Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin masagot ni Claire si Manson. Kung aaminin ba niya ang totoong nararamdaman para rito ay mapapanatag na siya na hindi aalis sa tabi niya si Manson at pupunta kay Veena? Bahagya siyang kumilos upang lingunin ito at mabilis na hinalikan ang batok nito. “Let’s go. Tutulungan kitang maligo para hindi mabasa ang sugat mo,” aya niya at tumayo sa mula sa pagkakaupo sa kandungan nito. Inilahad niya ang palad. Sandali iyong tinitigan ni Manson saka lang inalapat ang palad at tumayo. Sabay silang pumasok sa loob ng bahay at magkahawak-kamay na dumiretso sa itaas. Naunang pumasok sa banyo si Manson dahil inihanda ni Claire ang damit na susuotin nito at inilapag iyon sa kama saka niya sinundan ito sa banyo. Nakabukas ang pinto kaya kitang-kita niya ang kahubdan ng asawa habang nakatayo ito sa gilid ng bathtub habang pinupuno iyon ng tubig. Napako sa kinatatayuan si Claire habang nakatitig sa matikas na katawan nito. Kahit ilang taon na silang mag-asaw
“Alam mo na siguro kung bakit ka pinakasalan ni Manson. Magkamukha kayo ni Veena at ang batang iyon lang ang nababagay sa anak ko. Pareho ang estado ng buhay namin samantalang ikaw,” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nanliit ang paningin ni Claire at napayuko. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Ano ba ang maitutulong mo sa negosyo ni Manson? Wala kang yaman at koneksyon, iha. Hiwalayan mo na si Manson. Malaki na rin naman ang naitulong niya sa ‘yo at sa pamilya mo, hindi ba? Isa pa, bumalik na si Veena. Panahon na para sila ni Manson ang magpakasal.”Ito ang mga salitang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Claire habang nakaupo sa bench sa ilalim ng isang malagong punong-kahoy sa harap ng hospital kung nasaan ang kanyang lola. Umalis siya sa opisina ng biyenan niyang lalaki na pigil-pigil ang luha. Ang sakit na dulot ng sinabi ni Mr. Pherie ay malakas na sumuntok sa kanyang puso at nahihirapan siyang huminga. Pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya makaiyak. Tila manhid na
Naabutan ni Claire si Manson bago pa man ito makapasok ng elevator. Mabilis siyang pumasok bago man sumara iyon. Hindi nagsalita ang asawa at pareho silang tahimik hanggang sa muling bumukas ang elevator at lumabas sila. “Manson…” mahinang tawag niya sa pangalan ng asawa. Nasa harapan niya lang ito pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito dahil wala itong imik. Narinig niya ang mahinang pagpakawala nito nang marahas na hangin saka siya nilingon. “You should go back, Claire. Baka ma-bored ang bisita mo kung hindi mo siya i-entertain.” May pagtatampo sa boses ni Manson nang magsalita. Hindi rin niya mabasa ang mukha nito. “Manson,” iling niya. “Huwag mong paniwalaan ang sinasabi ni mama. Nagbibiro lang ‘yon.” Nilapitan niya ang asawa at niyakap ito sa braso. Hindi sumagot si Manson pero alam ni Claire na humupa na ang inis nito pero hindi pa rin siya umaalis sa tabi nito. Nanatili siya hanggang dumating ang sasakyan nito na minamaneho ng assistant nito. “Susunduin kita mamaya,”
Nangingiting uminat ng katawan si Claire nang magmulat siya ng mata. Malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng asawa kagabi. Matapos ang halos tatlong taon nilang pagsasama, matapos silang sikretong magpakasal, ay muling may nangyari sa kanila ni Manson. Ang buong akala niya ay hindi na siya makakatikim sa matipunong katawan nito dahil matapos ang honeymoon nila ay hindi na siya nito ginalaw.Tumanim pa sa isip ni Claire na baka hindi naman talaga siya ang mahal ng asawa at pinakasalan lang siya nito upang kalimutan ang ex-girlfriend nito na nang-iwan matapos itong maaksidente. Pero lahat ng agam-agam na iyon ay biglang nawala nang nagniiig sila kagabi.She turned her body and faced her husband with a grinning face. She stared at his handsome face, who looked innocent when his eyes were closed. Hindi pa rin siya makapaniwala kaya idinikit niya ang katawan at mahigpit itong niyakap. Sabado ngayon kaya kahit mataas na ang sikat ng araw ay pareho pa rin silang nak
Nana is Manson’s grandmother. Gustong-gusto nito si Claire mula nang unang araw na ipinakilala ito rito ng lalaki. Nang makarating sa mansion ng matanda ay mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya samantalang isang matalim na tingin ang ibinigay nito kay Manson. Mahigpit din itong niyakap ni Claire.“Nana, bakit n’yo po ako pinatawag?” Tanong ni Claire nang makaupo na sila sa sofa. Ayaw sanang magtagal dito ni Claire dahil habang tumatagal siya sa poder ng lola ni Manson ay lalo siyang nasasaktan. Ayaw niyang biguin ang matanda kapag ma-process na ang divorce nila ni manson.“Nabalitaan ko na bumalik na ang walanghiyang babaeng ‘yon kaya’t hindi ka na nakatira sa bahay ni Manson? Ang kapal talaga ng mukha!” Bumaling ito sa apo nito na tahimik na nakikinig habang nakayuko. “Matapos ka niyang iwan noong may kapansanan ka ngayon babalik na lang siya basta-basta at sisirain ang pagsasama niyo ni Claire? Hindi ako papayag.”Nagtaas ng tingin si Manson. His stubborn look stared at hi
“Bakit mo ako iniwan kanina?” Madilim ang mukha na tanong nito habang nakasalikop ang braso sa harap ng dibdib. Alanganin ang ngiti ni Claire. Pagod siya dahil maraming customer ang nabalitaan ang pagbabalik niya sa trabaho kaya't mabilis ang mga itong nag-book ng schedule para magpagawa ng alahas sa kanya. Even the royalties from the other countries contacted their boutique. Ganoon siya ka-famous.“Bakit ka nandito? Baka hinahanap ka na ni Valeen at tangkain na naman niyang saktan ang sarili niya.” Hindi alam ni Claire kung lumabas ang sama ng loob niya sa pagkakasabi niya pero hindi niya kayang pigilan ang sarili. She is hurting, but it was her fault and there's no one to blame.“Bakit mo tinatanong kung nandito ako? May obligasyon ako sa ‘yo. Asawa mo ako at sinusundo kita dahil may dinner sa bahay ni lola at pinapatawag ka niya.” “Hindi ba magdi-divorce na tayo? Bakit tinatrato mo pa rin ako nang ganito? Simula nang sinabi mong magdi-divorce tayo wala ka ng obligasyon sa akin.”
Sa ikatlong araw na nakakulong sa kuwarto si Claire ay narinig niya na may nag-uusap sa labas ng pintuan kaya dali-dali siyang tumigil sa ginagawa at inilapat ang tainga sa pintuan upang makinig.“Sigurado ka bang matatapos ng babaeng ‘yon ang ginagawang singsing hanggang sa linggo?” “Baka nga tapos na niya iyon bukas, e. Hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yon? Siya lang naman ang pinakasikat na alahera noon bago pa ito magpakasal. Malinis pero mabilis saka polido ang kanyang gawa kaya nga pinag-interesan siya ni Boss ‘di ba?”“Maganda siya. Sigurado kang okay lang sa ‘yong pakawalan siya ng hindi natitikman?”“Sinong nagsabi sa ‘yong hindi? Sa ganda ng hubog ng katawan niyan iyon, palalampasin ko?”Nagkatawanan ang dalawa habang nangunot ang noo ni Claire sa narinig at biglang nanghilakbot. Kailangan niyang makatakas bago pa man may gawin sa kanya ang dalawa. Bumalik siya sa iniwang ginagawa at tinitigan iyon.“Are they thugs? Are these diamonds stolen?” Hinawakan niya ang singsing na
Dahil sa insidenteng nangyari ay naabala ang gawain ni Claire at lalong nadagdagan ang ginagawa niya. May rush order din galing sa Earl ng Ireland at milyones ang ibinayad sa kanya upang matapos agad iyon. Isa iyong korona na gawa sa iba’t ibang klase ng mamahaling diyamante, rubi at emeralds. Ang koronang ito ay para sa bagong hihiranging Earl ng Northern Ireland kaya puno ng pag-iingat ang ginagawa ni Claire.Hindi na niya namalayan ang mga oras at araw na lumipas. Dahil puwede naman siyang sa botique na lang matulog ay dito na siya mamalagi at kung hindi pa siya pinipeste ni Nana na umuwi sa mansyon nito ay hindi pa uuwi si Claire. Nang sa ganun, kahit papaano ay nagkikita pa rin sila ni Manson. Sa iisang kuwarto pa rin sila natutulog pero sa kama siya at sa sofa si Manson. Lalong nasasaktan si Claire sa ganoong set-up nila ni Manson pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa na magbabalik sa dati ang pagsasama nila ng asawa.“I’ll be back late toni