Habang nakaharap sa salamin at inaayusan ng make-up artist ng studio ay hindi maiwasang siyasatin ni Claire ang sarli at napangiti. Kahit hindi gaanong makapal ang make-up na ini-apply sa kanya ay lumulutang pa rin ang ganda niya. Pati ang mga make-up artist ay tuwang-tuwa. “Para kayong artista, maam.”Ngumiti si Claire at nagpasalamat dito. “Salamat. Pero hindi ako artista. Nandito lang talaga ako para magpa-picture.” “Para saan? Sa tingin mo tatablan ka ng camera?”Sinundan ng tawanan ang boses na ‘yon pero nanatili ang tingin ni Claire sa kanyang repleksyon sa salamin. It was Veena. Hindi niya alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay laging pinagtatagpo ang landas nila. “At bakit ka naman nakasuot ng damit pangkasal, aber? Hindi ka rin makapaghintay ano? Ang harot mo rin. Hindi pa nga kayo nagdi-divorce ni Manson at eto ngayon, nagpo-photoshoot ka na para sa kasal?!”Claire found Veena’s words like a noisy, chattering bird, so she ignored her. Tapos na siyang ayusan ng make
Dumating ang lunes na hindi tumatawag si Manson kay Claire na ipinagpasalamat niya kahit pa nasasaktan siya. Kung anuman ang ugnayan nila ng asawa ay puputulin na niya. Ngayong araw, maaga pa lang ay sakay na siya ng taxi papunta sa NAIA dahil ngayon ang biyahe nila papuntang Singapore upang i-finalize ang divorce certificate nila ni Manson. Tatlong oras mahigit lang ang biyahe at dahil may private jet naman ang pamilya ng asawa ay makakauwi rin siya agad mamayang hapon. Nag-aabang na sa kanya si Manson nang makababa siya ng taxi at tinulungan siya nito na pumunta sa immigration para i-check ang kanilang papeles. Buong sandali ay walang kibo si Claire. Ang tanging salitang lumabas sa bibig niya ay hmm nang binati siya ni Manson. “Wait for me here. Ako na ang bahalang pumila,” ani Manson at naglakad patungo sa counter upang ibigay ang visa nila. Tumango si Claire saka kinuha ang cellphone sa bag dahil bigla iyong tumunog. Kaagad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ng nurs
Sa harap ng maraming tao ay biglang hinawakan ni Manson sa baba sI Claire at inangat ang mukha nito saka sinakop ang mga labi at marubdob na hinalikan. Ramdam niya ang paninigas ng katawan ng asawa at tinulak siya nito sa dibdib pero masiyado siyang malakas. Sinigurado niya na tanaw na tanaw ng Lucas na ‘yon ang ginagawa niya kay Claire. He didn’t know what kind of possessiveness was drawn to him, he just wanted to own Claire. Ang takot niya sa tuwing binabanggit ng asawa ang pangalan ni Lucas ay maliit kumpara sa nararamdaman niya ngayong nakita niya ito nang harapan.Pareho silang habol ang hininga nang matapos ang halikan at mabilis siyang itinulak ni Claire. “Manson, ano’ng ginagawa mo?” naiinis na bulong nito. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa nangyari. Manson grinned, but his eyes didn’t hold a smile. “I just wanted to show them you’re mine.” Kinindatan niya ito saka lang iginiya paakyat sa kuwarto. Nang lingunin niya si Lucas ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Tumaas ang
Matapos ang libing ay agad na bumalik ng Maynila ang mag-asawang Claire at Manson habang naiwan sa probinisya ang ina ng babae upang asikasuhin ang bahay ng kanyang lolo. Hapon na nang makarating sila sa Maynila ay dumiretso sila sa hotel na inupahan ni Manson dahil malapit lang daw iyon sa lugar na pagdadausan nito ng meeting kinabukasan. “Gusto mo bang paliguan kita?” nang-aakit na bulong ni Manson kay Claire. Nasa likuran niya ito. Aktong huhubarin ni Claire ang suot na blusa nang niyakap siya ni Manson mula sa likuran at hinapit papalapit sa dibdib nito. Kaagad na nakaramdam ng init ng katawan si Claire dahil sa hininga ni Manson na tumatama sa balat niya. Mariin siyang napalunok. “M-manson… I’m sweaty,” daing niya. Hinawakan niya ang kamay nito at sinubukang tanggalin iyon sa pagkakayakap sa beywang niya pero mahigpit ang pagkakayakap nito. “Huwag kang mag-alala, honey. Ako’ng bahala sa ‘yo,” ani Manson. His tongue slithered from her neck to the back of her ear while slowly g
“Claire, hindi ba ‘yun si Manson? ‘Yong guwapong lalaking nakita natin noon sa museo?” turo ni Aurora sa labas ng restaurant kung saan sila nag-uusap saka lumingon sa kanya. “You know him, right?” Itinigil ni Claire ang akmang pagsubo at ibinaba ang hawak na kutsara saka sinundan ng tingin ang direksyon ng itinuturo ni Aurora. Yes, it was Manson. Pero may kasama itong babae na walang iba kundi si Veena. Kaagad na binalot ng selos ang puso niya sa nakita. Magkasamang pumasok ang mga ito sa hotel na tinutuluyan nila ni Manson. Halos magkadikit ang katawan ng mga ito habang naglalakad. Veena is even smiling sweetly while they are talking intimately. Lihim na naikuyom ni Claire ang kamao upang pigilin ang galit na namuo sa kanyang dibdib. Tama nga ang sinabi nila na ang mga lalaki ay walang isang salita.Eto ba ang sinasabi mong maging tapat ka na, Manson? sigaw niya sa isip. Ang lambing-lambing mo kagabi habag magkaniig tayo at puno ka ng pangako na hindi na tayo magdi-divorce. Pero bak
Kahit nasaktan ang ilong sa lakas ng impact ng pagkabangga niya ay balewala iyon kay Claire. Ilang segundo siyang nakatulala habang nakatitig sa guwapong mukha ng kaharap. Ang pamilyar nitong tsokolateng mata ay hinihigop ang buong kaluluwa niya. “Miss, are you okay? Nasaktan ka ba?” hinawakan ng lalaki ang braso niya upang mahina siyang gisingin sa pagkakatulala. The low and deep voice made Claire’s heart beat faster. Umawang ang kanyang labi pero hindi makapagsalita. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa mata ng lalaki ay lalo niyang naaalala si Lucas dahil magkapareho ang mata ng mga ito. At dahil sa pagkaalala sa nangyari kay Lucas, namatay ito habang nililigtas siya, ay muli na namang sumikip ang dibdib niya sa sakit. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin iyon mawala sa kanyang isip. Hawak ang dibdib ay napasandal siya sa pader na namumutla ang mukha. Kaagad siyang inalalayan ng lalaki. “Miss, ayos ka lang ba?”Pero may kamay na tumaboy sa braso ng lalaki saka isa
Ilang araw ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa hotel at muling nagkita sina Aurora at Claire. Sa mga sandaling iyon ay nasa antique shop ang dalawa upang maghanap ng puwedeng ma-restore sa suhestiyon na rin ni Claire. Ang totoo ay hindi lang sa alahas magaling mag-restore si Claire. Artist ang pamilya ng lolo niya, at magaling din itong magpinta. Pati iyon ay naipamana sa kanya. Nang makita ni Claire ang isa sa sikat na paintings ni Claude Monet, ang ‘woman in a parasol’ na halos sira-sira na sa antique shop ay nag-ilaw ang mga mata ni Claire. Matagal-tagal na rin simula nang mag-restore siya ng mga paintings at hindi siya sigurado kung kaya pa niyang ibalik iyon sa dati pero habang tinititigan ang painting ay tila nabubuhay ang dugo ni Claire na puminta. Kaagad niya iyong binili pero hindi nagpatalo si Aurora sa pakikipagtawaran sa presyo. “Kuya, naman! Twenty-thousand? Ang mahal naman!”Napakamot sa ulo ang nagtitinda. “Miss, mura na ‘yan. Orihinal na painting to na
Nanlaki ang mata ni Claire sa narinig. Hindi siya makapaniwala. “One million? Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Mr. Director?”Tumikwas ang sulok ng labi ni Luke at inilagay ang dalawang braso sa harap ng dibdib saka nakataas ang isang kilay na sumagot sa kanya. “Bakit, Miss Domingo? Hindi ka ba makapaniwala sa kakayahan mo na kaya mong magbenta ng painting na nagkakahalaga ng milyones?” Nakagat ni Claire ang labi. Oo nga at luma na ang painting na nabili niya at sira-sira pero naibalik niya iyon sa orihinal na anyo. One million is alright. “If it is not enough, I can offer you two million and transfer the money right now. Ibigay mo sa akin ang account mo. Or do you prefer it in a cheque?”Natulala si Claire maging si Aurora na nakikinig sa tabi niya. “Teka, sandali. Hindi mo man lang i-appraise ang authenticity ng painting bago ka magbigay ng bayad?” Ngumiti si Luke at nagbigay iyon ng malakas na kabog sa dibdib ni Claire. Biglang umilaw sa isip niya ang mukha ni Lucas. Dumukwang si