Patuloy pa rin sa pag-iyak si Veena. Balewala rito ang pagbabanta ni Luke. âPuwede ba umalis ka na? Hindi nakakatulong ang pag-iyak mo. Mabuti pa ay umalis ka na at mas mapadali pa ang pagtulog ko kay Mr. Campbell.âWalang nagawa si Veena kundi ang umalis at iwan sila ni Mr. Campbell. Nang wala na ito sa paningin ni Luke ay saka siya nagsalita. âSheâs gone. Puwede ka nang bumangon.â Saka lang siya tumigil sa pagsi-CPR kay Mr. Campbell nang wala na si Veena. Dahil sa organizer ay muling bumalik ang mga tao sa party at nagpatuloy sa kasiyahan kaya ang dalawa na lang ang natira sa gilid ng pond. Malaya na silang makapag-usap dahil wala nang ibang taong makakarinig. Ang totoo ay kanina pa nagising si Mr. Campbell pero dahil umaatungal si Veena sa tabi niya ay hindi ito nagmulat ng mata. Hinayaan na rin ito ni Luke na magkunwari.âTalagang walang nakakaligtas sa âyo.â Napapailing na saad ni Mr. Campbell. Ngumisi si Luke at tinulungan ang matanda na makaupo. Umubo ito at nagsuka ng tubi
Nang bumalik ang mag-ina sa loob ng bahay, karamihan sa mga bisita ay nakaalis na, at ang natitira na lang ay ang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanyang lolo. Nang makita ito na masayang nakikipag-usap at buhay na buhay ay tila nabunutan ng ilang dosenang tinik sa lalamunan si Veena. Ang buong akala niya ay may masamang nangyari sa lolo niya base sa pagkakasabi sa kanya ni Luke. Kaagad niya itong nilapitan. âLo,â tawag niya sa nag-aalala pa ring boses. Imbes na matuwa nang makita siya ay isang malamig na tingin ang ipinukol ni Mr. Campbell sa kanya. Natameme si Veena at saka lang naalala ang ayos. Mula kanina ay hindi pa siya nakapagbihis at kahit ang amoy niya ay amoy putik pa rin. âAno pang hinihintay mo diyan, Veena? Magsisimula na ako sa paka-cut ng cake, bakit hindi ka pa rin nakabihis?âYumuko ang dalaga saka agad na sinunod ang sinabi ng lolo at umakyat sa inuukupang guestroom upang magbihis. Hindi nakaligtas sa paningin niya sina Manson at Claire na naglalambingan
Kinabukasan, nang bumalik si Luke sa opisina ay isang hindi inaasahang bisita ang naghihintay sa kanya. Hindi niya gustong i-entertain ito pero mapilit ang babae.âMr. del Vega, alam kong gusto mo rin si Claire. Bakit ka ba nagmamatigas sa suhestiyon ko? Kung tutulungan mo akong paghiwalayin sina Claire at Manson ay sisiguraduhin kong mapapasaiyo ang babaeng gusto mo.âMahinang napatawa si Luke. Ang klase ng tawa na hindi mo gugustuhing marinig. Ang kanyang tsokolateng mata ay biglang tumalim habang nakatitig sa kausap.âGet out, Ms. Coltre. Speak no more if you donât want me to cut off your poisonous tongue,â malamig ang boses na banta niya. Umupo si Luke sa kanyang swivel chair at pinaikot iyon upang humarap sa dingding na salamin at tingnan ang magulong trapiko sa kalsada. Sa totoo lang, sa kagustuhan niyang mapasakamay muli si Claire ay pumasok sa isip niya na sapilitan itong kunin kay Manson. Kung puwede lang ay kidnap-in niya ito at dalhin sa ibang bansa ay gagawin niya. Pero h
Nang marinig ang sinabi ng kanyang ina ay labis na tuwa ang bumalot sa mukha ni Manson.âSigurado ka ba, ma?â Naninigurong tanong niya rito. Inalalayan niya si Claire na umupo sa sofa habang hinihintay ang kasambahay na bumalik. Inutusan niya itong bumili ng pregnancy test kit sa botika, hindi kalayuan sa mansyon ni Nana, dahil excited siyang malaman kung totoo nga ang hinala ng kanyang ina na buntis ang asawa. Napaismid ang kanyang ina at umupo sa tabi ni Claire saka masuyong hinagod ang likod nito upang pagaanin kahit papaano ang nararamdaman nito. âI have similar symptoms when I discovered I was pregnant with you. Kaya hindi ako nagkakamali. Are you doubting me? May experience ako, iho, kaya âwag mo akong maduda-dudahan.âNapatawa si Manson. Kahit pinagsabihan siya ng ina ay wala siyang nakitang galit sa mukha nito kundi purong tuwa. Kahit ang kanyang loloât lola ay tuwang-tuwa rin habang hinihintay ang pagbabalik ng kasambahay. Habang si Claire ay nanlalanta ang katawan na nakas
Kinagabihan, dahil sa sobrang tuwa ni Nana sa pagbubuntis ni Claire ay inanyayahan sila nito na manatili sa mansyon upang maghapunan. Ngunit ang hindi alam ng batang mag-asawa ay inanyayahan nito ang ama ni Manson. At hindi lang âyon, ang labis na ikinagulat ng lahat, lalo na si Manson, ay ang makita ang matandang kapatid nito na si Bruce. Kapatid ito ni Manson sa ama, anak ng ex-girlfriend nito. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ni Manson ay halos tatlong beses niya lang din nakita si Bruce. Hindi magkasundo ang magkapatid at kahit si Nana ay hindi ito gusto. Kaya nang pumasok ang mag-ama sa hapagkainan, ang masayang kuwentuhan ay biglang naging walang-buhay. âAng balita ko ay buntis ang asawa mo, Manson?âTumungo si Claire dahil sa pandidiri na nababasa niya sa boses ng ama ni Manson. âYes, pa,â tipid na sagot ng asawa. Palihim nitong pinandilatan ng mata si Nana dahil alam nitong ang lola nito ang nagsumbong kay Mr. Perie. âCongratulations, bro. Magkakaanak ka na sa bat
Halos lumuwa ang mata ni Claire nang makita ang biyenan. Tila isa itong dyosa na may matigas na personalidad habang kaharap nito ang asawa. At mas exciting iyon panoorin kaysa ang pagsasabi ni Mr. Peire ng tungkol sa pagiging tagapagmana nito. Ni hindi ito makapagsalita. Napatingin siya sa asawa at makahulugang kindat ang isinagot nito. Umangat ang isang kilay niya at napangisi dahil alam niya kung ano ang nais ipahiwatig ng ngisi nito. Ag ibig sabihin, ang ginawag pagsugod at paglapag ng tungkol sa divorce ay pinlano na nang mag-ina. Naisip marahil ni Morsheire na darating ang asawa nito at lilikha ng gulo, dahil imposibleng hindi nito malalaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Claire, kaya agad ang mga itog nag-isip kung ano ang puwedeng ipangtapat dito.Ilang segundo na hindi nakasagot si Mr. Peire kay Morsherie. Nawalan ng pasensya ang kanyang biyenang babae kaya malakas nitong kinatok ang mesa sa tapat ni Mr. Piere at patuyang nagsalita. ââDi ba matalino ka at magaling magdesisyon
Kinabukasan, hindi pumasok sa studio ni Mr. Campbell si Claire dahil gusto niyang i-treat ang sarili na mag-shopping. Hindi niya alam kung parte iyon nang pagbubuntis pero gusto niyang lumabas at i-enjoy ang sarili. Isa pa, iyon ay dahil tuwang-tuwa siya na malaman na buntis siya. Kung ang asawa niya at ang pamilya nito ay halos hindi makamove-on sa tuwa kahapon, si Claire naman, ngayon lang nagsi-sink in sa isip niya na magkakaroon na siya ng anak. Kaya naman, kahit matapos siyang samahan ni Manson sa Obgyne, at malaman at sitwasyon ng baby, ay dumiretso siya sa mall upang mamili ng gamit pambata. Halos isang buwan na ang pinagbubuntis ni Claire at maayos naman ang kapit nito sa loob. Niresetahan siya ng doktor ng mga bitamina na kahit tinutulan ni Manson at baka nakakasama sa bata ay wala pa rin itong nagawa dahil resita iyon ng doktor. âIiwan ko sa âyo si Manang Silva at ang dalawang tauhan ko para bantayan ka. Hindi puwedeng may mangyaring masama sa âyo kapag hindi mo ako kasama
Nagutom si Claire sa pang-aaway kay Veena kaya dumiretso na sila sa foodcourt para mananghalian. May paborito siyang pagkain dito na lagi niyang binalik-balikan. Kasama na niya ang dalawang bodyguard saka si Manang Silva, na hindi siya iniwan lalo na dahil sa nangyari kanina sa banyo.âMay bibilhin ka pa ba, Claire?â tanong ni Manang Silva matapos silang kumain. Naglalakad na sila nang walang patutunguhan at nagtutunaw lang ng kinain pero biglang may naalala si Claire. âAhh! Yes, Manang. I have to buy something for my husband. Samahan niyo po ako ulit sa department store.â Malawak ang ngiting aniya saka mabilis na naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang department store. âMiss Claire. Dahan-dahan lang po at baka mapaano kayo. Kapag may nangyaring masama sa baby kami ang mananagot.âNilingon ni Claire si Manang Silva pero nagpatuloy pa rin sa mabilis na paglalakad. âHuwag kang mag-alala, Manang. Ayos lang ako at walang mangyayari sa aminââHindi natuloy ni Claire ang iba pang sasa
âMa!â muling sigaw ni Claire pero mas nangibabaw ang tawa ni Ronaldo. Ang bag na naglalaman ng pera ay matagal nang nakuha ng anak nito. âPareho lang kayo ng iyong ina, Claire. Parehong hibang at hindi nag-iisip!â lalo pa itong tumawa nang malakas na sinabayan ng anak nito. Napatungo si Claire at tahimik na napangisi. May ilang metro ang layo niya sa mag-ama. Upang kunwari ay nasaktan siya sa âpaghulogâ kuno ng kanyang ina ay napaluhod siya sa semento at umiyak. Pero iyon ay isang hudyat para kumilos ang kasamahan niya na hindi alam ng mag-ama na kasama pala niya. Dalawang magkasabay na putok mula sa sniper ang umalingawngaw sa kalaliman ng gabi at kasunod niyon ay ang pagbagsak ng mag-ama. Natamaan ang mga ito sa parehong braso at ang kutsilyo na hawak nito bilang panakot sa kanya. Kasunod nang pagbagsak ng dalawa ay agad na lumabas sa pinagtataguan ang mga pulis na kasama ni Claire pati na rin si Manson. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong niyakap nang mahigpit. âA
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit anoâng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na âwag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. âClaire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.âNilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. âHindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.âTumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.âClaire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?â Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. âVeena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at âwag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.â Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
âMansonâŠâ mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. âGusto kong pumunta tayo sa probinsya nâyo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking amaât ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I donât care if it was my fatherâs doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hanggaât hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. âAt iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?â Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?âDalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!âHinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. âHuwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,â malamig na banta ni Manson. âWala akong ginawang masama sa anak mo.âHinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagamaât sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. âPardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kayaât agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.âClaire,â tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. âKumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. âAng tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?â pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at âwag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. âSaang banda ang sumasakit? Ito ba?â Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. âNo.âHinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin