Home / Romance / MY TWINS / Kabanata 191 - Kabanata 200

Lahat ng Kabanata ng MY TWINS: Kabanata 191 - Kabanata 200

239 Kabanata

Chapter 190

Chapter 190 Pagdating namin sa mansyon, sinalubong kami ng masigabong palakpakan mula sa mga kasambahay. Halatang handa na ang lahat para sa pagdating ng mga triplets. May mga dekorasyon pa sa sala—mga lobo, banner, at bulaklak na nagpapakita ng "Welcome Home Triplets!" Si Liam at Althea ay masayang tumakbo patungo sa mga lola’t lolo, habang si Ella at ako ay maingat na ibinaba ang mga crib ng mga sanggol. Napatingin ako kay Mommy Ana na tila naiiyak sa tuwa. “Grabe, napakabilis ng panahon. Parang kailan lang, hawak-hawak ko si Liam at Althea sa ganito ring crib,” bulong niya habang nakangiti. "Oo nga po, Mommy," sagot ko. "Ngayon, mas malaki na ang pamilya namin," sambit ko. Tahimik na humakbang si Daddy Dave patungo sa mga crib at maingat na hinimas ang mga noo ng bawat isa sa triplets. "Lalaki silang masaya’t malusog, tulad ng kanilang mga magulang," sabi niya nang may pagmamalaki. Ramdam ko ang lalim ng kanyang emosyon, hindi siya madalas magsalita ng ganoon, pero ngay
last updateHuling Na-update : 2024-09-25
Magbasa pa

Chapter 191

Chapter 191 Isang umaga, habang kami ni Ella ay abala sa pag-aayos ng mga gamit ng triplets, narinig namin ang masiglang tawanan mula sa labas. Si Liam, Red, at Blue ay naglalaro sa hardin kasama ang kanilang lolo at lola. Nakakatuwa silang panoorin—tila ba walang alalahanin sa mundo, masaya at malayang tumatakbo sa malawak na damuhan. “Ang bilis nilang lumaki,” sabi ni Ella habang sinisilip ang mga bata mula sa bintana. “Parang kahapon lang, si Liam ang binabantayan natin ng ganito.” Ngumiti ako at tumango, sabay abot sa isa sa mga bote ng gatas para sa triplets. "Oo nga, at ngayon, tatlo na silang susundan ang mga yapak ni Liam." Maya-maya pa'y narinig naming bumukas ang pinto at pumasok si Mommy Ana. "Magandang umaga, mga anak. Kamusta ang mga triplets?" tanong niya habang dala ang isang maliit na basket ng prutas. “Masaya sila, Mommy,” sagot ni Ella. “Nagiging malakas at masigla na rin. Salamat sa lahat ng tulong niyo ni Daddy.” Ngumiti si Mommy Ana at tiningnan ang
last updateHuling Na-update : 2024-09-25
Magbasa pa

Chapter 192

Chapter 192 Pagbaba namin ng eroplano, agad kaming sinalubong ng aming driver na naka-assign para sa amin sa France. Isang maaliwalas na umaga, at habang lumalapit siya, binati niya kami sa wikang Pranses. "Bienvenue en France! J'espère que vous avez fait bon voyage," bati ng driver na may malawak na ngiti. Nakangiti si Ella, at sumagot siya ng may halong saya. "Merci beaucoup! Nous sommes très heureux d'être ici." Alam kong matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito—ang makabalik sa France at magsimula ng isang bagong kabanata ng aming buhay. Napatingin ako sa kanya, at kitang-kita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Ito na talaga ang bagong simula para sa amin. Nakangiti rin sina Liam at Althea habang tahimik na nakikinig, tila nasasabik sa bagong mundo na kanilang tutuklasin. Samantala, ang triplets ay payapang natutulog sa kanilang stroller, hindi alintana ang pagbabago sa paligid. Pinasok namin ang kotse, at habang nagbibiyahe patungo sa aming bagong tahanan, hindi
last updateHuling Na-update : 2024-09-25
Magbasa pa

Chapter 193 🥰Last Chapter of Xenno’s Love Story

Chapter 193 Last Chapter of Xenno’s Love Story Xenno POV Pagkatapos kong ibaba ang tawag mula kay Blue, ramdam ko ang tuluyang pag-alis ng bigat sa aking balikat. Sa wakas, tapos na ang lahat ng problema sa Santiago Empire, at ang buong atensyon ko ay maitutok ko na sa pinakamahalaga—ang aking pamilya. Habang tumatakbo si Liam patungo sa amin, hawak niya ang isang munting rosas na kanyang pinulot mula sa hardin. “Para kay Mommy,” sabi niya, sabay abot ng bulaklak kay Ella, na ngumiti at niyakap siya nang mahigpit. "Salamat, anak," sabi ni Ella, habang natatawa at tumitingin sa akin. "Napaka-sweet ng anak natin," masayang wika niya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, at isang damdaming hindi ko mapaliwanag ang bumalot sa akin. Ang tahimik at masayang buhay na noon ay parang imposible, ay heto at nasa harapan ko na. Dati-rati, puro trabaho ang laman ng isip ko, pero ngayon, pamilya na ang nasa puso ko. Habang pinapanood ko ang aming mga anak na masayang naglalaro, hind
last updateHuling Na-update : 2024-09-26
Magbasa pa

Chapter 194 "BEYOND THE MASK"

Chapter 194 Title: Beyond the Mask (Blue’s Story) Sa ilalim ng liwanag ng isang mapanlinlang na tadhana, isang kwentong pag-ibig ang nabuo sa gitna ng kasinungalingan at panganib. Si Blue, isang miyembro ng makapangyarihang Santiago Clan, ay kilala bilang mapaglaro at walang seryosong hangarin sa pag-ibig. Ngunit isang babae ang dumating at binaligtad ang lahat ng kanyang paniniwala—isang misteryosang babae na gumising sa kanyang puso sa paraang hindi niya inaasahan. Habang nalulunod siya sa pag-ibig, natuklasan niyang ang babaeng minamahal niya ay anak ng pinakamalaking kaaway ng kanilang secret organization. Ngunit hindi lang iyon—siya at ang kanyang kakambal na lalaki ay mga assassin, sanay sa pagkitil ng buhay at paglalaro ng mga anino. Sa bawat galaw nila, maaaring bumagsak ang kanilang mundo. Ngayong nahubad na ang mga maskara, ang tanong: pipiliin ba nila ang kanilang pagmamahalan o ang tungkuling nakaatang sa kanilang mga balikat? Sa bawat patak ng dugo at bawat lihim
last updateHuling Na-update : 2024-09-28
Magbasa pa

Chapter 195

Chapter 195Kinabukasan, kay bilis ng panahon kung kailan ako umupo bilang CEO nang aming kompanya. Umaga na naman, at muli akong bumangon sa tunog ng alarm. Ang unang bagay na pumasok sa isip ko ay ang mga responsibilidad na naghihintay sa akin sa opisina. Pinilit kong bumangon mula sa kama at nagdesisyong simulan ang araw na may positibong pananaw, kahit na alam kong napakalayo nito sa aking nararamdaman. Habang naghuhugas ng mukha, naharap ako sa salamin. Ang mga mata ko ay puno ng pagod, at naramdaman ko ang bigat ng aking bagong tungkulin. Sa likod ng aking isip, bumabalik ang mga salitang binitiwan ni Kuya—ang tiwala niya sa akin. Kailangan kong ipakita na karapat-dapat ako sa tiwalang iyon. Pagdating sa opisina, sinalubong ako ni Clara, ang aking assistant. “Good morning, Mr. Blue. May meeting tayo sa mga investors mamaya,” aniya, sabay abot ng ilang dokumento. “Kailangan nating pag-usapan ang mga detalye ng partnership.” “Okay, Clara. Salamat,” sagot ko, habang pinapa
last updateHuling Na-update : 2024-09-29
Magbasa pa

Chapter 196

Chapter 196Muntik ko nang nakalimutan andito pa pala ang aking kakambal. Kung hindi pa ito magsasalita ay siguradong nakalimutan ko ito ng tuluyan. “Mukhang magiging busy ka sa susunod na araw, Blue!” sabi ng aking kakambal na si Red habang nakaupo sa sofa dito sa loob ng aking opisina. “Oo nga eh,” sagot ko, nag-aalala sa mga nakatakdang meetings at deadlines. “May mga presentations pa akong kailangang ihanda, at ang marketing event ay malapit na,” sambit ko dito. “Siguradong magiging maganda ang lahat. Alam ko namang kaya mo ‘yan,” aniya, nagbigay ng ngiti na tila nag-uudyok sa akin. “Salamat, Red. Pero aaminin ko ito sayo na talagang kinakabahan ako sa imposibleng mangyari. Maraming nakasalalay dito, at ayaw kong mabigo ang mga tao,” sabi ko na may pag-alinlangan sa aking boses. Bakas doon ang kaba, tensyon at pagod, ayaw ko na mabigo ako. Nakasalalay ang mga tauhan ko sa akin. “Bakit hindi ka maglaan ng oras para magpahinga? Hindi makakatulong ang labis na pag-aalala
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

Chapter 197

Chapter 197 Ivy Grace POVNakatayo ako sa madilim na sulok ng bar, nagmamasid habang ang musika ay umaagos sa hangin. Ang mga ilaw ay sumasayaw, bumababa at tumataas, na nagbibigay ng kakaibang ambiance sa paligid. Dito, sa Santiago Empire, narito ako upang makuha ang black book ng kanilang pamilya, at ang target ko ay si Blue Santiago, ang CEO. Sa aking likuran, ang pangalan ng aking grupo, Dark Moon, ay nagbibigay sa akin ng lakas ng loob, pero may kasamang kaba. Ako si Blood, at ito ang aking misyon.Nakaupo si Blue kasama ang kanyang kakambal na si Red at dalawang babae. Mukhang komportable sila, ngunit sa kanilang mga mata, walang anumang interes na nakikita sa isa’t isa. Para sa akin, tila masyado silang nakatuon sa isa't isa, na parang isang matibay na yelo ang bumabalot sa kanilang relasyon. Walang pakialam sa mga tao sa paligid, ngunit ako, nandito ako para sa isang dahilan.Nang makita kong umiinom si Blue mula sa kanyang baso, nagpasya akong uminom din ng isang baso ng a
last updateHuling Na-update : 2024-10-01
Magbasa pa

Chapter 198

Chapter 198 Blue POV Habang masaya kaming nagkukwentuhan, nahagip ng aking paningin ang isang babaeng pumunta sa dance floor. Hindi ko maiwasang titigan siya. "Kakaibang babae," naisip ko, sabay lagok ng alak sa aking baso. Hindi pa kami umuuwi dahil napapasarap ang aming kwentuhan dito sa bar. "Sino 'yang tinititigan mo, Blue?" tanong ni Red, na halatang curious. Tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin. "Sino siya?" "Hindi ko kilala," sagot ko habang si Lea, ang isa naming kasama, ay patuloy sa masayang kwentuhan. Niligawan ko si Mea noon pero binasted niya ako dahil may nobyo na siya at balak na nilang magpakasal. "Kakaibang babae," bulong ni Red, sapat para marinig ko. "Mag-ingat ka sa mga ganyang babae, Bal. Nababasang ko sa kilos niya na may itinatago siya sa kanyang pagkatao," dagdag niya ng seryoso. Bilang mga assassin, isa ito sa mga pinag-aralan namin—ang basahin ang kilos ng mga taong nasa paligid namin. Tumango ako bilang tugon, saka ako nagpasyang la
last updateHuling Na-update : 2024-10-02
Magbasa pa

Chapter 199

Chapter 199 Manatili akong alerto habang pinakikiramdaman ang babaeng kasama namin — si Ivy Grace. Tahimik siyang nakamasid sa akin at kay Red, ngunit ramdam ko ang tensyon sa paligid. "Sandali, ano bang nangyayari?" tanong ni Karla, halatang kinakabahan ang kanyang boses. "B-bakit may baril kayo?" tarantang tanong ni Mea, napapatingin sa amin ng may halong takot. "Shhh, wag kayong maingay!" madiing sabi ni Red, kasabay ng aming tahimik na paglakad sa madilim na eskenita. Patuloy naming iniiwasan ang mga humahabol sa amin hanggang sa naligaw namin sila. Agad kaming dumiretso sa labasan at pinasakay sina Karla at Mea upang makauwi na sila ng ligtas sa kanilang tahanan. Samantala, nanatiling tahimik si Ivy Grace, palihim na pinagmamasdan ako at si Red. Dahil sa kakayahan naming basahin ang kilos ng aming mga kalaban, hindi ko maikakaila ang kutob ko — may masama siyang binabalak. Kung ano man ang motibo niya, kailangan ko itong malaman. Kailangan kong magpakalapit sa kanya.
last updateHuling Na-update : 2024-10-03
Magbasa pa
PREV
1
...
1819202122
...
24
DMCA.com Protection Status