Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang insidente kay Manson at Veena at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa isip ni Claire. Hindi man niya iyon inuulit sa asawa dahil ayaw nitong alalahanin, napapansin pa rin ni Manson ang minsang pagtulala niya at nang tinanong siya nito ay mahigpit na umiiwas si Claire. Nang umagang iyon ay nasa harap sila ng isang mental institution dahil pinapunta sila dito ni Morsheire upang bisitahin ang kakilala ni Manson, bestfriend daw ito ng kanyang ina. “Manson, ayos lang ba talaga na sumama ako sa ‘yo?” Kinakabahang tanong ni Claire habang magkahawak-kamay silang naglalakad papasok sa loob ng institution.Nilingon siya ni Manson saka buong pusong nginitian. “Huwag kang mag-alala, Claire. Mabait si Tita Odette. Saka lagi siyang tahimik at laging nakatulala kaya hindi ka niya mapapansin.” Pinisil ni Manson ang palad niya saka bumuga nang malungkot na hininga dahil sa huling sinabi nito. Ramdam ni Claire ang bigat sa puso ni Manson h
Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Claire sa pagre-restore ng family portrait ni Luke. Hindi siya tumigil at halos konti na lang ang pahinga para lang matapos iyon kaagad. Napagalitan na siya ni Manson dahil sa kakulangan niya ng pahinga pero ang totoo ay alam ni Claire na nagseselos lang ito. But Claire is a very hardworking person. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya natatapos ang isang proyekto na iniatang sa kanya. Lalo na at kapag naumpisahan niya ang isang bagay ay gusto niya iyong tapusin at ayaw niyang magsimula sa iba. She needs to go with the flow of her imagination and concentration. If this painting were stopped halfway, she would have difficulty finishing it again. “Is that painting in a rush to finish? Hindi ka na makatulog nang maayos dahil dyan,” may iritasyon sa boses ni Manson nang binisita siya nito sa art room ng kanilang apartment kung saan niya ginagawa ang pagre-repair. Kumuha ito ng upuan at itinabi sa kanya saka umupo sa tabi niya at nagmamasid sa k
Mabilis na lumipas ang araw at dumating na nga ang pinakahihintay ni Claire na kaarawan ni Mr. Campbell. Wala siyang maisip na ibang regalo kundi ang gawaan ito ng painting na katulad sa isa nitong pinakapaboritong artist. It was a lotus pond with lots of growing and flowering lotuses. Sa pagkakaalam ni Claire ay hindi lang paborito ni Mr. Campbell ang lotuses, pero may sentimental value sa matanda, na kahit ang mansion nito ay may malawak na pond at may malalagong lotus na nakatanim. Nang pinakita niya sa asawa ang painting, kahit ito ay hindi makapaniwala at napabilib nang husto sa kanya. Paano naman kasi ang painting na ginawa niya ay buhay na buhay. Ang mga bulaklak ng lotus ay tila gumagalaw habang sinasayaw ng hangin. Kapag tinitigan nang husto ay nakakagaan iyon ng mabigat na nararamdaman at nakakatanggal ng stress. Isa ito sa expertise ni Claire. Lahat ng painting niya ay may buhay at nakakantig ng damdamin. “Sigurado akong magugustuhan ni Mr. Campbell ang regalo mo. He is o
Kahit pilit na iahon ni Claire ang sarili ay hindi siya pinapayagan ni Veena at pilit siya nitong hinihila palubog sa tubig. Ilang beses na siyang nakalunok ng tubig at nahihirapan na rin siyang huminga. Habang ito ay nagkukunwaring nalulunod at sumisigaw ng tulong. Ngunit dahil maingay ang paligid at may kalayuan sila sa garden ay walang may nakakarinig sa kanila. Pilit na ikinampay ni Claire ang magkabilang kamay upang pilitin ang sarili na lumutang sa tubig at makakuha ng hangin. Kahit papaano ay nagawa niya iyon pero hindi rin nagtagal dahil muli hinila ni Veena ang braso niya pababa. Nang walang ano-ano ay biglang may nag-splash sa pond at muling may tumalon. Hindi alam ni Claire kung sino dahil nakalubog ang mukha niya sa tubig pero nang hinawakan nito ang braso niya at umangat ang mukha niya ay nakita niyang si Mr. Campbell ang dumating upang sumaklolo sa kanila. Hinawakan ni Mr. Campbell ang dalawa sa magkabilang braso ay lumangoy palapit sa pangpang pero matanda na siya. Pa
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Veena. Balewala rito ang pagbabanta ni Luke. “Puwede ba umalis ka na? Hindi nakakatulong ang pag-iyak mo. Mabuti pa ay umalis ka na at mas mapadali pa ang pagtulog ko kay Mr. Campbell.”Walang nagawa si Veena kundi ang umalis at iwan sila ni Mr. Campbell. Nang wala na ito sa paningin ni Luke ay saka siya nagsalita. “She’s gone. Puwede ka nang bumangon.” Saka lang siya tumigil sa pagsi-CPR kay Mr. Campbell nang wala na si Veena. Dahil sa organizer ay muling bumalik ang mga tao sa party at nagpatuloy sa kasiyahan kaya ang dalawa na lang ang natira sa gilid ng pond. Malaya na silang makapag-usap dahil wala nang ibang taong makakarinig. Ang totoo ay kanina pa nagising si Mr. Campbell pero dahil umaatungal si Veena sa tabi niya ay hindi ito nagmulat ng mata. Hinayaan na rin ito ni Luke na magkunwari.“Talagang walang nakakaligtas sa ‘yo.” Napapailing na saad ni Mr. Campbell. Ngumisi si Luke at tinulungan ang matanda na makaupo. Umubo ito at nagsuka ng tubi
Nang bumalik ang mag-ina sa loob ng bahay, karamihan sa mga bisita ay nakaalis na, at ang natitira na lang ay ang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanyang lolo. Nang makita ito na masayang nakikipag-usap at buhay na buhay ay tila nabunutan ng ilang dosenang tinik sa lalamunan si Veena. Ang buong akala niya ay may masamang nangyari sa lolo niya base sa pagkakasabi sa kanya ni Luke. Kaagad niya itong nilapitan. “Lo,” tawag niya sa nag-aalala pa ring boses. Imbes na matuwa nang makita siya ay isang malamig na tingin ang ipinukol ni Mr. Campbell sa kanya. Natameme si Veena at saka lang naalala ang ayos. Mula kanina ay hindi pa siya nakapagbihis at kahit ang amoy niya ay amoy putik pa rin. “Ano pang hinihintay mo diyan, Veena? Magsisimula na ako sa paka-cut ng cake, bakit hindi ka pa rin nakabihis?”Yumuko ang dalaga saka agad na sinunod ang sinabi ng lolo at umakyat sa inuukupang guestroom upang magbihis. Hindi nakaligtas sa paningin niya sina Manson at Claire na naglalambingan
Kinabukasan, nang bumalik si Luke sa opisina ay isang hindi inaasahang bisita ang naghihintay sa kanya. Hindi niya gustong i-entertain ito pero mapilit ang babae.“Mr. del Vega, alam kong gusto mo rin si Claire. Bakit ka ba nagmamatigas sa suhestiyon ko? Kung tutulungan mo akong paghiwalayin sina Claire at Manson ay sisiguraduhin kong mapapasaiyo ang babaeng gusto mo.”Mahinang napatawa si Luke. Ang klase ng tawa na hindi mo gugustuhing marinig. Ang kanyang tsokolateng mata ay biglang tumalim habang nakatitig sa kausap.“Get out, Ms. Coltre. Speak no more if you don’t want me to cut off your poisonous tongue,” malamig ang boses na banta niya. Umupo si Luke sa kanyang swivel chair at pinaikot iyon upang humarap sa dingding na salamin at tingnan ang magulong trapiko sa kalsada. Sa totoo lang, sa kagustuhan niyang mapasakamay muli si Claire ay pumasok sa isip niya na sapilitan itong kunin kay Manson. Kung puwede lang ay kidnap-in niya ito at dalhin sa ibang bansa ay gagawin niya. Pero h
Nang marinig ang sinabi ng kanyang ina ay labis na tuwa ang bumalot sa mukha ni Manson.“Sigurado ka ba, ma?” Naninigurong tanong niya rito. Inalalayan niya si Claire na umupo sa sofa habang hinihintay ang kasambahay na bumalik. Inutusan niya itong bumili ng pregnancy test kit sa botika, hindi kalayuan sa mansyon ni Nana, dahil excited siyang malaman kung totoo nga ang hinala ng kanyang ina na buntis ang asawa. Napaismid ang kanyang ina at umupo sa tabi ni Claire saka masuyong hinagod ang likod nito upang pagaanin kahit papaano ang nararamdaman nito. “I have similar symptoms when I discovered I was pregnant with you. Kaya hindi ako nagkakamali. Are you doubting me? May experience ako, iho, kaya ‘wag mo akong maduda-dudahan.”Napatawa si Manson. Kahit pinagsabihan siya ng ina ay wala siyang nakitang galit sa mukha nito kundi purong tuwa. Kahit ang kanyang lolo’t lola ay tuwang-tuwa rin habang hinihintay ang pagbabalik ng kasambahay. Habang si Claire ay nanlalanta ang katawan na nakas
“Lucas, sinasabi ko sa ‘yo, pero wala akong kinalaman sa nangyari kay Leonora. Kung ano man ang naging kasalanan ko sa inyong mag-ina ay nabayaran na iyon ng pagkaaksidente ko.”Tumikwas ang sulok ng labi ni Lucas at tinalikuran ito bago pinindot ang elevator button para makababa. Nilingon niya si Mr. Perie. “We’re clear of each other’s debt, as long as you don’t hurt people I care about. Wala na tayong dapat pag-usapan pa kaya sana hindi na tayo magkita pa.” Nang bumukas ang elevator ay agad na pumasok si Lucas pero mabilis na pinagulong ni Mr. Perie ang wheelchair para sundan siya. “Sandali, may sasabihin pa ako sa ‘yo, Lucas,” hinihingal na pigil nito. Papasara na ang elevator kaya muntikan itong maipit sa gitna pero hindi nakaramdam ng awa si Lucas at hinayaan ito. He hates rapist people the most. Mga kalalakihang pinagsasamantalahan ang kahinaan ng babae para magawang ilabas ang libido ng katawan ng mga ito. Kaya ganoon na lang ang galit niya kay Mr. Perie. Ilang tao na rin ang
Hindi alam ni Manson kung bakit kakaiba ang tingin ng kanyang ina kay Khaleed. Tila may ibang kahulugan iyon pero dahil solo na nila ni Claire ang kuwarto ay napunta na sa kasulok-sulukan ng isip ang isiping iyon. “Claire—”Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair habang tulak-tulak ng alalay nito. Nang makita ang kalagayan niya ay lumitaw ang pag-aalala sa mukha nito. “Manson, paanong nangyari sa ‘yo ang ganito? Who could’ve done this to you?”Napaismid si Manson at bumakas ang inis sa mukha dahil sa biglang pag-istorbo nito sa kanila. “Bakit ka narito?”Naihilot ni Mr. Perie ang sentido dahil biglang sumakit ang ulo niya sa sagot ng anak. “Manson, you are my son. My heir. Sa tingin mo ba ay hindi ako nag-aalala sa ‘yo kahit may nangyari sa ‘yong masama? Anak kita. Natural lang na mag-aalala ako sa ‘yo.”Marahas na bumuga ng hangin si Manson. Kung kaya niya lang batuhin ng unan ang ama para palayasin ito sa loob ng ward ay nagawa na niya. Tahim
Kaagad nilang dinala sa pinakamalapit na ospital si Manson dahil sa biglang pagkawala nito ng malay. Bago ito pumunta sa villa nina Lucas ay pinagbawalan na pala ito ng doctor na lumabas ng ospital pero nagpumilit ito dahil gustong makita si Claire. Ang sabi ng assistant, ang findings ng doktor, ay may ugat daw sa utak nito na napunit dahil sa pagkabagok ng ulo nito noong mabangga ang taxi na sinasakyan nito. Maari siyang humantong sa koma ngunit nagising ito agad kaya dali-dali siya nitong pinuntahan. Napapailing si Claire sa narinig saka hinaplos ang nakabendang mukha ni Manson. “Why did you do that?” mahina niyang saway rito kahit alam niyang ‘di siya nito naririnig. “Miss Claire, ang mabuti pa ay maligo na kayo at magbihis. Eto,” iniabot sa kanya ng assistant ni Manson ang isang paper bag na naglalaman ng damit. Kinuha ito ni Claire at tumayo. “Salamat. Ikaw na muna ang bahala sa kanya.”Madungis na ang bestida na suot niya kaya inutusan niya ang assistant ni Manson na ikuha s
Habang hawak ni Claire ang relo na binigay ni Lucas ay hindi matigil sa pagtulo ang kanyang luha. Hindi niya kayang tanggapin ang pagkamatay ni Manson. “Lucas, please… sabihin mo sa akin na hindi siya patay. Manson can’t be dead.”Kahit si Lucas ay hindi mapigilan ang mamasa ang mata dahil sa pinipigilang luha. “Claire…” gusto siya nitong yakapin pero pinigilan nito ang sarili lalo pa at nasa lugar na ng aksidente ang assistant ni Manson at ilang bodyguards nito na tulad nila ay nanlulumo din sa nangyaring pagkawala ni Manson. “I found this watch beside that burnt body inside the car,” dagdag pa ni Lucas. Patuloy sa pag-iling si Claire at sa pagluha. She felt that something was squeezing her heart until she couldn't bear the pain. Pinagsisihan niya na pinagtabuyan niya ito. Ni hindi man lang niya ito nakausap bago ito mawala. Kahit ano’ng pagsisisi ang gagawin niya ay alam niyang hindi na maibabalik ang buhay nito kaya naman lalo siyang napahagulhol. Mas nanaisin niyang mabuhay ito n
Nang mga oras na iyon ay mag-isang nakaupo si Claire sa mesa, malayo sa bagong kasal, at matamang nagmamasid. May ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang kababata na minsan ay naging karamay niya rin. Hindi man totohanan ang kasal ng mga ito ay masaya pa rin siya para rito dahil kahit papaano ay napasaya nila si Lola Rosa. At kaya siya mag-isang nakaupo sa sulok ay para iwasang makita ni Lola Rosa na siyang ikakasira ng lahat kung sakali. Kaya nang biglang dumating si Zhia at muntik nang manggulo ay ganoon na lang ang kaba niya dahil baka makita siya nito at masabi na hindi naman siya ang ikinasal kay Lucas. Kapag malaman iyon ni Lola Rosa ay baka mapahamak ito at imbes na mabuhay pa ito ng ilang araw ay matitigok agad ito na ayaw nilang mangyari. Hindi alam ni Claire kung saan kinuha ni Lucas ang babaeng pinakasalan nito pero kahawig niya ito pati pangangatawan ay magkapareho sila. Kaya naman kaunting make-up na lang ang ginawa nila para maging kamukha siya nito nang sa gay
Habang nagbabantay sa kanyang ina ay pabalik-balik sa isip ni Claire ang sinabi ng kanyang ina tungkol kay Manson. Paano kung huli na nga ang lahat at hindi na sila tuluyang magkabalikan nito? Kakayanin ba niya? Upang kahit papaano ay maibsan ang pananabik niya sa lalaki ay pinanood niya lahat ng recent interviews nito nang paulit-ulit hanggang sa nakatulugan niya iyon. Hindi niya namalayan na pumasok sa loob si Lucas at nang makita siyang natutulog ay kinumutan siya nito saka itinabi ang cellphone niyang nahulog sa sahig na patuloy pa rin sa pagpi-play ng video. Bahagyang dumilim ang mukha ni Lucas nang makita iyon pero agad ring nawala nang tingnan niya si Claire. Nilapitan niya ang nakaratay na si Leonora saka marahang hinaplos ang buhok nito at mahinang nagsalita. “Aunt Leonora, kailangan niyo na hong magising. Nangangayayat na si Claire dahil hindi makakain nang ayos sa sobrang pag-aalala sa inyo. Kahit ang pagmamahalan nila ni Manson ay isinakripisyo niya kahit alam kong nasas
“Sigurado ka ba sa ginawa mo, Lucas? Paano kung malaman nila na ikaw ang maysala at panagutin ka ng batas? Paano kung makulong ka?”Mahinang napatawa si Lucas dahil sa pag-aalala sa boses ni Claire. “Huwag kang mag-alala. Hindi malala ang kalagayan niya dahil kilay niya lang ang pumutok. Maraming dugo lang ang nawala sa kanya kaya kailangan niyang manatili sa ospital ng ilang araw. But besides that, there were no serious injuries. Don’t worry too much, Claire. Hindi ko ito ginagawa para sa ‘yo kundi para sa aking ina. Alam mo kung gaano kalalim ang galit ko sa lalaking iyon.”Napayuko si Claire. Alam niyang may inosenteng tao na naman ang nadamay sa hidwaan ng dalawang pamilyang ito. Dahil doon ay binalot siya ng konsensya. Kahit ibahin pa ni Lucas ang rason sa nangyari kay Perie ay alam naman niyang ginawa nito iyon upang paghigantihan siya. Dahil hindi siya agad nakasagot ay tila nababasa ni Lucas kung ano ang nasa isip niya. “Don’t overthink about it, Claire. Walang nadamay na ino
Halos sumikip ang dibdib ni Claire nang makita ang kalagayan ng kanyang ina. Nasa ICU ito at may tubong nakakabit sa bunganga upang tulungan itong huminga. Ligtas na ito sa kapahamakan pero dahil malubha ang lagay ay nasa coma pa rin ito. “‘Wag kang mag-aalala, Claire. Malalampasan ito ni Auntie Leonora. Magiging ayos siya.” Nilingon ni Claire si Lucas at mapait na ngumiti. Hindi niya kasama si Manson dahil bago siya pumunta ng ospital ay hindi niya ito hinayaang sumama sa kanya at nagtalo sila. She also blamed him for bringing danger to her life. Alam niyang masasaktan na naman niya si Manson dahil sa pagtataboy niya rito pero nang maisip niya na ang ama nito ang gustong manakit sa kanyang ina ay hindi niya maiwasang sumama ang loob. Kaya’t tulad ng dati, itinaboy niya ito para wala nang magpapahamak sa relasyon nila. Pero kahit sinabihan niya itong bumalik sa Pilipinas ay hindi siya nito sinunod. “Sana nga, Luke. Sana nga. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyar
Ang mga sumunod na araw ay parang normal na kay Claire. Kahit nalaman niyang hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay hindi pa rin siya nalungkot nang labis dahil hindi nagbago ang relasyon nila. Tinuturing pa rin siya nitong tunay na anak. Noong kinompronta niya si Manson tungkol dito ay inamin nito na alam na ang totoo pero dahil ayaw nitong pangunahan ang desisyon ni Mr. Khaleed kaya hindi ito nagsalita. Ang tanging gumugulo na lang sa kanya ngayon ay walang iba kundi si Mr. Perie.Magmula nang malaman nitong hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay muling bumalik sa dati ang trato nito sa kanya. Tulad na lang ngayong araw. Binisita siya nito sa kanyang bahay na may dala-dalang iisang rason. Ang hiwalayan niya si Manson. “Ilang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi ko hihiwalayan si Manson? I already gave him up once. Hindi ko a ulit gagawin iyon.”Tumalim ang tingin sa kanya ni Perie at inilapag ang cellphone sa harapan niya kung saan nagpe-play ang isang recording. Sa b