Dumating ang lunes na hindi tumatawag si Manson kay Claire na ipinagpasalamat niya kahit pa nasasaktan siya. Kung anuman ang ugnayan nila ng asawa ay puputulin na niya. Ngayong araw, maaga pa lang ay sakay na siya ng taxi papunta sa NAIA dahil ngayon ang biyahe nila papuntang Singapore upang i-finalize ang divorce certificate nila ni Manson. Tatlong oras mahigit lang ang biyahe at dahil may private jet naman ang pamilya ng asawa ay makakauwi rin siya agad mamayang hapon. Nag-aabang na sa kanya si Manson nang makababa siya ng taxi at tinulungan siya nito na pumunta sa immigration para i-check ang kanilang papeles. Buong sandali ay walang kibo si Claire. Ang tanging salitang lumabas sa bibig niya ay hmm nang binati siya ni Manson. “Wait for me here. Ako na ang bahalang pumila,” ani Manson at naglakad patungo sa counter upang ibigay ang visa nila. Tumango si Claire saka kinuha ang cellphone sa bag dahil bigla iyong tumunog. Kaagad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ng nurs
Sa harap ng maraming tao ay biglang hinawakan ni Manson sa baba sI Claire at inangat ang mukha nito saka sinakop ang mga labi at marubdob na hinalikan. Ramdam niya ang paninigas ng katawan ng asawa at tinulak siya nito sa dibdib pero masiyado siyang malakas. Sinigurado niya na tanaw na tanaw ng Lucas na ‘yon ang ginagawa niya kay Claire. He didn’t know what kind of possessiveness was drawn to him, he just wanted to own Claire. Ang takot niya sa tuwing binabanggit ng asawa ang pangalan ni Lucas ay maliit kumpara sa nararamdaman niya ngayong nakita niya ito nang harapan.Pareho silang habol ang hininga nang matapos ang halikan at mabilis siyang itinulak ni Claire. “Manson, ano’ng ginagawa mo?” naiinis na bulong nito. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa nangyari. Manson grinned, but his eyes didn’t hold a smile. “I just wanted to show them you’re mine.” Kinindatan niya ito saka lang iginiya paakyat sa kuwarto. Nang lingunin niya si Lucas ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Tumaas ang
Matapos ang libing ay agad na bumalik ng Maynila ang mag-asawang Claire at Manson habang naiwan sa probinisya ang ina ng babae upang asikasuhin ang bahay ng kanyang lolo. Hapon na nang makarating sila sa Maynila ay dumiretso sila sa hotel na inupahan ni Manson dahil malapit lang daw iyon sa lugar na pagdadausan nito ng meeting kinabukasan. “Gusto mo bang paliguan kita?” nang-aakit na bulong ni Manson kay Claire. Nasa likuran niya ito. Aktong huhubarin ni Claire ang suot na blusa nang niyakap siya ni Manson mula sa likuran at hinapit papalapit sa dibdib nito. Kaagad na nakaramdam ng init ng katawan si Claire dahil sa hininga ni Manson na tumatama sa balat niya. Mariin siyang napalunok. “M-manson… I’m sweaty,” daing niya. Hinawakan niya ang kamay nito at sinubukang tanggalin iyon sa pagkakayakap sa beywang niya pero mahigpit ang pagkakayakap nito. “Huwag kang mag-alala, honey. Ako’ng bahala sa ‘yo,” ani Manson. His tongue slithered from her neck to the back of her ear while slowly g
“Claire, hindi ba ‘yun si Manson? ‘Yong guwapong lalaking nakita natin noon sa museo?” turo ni Aurora sa labas ng restaurant kung saan sila nag-uusap saka lumingon sa kanya. “You know him, right?” Itinigil ni Claire ang akmang pagsubo at ibinaba ang hawak na kutsara saka sinundan ng tingin ang direksyon ng itinuturo ni Aurora. Yes, it was Manson. Pero may kasama itong babae na walang iba kundi si Veena. Kaagad na binalot ng selos ang puso niya sa nakita. Magkasamang pumasok ang mga ito sa hotel na tinutuluyan nila ni Manson. Halos magkadikit ang katawan ng mga ito habang naglalakad. Veena is even smiling sweetly while they are talking intimately. Lihim na naikuyom ni Claire ang kamao upang pigilin ang galit na namuo sa kanyang dibdib. Tama nga ang sinabi nila na ang mga lalaki ay walang isang salita.Eto ba ang sinasabi mong maging tapat ka na, Manson? sigaw niya sa isip. Ang lambing-lambing mo kagabi habag magkaniig tayo at puno ka ng pangako na hindi na tayo magdi-divorce. Pero bak
Kahit nasaktan ang ilong sa lakas ng impact ng pagkabangga niya ay balewala iyon kay Claire. Ilang segundo siyang nakatulala habang nakatitig sa guwapong mukha ng kaharap. Ang pamilyar nitong tsokolateng mata ay hinihigop ang buong kaluluwa niya. “Miss, are you okay? Nasaktan ka ba?” hinawakan ng lalaki ang braso niya upang mahina siyang gisingin sa pagkakatulala. The low and deep voice made Claire’s heart beat faster. Umawang ang kanyang labi pero hindi makapagsalita. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa mata ng lalaki ay lalo niyang naaalala si Lucas dahil magkapareho ang mata ng mga ito. At dahil sa pagkaalala sa nangyari kay Lucas, namatay ito habang nililigtas siya, ay muli na namang sumikip ang dibdib niya sa sakit. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin iyon mawala sa kanyang isip. Hawak ang dibdib ay napasandal siya sa pader na namumutla ang mukha. Kaagad siyang inalalayan ng lalaki. “Miss, ayos ka lang ba?”Pero may kamay na tumaboy sa braso ng lalaki saka isa
Ilang araw ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa hotel at muling nagkita sina Aurora at Claire. Sa mga sandaling iyon ay nasa antique shop ang dalawa upang maghanap ng puwedeng ma-restore sa suhestiyon na rin ni Claire. Ang totoo ay hindi lang sa alahas magaling mag-restore si Claire. Artist ang pamilya ng lolo niya, at magaling din itong magpinta. Pati iyon ay naipamana sa kanya. Nang makita ni Claire ang isa sa sikat na paintings ni Claude Monet, ang ‘woman in a parasol’ na halos sira-sira na sa antique shop ay nag-ilaw ang mga mata ni Claire. Matagal-tagal na rin simula nang mag-restore siya ng mga paintings at hindi siya sigurado kung kaya pa niyang ibalik iyon sa dati pero habang tinititigan ang painting ay tila nabubuhay ang dugo ni Claire na puminta. Kaagad niya iyong binili pero hindi nagpatalo si Aurora sa pakikipagtawaran sa presyo. “Kuya, naman! Twenty-thousand? Ang mahal naman!”Napakamot sa ulo ang nagtitinda. “Miss, mura na ‘yan. Orihinal na painting to na
Nanlaki ang mata ni Claire sa narinig. Hindi siya makapaniwala. “One million? Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Mr. Director?”Tumikwas ang sulok ng labi ni Luke at inilagay ang dalawang braso sa harap ng dibdib saka nakataas ang isang kilay na sumagot sa kanya. “Bakit, Miss Domingo? Hindi ka ba makapaniwala sa kakayahan mo na kaya mong magbenta ng painting na nagkakahalaga ng milyones?” Nakagat ni Claire ang labi. Oo nga at luma na ang painting na nabili niya at sira-sira pero naibalik niya iyon sa orihinal na anyo. One million is alright. “If it is not enough, I can offer you two million and transfer the money right now. Ibigay mo sa akin ang account mo. Or do you prefer it in a cheque?”Natulala si Claire maging si Aurora na nakikinig sa tabi niya. “Teka, sandali. Hindi mo man lang i-appraise ang authenticity ng painting bago ka magbigay ng bayad?” Ngumiti si Luke at nagbigay iyon ng malakas na kabog sa dibdib ni Claire. Biglang umilaw sa isip niya ang mukha ni Lucas. Dumukwang si
Matapos bayaran ang kinain nila ni Manson ay nagpaalam si Claire na pumunta sa banyo upang maghugas ng kamay pero ang totoo ay gusto n’yang ibuhos doon ang sama ng loob. Hanggang kailan ba titigil si Manson sa pagsasabi ng pangalan ni Lucas? Dahil sa tuwing binabanggit ang pangalan nito ay bumabalik ang sakit ng kahapon na pilit niyang kinakalimutan.Habang naghuhugas ng kamay ay narinig ni Claire ang tunog ng sandalyas na papalapit sa tabi niya. Hindi niya iyon pinansin hanggang sa biglang may nagsalita sa tabi niya. “Oh… hindi ko akalain na kumakain ka rin pala sa ganitong mamahaling restaurant.”Naikuyom ni Claire ang kamao at matalim na tumingin sa salamin upang tingnan sa mata ang may-ari ng boses, si Veena. “Sinusundan mo ba ako?” naiiritang tanong niya. Dahil open space ang concept ng banyo ay walang pader na nakatabing sa washing area kundi tanging halaman na hanggang balikat ang taas. Kung may gagawin man siya sa babae ay sigurado siyang may makakakita sa kanya. Pero sa mg
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa
Sumapit ang araw ng pasko at nakatanggap ng imbitasyon si Claire mula kay Nana na magsalo-salo sa mansyon ng mga ito pero magalang niya itong tinanggihan dahil gusto niyang makasama ang kanyang ina. Hindi lang iyon, ayaw niyang makita si Veena at si Bruce kaya siya tumanggi. Naiintindihan siya ni Manson kaya’t pinadalhan siya nito nang maraming pagkain na galing pa sa isang mamahaling hotel. Kasama niya si Manang Delia at silang tatlo ang nagsalo-salo sa noche buena. Hindi makapunta si Manson at naiintindihan iyon ni Claire dahil tradisyon ng pamilya nito ang magsalo-salo sa tuwing pasko. Noon ay nakakasama siya pero dahil may nangyari sa kanyang ina ay naiintindihan siya ni Nana. Kakatapos lang nilang kumain at habang nagliligpit sa kusina si Manang Delia ay nasa salas naman si Claire at nanonood ng TV. Nasa tabi niya ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair. Sinusubuan niya ng prutas ang ina nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo si Claire para pagbuksan iyon nang biglan
“You are getting more and more vicious, huh? Two percent of the company's shares?” mahinang napatawa si Manson.Napanguso si Claire saka marahang pinunasan ang mukha nito ng basang tuwalya. “Well, kung iisipin mo, kulang pa ang dalawang porsyento sa lahat ng pananakit na ginawa niya sa akin. Our child lost because of their scheming. My mother is in a vegetative state because of him. Masisisi mo ba ako kung kahit papaano I became a greedy person? Ginagawa ko lang ‘to para sa ‘yo.” Nilagay niya sa ibabaw ng mesa ang maliit na palanggana kasama ang bimpo saka hinawakan ang kamay ni Manson at inumpisahang masahiin iyon. “Pagdating ng araw, kapag maghaharap na kayo ni Bruce malaking tulong sa ‘yo ang two percent.”Kinagabihan, nang bumalik si Claire sa kuwarto ni Manson ay naikuwenta niya ang pinag-usapan nila ni Mr. Perie. Kaya naman ganoon na lang ang naging reaksyon ni Manson dahil hindi ito makapaniwala na naisahan niya ang ama nito. “Thank you,” Manson thanked her sincerely. “You are