Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Divorce Now, Marry Me Later: Chapter 11 - Chapter 20

174 Chapters

Chapter Eleven : Claire

Chapter 11Natigilan sa akmang pagpasok sa botique si Claire nang marinig ang sinabi ni Manson. Biglang nanginig ang kamay niya na nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Mabilis niyang nilingon ang asawa. Pero gustuhin man niyang umasa ay hindi pupuwede.“Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi ba ikaw ang unang nagsuhestiyon na maghiwalay na tayo dahil sa Veena na ‘yon?” She didn’t want her hopes to crash without even starting. “Ibig ba niyang sabihin ay determinado ka na makipaghiwalay sa akin?”Kahit nasasaktan ay tumango si Claire. “Oo. Malapit nang maaprubahan ang divorce dito sa Pilipinas kaya oo, sigurado ako sa desisyon kong makipaghiwalay sa ‘yo.” Ngumiti si Claire kahit taliwas iyon sa totoong nararamdaman. Kung puwede lang ay ibalik niya ang oras at huwag nang pumayag na makipaghiwalay rito.“Claire! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na rito at may meeting tayo para sa bagong proyekto.” Isang lalaki, na halos kasing-edad ni Claire ang lum
last updateLast Updated : 2024-06-06
Read more

Chapter Twelve: Feed Me

Chapter 12Nang lumapat ang labi ni Veena sa kanya ay mabilis itong itinulak ni Manson palayo at matalim ang matang tiningnan ang babae na tila binibigyan ng babala. Kaagad namang lumayo si Veena at nakuntentong umupo sa tabi niya. “Bakit ka nandito?” malamig ang boses na tanong ni Manson. Ayaw niyang magkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan ni Claire kapag malaman nitong nagkita sila ni Veena at magkatabi pa sa upuan.Malawak na ngumiti si Veena at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain na hindi man lang nagpapaalam sa um-order niyon. “You know me, Manson. I am wherever you go. I can sniff and will find you even if you are in depths of earth,” Veena answered coquitteshly.Umangat ang kilay ni Marx sa narinig habang si Manson ay hindi sumagot. Tahimik siyang kumuha ng pagkain pero bago pa niya iyon mailagay sa plato ay inagaw na iyon ni Veena at ito na ang nagsilbi sa kanya.“Let me, my bae. Nakahanda akong pagsilbihan ka kahit saan. Kahit anong pagsisilbi gagawin ko.”Hindi na n
last updateLast Updated : 2024-06-07
Read more

Chapter Thirteen : cousin

Chapter 13Natulos sa kinatatayuan si Claire nang makita kung paano subuan ni Manson si Veena na puno ng lambing na gustong-gusto naman ng huli. Nakaramdam ng iritasyon si Claire at sumikip ang dibdib dahil sa hindi niya makayanan ang tagpo. Masarap na amoy ng pagkain na may halong amoy ng alak ang VIP room, pero taliwas iyon sa nararamdaman ni Claire. Gusto niyang sugurin si Veena at ingudngod ang nguso nito sa mesa pero alam niyang wala siya sa posisyon. Sa puso ni Manson, ito ang nangunguna at siya ay asawa lamang sa papel. Nang tinapunan niya ng tingin si Marx ay pinandilatan niya ito ng mata na nakatingin din pala sa kanya na nakaawang ang labi. Saan ang emergency? Emergency dahil tinitigasan? Nanggigil na sigaw niya sa isip.Dahil nakita na rin naman siya ni Marx ay hindi siya nito hinayaang makaalis. “Claire!” Tumayo ito sa kinauupuan saka hinila siya papasok sa loob at pinaupo sa kabilang gilid ni Manson. Tinapik siya nito sa braso at tiningnan siya na tila sinasabing bantaya
last updateLast Updated : 2024-06-08
Read more

Chapter Fourteen : Kiss

Nagpahatid si Claire kay Claude sa bahay ng kanyang ina dahil labis itong nag-ayaw na mag-commute siya at dis-oras na ng gabi. Nakaparada ang sasakyan ng lalaki sa tapat ng building ng apartment complex na tinutuluyan ng kanyang ina habang pareho silang nakasandal sa harapan ng kotse nito. Mainit ang dala ng hangin at masarap iyon sa pakiramdam kaya nang inimbitahan siya ni Claude na mag-usap sandali ay agad pumayag si Claire.Claude insists on talking with her a bit longer. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi puro tungkol sa trabaho at dahil pareho sila ng hilig ay hindi napansin ni Claire na napahaba na ang kanilang usapan. Walang ano-ano ay bigla niyang napansin ang isang matangkad na pigura na papalapit hindi kalayuan sa kanila. Kahit mahina ang liwanag mula sa poste ng ilaw sa kalsada ay aninag na aninag pa rin ni Claire ang nag-mamay-ari ng bulto ng katawan na ito, ang kanyang asawa. Paano ba niya ito hindi makikilala kung sa paglalakad pa lang ng mahabang biyas nito ay n
last updateLast Updated : 2024-06-09
Read more

Chapter Fifteen: Do you regret it?

Hindi sumagot si Claire at halos sindihan ang puwet niya nang pagbukas na pagbukas ng elevator ay kumaripas siya ng lakad. Habang binubuksan ang lock ng pinto ng apartment ay tinanong siya ni Manson.“Pinagsisihan mo ba na nagpakasal ka sa akin?” Bahagyang nasurpresa si Claire sa tanong ni Manson. Itinigil niya ang akmang pagbukas ng pinto at tiningala ang matangkad na asawa. Nagkasalubong ang mata nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na parang isang greek god o model ng isang men’s magazine ang napakasalan niya. May problema man sila ngayon ay hindi iyon hadlang para i-admire niya ang kaguwapuhan nito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Pero pinagsisihan ba niya na nagpakasal siya kay Manson?Umiling siya. “No. Hindi ko pinagsisihan.”Tinulak ni Claire ang pinto at naunang pumasok habang nakasunod sa kanya si Manson. “Tatlong taon ang nakakaraan ay isa akong walang silbing asawa. Ni hindi makalakad, mainitin ang ulo na kahit mga doktor at nurses na tumitingin ay
last updateLast Updated : 2024-06-10
Read more

Chapter Sixteen: Broken Dreams

Umangat ang mukha ni Claire mula sa nabasag na vase at hindi makapaniwalang tumingin kay Manson dahil bigla itong pumasok. Paano pala kung n*******d siya? “Ayos lang ang lahat, Manson. Nasagi ko ang vase nang hindi sinasadya.” Tumingkayad siya upang pulutin sana ang piraso ng vase na basag nang mabilis siyang pinigilan ni Manson. “Ako na ang gagawa at baka masugatan ka pa.” Pinatong nito ang cellphone sa lababo na hindi pa rin napapansin na naka-on call pa rin iyon. Yumuko ito at isa-isang pinulot ang basag na piraso ng vase. Mabuti na lang at ceramic iyon kaya malalaki ang piraso ng bubog. “Mag-ingat ka at baka ikaw naman ang masugatan,” paalala ni Claire habang inabot dito ang basurahan. Kinindatan siya ng asawa at inilagay sa basurahan ang mga basag na piraso. “Nag-aalala ka ba para sa ‘kin? Huwag kang mabahala, aking asawa. Makalyo ang palad ko. Hindi ito agad-agad masugatan.” “Stop joking around. Walang makapal na balat sa matalas na bubog.” Yumuko siya at tinulungan ito pero
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Chapter Seventeen : The Culprit /1

Walang kapantay na lungkot at pighati ang nararamdaman ni Claire ng mga sandaling iyon. Gusto niyang gumuho na ang mundo at lamunin na lang siya. Kung mawawalan ng silbi ang kamay niya, paano na lang siya mabubuhay? Paano sila ng kanyang ina kung tuluyan na silang maghiwalay ni Manson? Paano na ang trabaho niya?Puno ng katanungan ang magulong isip ni Claire, dagdag pa ang matinding kirot na dulot ng sugat niya. Pabagsak siyang napaluhod sa sahig.Nang marinig ng may-ari ng restaurant ang kaguluhan ay mabilis siya nitong dinaluhan. Kahit ang ibang customer ay nakapalibot sa kanya habang tumatawag ng ambulansya para dalhin siya sa ospital pero nagprisinta ang may-ari ng restawran na ito na ang magdadala sa kanya. Habang ang taong maygawa sa kanya ay parang bulang bilang naglaho.Dahil ang person in contact of emergency ay ang asawa niya, dali-dali ring pumunta ng ospital si Manson nang makatanggap ito ng tawag. Inabandona nito ang isang importanteng meeting at pinaubaya sa sekretarya .
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Chapter Eighteen : Pinsan

Matapos bitiwan ang mga salitang iyon ay inabot ni Manson ang babasaging ashtray na puno ng upos ng sigarilyo at walang-awang hinampas iyon sa pagmumukha ni Helena. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang babae na makaiwas dahil hawak siya ng dalawang tauhan ni Manson sa magkabilang-balikat.Pumutok ang kaliwang kilay ni Helena kung saan natamaan ng ashtray at kaagad na umagos ang dugo mula roon. Sinipa siya paluhod ng tauhan ni Manson at napaigik ito nang tumama ang tuhod nito sa nabasag na bubog. Pumalahaw ng iyak ang babae pero pinusalan ng isa pang tauhan ang bibig nito ng isang maduming panyo. Tumayo si Manson at gamit ang sapatos ay inangat niya ang mukha ng babae. “Masakit? Dapat ay maranasan mo rin ang sakit na naranasan ng asawa ko dahil sa ginawa mo. Kapag hindi bumalik sa dati ang kamay niya ay hindi lang ito ang aabutin mo,” mababa ang boses na banta niya. Para siyang demonyo na walang puwang para sa awa. Pagkatapos, gamit ang kaparehong paa ay malakas niyang inapakan ang k
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Chapter Nineteen : Revenge

Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Manson sa pagbabantay kay Claire sa ospital at kapag may nais siyang pirmahan na papeles ay pinapadala niya sa sekretarya. Nang gabing iyon habang natutulog si Claire ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni Veena na si Vincent. Akmang babangon siya mula sa pagkakahiga sa kama nang bigla siyang pinigilan ni Claire na nagising dahil sa kilos niya.“Saan ka pupunta?” namamaos ang boses na tanong nito dahil naudlot ang tulog.Itinaas niya ang hawak na cellphone at hinaplos ang buhok nito saka malumanay ang boses na nagsalita. “Sandali lang ako. Sasagutin ko lang ang tawag.”“Malamig sa labas, dito mo na lang sagutin. Is it important?”Tumango si Manson saka umupo sa kama at sumandal sa headboard. “Bakit napatawag ka ng dis-oras ng gabi, Vincent? May problema ba?”“Pasensya na sa istorbo, Manson. Pero may masamang nangyari kay Veena. May umatake sa kanya at napuruhan ang kanyang kamay. Halos mawasak iyon kaya’t nandito rin siya sa ospital. Ang
last updateLast Updated : 2024-06-13
Read more

Chapter Twenty: Accuse

Naiiling na pinulot ni Vincent ang unan na tinapon ng kapatid saka bumaling dito. “Veena, sa mga panahong magkasama kayo ni Manson, maayos ang lagay niya. Protektado ka niya, pinagsisilbihan. Pero nang malugmok siya, umalis ka at iniwan mo siya. At iyon ang mga panahon na pumasok si Claire sa buhay ni Manson. Inalagaan niya ito, pinagsilbihan at hindi ito iniwan. Ang sabi nga nila, ang taong karamay sa kahirapan ay ang taong tunay na maaasahan. Kaya’t huwag kang magtaka kung ang tatlong taon ni Claire sa poder ng lalaki ay mas matibay sa ilang taon niyong pagsasama ni Manson.”“Bakit siya ang kinakampihan mo, kuya? Kapatid ba talaga kita?” Hestirikal na sigaw ni Veena at hindi alintana ang IV na nakakabit sa palad habang dinuduro ang kapatid. Nilamon na ito ng emosyon.“Wala akong kinakampihan, Veena. Tinuturuan lang kitang pag-aralan ang sitwasyon at mag-isip nang maayos,” kalmadong sagot ni Vincent. Ngunit lalong naglupasay sa pag-iyak si Veena dahil sa sagot niya. Para itong bata
last updateLast Updated : 2024-06-14
Read more
PREV
123456
...
18
DMCA.com Protection Status