Kinabukasan ay sinundo ni Manson si Claire sa ospital dahil ito ang nakatoka na magbantay sa lola nito. Napag-usapan nila kahapon na susunduin niya ito dahil pinapatawag ng kanyang ina upang magsukat ng damit na bagong disenyo nito. Alam ni Manson kung ano’ng klaseng damit iyon pero ayaw niyang sabihin kay Claire kung ano. “You are here early. Wala kang trabaho sa office?” Umiling si Manson. “No. I took a half day off. Total, sabado naman ngayon.”Pinagbuksan niya ng pinto sa passenger seat si Claire at iginiya ito papasok saka tinulungan itong isuot ang seatbelt. Nagkalapit ang mukha nila at hindi niya mapigilang tumitig sa malamlam na mata nito. Their breathes intermingled as their faces almost touched, but Claire pulled the distance away and turned her face. Namayani ang katahimikan at walang ibang naririnig kundi ang mahinang pag-click ng lock ng seatbelt.Matapos iyon ay bumalik sa driver seat si Manson saka isinuot ang sariling seatbelt at pinaharurot ang kotse. Medyo may kala
Habang nakaharap sa salamin at inaayusan ng make-up artist ng studio ay hindi maiwasang siyasatin ni Claire ang sarli at napangiti. Kahit hindi gaanong makapal ang make-up na ini-apply sa kanya ay lumulutang pa rin ang ganda niya. Pati ang mga make-up artist ay tuwang-tuwa. “Para kayong artista, maam.”Ngumiti si Claire at nagpasalamat dito. “Salamat. Pero hindi ako artista. Nandito lang talaga ako para magpa-picture.” “Para saan? Sa tingin mo tatablan ka ng camera?”Sinundan ng tawanan ang boses na ‘yon pero nanatili ang tingin ni Claire sa kanyang repleksyon sa salamin. It was Veena. Hindi niya alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay laging pinagtatagpo ang landas nila. “At bakit ka naman nakasuot ng damit pangkasal, aber? Hindi ka rin makapaghintay ano? Ang harot mo rin. Hindi pa nga kayo nagdi-divorce ni Manson at eto ngayon, nagpo-photoshoot ka na para sa kasal?!”Claire found Veena’s words like a noisy, chattering bird, so she ignored her. Tapos na siyang ayusan ng make
Dumating ang lunes na hindi tumatawag si Manson kay Claire na ipinagpasalamat niya kahit pa nasasaktan siya. Kung anuman ang ugnayan nila ng asawa ay puputulin na niya. Ngayong araw, maaga pa lang ay sakay na siya ng taxi papunta sa NAIA dahil ngayon ang biyahe nila papuntang Singapore upang i-finalize ang divorce certificate nila ni Manson. Tatlong oras mahigit lang ang biyahe at dahil may private jet naman ang pamilya ng asawa ay makakauwi rin siya agad mamayang hapon. Nag-aabang na sa kanya si Manson nang makababa siya ng taxi at tinulungan siya nito na pumunta sa immigration para i-check ang kanilang papeles. Buong sandali ay walang kibo si Claire. Ang tanging salitang lumabas sa bibig niya ay hmm nang binati siya ni Manson. “Wait for me here. Ako na ang bahalang pumila,” ani Manson at naglakad patungo sa counter upang ibigay ang visa nila. Tumango si Claire saka kinuha ang cellphone sa bag dahil bigla iyong tumunog. Kaagad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ng nurs
Sa harap ng maraming tao ay biglang hinawakan ni Manson sa baba sI Claire at inangat ang mukha nito saka sinakop ang mga labi at marubdob na hinalikan. Ramdam niya ang paninigas ng katawan ng asawa at tinulak siya nito sa dibdib pero masiyado siyang malakas. Sinigurado niya na tanaw na tanaw ng Lucas na ‘yon ang ginagawa niya kay Claire. He didn’t know what kind of possessiveness was drawn to him, he just wanted to own Claire. Ang takot niya sa tuwing binabanggit ng asawa ang pangalan ni Lucas ay maliit kumpara sa nararamdaman niya ngayong nakita niya ito nang harapan.Pareho silang habol ang hininga nang matapos ang halikan at mabilis siyang itinulak ni Claire. “Manson, ano’ng ginagawa mo?” naiinis na bulong nito. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa nangyari. Manson grinned, but his eyes didn’t hold a smile. “I just wanted to show them you’re mine.” Kinindatan niya ito saka lang iginiya paakyat sa kuwarto. Nang lingunin niya si Lucas ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Tumaas ang
Matapos ang libing ay agad na bumalik ng Maynila ang mag-asawang Claire at Manson habang naiwan sa probinisya ang ina ng babae upang asikasuhin ang bahay ng kanyang lolo. Hapon na nang makarating sila sa Maynila ay dumiretso sila sa hotel na inupahan ni Manson dahil malapit lang daw iyon sa lugar na pagdadausan nito ng meeting kinabukasan. “Gusto mo bang paliguan kita?” nang-aakit na bulong ni Manson kay Claire. Nasa likuran niya ito. Aktong huhubarin ni Claire ang suot na blusa nang niyakap siya ni Manson mula sa likuran at hinapit papalapit sa dibdib nito. Kaagad na nakaramdam ng init ng katawan si Claire dahil sa hininga ni Manson na tumatama sa balat niya. Mariin siyang napalunok. “M-manson… I’m sweaty,” daing niya. Hinawakan niya ang kamay nito at sinubukang tanggalin iyon sa pagkakayakap sa beywang niya pero mahigpit ang pagkakayakap nito. “Huwag kang mag-alala, honey. Ako’ng bahala sa ‘yo,” ani Manson. His tongue slithered from her neck to the back of her ear while slowly g
“Claire, hindi ba ‘yun si Manson? ‘Yong guwapong lalaking nakita natin noon sa museo?” turo ni Aurora sa labas ng restaurant kung saan sila nag-uusap saka lumingon sa kanya. “You know him, right?” Itinigil ni Claire ang akmang pagsubo at ibinaba ang hawak na kutsara saka sinundan ng tingin ang direksyon ng itinuturo ni Aurora. Yes, it was Manson. Pero may kasama itong babae na walang iba kundi si Veena. Kaagad na binalot ng selos ang puso niya sa nakita. Magkasamang pumasok ang mga ito sa hotel na tinutuluyan nila ni Manson. Halos magkadikit ang katawan ng mga ito habang naglalakad. Veena is even smiling sweetly while they are talking intimately. Lihim na naikuyom ni Claire ang kamao upang pigilin ang galit na namuo sa kanyang dibdib. Tama nga ang sinabi nila na ang mga lalaki ay walang isang salita.Eto ba ang sinasabi mong maging tapat ka na, Manson? sigaw niya sa isip. Ang lambing-lambing mo kagabi habag magkaniig tayo at puno ka ng pangako na hindi na tayo magdi-divorce. Pero bak
Kahit nasaktan ang ilong sa lakas ng impact ng pagkabangga niya ay balewala iyon kay Claire. Ilang segundo siyang nakatulala habang nakatitig sa guwapong mukha ng kaharap. Ang pamilyar nitong tsokolateng mata ay hinihigop ang buong kaluluwa niya. “Miss, are you okay? Nasaktan ka ba?” hinawakan ng lalaki ang braso niya upang mahina siyang gisingin sa pagkakatulala. The low and deep voice made Claire’s heart beat faster. Umawang ang kanyang labi pero hindi makapagsalita. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa mata ng lalaki ay lalo niyang naaalala si Lucas dahil magkapareho ang mata ng mga ito. At dahil sa pagkaalala sa nangyari kay Lucas, namatay ito habang nililigtas siya, ay muli na namang sumikip ang dibdib niya sa sakit. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin iyon mawala sa kanyang isip. Hawak ang dibdib ay napasandal siya sa pader na namumutla ang mukha. Kaagad siyang inalalayan ng lalaki. “Miss, ayos ka lang ba?”Pero may kamay na tumaboy sa braso ng lalaki saka isa
Ilang araw ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa hotel at muling nagkita sina Aurora at Claire. Sa mga sandaling iyon ay nasa antique shop ang dalawa upang maghanap ng puwedeng ma-restore sa suhestiyon na rin ni Claire. Ang totoo ay hindi lang sa alahas magaling mag-restore si Claire. Artist ang pamilya ng lolo niya, at magaling din itong magpinta. Pati iyon ay naipamana sa kanya. Nang makita ni Claire ang isa sa sikat na paintings ni Claude Monet, ang ‘woman in a parasol’ na halos sira-sira na sa antique shop ay nag-ilaw ang mga mata ni Claire. Matagal-tagal na rin simula nang mag-restore siya ng mga paintings at hindi siya sigurado kung kaya pa niyang ibalik iyon sa dati pero habang tinititigan ang painting ay tila nabubuhay ang dugo ni Claire na puminta. Kaagad niya iyong binili pero hindi nagpatalo si Aurora sa pakikipagtawaran sa presyo. “Kuya, naman! Twenty-thousand? Ang mahal naman!”Napakamot sa ulo ang nagtitinda. “Miss, mura na ‘yan. Orihinal na painting to na
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
“Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?” pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at ‘wag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. “Saang banda ang sumasakit? Ito ba?” Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. “No.”Hinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin
Hinaplos ni Manson ang buhok ni Claire saka masuyo iyong hinalikan. “Masiyado akong marahas at pabigla-bigla sa mga kilos ko nitong nakaraan, Claire. I’m sorry.”Tumingala si Claire at tiningnan ito nang malamlam saka umiling. “No. Ako ang masiyadong padalos-dalos sa kilos ko at hindi ko kinonsidera ang nararamdaman mo.”Hindi agad makasagot si Manson. Patuloy siya sa marahang paghaplos ng buhok nito. “Let’s continue being calm down for a while. Kapag hindi ko pa rin matanggap si Lucas ay hindi kita pipilitin. Siguro ay tama si mama. Kayo siguro talaga ang nakatakda.”Nakagat ni Claire ang labi at hindi makasagot. Ibinaba niya ang tingin sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita. Siguro nga kung hindi nangyari ang sunog ay sila ni Lucas ang magkasama ngayon at hindi sana niya nakilala si Manson. Pero kahit ganoon ay hindi niya pinagsisihan na pinakasalan niya ito. Naging magulo man ang pagsasama nila, sa loob ng tatlong taon na iyon ay naging masaya siya. Tunay na masaya. Dahil