang tauhan na si Dante. Si Dante rin ang naging kasama niya noong pumunta siya sa Davao para sa restoration ng cave painting. Kaya ito ang pinili ni Claire ay dahil pamilyar na siya sa dalawa at masayahin ang mga itong kasama, hindi siya mabo-bored. “Hindi ako komport
Next:“Mag-iingat ka doon, iha. Huwag masiyadong magpakapagod,” bilin ni Manang Silva habang pinapabaunan siya nito ng sari-saring pasalubong para sa kamag-anakan niya. Mga pastilyas iyon galing sa Laguna at iba pang minatamis. “Salamat po,” pagpapasalamat ni Claire. “Hindi na ho sana kayo nag-abala pa.”“Naku, wala iyon, iha. Ikumusta mo na lang ako doon sa inyo.”“Sige po,” ani Claire. May mga naging kaibigan si Manang Silva sa probinsiya nila noong namalagi ito noon sa kanila. At dahil sa makabagong teknolohiya ay hindi nawalan ng kontak ang mga ito. “Huwag kayong mag-alala, manang. Kapag may pagkakataon ay isasama ko kayong muli sa amin.”Nginitian siya ng ginang. “Hala, sige na at baka ma-late pa kayo. Alam niyo naman kung gaano ka-traffic ang daan papuntang airport.”“You are right, manang,” sabad ni Manson. Kalalabas lang nito galing sa kuwarto at nakabihis na rin ng damit pangtrabaho. Bumaling ito kay Claire. “If you are ready, let’s go?” Inilahad nito ang palad na agad naman
Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang
Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa