Lahat ng Kabanata ng Divorce Now, Marry Me Later: Kabanata 31 - Kabanata 40
41 Kabanata
Chapter Thirty-one: Gown
“Huwag kang magsalita nang kung ano-ano, Veena. Ang totoong panakip-butas dito ay ikaw. Kung hindi namatay ang kapatid mo ay wala kang puwang sa buhay ni Manson.” Malupit ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni Mosheire.Nang lingunin ito ni Claire ay nakita niya ang ginang na kakapasok lang din ng botique. May alalay na nakasunod dito. Mrs. Mosheire Del Vega wore a sophisticated dress that fitted her curves. Hindi halatang nasa fifties na ito. Kahit ang paglakad nito ay parang modelo. Nginitian ito ni Claire bilang pagbati. “Ma.”Isang eleganteng ngiti ang isinukli ni Mosheire kay Claire at agad siyang lumapit. Habang si Veena ay muntikan nang sigawan kung sino ang nang-insulto pero nang malaman na ina iyon ni Manson ay agad na nagbago ang ekspresyon nito. “Aunty, nakauwi na pala kayo.” Lumapit ito kay Mosheire at akmang yayakap pero pinigilan ito ng ginang. “Na-miss ko po kayo. Sinabi ko kay mommy na malapit na ang kaarawan n’yo kaya nandito ako at naghahanap ng mairegalo. Hindi
Magbasa pa
Chapter Thirty-two : Party
“Ano’ng pahirapan ang pinagsasabi mo, Manson? Masaya kaming nag-uusap ni Claire. Hindi ba, iha?” kaagad na kontra ni Morsheire sa anak nito. Nangingiting tumango si Claire at tiningnan ang asawa. “Bakit ka nagmamadaling pumunta rito, Manson? Wala namang problema sa amin ni mama.” Nakaangat ang kilay na tiningnan ni Morsheire ang anak. “Ano’ng tingin mo sa akin, Manson. Isang kontrabidang biyenan?” Inosente ang mukha nito na para bang walang tinatagong dragon sa katawan. Hindi nakasagot si Manson habang si Claire ay napangiwi. Hindi niya makalimutan kung paano nito tinatrato si Veena kanina. Pero hindi niya akalain na maganda ang turing sa kanya ni Morsheire kahit pa malamig ang pakikitungo nito sa ibang tao. “Ma, asawa ko si Claire. Dapat lang na protektahan ko siya sa kung sinuman ang gustong manakit sa kanya.” Naiiling na sumagot si Morsheire. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Manson? Alam mo ba talaga kung sino ang gustong manakit sa kanya?” S******p ng tsaa si Morsheire bag
Magbasa pa
Chapter Thirty-three : Divorce Her
Natigil ang akmang pag-inom ni Claire ng champagne nang marinig ang boses na ‘yon. Inilapag niya sa mesa ang kopita saka dahan-dahang nilingon ang pinagmulan ng boses. Pagkarinig pa lang sa boses na iyon ay agad na siyang dinaluhong ng kaba. The voice was full of contempt, ridicule and disgust. Halata ang pagkadisgusto ng nagmamay-ari ng boses na ‘yon kay Claire pero pilit niyang kinalma ang sarili na ‘wag ito patulan. “Hindi na rin pala masama kapag nabihisan ka. Nagmukha kang si Cinderella na pagkatapos ng party ay bumalik sa pagiging alila.”Napatungo si Claire dahil pinagtitinginan na siya ng mga naroroon. Umugong ang bulung-bulungan at hindi na niya kailangang mag-isip kung ano ang sinasabi ng mga ito. Minamata siya ng mga mayayaman na dumalo sa kaarawan ng kanyang biyenan!Nang makita ni Claire kung sino ang nagsalita ay hindi na siya nagtaka kung bakit. It was Manson’s aunt. Kapatid ng ama ng kanyang asawa. Ang isa sa taong labis ang pagkadisgusto sa kanya. Kahit namumula ang
Magbasa pa
Chapter Thirty-four: Argue
Hindi alam ni Claire kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Natutop niya lang ang bibig upang walang boses na sumingaw dahil baka marinig siya ng dalawang nag-uusap sa loob. Tama ang ama ni Manson. Isa siyang mahirap na walang maipagmalaki sa ama nito. Ano nga ba ang laban ng isang alahera sa bigating negosyante katulad ng ama nito at ama ni Veena?Halos mawalan siya ng lakas dahil sa pagkabigo. Ginawa niya ang lahat para magustuhan siya ni Mr. Pherie pero sa huli ay si Veena pa rin ang gusto nito. Nanginginig ang tuhod na muli siyang bumaba mula sa pangalawang palapag ng mansyon. Nagpapasalamat siya at walang ibang tao sa loob at marahil ay abala sa labas dahil pinatawag ang mga ito ni Morsheire para sa cake cutting. Dumiretso siya sa banyo at doon ay tahimik na nagbuhos ng sama ng loob. Pero labis ang pagpigil niya ng luha dahil ayaw niyang masira ang make-up kahit pa gustong-gusto niyang umiyak. Malaki ang banyo sa mansyon at may dalawa iyong cubicle. Nang lumabas si Cla
Magbasa pa
Chapter Thirty-five : Do you Love Me?
Hatinggabi na nang makauwi sa bahay nilang mag-asawa si Manson. Alam niyang tulog na ang asawa kaya ayaw niya itong istorbohin. Marami-rami rin ang nainom niya at upang bahagya siyang mahimasmasan ay dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Matapos uminom ay aakyat na sana siya sa kuwarto pero hindi nakaligtas sa sulok ng kanyang mata ang bahagyang nakabukas na drawer. Ayaw na ayaw ni Manson na mapasukan ng ipis ang kabahayan lalo na ang mga utensils sa kusina kaya nilapitan niya ang drawer at akmang isasara iyon. Pero tila may kung ano'ng pwersa ang nagtulak sa kanya upang buksan iyon nang tuluyan. This drawer consists of paper bags and ziplocs, but what caught Manson's attention was a box of medicine that seemed to be out of the way. Out of curiosity, Manson took the box out and was flabbergasted when he saw what the box was. His eyes bulged out, and his fist clenched tight. Dahil ang pill box na hawak niya ay contraceptives pills. Kaagad na gumapang ang galit sa buong kat
Magbasa pa
Chapter Thirty-six: SPG
Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin masagot ni Claire si Manson. Kung aaminin ba niya ang totoong nararamdaman para rito ay mapapanatag na siya na hindi aalis sa tabi niya si Manson at pupunta kay Veena? Bahagya siyang kumilos upang lingunin ito at mabilis na hinalikan ang batok nito. “Let’s go. Tutulungan kitang maligo para hindi mabasa ang sugat mo,” aya niya at tumayo sa mula sa pagkakaupo sa kandungan nito. Inilahad niya ang palad. Sandali iyong tinitigan ni Manson saka lang inalapat ang palad at tumayo. Sabay silang pumasok sa loob ng bahay at magkahawak-kamay na dumiretso sa itaas. Naunang pumasok sa banyo si Manson dahil inihanda ni Claire ang damit na susuotin nito at inilapag iyon sa kama saka niya sinundan ito sa banyo. Nakabukas ang pinto kaya kitang-kita niya ang kahubdan ng asawa habang nakatayo ito sa gilid ng bathtub habang pinupuno iyon ng tubig. Napako sa kinatatayuan si Claire habang nakatitig sa matikas na katawan nito. Kahit ilang taon na silang mag-asaw
Magbasa pa
Chapter Thirty-Seven: Mysterious Guy
“Alam mo na siguro kung bakit ka pinakasalan ni Manson. Magkamukha kayo ni Veena at ang batang iyon lang ang nababagay sa anak ko. Pareho ang estado ng buhay namin samantalang ikaw,” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nanliit ang paningin ni Claire at napayuko. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Ano ba ang maitutulong mo sa negosyo ni Manson? Wala kang yaman at koneksyon, iha. Hiwalayan mo na si Manson. Malaki na rin naman ang naitulong niya sa ‘yo at sa pamilya mo, hindi ba? Isa pa, bumalik na si Veena. Panahon na para sila ni Manson ang magpakasal.”Ito ang mga salitang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Claire habang nakaupo sa bench sa ilalim ng isang malagong punong-kahoy sa harap ng hospital kung nasaan ang kanyang lola. Umalis siya sa opisina ng biyenan niyang lalaki na pigil-pigil ang luha. Ang sakit na dulot ng sinabi ni Mr. Pherie ay malakas na sumuntok sa kanyang puso at nahihirapan siyang huminga. Pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya makaiyak. Tila manhid na
Magbasa pa
Chapter Thirty-Eight : Divorced
Naabutan ni Claire si Manson bago pa man ito makapasok ng elevator. Mabilis siyang pumasok bago man sumara iyon. Hindi nagsalita ang asawa at pareho silang tahimik hanggang sa muling bumukas ang elevator at lumabas sila. “Manson…” mahinang tawag niya sa pangalan ng asawa. Nasa harapan niya lang ito pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito dahil wala itong imik. Narinig niya ang mahinang pagpakawala nito nang marahas na hangin saka siya nilingon. “You should go back, Claire. Baka ma-bored ang bisita mo kung hindi mo siya i-entertain.” May pagtatampo sa boses ni Manson nang magsalita. Hindi rin niya mabasa ang mukha nito. “Manson,” iling niya. “Huwag mong paniwalaan ang sinasabi ni mama. Nagbibiro lang ‘yon.” Nilapitan niya ang asawa at niyakap ito sa braso. Hindi sumagot si Manson pero alam ni Claire na humupa na ang inis nito pero hindi pa rin siya umaalis sa tabi nito. Nanatili siya hanggang dumating ang sasakyan nito na minamaneho ng assistant nito. “Susunduin kita mamaya,”
Magbasa pa
chapter Thirty-Nine : Slapped
Ramdam na ramdam ni Claire ang bigat sa bawat salitang binitiwan ni Manson. Kaya ba ito haggard dahil sa sinabi ng papa nito sa kanya ang tungkol sa pinirmahan kong divorce agreement?“Manson…” Tumayo siya at nilapitan ang asawa. Sinubukan niyang hawakan sa braso si Manson pero umiwas ito. Parang may pumitik sa puso ni Claire dahil sa ginawang iyon ng asawa. Tumalikod siya dahil biglang nag-init ang sulok ng kanyang mata. Masakit din sa kanya ang naging desisyon niya pero alam niyang kung hindi niya susundin ang gusto ni Mr. Pherie ay pahihirapan nito si Manson at ayaw ni Claire mangyari iyon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi pero biglang may matitikas na braso na yumakap sa kanya. Samyo ni Claire ang pamilyar na pabango ni Manson kaya hinayaan niyang makulong ang sarili sa mga braso nito. “Claire, it hurt me when I found out you signed the divorce agreement. Akala mo ba hindi ako nasasaktan dahil maghihiwalay na tayo? Then, you are wrong. Hindi ko kaya
Magbasa pa
Chapter Forty: Revenge bu the Unknown
Namutla si Claire at hindi kaagad makapagsalita lalo na nang makita ang madilim na mukha ni Manson habang papalapit ito sa kanila. Nakakuyom ang kamao na tumayo siya sa isang tabi habang hinihintay ang paglapit nito. “Sumasakit pa ba ang kamay mo?” tumigil ito sa tapat niya inabot ang kanyang palad saka marahan iyong hinaplos. Napatda si Claire sa narinig. Totoo ba ang nakikita niya na hindi pinansin ni Manson si Veena at sa halip ay dumiretso ito sa kanya? Gustong kastiguhin ni Claire ang sarili dahil hindi siya makasagot. Pagagalitan ba siya ni Manson sa harap ng ex nito?“My bae…” Veena called Manson’s name coquettishly. “My face hurts. Sinampal ako ni Claire,” reklamo nito na parang bata.Pero tila bingi si Manson at hindi narinig si Veena. Ni hindi nito sinulyapan ang dalaga at patuloy sa paghaplos ng kanay niya. “Sana hindi mo ginamit ang palad mo. Nasaktan ka tuloy.” Tumikwas ang isang kilay ni Claire at lihim na napangisi. Ano'ng gusto mong gamitin ko kung ganu'n? Pero ib
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status