Chapter 187 Ella POV Hindi ko mapigilang makaramdam ng labis na kasiyahan sa kaalaman na buntis ako—at hindi lang isa, kundi triplets pa ang ipinagkaloob sa amin ng Panginoon. Isang biyaya na halos hindi ko sukat akalain, lalo na't ilang buwan akong walang malay. Ngayon, narito ako, kasama ang aking pamilya, masaya at buo. Habang lumilipas ang mga araw at buwan, mas lalong naging excited kaming lahat. Lalo na nang malaman ng pamilya ni Xenno na gising na ako. Ang saya ay ramdam na ramdam, at ang bawat isa ay tila sabik sa pagdating ng mga sanggol. Palibhasa, alam kong napakalaki ng naitulong ng mga mahal ko sa buhay, lalo na noong mga panahong wala akong malay. Isang araw, habang nagkukuwentuhan kami nina Xenna, ang aking matalik na kaibigan na itinuturing ko na ring kapatid dahil asawa siya ni Xenno, kasama ang kanyang asawa na si Doc Marcos, ang mga magulang ni Xenno na sina Mommy Ana at Daddy Dave, at ang kambal nilang kapatid na sina Red at Blue, hindi maiwasang maganap an
Chapter 186 Lumipas ang walong buwan, at sa wakas, dumating ang araw na pinakahihintay namin. Isang umaga, habang tahimik kaming nag-aabang sa tabi ng kama ni Ella, bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata. "Mommy," bulong ni Liam, halos hindi makapaniwala sa nakikita niya. Agad kaming tumayo ni Althea at lumapit sa kama, hawak-hawak ang maliliit na kamay ng kanyang mga kapatid. Ako man ay natigilan, nakapako ang mga mata sa mukha ni Ella. Isang bagay na halos itinuring kong imposible sa mga nakaraang buwan ay biglaang naging totoo. Hindi ko maiwasang maglakad papalapit nang dahan-dahan, tila natatakot na baka isang panaginip lang ito at maglaho siya muli. "Ella!" bulong ko habang hawak ang kanyang kamay. Sa una'y mahina pa siyang kumurap, tila naguguluhan, ngunit unti-unti kong nakikita ang liwanag sa kanyang mga mata. "Xenno?" sago niyang pabulong, mahina ang boses, ngunit sapat na para masira ang tila napakatagal na katahimikan sa silid. "Opo, Mahal. Ako ito," sagot
Chapter 188 Matapos ang napakahabang araw na iyon, napatingin ako kay Ella habang siya ay mahimbing natutulog sa recovery room. Nakahinga ako ng maluwag sa wakas, kahit na ang kaba at takot na naramdaman ko ay tila hindi pa rin tuluyang nawawala. Nilapitan ko siya, hinawakan ang kanyang kamay, at hinaplos ang kanyang buhok."Salamat, mahal," bulong ko, kahit alam kong hindi pa niya ako maririnig. "Salamat sa pagiging malakas para sa ating pamilya," dagdag kung bulong. Napatingin ako sa labas ng bintana ng ospital. Napakaliwanag ng sikat ng araw, para bang ipinapakita sa akin ng mundo na pagkatapos ng lahat ng bagyo, may liwanag pa rin sa dulo. Pagkalipas ng ilang oras, dumating na ang oras na pwede ko nang makita ang mga triplets. Tahimik akong lumabas ng kwarto ni Ella, nagpaalam kay Mommy saka hinabilin ko m una na bantay si Ella saka pagpunta ako sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) kung saan naroroon ang aming mga sanggol. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—excitemen
Chapter 189 Lumipas ang mga buwan, at sa wakas ay maaari na naming makapiling ang aming tatlong kambal na nasa incubator dahil ipinanganak sila ng kulang sa buwan. "Excited na kami makita ang triplets naming apo," sambit ni Mommy Ana, bakas sa kanyang mukha ang galak at saya. Ganito rin ang nakikita ko kay Daddy Dave at sa tatlo kong kapatid. Ang aking asawa na si Ella ay hindi mapigilan ang ngiti sa kanyang mga labi, at pati ang aming dalawang anak na sina Liam at Althea ay tuwang-tuwa. Kahit na bata pa si Althea, parang nauunawaan na niya ang nangyayari sa paligid. Samantalang si Liam, na siyam na taong gulang na, ay tiyak kong nauunawaan na niya ang mga bagay, lalo na kung gaano kasaya ang lahat ngayon sa pagdating ng mga bagong miyembro ng pamilya. "Kuya Xenno!" sigaw nina Red at Blue. Bahagya kaming natawa dahil sabay pa talaga silang nagsalita. Sabagay, kambal din naman sila tulad namin ng aking kapatid na si Xenna. "Excited na rin kaming makita ang mga pamangkin nami
Chapter 190 Pagdating namin sa mansyon, sinalubong kami ng masigabong palakpakan mula sa mga kasambahay. Halatang handa na ang lahat para sa pagdating ng mga triplets. May mga dekorasyon pa sa sala—mga lobo, banner, at bulaklak na nagpapakita ng "Welcome Home Triplets!" Si Liam at Althea ay masayang tumakbo patungo sa mga lola’t lolo, habang si Ella at ako ay maingat na ibinaba ang mga crib ng mga sanggol. Napatingin ako kay Mommy Ana na tila naiiyak sa tuwa. “Grabe, napakabilis ng panahon. Parang kailan lang, hawak-hawak ko si Liam at Althea sa ganito ring crib,” bulong niya habang nakangiti. "Oo nga po, Mommy," sagot ko. "Ngayon, mas malaki na ang pamilya namin," sambit ko. Tahimik na humakbang si Daddy Dave patungo sa mga crib at maingat na hinimas ang mga noo ng bawat isa sa triplets. "Lalaki silang masaya’t malusog, tulad ng kanilang mga magulang," sabi niya nang may pagmamalaki. Ramdam ko ang lalim ng kanyang emosyon, hindi siya madalas magsalita ng ganoon, pero ngay
Chapter 191 Isang umaga, habang kami ni Ella ay abala sa pag-aayos ng mga gamit ng triplets, narinig namin ang masiglang tawanan mula sa labas. Si Liam, Red, at Blue ay naglalaro sa hardin kasama ang kanilang lolo at lola. Nakakatuwa silang panoorin—tila ba walang alalahanin sa mundo, masaya at malayang tumatakbo sa malawak na damuhan. “Ang bilis nilang lumaki,” sabi ni Ella habang sinisilip ang mga bata mula sa bintana. “Parang kahapon lang, si Liam ang binabantayan natin ng ganito.” Ngumiti ako at tumango, sabay abot sa isa sa mga bote ng gatas para sa triplets. "Oo nga, at ngayon, tatlo na silang susundan ang mga yapak ni Liam." Maya-maya pa'y narinig naming bumukas ang pinto at pumasok si Mommy Ana. "Magandang umaga, mga anak. Kamusta ang mga triplets?" tanong niya habang dala ang isang maliit na basket ng prutas. “Masaya sila, Mommy,” sagot ni Ella. “Nagiging malakas at masigla na rin. Salamat sa lahat ng tulong niyo ni Daddy.” Ngumiti si Mommy Ana at tiningnan ang
Chapter 192 Pagbaba namin ng eroplano, agad kaming sinalubong ng aming driver na naka-assign para sa amin sa France. Isang maaliwalas na umaga, at habang lumalapit siya, binati niya kami sa wikang Pranses. "Bienvenue en France! J'espère que vous avez fait bon voyage," bati ng driver na may malawak na ngiti. Nakangiti si Ella, at sumagot siya ng may halong saya. "Merci beaucoup! Nous sommes très heureux d'être ici." Alam kong matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito—ang makabalik sa France at magsimula ng isang bagong kabanata ng aming buhay. Napatingin ako sa kanya, at kitang-kita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Ito na talaga ang bagong simula para sa amin. Nakangiti rin sina Liam at Althea habang tahimik na nakikinig, tila nasasabik sa bagong mundo na kanilang tutuklasin. Samantala, ang triplets ay payapang natutulog sa kanilang stroller, hindi alintana ang pagbabago sa paligid. Pinasok namin ang kotse, at habang nagbibiyahe patungo sa aming bagong tahanan, hindi
Chapter 193 Last Chapter of Xenno’s Love Story Xenno POV Pagkatapos kong ibaba ang tawag mula kay Blue, ramdam ko ang tuluyang pag-alis ng bigat sa aking balikat. Sa wakas, tapos na ang lahat ng problema sa Santiago Empire, at ang buong atensyon ko ay maitutok ko na sa pinakamahalaga—ang aking pamilya. Habang tumatakbo si Liam patungo sa amin, hawak niya ang isang munting rosas na kanyang pinulot mula sa hardin. “Para kay Mommy,” sabi niya, sabay abot ng bulaklak kay Ella, na ngumiti at niyakap siya nang mahigpit. "Salamat, anak," sabi ni Ella, habang natatawa at tumitingin sa akin. "Napaka-sweet ng anak natin," masayang wika niya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, at isang damdaming hindi ko mapaliwanag ang bumalot sa akin. Ang tahimik at masayang buhay na noon ay parang imposible, ay heto at nasa harapan ko na. Dati-rati, puro trabaho ang laman ng isip ko, pero ngayon, pamilya na ang nasa puso ko. Habang pinapanood ko ang aming mga anak na masayang naglalaro, hind