Chapter 157 Hindi nagtagal ay dumating si Xenno, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. "Buti't nakarating ka, Xenno!" sabi ko. "Anong pag-uusap natin, Ella?" takang tanong niya sa akin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Xenno," bigkas ko, nilunok ko muna ang nagbabara sa aking lalamunan saka ako nagsalita. "Buntis ako, at sa pangalawang pagkakataon ay magiging ama ka na rin," saad ko dito. "B-buntis ka muli?" takang tanong niya sa akin. "Kung ganoon ay hindi ka na magfa-file ng divorce sa ating kasal?" ngiti niyang sagot sa akin. "Hindi ganoon kadali, Xenno," sagot ko. "Ang pagbubuntis ko ay hindi magbabago sa mga problema natin. Kailangan pa rin nating ayusin ang lahat ng ito para sa ikabubuti ng ating mga anak," bigkas ko dito. Nakita ko ang pagbabago sa kanyang ekspresyon, mula sa saya ay naging seryoso ito. "Naiintindihan ko, Ella. Alam kong marami tayong kailangang pag-usapan at ayusin. Pero handa akong gawin ang lahat para sa pamilya natin," tugon nito. Napabuntong
Chapter 158Xenna POVLabis akong naaawa sa aking kaibigan na si Ella. Nais kong bugbugin ang aking kakambal na si Kuya Xenno, kaya lang hindi ko magawa dahil anim na buwan akong buntis. Mas lalo akong naawa nang malaman kong binuntis muli ng aking kakambal si Ella.Kaya pinayuhan ko siya na unahin muna ang kanyang kalagayan at iwasang ma-stress. Saka ko sinabi na huwag niyang isipin ang mga toxic na relasyon sa aking kakambal."Wag mo siyang patawarin agad, Ella!" seryoso kong sabi. "Pahirapan mo muna siya bago mo ito patawarin. Umuwi ka muna sa Italy upang maiwasan mong ma-stress!" payo ko sa kanya.Ella tumingin sa akin na may halong pagdadalawang-isip. "Pero paano na ang trabaho ko dito? Paano na ang mga plano ko?" tanong niya, halatang nag-aalala."Mas mahalaga ang kalusugan mo at ng baby mo," sagot ko. "Ang trabaho at mga plano, pwede mong balikan yan. Pero ang kalusugan mo, kailangan mong unahin."Napabuntong-hininga si Ella at tumingin sa malayo. "Siguro nga tama ka, Xenna. Ka
Chapter 159Xenno POVLabis akong nabigla sa natanggap kong balita mula sa aking inuupahang tao upang magmanman kay Ella. Kaya wala akong dalawang isip at nagtungo sa mansyon ng aking kambal na si Xenna, nagbabakasakali na hindi pa ito nakaalis ng bansa. Pero huli na ang lahat dahil nakaalis na siya. Iniwan kaming dalawa ni Liam, ang panganay naming anak, saka iniabot ni Xenna ang isang brown envelope. Alam ko kung ano ang laman kaya labis akong nasaktan.Sabagay, kasalanan ko rin naman ang lahat. Kung naging mabait ako noon at hindi ko siya sinaktan ng emosyonal, hindi sana kami nagkakaganito habang isang buwang buntis siya.Nais kong dalhin si Liam pero pinigilan ako ni Xenna. "Ako na muna ang mag-aalaga kay Liam habang inaayos mo ang sarili mo, Kuya Xenno" sabi niya sa akin ng seryoso. "Pero, Xenna, anak ko siya. Kailangan niya ako," sagot ko, puno ng pag-aalala."Alam ko, Kuya Xenno. Pero sa kalagayan mo ngayon, mas makakabuti kung magpahinga ka muna at ayusin ang sarili mo. Huwa
Chapter 160 Lumipas ang mga nagdaang taon, akala ko ay maayos na ang lahat at wala nang problemang darating. Pero nagkakamali ako. Dahil sa sobrang galit ko sa nangyari kay Ella, muntik ko nang mapatay ang bodyguard na itinalaga ko sa kanya. Inaabangan ko ang sinasakyan nilang kotse patungo sa paaralan kung saan susunduin ang aming mga anak. Humingi ito sa akin ng patawad dahil hindi niya kayang iligtas ang aking asawa saka ibinigay niya ang isang sulat kaya agad ko itong kinuha at binasa. "KUNG GUSTO MO MAKITANG BUHAY ANG IYONG ASAWA, DALHIN MO SA AKIN ANG RED BOOK NA NASA IYONG INA." Nanginig ang kamay ko habang binabasa ang sulat. Hindi ko alam kung paano ito nangyari, pero alam kong kailangan kong kumilos agad. Hindi ko hahayaang mapahamak si Ella. "Nasaan siya?" tanong ko sa bodyguard na halatang takot na takot. "Hindi ko alam, sir. Bigla na lang silang sumulpot at kinuha siya. Hinihintay na lang nila ang sagot mo," sabi niya, halos nanginginig sa takot. "Umalis
Chapter 161 Sumakay kami sa sasakyan at nagtungo sa lokasyon na binanggit ng contact ni Tita Sky. Habang papalapit kami sa warehouse, ramdam ko ang tensyon sa paligid. Alam kong delikado ang sitwasyon, pero handa akong gawin ang lahat para mailigtas si Ella. Pagdating namin sa warehouse, huminto kami sa isang ligtas na distansya. "Xenno, kailangan nating maging maingat. Huwag kang gagawa ng anumang kilos na makakapahamak sa atin," paalala ni Tita Sky habang binubuo ang plano. "Anong plano natin, Tita Sky?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Magkakaroon tayo ng tatlong grupo. Ako ang magpapasimula ng distraction sa harap. Xenno, ikaw at ang iyong ina ang papasok sa likod. May mga tao akong magbabantay sa labas para siguraduhing walang makakatakas," paliwanag ni Tita Sky. Tumango ako at kinuha ang mga kagamitan na kakailanganin namin. "Handa na kami, Tita Sky," sagot ko. "Mag-ingat kayo, Xenno. Huwag kalimutan ang plano," sabi ni Mommy habang hinahanda ang sarili. Naghiwa-
Chapter 162 Nakita ko si Ella papalapit sa aking kinatatayuan. "Pwede ba akong sumali sa'yo, Xenno?" sambit niya sa akin. "Sigurado ka?" takang tanong ko dito dahil baka napilitan lamang ito sa aming setwasyon ngayon. "Oo, nais kong maging handa rin upang maprotektahan ko sina Althea at Liam," sagot niya sa akin na walang alinglangan man lang. Tumango ako dahil nakikita ko sa kanyang mga mata ang determinasyong matuto at alam kong seryoso ito sa mga nais niya mangyari. "Sige, pero dahan-dahan lang tayo. Kailangan nating tiyakin na hindi ka mapapagod agad," sabi ko habang inaabot ang kamay niya. Nagsimula kaming mag-ensayo nang magkasama. Tinuruan ko siya ng mga basic self-defense techniques na natutunan ko mula kay Tita Sky. Habang nag-eensayo kami, nakita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata. Alam kong handa siyang gawin ang lahat para sa aming pamilya. "Magaling, Ella. Patuloy lang tayo," sabi ko habang tinutulungan siyang gawin ang tamang mga galaw.Namangha ako
Chapter 163 Habang naghahanda kami sa paglusob ng mga kalaban, agad nagplano sina Tita Sky at Mommy. Si Tita Sky ay isang matinik na assassin, ang pinuno nila Mommy noong isa pa itong assassin. Nais sumama ni Ella ngunit hindi ko pinayagan, ayaw kong mapahamak ito. Buti na lang at nauunawaan niya ang aking paliwanag. "Alagaan mo ang aking dalawang anak, Ella!" seryoso kong sabi. "Hintayin ka namin makabalik dito, Xenno! Mag-iingat ka," sambit niya. Agad akong tumango saka tumalikod pero agad din akong napahinto nang makita ko ang aking kakambal na si Xenna, bihis na bihis na parang lulusob ng isang gira. "Hello, everyone!" ngising sabi nito. "Anong ginagawa mo dito, Xenna?" tanong ko sa kanya. "Duh! Ano pa ba ang ginagawa ng isang Black Angel?" taray niyang sabi. "Hindi ako papayag na kayo lang ang magsasaya! Hi, Tita Sky," dagdag nitong sabi. "Xenna, this isn't a game. It's dangerous out there," sabi ko habang tinititigan siya ng seryoso. "Exactly. Kaya nga nandito
Chapter 164 Hindi ko lubos maisip na ang aking kakambal na isang Black Angel at kasapi ng assassin, pati ang aking ina, ay kasama ko sa ganitong laban. Kasama ang matinik na assassin na si Agent Black, o mas kilala naming Tita Sky. Habang naglalakad kami pabalik sa safehouse, iniisip ko ang mga nangyari. Ang mga impormasyon na nakuha namin, ang mga plano ng kalaban, at ang mga susunod naming hakbang. Alam kong hindi magiging madali ang mga darating na araw, pero handa akong harapin ang lahat ng ito kasama ang aking pamilya. "Xenno, kailangan nating pag-aralan ang lahat ng mga dokumento na nakuha natin. Baka may mga impormasyon pa tayong hindi nakikita," sabi ni Mommy habang binubuksan ang mga dokumento. "Oo, Mommy. Kailangan nating malaman ang buong kwento tungkol sa Project Éclipse. Ito ang susi para matigil natin ang mga plano ng kalaban," sagot ko habang tinitingnan ang mga mapa at mga plano. "Xenna, tulungan mo ako dito. Kailangan nating i-cross-reference ang mga lugar na min