Share

Chapter 171

Chapter 171

Xenno POV

Hindi ko alam ang aking gagawin, ayaw kong saktan muli ang aking asawa na si Ella, lalo't maayos na ang aming pagsasama kasama ng aming dalawang anak. Habang lumalaki ang aming panganay na si Liam, nagiging magkamukha kaming dalawa. Samantalang ang bunsong naming si Althea ay nahati ang itsura sa aming dalawa; ngayon ay magdadalawang taong gulang na ito sa Disyembre.

Masaya kaming kumakain ng almusal nang biglang may dumating at hindi ko ito napaghandaan man lang.

"Honey, I'm home!" bigkas nito, saka humalik sa akin sa harapan ng aming mga anak at ng aking asawa. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Ella habang tinatakpan ang mga mata ni Althea at agad namang hinila si Liam upang itago ang kanyang mukha sa kanyang dibdib.

Nabigla ako at hindi agad nakapagsalita. Si Ella naman ay mabilis na kumilos, pilit na pinoprotektahan ang aming mga anak mula sa eksenang hindi nila dapat makita.

"Xenno, sino siya?" tanong ni Ella, halatang pilit na pinapakalma ang kanyang boses
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status