" Hindi, wala siyang kasama. Mag-isa lang siyang dumating dito sakay noong itim na kotse, " sagot ni Paeng, ang tiyo ni Pablo na tambay sa bakanteng lote na ginawa ng hanapbuhay ang paggabay sa mga sasakyang naghahanap ng paparadahan. " Ganda ng nobya mo, Pablo. Matinik ka pala sa mga chicks, ha? "" Hindi ko po nobya 'yon, Tito. Ni hindi ko nga 'yon kilala, " sagot ni Pablo, muling tinapunan ng tingin 'yong kotse bago ibaling ang tingin sa tiyo. " Sige ho, mauna na ko. Pakibatayan na lang ho nang maiigi 'yong kotse at baka mapag-trip-an noong mga bata rito. "Agad na tumalikod sa Pablo at naglakad pabalik sa bahay nila na ilang metro lang ang layo mula sa bakanteng lote. Salubong ang kaniyang kilay, walang mahanap na sagot kung bakit narito ang babaeng rason ng bukol niya sa ulo. Ano ang kailanan nito sa kaniya at paano siya nito natunton gayong sa siyudad niya ito nakita at hindi naman sila magkakilala?" Nandito na si Pablo! " Lalong nagbanggaan ang kilay ni Pablo nang makita ang ha
Magbasa pa