Home / Romance / MY TWINS / Chapter 181 - Chapter 190

All Chapters of MY TWINS: Chapter 181 - Chapter 190

239 Chapters

Chapter 180

Chapter 180Xenno POV Habang naglalakad kami patungo sa sasakyan, naramdaman ko ang bigat ng tensyon nasa aming kapaligiran. Kailangan kong siguraduhin na ligtas ang lahat at matagumpay ang misyon namin. "Handa na ba ang lahat?" tanong ko, habang tinitingnan ang bawat isa sa kanila. "Handa na, Kuya," sagot nila sabay-sabay, puno ng excitement sa kanilang mukha. Habang papalapit kami sa kuta ng kalaban, nararamdaman ko ang pagtaas ng adrenaline sa aking katawan. Alam kong ito na ang pagkakataon namin upang tapusin ang laban na ito. "Tandaan niyo ang plano. Mag-ingat at huwag magpapabaya," sabi ko, habang tinitingnan si Red at Blue na kasama ko sa likod. "Oo, Kuya. Kailangan nating magtulungan," sagot ni Blue, habang inaayos ang kanyang baril. Pagdating namin sa kuta ng kalaban, nakita ko si Tita Sky at ang kanyang grupo na papalapit sa harap. Agad kaming pumwesto sa likod, handa sa anumang mangyayari. "Red, Blue, sundan niyo ako. Kailangan nating maging tahimik," utos ko, haban
last updateLast Updated : 2024-09-12
Read more

Chapter 181

Chapter 181 Nakita ko sina Enna, Mommy, at Tita Sky lumalaban ng mano-mano sa kalaban. Naging mabilis ang kanilang mga kilos, na parang mga anino sa dilim. Ang mga kasamahan nilang assassin ay mabilis din kumilos at nakisabayan sa mga kalaban, bawat galaw ay puno ng kahusayan at disiplina. Habang abala kami sa pakikipaglaban, naramdaman ko ang paglapit ni Blue at Red. "Kuya, kailangan nating tulungan sila!" sigaw ni Blue, habang nagpapalitan kami ng putok sa mga kalaban. "Red, Blue, sundan niyo ako! Kailangan nating tapusin ito ngayon!" sigaw ko, habang tumatakbo kami patungo sa gitna ng labanan. Pagdating namin sa gitna, nakita ko si Tita Sky na nakikipaglaban sa lider ng mga kalaban. Ang bawat suntok at sipa ay puno ng lakas at husay. "Hindi ka makakatakas ngayon!" sigaw ni Tita Sky, habang tinatamaan ang lider ng malakas na suntok. "Mommy, Enna, kailangan nating magtulungan!" sigaw ko, habang tinutulungan ko silang labanan ang mga natitirang kalaban. "Xenno, mag-ingat ka
last updateLast Updated : 2024-09-12
Read more

Chapter 182

Chapter 182 "Ngayon ko lang nakita si Mommy na ganito," sabi ni Enna, habang tinitingnan ang bawat galaw nila. "Alam kong magaling sila, pero hindi ko inakala na ganito sila kagaling," sabi ko, habang patuloy na nagmamasid. Nang matapos ang labanan, nakita namin na isa-isang bumagsak ang mga kalaban sa lupa. Ang mga orihinal na Black Assassin ay nakatayo pa rin, hindi man lang hingal o pagod. "Tapos na," sabi ni Tita Sky, habang tinitingnan ang paligid. "Magaling ang trabaho niyo, lahat," sabi ni Mommy, habang tinitingnan ang mga kasamahan. Habang nag-uusap sila, biglang napansin ni Tita Sky ang aming pwesto. "Xenno, Enna, Blue, Red, alam kong nandiyan kayo. Lumabas na kayo," sabi niya, na may bahid ng ngiti sa kanyang boses. Nagkatinginan kami at alam naming wala na kaming magagawa kundi sumunod. Dahan-dahan kaming lumabas mula sa aming taguan. "Sorry, Mommy, Tita Sky. Hindi kami nakatiis na hindi manood," sabi ko, habang tinitingnan sila. "Alam kong curious kayo, per
last updateLast Updated : 2024-09-13
Read more

Chapter 183

Chapter 183"Kaya nga ayaw kong sumakay d'yan," sabi ni Mommy habang nakaupo sa front seat ng sasakyan, halatang kinakabahan pa rin sa nangyari. "Blue, Red! Wag na wag ninyong gagayahin ang Tita Sky ninyo, kahit ang kuya Xenno ay hindi ito ginaya," mariing paalala niya sa amin, at ginawa pa akong example sa kapatid kong kambal kahit na 24 na sila, sabay sulyap kung saan daang dumaan si Tita Sky kasama ang aking kakambal na si Enna na nakangiti lamang. Si Tita Sky, kilala sa pagiging matinik na assassin at ito din ang pinuno nila Mommy noong hindi pa sila ng reretiro bilang assassin, kahit nasa 50 plus na ang kanilang edad ay hindi mo mapapansin dahil sa kanilang mga kilos at hitsura na parang nasa 30 plus ang mga iyo, ay hindi mo mapipigilang sumabak sa mga mapanganib na adventures. Kanina lang, dumating siya sakay ng kanyang motor, mabilis at parang walang pakialam sa mundo. Ako man ay nagulat sa bilis ng pagdating niya, at hindi ko rin maiwasang isipin na kung ako ang nasa sitwasyo
last updateLast Updated : 2024-09-14
Read more

Chapter 184

Chapter 184 Lumipas ang mga buwan at tila bumagal ang takbo ng oras. Araw-araw ay parang paulit-ulit lamang—ang tahimik na tunog ng mga makinang naka-attach kay Ella, ang malalamig na pagbisita sa kanyang silid, at ang walang katapusang paghihintay. Pero ngayon, may bagong bigat na dumagdag sa sitwasyon. Si Ella, na hanggang ngayon ay nasa comatose, ay dalawang buwan nang buntis. Hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat ng ito. Sa isang banda, may pag-asa—ang bata na nasa sinapupunan niya, isang simbolo ng buhay at pag-asa. Ngunit sa kabilang banda, ang takot ay humahaplos sa akin araw-araw. Paano kung hindi siya magising? Paano kung hindi niya maranasan ang buhay ng batang iyon? Lumapit ako kay Ella, gaya ng ginagawa ko palagi tuwing bumibisita ako sa silid niya. Nakahiga pa rin siya, ang mukha niya ay tila payapa, walang bakas ng paghihirap, ngunit walang gising na kislap sa kanyang mga mata. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay, hinahanap ang anumang senyales na n
last updateLast Updated : 2024-09-14
Read more

Chapter 185

Chapter 185 Habang yakap ko si Liam at si Althea, naramdaman kong kailangan kong maging mas matatag sa sitwasyong ito. Hindi madaling ipaliwanag sa mga bata ang mga komplikasyon sa buhay, lalo na’t masyado pa silang bata upang maintindihan ang bigat ng mga desisyon na kinakailangan naming gawin. Pilit kong pinapanatili ang lakas ng loob ko sa harap nila, kahit ang katotohanan ay hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako maghihintay o kung ano ang magiging kinabukasan namin. Paano kung hindi na magising si Ella? Paano ko haharapin ang mga araw na wala siya? Pero hindi ko maaaring ipakita sa kanila ang aking takot. Kailangan kong magpakatatag, hindi lang para sa akin kundi para sa aming pamilya. "Bukas, bibisitahin natin ulit si Mommy sa ospital," sabi ko kay Liam habang nakatingin siya sa akin, puno ng pag-asa. "Dadalhan natin siya ng mga bulaklak at kakausapin natin siya, katulad ng palagi nating ginagawa." "Talaga, Dad? Magigising na ba siya?" tanong ni Liam, may bahid ng excite
last updateLast Updated : 2024-09-14
Read more

Chapter 187

Chapter 187 Ella POV Hindi ko mapigilang makaramdam ng labis na kasiyahan sa kaalaman na buntis ako—at hindi lang isa, kundi triplets pa ang ipinagkaloob sa amin ng Panginoon. Isang biyaya na halos hindi ko sukat akalain, lalo na't ilang buwan akong walang malay. Ngayon, narito ako, kasama ang aking pamilya, masaya at buo. Habang lumilipas ang mga araw at buwan, mas lalong naging excited kaming lahat. Lalo na nang malaman ng pamilya ni Xenno na gising na ako. Ang saya ay ramdam na ramdam, at ang bawat isa ay tila sabik sa pagdating ng mga sanggol. Palibhasa, alam kong napakalaki ng naitulong ng mga mahal ko sa buhay, lalo na noong mga panahong wala akong malay. Isang araw, habang nagkukuwentuhan kami nina Xenna, ang aking matalik na kaibigan na itinuturing ko na ring kapatid dahil asawa siya ni Xenno, kasama ang kanyang asawa na si Doc Marcos, ang mga magulang ni Xenno na sina Mommy Ana at Daddy Dave, at ang kambal nilang kapatid na sina Red at Blue, hindi maiwasang maganap an
last updateLast Updated : 2024-09-16
Read more

Chapter 186

Chapter 186 Lumipas ang walong buwan, at sa wakas, dumating ang araw na pinakahihintay namin. Isang umaga, habang tahimik kaming nag-aabang sa tabi ng kama ni Ella, bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata. "Mommy," bulong ni Liam, halos hindi makapaniwala sa nakikita niya. Agad kaming tumayo ni Althea at lumapit sa kama, hawak-hawak ang maliliit na kamay ng kanyang mga kapatid. Ako man ay natigilan, nakapako ang mga mata sa mukha ni Ella. Isang bagay na halos itinuring kong imposible sa mga nakaraang buwan ay biglaang naging totoo. Hindi ko maiwasang maglakad papalapit nang dahan-dahan, tila natatakot na baka isang panaginip lang ito at maglaho siya muli. "Ella!" bulong ko habang hawak ang kanyang kamay. Sa una'y mahina pa siyang kumurap, tila naguguluhan, ngunit unti-unti kong nakikita ang liwanag sa kanyang mga mata. "Xenno?" sago niyang pabulong, mahina ang boses, ngunit sapat na para masira ang tila napakatagal na katahimikan sa silid. "Opo, Mahal. Ako ito," sagot
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Chapter 188

Chapter 188 Matapos ang napakahabang araw na iyon, napatingin ako kay Ella habang siya ay mahimbing natutulog sa recovery room. Nakahinga ako ng maluwag sa wakas, kahit na ang kaba at takot na naramdaman ko ay tila hindi pa rin tuluyang nawawala. Nilapitan ko siya, hinawakan ang kanyang kamay, at hinaplos ang kanyang buhok."Salamat, mahal," bulong ko, kahit alam kong hindi pa niya ako maririnig. "Salamat sa pagiging malakas para sa ating pamilya," dagdag kung bulong. Napatingin ako sa labas ng bintana ng ospital. Napakaliwanag ng sikat ng araw, para bang ipinapakita sa akin ng mundo na pagkatapos ng lahat ng bagyo, may liwanag pa rin sa dulo. Pagkalipas ng ilang oras, dumating na ang oras na pwede ko nang makita ang mga triplets. Tahimik akong lumabas ng kwarto ni Ella, nagpaalam kay Mommy saka hinabilin ko m una na bantay si Ella saka pagpunta ako sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) kung saan naroroon ang aming mga sanggol. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—excitemen
last updateLast Updated : 2024-09-21
Read more

Chapter 189

Chapter 189 Lumipas ang mga buwan, at sa wakas ay maaari na naming makapiling ang aming tatlong kambal na nasa incubator dahil ipinanganak sila ng kulang sa buwan. "Excited na kami makita ang triplets naming apo," sambit ni Mommy Ana, bakas sa kanyang mukha ang galak at saya. Ganito rin ang nakikita ko kay Daddy Dave at sa tatlo kong kapatid. Ang aking asawa na si Ella ay hindi mapigilan ang ngiti sa kanyang mga labi, at pati ang aming dalawang anak na sina Liam at Althea ay tuwang-tuwa. Kahit na bata pa si Althea, parang nauunawaan na niya ang nangyayari sa paligid. Samantalang si Liam, na siyam na taong gulang na, ay tiyak kong nauunawaan na niya ang mga bagay, lalo na kung gaano kasaya ang lahat ngayon sa pagdating ng mga bagong miyembro ng pamilya. "Kuya Xenno!" sigaw nina Red at Blue. Bahagya kaming natawa dahil sabay pa talaga silang nagsalita. Sabagay, kambal din naman sila tulad namin ng aking kapatid na si Xenna. "Excited na rin kaming makita ang mga pamangkin nami
last updateLast Updated : 2024-09-23
Read more
PREV
1
...
1718192021
...
24
DMCA.com Protection Status