Share

You caught me, Mister
You caught me, Mister
Author: janeebee

PROLOGUE

Kabado na may halong pananabik ang nararamdaman ng isang dalagang nakatayo sa loob ng isang malaking hacienda. Pinagpapawisan ang mga palad niya sa kabila ng lamig ng hangin na na nanggagaing sa malaking air-conditioned na nasa dalawang sulok ng silid kung nasaan siya.

" Good morning po. Kayo po ba si Miss Devon Valencia? " Napalingon ang dalaga sa likuran nang madinig ang ngalan niya. Lumapit sa kaniya ang isang dalaga na mayroong salamin sa mata, hawak nito ang isang folder kung saan nakalagay resume na kaniyang ipinasa.

" Ako nga. " Ngumiti si Devon, napalunok ng sariling laway nang bumalik ang nerbyos na nararamdaman niya. Ngayon na lamang siya ulit maisasalang sa job interview matapos ng apat na taon kaya hindi niya maiwasang mag-aalala sa kabila ng memoryadong sagot sa mga maaaring itanong sa kaniya.

" Okay, Miss Valencia. Paki-fill-up-an niyo muna itong paper na ito, and after this, sasalang po kayo sa interview with the boss. " Inilapag ng babae sa isang lamesita ang folder na dala para ipakita ang dalawang klase ng form na kailangan sagutan ng aplikanteng kagaya niya. " Take your time sa pagsagot, Miss Valencia. Nasa byahe pa naman ang boss kaya marami pa kayong oras para mag ready sa interview. Siguro mga ten minutes lang po ay narito na siya. "

Napatango si Devon nang may pumasok na tanong sa sip niya. " Ah, excuse me, Miss? Puwede ko bang tanungin kung pang-ilang aplikante na ako sa mga sumubok pumasok bilang sekretarya? "

" Pang-anim na po, " anito," at wala pong pumasa sa limang sumubok. "

Hindi alam ni Devon kung dapat ba siyang mapanatag o kabahan sa narinig niya. Parang gusto niyang umatras sa biglaang paglaho ng kumpiyansa niya sa sarili. " I see. M-Mukhang mataaas ang standard ng company niyo. "

" Hindi naman po sa ganoon. Sadyang may hinahanap lang po na katangian iyong boss namin. " Nakangiting sagot ng dalaga saka tumayo nang maayos at bahagyang inilapit ang bibig kay Devon. " Kaunting advice ko lang po, direct to the point po kayo sumagot sa mga itatanong ni boss dahil ayaw po niya ng paligoy-ligoy. "

Napalunok siya." Bakit pala ang boss agad ang mag i-interview saaakin? Hindi na ba ako dadaan sa HR? "

Nakangiti itong umiling. " Hindi ko rin po alam. Iyon po kasi ang utos saamin ng itaas. "

Hindi na nagsalita pa si Devon at naupo na lamang siya sa sopa kagaya ng sinabi ng babaeng kumausap sa kaniya. Wala siya sa sariling sinagutan ang mga tanong, nagdadalawang isip kung dapat pa ba siyang tumuloy sa pag a-apply bilang sekretarya gayong wala naman siyang kahit na anong karanasan sa trabahong iyon.

Sa apat na taong nakalipas magmula ng trahedyang nangyari sa pamilyang Valencia, ni hindi nagamit ni Devon ang kursong tinapos niya dahil mas lamang ang maraming karanasan sa mga trabahong sinubukan niyang pasukan. Wala siyang alam sa takbo ng realidad dahil halos nabuhay siya na sa isang pitik lang ng mga daliri niya, nakukuha na niya ang gustuhin niya. Isang lambing at pakiusap lang sa ama, ibinibigay na ang hinihiling niya.

Punong-puno ng kulay ang buhay noong ng isang Devon Valencia. Hindi niya kailangan magpakapagod sa paghahanap ng trabaho dahil maraming negosyo ang pamilya niya. Hindi niya kailangan tipirin ang perang mayroon siya dahil limpak-limpak ang pera niya sa kama. Ano man ang makursunadahan ay agad mapapasakanya, ngunit sa kasamaang palad, ang kayamanan at kapangyarihan na mayroon siya noon ay wala na sa kaniya ngayon.

Limang minuto matapos sagutan ni Devon ang form, dinala siya ng babaeng nagpakilalang si Miss Suzy sa isang silid na palagay niya'y opisina ng boss ng kompanya. Walang masyadong gamit, maliban na lamang sa dalawang estante na puno ng mga libro, at mga parangal ng pagkilala kung saan nakalagay ang pangalan ng kompanya.

" Bagong lipat lang ng opisina kaya pagpasensyahan niyo na po 'yong mga nakatambak ditong papeles. " Napatingin si Devon sa gilid ng mesa, doon lang niya napansin 'yong patong-patong na folder at envelope na naglalaman ng mga papeles. " Wait na lang po kayo rito. Nasa gate na po ang sasakayan ni Sir at papunta na rin siya dito."

Tumango na lamang si Devon at naupo sa isang silya na nasa harap ng mesa. Lumabas na si Suzy kaya naiwan na lamang mag-isa si Devon na abalang nililibot ang paningin sa kabuuan ng opisinang kinaroroonan niya. Malamig ang silid kumpara sa labas kung nasaan siya kanina kaya naman parang baliwala iyong long sleeve na kaniyang suot dahil tagos hanggang buto iyong binubugang hangin mula sa air-conditioned na nakakabit sa dingding sa harapan niya.

" Shit." Napamura siya, kinuskos ang mga palad sa pagbabakasakaling makatulong iyon para mawala ang panginginig ngunit wala iyong ng talab. Tumayo siya, hinanap iyong remote ng air-conditioned pero hindi niya ito makita kaya lumakad na lamamg siya papalapit sa mismong air-conditioned upang taasan ang numero nang marinig ang pagbubukas ng pinto kaya agad siyang yumuko, nagkunwaring inaayos ang mga papeles na nakatambak sa gilid ng mesa.

" What are you doing? " Napalunok si Devon nang madinig ang malaking boses ng lalaki sa pintuan. Hindi niya alam kung ang pagtaasan ng balahibo niya sa katawan ay dahil ba sa kaba o sa lamig ng hangin mula sa air-con na nasa mismong harapan niya

" Sorry, bigla kasing natumba kaya inayos ko lang..." Napalabi si Devon, hindi niya alam kung gagana ang palusot niya kaya umayos na lamang siya ng tayo at hinarap ang lalaki." Goodmorning, Sir—"

Unti-unti nabago ang ekspresyon sa mukha ni Devon nang makita kung sino ang lalaking nasa kaniyang harapan. Mataas, matikas at ang tindig nito'y na nakalulula sa taas. Ang singkit nitong mga mata ay kasing lamig pa rin ng dati kung titigan siya. Walang ekspresyon. Walang emosyon.

" Pablo..." Kumawala ang halos pabulong na sambit ni Devon sa pangalan ng lalaki. " W-Why are you...what are you doing here? "

Hindi ito nagsalita, sa halip ay tahimik itong tumungo sa mesa at hinila ang swivel chair para maupo. " Have a seat, Miss Valencia. Sabihin mo saakin kung handa ka na, para makapag start na tayo sa interview mo—'

" W-Wait, what? " Nagpalinga-linga si Devon, nagbabakasakaling may hidden camera sa silid kung nasaan sila dahil hindi pa rin nag p-proseso sa isip niya na ang nakikita niya. " Is this some kind of prank? A-Ano bang nangyayari? Bakit ka nandito? "

Sa halip na sumagot, hinawakan ng lalaki ang isang hugis parihabang tabla na nasa mesa niya upang iharap ito sa aplikanteng halos lumuwa ang mata nang makita ang pangalan nakaukit rito. Pablo Santino Regalado.

" S-So, you're the boss here? " Napalunok si Devon, binalik ang tingin sa lalaki na tila balak siyang tunawin sa tingin. " Paano? I mean, hindi ba't..."

Matipid na ngisi ang gumuhit sa labi ng lalaki nang makita kung paano maguluhan ang dalaga sa mga salita nito. Sumandal saiya sa swivel chair at dinampot sa mesa ang folder kung saan naroon ang resume ng aplikanteng nasa harap niya. " So, tell me about yourself, Miss Valencia. "

Napalunok si Devon, nanatili pa ring nakatayo sa gilid ng mesa. " Wait—"

" Why do you want to work here? " Sunod na tanong ni Pablo, binabasa ang mga nakalagay sa resume na hawak bago ibaling ang tingin sa dalaga. " Any knowledge about the position?"

Naiyukom ni Devon ang kamao, hindi maitago ang pagka-insulto sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Dahil sino ba namang mag-aakala na ang dating magsasaka na kinalaunan ay naging kaniyang bodyguard na pinaulanan niya ng insulto at masasakit na salita noong huling beses na nagkita sila, ay siya na ngayong mas mataas sa kaniya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status