“Alam mo na siguro kung bakit ka pinakasalan ni Manson. Magkamukha kayo ni Veena at ang batang iyon lang ang nababagay sa anak ko. Pareho ang estado ng buhay namin samantalang ikaw,” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nanliit ang paningin ni Claire at napayuko. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Ano ba ang maitutulong mo sa negosyo ni Manson? Wala kang yaman at koneksyon, iha. Hiwalayan mo na si Manson. Malaki na rin naman ang naitulong niya sa ‘yo at sa pamilya mo, hindi ba? Isa pa, bumalik na si Veena. Panahon na para sila ni Manson ang magpakasal.”Ito ang mga salitang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Claire habang nakaupo sa bench sa ilalim ng isang malagong punong-kahoy sa harap ng hospital kung nasaan ang kanyang lola. Umalis siya sa opisina ng biyenan niyang lalaki na pigil-pigil ang luha. Ang sakit na dulot ng sinabi ni Mr. Pherie ay malakas na sumuntok sa kanyang puso at nahihirapan siyang huminga. Pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya makaiyak. Tila manhid na
Naabutan ni Claire si Manson bago pa man ito makapasok ng elevator. Mabilis siyang pumasok bago man sumara iyon. Hindi nagsalita ang asawa at pareho silang tahimik hanggang sa muling bumukas ang elevator at lumabas sila. “Manson…” mahinang tawag niya sa pangalan ng asawa. Nasa harapan niya lang ito pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito dahil wala itong imik. Narinig niya ang mahinang pagpakawala nito nang marahas na hangin saka siya nilingon. “You should go back, Claire. Baka ma-bored ang bisita mo kung hindi mo siya i-entertain.” May pagtatampo sa boses ni Manson nang magsalita. Hindi rin niya mabasa ang mukha nito. “Manson,” iling niya. “Huwag mong paniwalaan ang sinasabi ni mama. Nagbibiro lang ‘yon.” Nilapitan niya ang asawa at niyakap ito sa braso. Hindi sumagot si Manson pero alam ni Claire na humupa na ang inis nito pero hindi pa rin siya umaalis sa tabi nito. Nanatili siya hanggang dumating ang sasakyan nito na minamaneho ng assistant nito. “Susunduin kita mamaya,”
Ramdam na ramdam ni Claire ang bigat sa bawat salitang binitiwan ni Manson. Kaya ba ito haggard dahil sa sinabi ng papa nito sa kanya ang tungkol sa pinirmahan kong divorce agreement?“Manson…” Tumayo siya at nilapitan ang asawa. Sinubukan niyang hawakan sa braso si Manson pero umiwas ito. Parang may pumitik sa puso ni Claire dahil sa ginawang iyon ng asawa. Tumalikod siya dahil biglang nag-init ang sulok ng kanyang mata. Masakit din sa kanya ang naging desisyon niya pero alam niyang kung hindi niya susundin ang gusto ni Mr. Pherie ay pahihirapan nito si Manson at ayaw ni Claire mangyari iyon. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi pero biglang may matitikas na braso na yumakap sa kanya. Samyo ni Claire ang pamilyar na pabango ni Manson kaya hinayaan niyang makulong ang sarili sa mga braso nito. “Claire, it hurt me when I found out you signed the divorce agreement. Akala mo ba hindi ako nasasaktan dahil maghihiwalay na tayo? Then, you are wrong. Hindi ko kaya
Namutla si Claire at hindi kaagad makapagsalita lalo na nang makita ang madilim na mukha ni Manson habang papalapit ito sa kanila. Nakakuyom ang kamao na tumayo siya sa isang tabi habang hinihintay ang paglapit nito. “Sumasakit pa ba ang kamay mo?” tumigil ito sa tapat niya inabot ang kanyang palad saka marahan iyong hinaplos. Napatda si Claire sa narinig. Totoo ba ang nakikita niya na hindi pinansin ni Manson si Veena at sa halip ay dumiretso ito sa kanya? Gustong kastiguhin ni Claire ang sarili dahil hindi siya makasagot. Pagagalitan ba siya ni Manson sa harap ng ex nito? “My bae…” Veena called Manson’s name coquettishly. “My face hurts. Sinampal ako ni Claire,” reklamo nito na parang bata. Pero tila bingi si Manson at hindi narinig si Veena. Ni hindi nito sinulyapan ang dalaga at patuloy sa paghaplos ng kanay niya. “Sana hindi mo ginamit ang palad mo. Nasaktan ka tuloy.” Tumikwas ang isang kilay ni Claire at lihim na napangisi. Ano'ng gusto mong gamitin ko kung ganu'
Magdadalawang linggo matapos ang tawag ni Meesha ay wala pa rin siyang balita tungkol kay Manson. Malapit nang gumaling ang daliri niya at makakabalik na siya sa trabaho. Ang buong akala niya ay hindi na siya gagaling pero malaki ang pasasalamat kay Manson at nahanap siya nito ng magaling na doktor na mag-oopera sa daliri niya. Muli na namang nanlumbay ang puso ni Claire nang maalala ang asawa. Nami-miss na niya ito pero alam niyang hindi pwede. Wala na silang dahilan upang magkita pa ni Manson. Malalim siyang napabuga ng hangin habang nakatingin sa salamin. Nakasuot siya ng itim na strapless dress at hanggang tuhod ang haba. May slit iyon sa gilid na abot hanggang sa gitna ng kanyang hita. Nakapuyod ang kanyang lampas balikat na buhok at naglagay din siya ng kaunting make-up upang maging presentable ang sarili. Ngayong araw ay may meeting siya sa isang museum kung saan naka-display ang mga sinaunang alahas na gamit ng mga ninuno at ang iba ay heirloom ng kaharian sa ibang bansa. Kas
Dinala siya ni Manson sa isang mamahaling restawran na malapit lang din sa museum kaya naglakad lamang sila. Buong sandali ay tahimik silang dalawa pero hindi siya binitawan ni Manson at magkahawak-kamay silang naglalakad. Matapos ibigay ni Manson ang order nila sa waiter ay tinanong ito ni Claire. Hindi siya mapakali hangga’t hindi siya nakakuha ng kasagutan. Kahit pa dinadagundong ng kaba ang dibdib niya ay nilakasan niya ang loob na magtanong.“Manson…” mahina ang boses na tawag ni Claire sa pangalan ng asawa. Umangat ng mukha si Manson mula sa binabasa nitong ipad at nagkasalubong ang kanilang tingin. “Bakit, Claire? May gusto ka pa bang order-in?”Mabilis na umiling si Claire. “No. Gusto lang sana kitang tanungin.” Tumikhim siya upang tanggalin ang bara sa lalamunan na siyang nagbibigay ng kaba sa kanya. “D-did you sign the divorce agreement?” Nagsalubong ang kilay ni Manson sa tanong niya. Inilapag nito ang hawak na ipad sa mesa saka tumayo at lumipat ng upuan sa tabi niya
Kinabukasan ay sinundo ni Manson si Claire sa ospital dahil ito ang nakatoka na magbantay sa lola nito. Napag-usapan nila kahapon na susunduin niya ito dahil pinapatawag ng kanyang ina upang magsukat ng damit na bagong disenyo nito. Alam ni Manson kung ano’ng klaseng damit iyon pero ayaw niyang sabihin kay Claire kung ano. “You are here early. Wala kang trabaho sa office?” Umiling si Manson. “No. I took a half day off. Total, sabado naman ngayon.”Pinagbuksan niya ng pinto sa passenger seat si Claire at iginiya ito papasok saka tinulungan itong isuot ang seatbelt. Nagkalapit ang mukha nila at hindi niya mapigilang tumitig sa malamlam na mata nito. Their breathes intermingled as their faces almost touched, but Claire pulled the distance away and turned her face. Namayani ang katahimikan at walang ibang naririnig kundi ang mahinang pag-click ng lock ng seatbelt.Matapos iyon ay bumalik sa driver seat si Manson saka isinuot ang sariling seatbelt at pinaharurot ang kotse. Medyo may kala
Habang nakaharap sa salamin at inaayusan ng make-up artist ng studio ay hindi maiwasang siyasatin ni Claire ang sarli at napangiti. Kahit hindi gaanong makapal ang make-up na ini-apply sa kanya ay lumulutang pa rin ang ganda niya. Pati ang mga make-up artist ay tuwang-tuwa. “Para kayong artista, maam.”Ngumiti si Claire at nagpasalamat dito. “Salamat. Pero hindi ako artista. Nandito lang talaga ako para magpa-picture.” “Para saan? Sa tingin mo tatablan ka ng camera?”Sinundan ng tawanan ang boses na ‘yon pero nanatili ang tingin ni Claire sa kanyang repleksyon sa salamin. It was Veena. Hindi niya alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay laging pinagtatagpo ang landas nila. “At bakit ka naman nakasuot ng damit pangkasal, aber? Hindi ka rin makapaghintay ano? Ang harot mo rin. Hindi pa nga kayo nagdi-divorce ni Manson at eto ngayon, nagpo-photoshoot ka na para sa kasal?!”Claire found Veena’s words like a noisy, chattering bird, so she ignored her. Tapos na siyang ayusan ng make
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa
Sumapit ang araw ng pasko at nakatanggap ng imbitasyon si Claire mula kay Nana na magsalo-salo sa mansyon ng mga ito pero magalang niya itong tinanggihan dahil gusto niyang makasama ang kanyang ina. Hindi lang iyon, ayaw niyang makita si Veena at si Bruce kaya siya tumanggi. Naiintindihan siya ni Manson kaya’t pinadalhan siya nito nang maraming pagkain na galing pa sa isang mamahaling hotel. Kasama niya si Manang Delia at silang tatlo ang nagsalo-salo sa noche buena. Hindi makapunta si Manson at naiintindihan iyon ni Claire dahil tradisyon ng pamilya nito ang magsalo-salo sa tuwing pasko. Noon ay nakakasama siya pero dahil may nangyari sa kanyang ina ay naiintindihan siya ni Nana. Kakatapos lang nilang kumain at habang nagliligpit sa kusina si Manang Delia ay nasa salas naman si Claire at nanonood ng TV. Nasa tabi niya ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair. Sinusubuan niya ng prutas ang ina nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo si Claire para pagbuksan iyon nang biglan
“You are getting more and more vicious, huh? Two percent of the company's shares?” mahinang napatawa si Manson.Napanguso si Claire saka marahang pinunasan ang mukha nito ng basang tuwalya. “Well, kung iisipin mo, kulang pa ang dalawang porsyento sa lahat ng pananakit na ginawa niya sa akin. Our child lost because of their scheming. My mother is in a vegetative state because of him. Masisisi mo ba ako kung kahit papaano I became a greedy person? Ginagawa ko lang ‘to para sa ‘yo.” Nilagay niya sa ibabaw ng mesa ang maliit na palanggana kasama ang bimpo saka hinawakan ang kamay ni Manson at inumpisahang masahiin iyon. “Pagdating ng araw, kapag maghaharap na kayo ni Bruce malaking tulong sa ‘yo ang two percent.”Kinagabihan, nang bumalik si Claire sa kuwarto ni Manson ay naikuwenta niya ang pinag-usapan nila ni Mr. Perie. Kaya naman ganoon na lang ang naging reaksyon ni Manson dahil hindi ito makapaniwala na naisahan niya ang ama nito. “Thank you,” Manson thanked her sincerely. “You are