Home / Romance / MY TWINS / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of MY TWINS: Chapter 151 - Chapter 160

239 Chapters

Chapter 150

Chapter 150Agad akong napabuntong-hininga. Dahil sa kagagawan ng aking kambal, hindi na nakatiis ang aking kaibigan kaya ito nilayasan.Agad kong binuksan ang laman ng sobre. Pagkakita ko, agad lumaki ang aking mga mata dahil isang buwan kaming mag-hohoneymoon sa Hawaii."OMG, one month honeymoon to Hawaii!" bigla kong bigkas.Agad namang napatingin sina Mommy, Daddy, Red, at Blue sa aking sinabi. Ganoon din si Marcos.Bakas sa aming mga mata ang pagkagulat dahil hindi biro ang ibinigay ng aking kambal sa aming honeymoon ni Marcos."Hindi biro ang halagang inilaan sa honeymoon mo, Enna!" wika ni Mommy, ang kanyang mga mata'y puno ng pagtataka."Oo nga, anak," dagdag ni Daddy. "Napaka-generous ng kambal mo.""Grabe, Enna! Hawaii for one month? Ang saya niyan!" sabi ni Red na may ngiti sa kanyang labi."Talagang pinaghandaan nila ito," sabi ni Blue habang tinitingnan ang mga detalye ng aming trip.Lumapit si Marcos at hinawakan ang aking kamay. "Enna, napakapalad natin. Ang ganda ng re
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more

Chapter 151

Chapter 151Lumipas ang mga nagdaang buwan, ngayon ay nagdadalang-tao na rin ako. Kung anu-anong mga pagkain ang pinaglilihian ko na kakaiba. Anim na buwan na akong buntis pero hanggang ngayon ay naglilihi pa rin ako."Marcos, bili mo ako ng strawberry na blue," sigaw ko dito.Nagmamadaling pumasok si Marcos sa kwarto, ang kanyang mukha ay puno ng pagtataka at pag-aalala. "Strawberry na blue? Enna, sigurado ka ba?""Oo, Marcos! Pakiramdam ko talaga kailangan ko ng blue na strawberry," sagot ko habang hinahaplos ang aking tiyan.Napakamot ng ulo si Marcos, ngunit alam kong gagawin niya ang lahat para mapaligaya ako. "Sige, hahanap ako ng paraan," sabi niya habang lumalabas ng kwarto.Habang naghihintay, naramdaman ko ang mga sipa ng aming baby. "Mukhang excited na rin siya," bulong ko habang nakangiti.Makalipas ang ilang oras, bumalik si Marcos na may dalang basket ng mga prutas. "Enna, wala akong mahanap na blue na strawberry, pero may dala akong iba't ibang prutas na pwedeng magustu
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more

Chapter 152

Prince Xenno series.Chapter 152Xenno POV"Kahit kailan, Ella, hindi kita mamahalin!" sabi ko sa kanya. "Tanging ang anak ko lang ang nagbubuklod sa ating dalawa, wala nang iba," malamig kong dagdag."K-kung ganoon, pakawalan mo na ako!" sambit niya sa akin."Hindi kita pakakawalan, akin ka! Ikaw ang aking parausan sa aking inuuhaw na katawan," ngising tugon ko.Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit na kanyang nadama at ang namumuong luha, pero wala akong pakialam sa kanyang nararamdaman."Bakit mo ako ginaganito, Xenno? Wala akong nagawang kasalanan sa'yo, bakit mo ako sinaktan nang ganito," bigkas niya sa akin kaya natigilan ako.Aaminin ko na wala itong nagawang kasalanan, pareho kaming nagkamali noon. Pareho kaming lasing noong may nangyari sa amin at naaksidenteng nabuntis ko siya. Pero ang galit ko sa aking nobya na iniwan ako at ipinagpalit sa isang matandang lalaki ay hindi ko maiwasang ipasa kay Ella."Kasalanan mo rin ito, Ella! Kung hindi ka nagpakalasing, hindi sana tay
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

Chapter 153

Chapter 153 Agad ko itong kinarga at dinala sa kanyang sariling silid, pinatulog ko muna ito bago ako lumabas at nagtungo sa aking silid. Pagdating ko sa silid ay agad akong nagalit dahil umalis tagala si Ella. "Talagang tinutuo mo ang iyong sinabi, dahil sa ginawa mo mas lalong di ka namin kailangan ng aking anak," mahina kong bigkas. Agad akong nagbihis upang makapag-pahinga. Pagkatapos ay agad akong humiga sa aking kama, ngunit hindi ako dinadalaw ng antok kaya agad akong bumangon saka tinawagan ang isa kong kaibigan na agent upang hanapin si Ella. "I need result, asap!" bigkas ko. Saka ako humiga ulit, ngunit nasa kalagitnaan ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang aking phone kaya agad kong tiningnan kong sino. Si Xenna pala kaya agad ko iyong sinagot. "He—!" hindi pa nga natapos ang aking sasabihin ay nagsalita na ito. "Hindi ka tagala nadadala, Kuya Xenno!" bigkas nito. "Sa ginawa mo ay tuluyan mo nang sinaktan ang aking kaibigan. Ito ang tatandaan mo kuya, wag na
last updateLast Updated : 2024-08-26
Read more

Chapter 154

Chapter 154 Napa-upo na lamang ako sa sahig dahil sa aking nararamdaman. "Yan ang sinabi ko sa'yo, Kuya Enno," sabi sa akin ni Xenna, na ngayon ay 6 months nang buntis. "Pinagsabihan na kita pero hindi ka nakinig. Huli na ang iyong pagsisisi, Kuya Enno," dagdag niya, ang boses niya ay puno ng galit at pagkadismaya. "Xenna," tanging sambit ko. Alam ko na nagkamali ako, sinaktan ko si Ella ng emosyonal. Araw-araw ko itong ipinamukha sa kanya na hindi-hindi ako iibig sa kanya, pero nagkamali ako. "Kuya, paano mo nagawang saktan si Ella nang ganito? Paano mo natiis?" tanong ni Xenna, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit. "Hindi ko alam, Xenna. Hindi ko alam," sagot ko, habang pinipilit na pigilan ang mga luha. "Araw-araw kong pinagsisisihan ang ginawa ko." "Kuya, hindi sapat ang pagsisisi mo. Kailangan mong harapin ang mga konsekwens ng mga ginawa mo," sabi ni Xenna, habang tinititigan ako ng mariin. "Xenna, anong dapat kong gawin? Paano ko maitatama ang lahat ng ito?"
last updateLast Updated : 2024-08-28
Read more

Chapter 155

Chapter 155 Ella POV Habang nakaupo ako sa silid na pinagamit sa akin ni Xenna, hindi ko maiwasang mapaluha. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko makasama ang aking anak. Sa loob ng 7 taon, ngayon lang kami nagkawalay. Nais ko siyang isama, kaya lang ay pinigilan kami ng mga tauhan ni Xenno. Kahit masakit, wala akong magagawa. "Pangako, anak! Babalikan kita at kukunin kita sa iyong Daddy," sambit ko sa aking sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kahit madilim na ang nasa labas at ang nakikita ko lang ay ilaw galing sa labasan, patuloy akong umaasa. Hanggang may narinig akong katok sa labas ng silid. Tinatawag ang aking pangalan at nagmamakaawa na kausapin ko siya. Parang walang ginawang kasalanan sa akin; hindi nga niya ako sinaktan ng pisikal pero sinaktan niya ako nang emosyonal. Walang iba kundi si Xenno. "Ella, pwede ba kitang makausap?" tanong niya habang nasa labas ng silid. Ngunit hindi ako sumagot. Hanggang narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa silid at mga yap
last updateLast Updated : 2024-08-29
Read more

Chapter 156

Chapter 156 "Xenna, kailangan ko lang lumabas sandali. May bibilhin lang ako," sabi ko. "Sige, Ella. Ingat ka," sagot niya, habang tinutulungan akong mag-ayos. Paglabas ko ng mansyon, agad akong nagtungo sa pinakamalapit na botika. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mag-alala at mag-isip ng iba't ibang senaryo. Pagdating ko sa botika, agad akong bumili ng pregnancy test at bumalik sa mansyon. Pagdating ko sa aking silid, agad akong pumasok sa banyo upang gamitin ang pregnancy test. Habang hinihintay ang resulta, ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Ilang minuto pa ang lumipas at nakita ko ang dalawang linya sa test—positibo. Napaupo ako sa gilid ng banyo, hindi makapaniwala sa aking nakita. Buntis ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Xenno o ng aking anak kapag nalaman nila ito. Pero alam kong kailangan kong maging matapang para sa aking magiging anak. Habang nakaupo ako, narinig ko ulit ang boses ni Xenna mula sa labas ng silid. "Ella, okay ka lang b
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more

Chapter 157

Chapter 157 Hindi nagtagal ay dumating si Xenno, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. "Buti't nakarating ka, Xenno!" sabi ko. "Anong pag-uusap natin, Ella?" takang tanong niya sa akin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Xenno," bigkas ko, nilunok ko muna ang nagbabara sa aking lalamunan saka ako nagsalita. "Buntis ako, at sa pangalawang pagkakataon ay magiging ama ka na rin," saad ko dito. "B-buntis ka muli?" takang tanong niya sa akin. "Kung ganoon ay hindi ka na magfa-file ng divorce sa ating kasal?" ngiti niyang sagot sa akin. "Hindi ganoon kadali, Xenno," sagot ko. "Ang pagbubuntis ko ay hindi magbabago sa mga problema natin. Kailangan pa rin nating ayusin ang lahat ng ito para sa ikabubuti ng ating mga anak," bigkas ko dito. Nakita ko ang pagbabago sa kanyang ekspresyon, mula sa saya ay naging seryoso ito. "Naiintindihan ko, Ella. Alam kong marami tayong kailangang pag-usapan at ayusin. Pero handa akong gawin ang lahat para sa pamilya natin," tugon nito. Napabuntong
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more

Chapter 158

Chapter 158Xenna POVLabis akong naaawa sa aking kaibigan na si Ella. Nais kong bugbugin ang aking kakambal na si Kuya Xenno, kaya lang hindi ko magawa dahil anim na buwan akong buntis. Mas lalo akong naawa nang malaman kong binuntis muli ng aking kakambal si Ella.Kaya pinayuhan ko siya na unahin muna ang kanyang kalagayan at iwasang ma-stress. Saka ko sinabi na huwag niyang isipin ang mga toxic na relasyon sa aking kakambal."Wag mo siyang patawarin agad, Ella!" seryoso kong sabi. "Pahirapan mo muna siya bago mo ito patawarin. Umuwi ka muna sa Italy upang maiwasan mong ma-stress!" payo ko sa kanya.Ella tumingin sa akin na may halong pagdadalawang-isip. "Pero paano na ang trabaho ko dito? Paano na ang mga plano ko?" tanong niya, halatang nag-aalala."Mas mahalaga ang kalusugan mo at ng baby mo," sagot ko. "Ang trabaho at mga plano, pwede mong balikan yan. Pero ang kalusugan mo, kailangan mong unahin."Napabuntong-hininga si Ella at tumingin sa malayo. "Siguro nga tama ka, Xenna. Ka
last updateLast Updated : 2024-09-01
Read more

Chapter 159

Chapter 159Xenno POVLabis akong nabigla sa natanggap kong balita mula sa aking inuupahang tao upang magmanman kay Ella. Kaya wala akong dalawang isip at nagtungo sa mansyon ng aking kambal na si Xenna, nagbabakasakali na hindi pa ito nakaalis ng bansa. Pero huli na ang lahat dahil nakaalis na siya. Iniwan kaming dalawa ni Liam, ang panganay naming anak, saka iniabot ni Xenna ang isang brown envelope. Alam ko kung ano ang laman kaya labis akong nasaktan.Sabagay, kasalanan ko rin naman ang lahat. Kung naging mabait ako noon at hindi ko siya sinaktan ng emosyonal, hindi sana kami nagkakaganito habang isang buwang buntis siya.Nais kong dalhin si Liam pero pinigilan ako ni Xenna. "Ako na muna ang mag-aalaga kay Liam habang inaayos mo ang sarili mo, Kuya Xenno" sabi niya sa akin ng seryoso. "Pero, Xenna, anak ko siya. Kailangan niya ako," sagot ko, puno ng pag-aalala."Alam ko, Kuya Xenno. Pero sa kalagayan mo ngayon, mas makakabuti kung magpahinga ka muna at ayusin ang sarili mo. Huwa
last updateLast Updated : 2024-09-02
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
24
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status