Share

Chapter Forty: Revenge of the Unknown

Namutla si Claire at hindi kaagad makapagsalita lalo na nang makita ang madilim na mukha ni Manson habang papalapit ito sa kanila. Nakakuyom ang kamao na tumayo siya sa isang tabi habang hinihintay ang paglapit nito.

“Sumasakit pa ba ang kamay mo?” tumigil ito sa tapat niya inabot ang kanyang palad saka marahan iyong hinaplos.

Napatda si Claire sa narinig. Totoo ba ang nakikita niya na hindi pinansin ni Manson si Veena at sa halip ay dumiretso ito sa kanya? Gustong kastiguhin ni Claire ang sarili dahil hindi siya makasagot. Pagagalitan ba siya ni Manson sa harap ng ex nito?

“My bae…” Veena called Manson’s name coquettishly. “My face hurts. Sinampal ako ni Claire,” reklamo nito na parang bata.

Pero tila bingi si Manson at hindi narinig si Veena. Ni hindi nito sinulyapan ang dalaga at patuloy sa paghaplos ng kanay niya.

“Sana hindi mo ginamit ang palad mo. Nasaktan ka tuloy.”

Tumikwas ang isang kilay ni Claire at lihim na napangisi. Ano'ng gusto mong gamitin ko kung ganu'
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status