All Chapters of MY TWINS: Chapter 171 - Chapter 180

215 Chapters

Chapter 170

Chapter 170Habang palalim ng palalim ang gabi at hindi pa umuuwi si Xenno, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bumabalot na kaba sa aking dibdib."Mommy, bakit hindi pa po umuuwi si Daddy?" tanong ni Liam, habang tinitingnan ang orasan."Hindi ko rin alam, anak. Siguro na-traffic lang siya o baka may inasikaso pa sa opisina," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili.Habang hinihintay namin ang pagdating ni Xenno, tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Lalo akong kinabahan. "Lord, sana okay lang si Xenno," bulong ko sa sarili ko, habang hinahawakan ang kamay ni Liam at ni Althea.Maya-maya pa, narinig ko ang tunog ng kotse sa labas ng bahay. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Nakita ko si Xenno na bumababa ng kotse, mukhang pagod pero ligtas."Thank God," bulong ko, habang tumatakbo papunta sa pintuan."Love, bakit ngayon ka lang? Kinabahan ako," sabi ko, habang niyayakap si Xenno ng mahigpit."Pasensya na, Mahal. Nagkaroon ng biglaang me
Read more

Chapter 171

Chapter 171Xenno POVHindi ko alam ang aking gagawin, ayaw kong saktan muli ang aking asawa na si Ella, lalo't maayos na ang aming pagsasama kasama ng aming dalawang anak. Habang lumalaki ang aming panganay na si Liam, nagiging magkamukha kaming dalawa. Samantalang ang bunsong naming si Althea ay nahati ang itsura sa aming dalawa; ngayon ay magdadalawang taong gulang na ito sa Disyembre.Masaya kaming kumakain ng almusal nang biglang may dumating at hindi ko ito napaghandaan man lang."Honey, I'm home!" bigkas nito, saka humalik sa akin sa harapan ng aming mga anak at ng aking asawa. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Ella habang tinatakpan ang mga mata ni Althea at agad namang hinila si Liam upang itago ang kanyang mukha sa kanyang dibdib.Nabigla ako at hindi agad nakapagsalita. Si Ella naman ay mabilis na kumilos, pilit na pinoprotektahan ang aming mga anak mula sa eksenang hindi nila dapat makita."Xenno, sino siya?" tanong ni Ella, halatang pilit na pinapakalma ang kanyang boses
Read more

Chapter 172

Chapter 172Habang nagbabantay ako sa tabi niya, hindi ko maiwasang mag-isip kung sino ang may kagagawan nito. Sino ang may motibo para saktan si Ella? Ang galit sa aking dibdib ay unti-unting lumalakas, at alam kong hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan."Love, alam kong malakas ka. Kaya mo 'to. Para sa atin, para sa mga bata," sabi ko, habang hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay.Lumipas ang mga oras, at hindi ko iniwan ang tabi ni Ella. Nakatulog ako sa upuan sa tabi ng kanyang kama, pero kahit sa panaginip ay hindi ako matahimik. Ang imahe ni Ella na nakahiga sa ospital ay paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan.Kinabukasan, dumating ang mga bata kasama ang aking ina. "Daddy, kamusta na po si Mommy?" tanong ni Liam, habang nakatingin sa kanyang ina na nakahiga."Malakas ang Mommy niyo. Kailangan lang nating magdasal at magtiwala na gagaling siya," sagot ko, pilit na nagpapakatatag para sa kanila.Habang lumilipas ang oras, patuloy akong nagbabantay at
Read more

Chapter 173

Chapter 173 "Ngayon, Claire, oras na para magbayad ka," bulong ko sa sarili ko habang nagmamadali akong bumalik sa aking hideout upang magplano. Pagdating ko sa hideout, agad kong inactivate ang mga surveillance equipment at sinimulang i-track si Claire. Alam kong hindi siya basta-basta magpapakita, kaya kailangan kong maging mas maingat at mas matalino sa bawat hakbang ko. Habang tinitingnan ang mga surveillance footage, nakita ko ang isang pamilyar na mukha—si Claire, lumalabas mula sa isang mamahaling hotel. "Nandiyan ka lang pala," sabi ko, habang pinapalapit ang footage para makita ang mga detalye. Agad kong kinuha ang aking mga kagamitan at nagpunta sa hotel. Bago ako pumasok, sinigurado kong handa ako sa anumang maaaring mangyari. "Hindi kita palalampasin, Claire," bulong ko habang papasok sa lobby ng hotel. Pagdating ko sa kanyang kwarto, kinatok ko ito ng malakas. "Claire, buksan mo ang pinto!" sigaw ko, puno ng galit. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at bumungad sa
Read more

Chapter 174

Chapter 174 "Sigurado ka, Enna?" tanong ko, habang tinitingnan ang determinadong mukha ng aking kakambal kapang ganito ang ka seryoso ang kanyang mukha ay masasabi kong disidido ito sa kanyang nais. "Oo, Kuya. Kaya ko 'to. Puntahan mo na ang bahay niya at kunin ang mga ebidensya," sagot ni Xenna, habang mas mahigpit pang ginagapos si Claire na parang ayaw makawala man lang. "Okay, babalik ako agad," sabi ko, habang mabilis na lumabas ng hideout at nagtungo sa bahay ni Claire. Pagdating ko sa bahay niya, agad kong hinanap ang kahon na sinabi niya. Sa ilalim ng kanyang kama, nakita ko ang isang maliit na kahon na puno ng mga sulat at ebidensya. Binuksan ko ito at nakita ang mga liham na nagsasabing may isang tao na nag-utos kay Claire na saktan si Ella. Ang mga sulat ay may mga pirma at mga detalye na maaaring magbigay-linaw sa lahat ng ito. Agad kong kinuha ang kahon at bumalik sa hideout. Pagdating ko doon, nakita kong nananatiling gising at alerto si Xenna habang binabant
Read more

Chapter 175

Chapter 175Agad naming tinawagan ang isa sa kasamahan ko dati sa assassin world, si General Luis, para sa kanya naming ito ibigay. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay agad naming tinanggal ang aming suot na maskara at inayos ang aming damit."Kuya, sigurado ka bang mapagkakatiwalaan natin si General Luis?" tanong ni Xenna, habang tinitingnan ako ng may pag-aalala."Oo, Enna. Siya ang isa sa mga iilang tao na alam kong hindi tayo ipagkakanulo. Matagal na kaming magkakilala at marami na kaming pinagdaanan," sagot ko, habang nagmamaneho papunta sa lugar kung saan kami magkikita.Pagdating namin sa isang liblib na lugar, nakita namin si General Luis na naghihintay. "Xenno, Xenna, mabuti at ligtas kayo," bati niya, habang iniabot ang kamay sa akin."General, narito ang lahat ng ebidensya laban sa sindikato. Kailangan nating siguraduhin na makukulong ang lahat ng may kinalaman dito," sabi ko, habang inaabot ang mga dokumento sa kanya."Makakaasa kayo. Sisiguraduhin kong makakarating ito s
Read more

Chapter 176

Chapter 176 Xenna POV Habang nakikinig ako sa usapan ng lahat, nararamdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Kailangan naming maging handa sa anumang posibleng mangyari. Ang kaligtasan ni Ella at ng aming mga anak ang pinakamahalaga sa ngayon. "Kuya, kailangan nating maghanda ng contingency plan. Hindi natin pwedeng hayaan na masaktan ang pamilya natin," sabi ko kay Xenno, habang tinitingnan siya ng seryoso. "Tama ka, Enna. Kailangan nating planuhin ang bawat hakbang," sagot ni Xenno, habang iniisip ang mga susunod na gagawin. Agad kaming napalingon sa pinto nang biglang bumukas iyon. Nakita ko ang seryosong mukha ni Tito Dark at umaapaw ang kapangyarihan dito. "Xenna, Xenno, kailangan nating mag-usap," sabi ni Tito Dark, habang lumalapit sa amin. Ang kanyang presensya ay nagdudulot ng kakaibang tensyon sa paligid. "Tito Dark, ano ang nangyari? Ano ang balita?" tanong ni Xenno, habang nararamdaman ang kaba sa kanyang boses. "May mga natanggap kaming impormasyon na may malaking plano
Read more

Chapter 177

Chapter 177 "Salamat, Enna. Lagi kang mag-iingat dahil itong misyon na ito ang pinaka delikado sa lahat. Kailangan nating magtulungan para protektahan ang pamilya natin," sagot ni Kuya Xenno sa akin. Papaalis na sana kami ngunit biglang may humarang na dalawang motor at naka suot din ito tulad ng aming suot ni Kuya Xenno at tanging mga mata lamang ang nakikita. Alam ko na kung sino sila—walang iba kundi ang bunsong kapatid naming kambal. "Anong ginawa ninyo, Red, Blue? Bakit ganyan ang ayos ninyong dalawa?" agad kong tanong sa dalawa. "Enna, Kuya Xenno, hindi namin pwedeng hayaan na kayo lang ang humarap sa panganib. Kasama kami sa laban na ito," sagot ni Red, habang tinatanggal ang helmet niya. "Tama si Red. Hindi kami papayag na maiwan sa likod habang kayo ay nasa panganib. Kailangan namin kayong tulungan," dagdag ni Blue, habang tinatanggal din ang kanyang helmet. "Red, Blue, alam niyo bang delikado ang misyon na ito? Hindi ito basta-bastang laban," sabi ni Kuya Xenno, habang
Read more

Chapter 178 😳Blue and Red POV😲

Chapter 178: Blue and Red POV Blue POV Habang inaayos ko ang surveillance camera sa may sulok ng safe house, nararamdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Hindi biro ang laban na ito, at kailangan naming magtulungan para protektahan ang pamilya namin. "Red, siguruhin mong walang makakalapit nang hindi natin nalalaman," sabi ko sa kapatid kong kambal habang abala siya sa pag-set up ng mga traps sa paligid. "Oo, Blue. Alam kong delikado ito, pero kailangan nating gawin ang lahat para protektahan sila," sagot ni Red, habang tinitingnan ako ng seryoso. Habang abala kami sa aming mga gawain, narinig ko ang tunog ng mga sasakyan na papalapit. Agad akong naging alerto at tiningnan ang monitor ng surveillance camera. "Red, may paparating. Siguraduhin mong handa tayo," sabi ko, habang tinitingnan ang mga tao na bumababa sa sasakyan. "Tao natin 'yan, Blue. Mga tauhan ni Tito Dark," sagot ni Red, habang bumabalik sa normal ang kanyang paghinga. Red POV Habang inaayos ko ang mga traps sa palig
Read more

Chapter 179

Chapter 179 Pagkatapos kong sabihin ni Red ay agad akong nag-set up ng karagdagang camera. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sama-sama kaming magpamilya upang maprotektahan ang aming angkan. Sa kabila ng lahat ng panganib at takot, naroon ang tibay ng aming samahan. "Blue, tapos na ako dito. Ikaw?" tanong ni Red habang papalapit sa akin. "Malapit na, Red. Siguraduhin mong maayos ang lahat ng traps at sensors," sagot ko habang inaayos ang huling camera. Habang abala kami sa aming mga gawain, narinig namin ang tawag ni Kuya Xenno mula sa loob. "Red, Blue, pumasok na kayo. Kailangan nating mag-usap tungkol sa plano," sabi niya. Agad kaming pumasok sa loob ng safe house, kung saan naroon sina Kuya Xenno, Ate Enna, Mommy Anna, Doc Marcos, Tito Kent, at Tita Sky. Nakita ko rin si Tito Dark na abala sa pag-uusap sa kanyang mga tauhan. "Red, Blue, kailangan nating maghanda para sa anumang posibleng pag-atake. Magpapadala ako ng mga tauhan upang bantayan ang bawat sulok ng safe ho
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
22
DMCA.com Protection Status