" Hindi iyon panaginip..." hindi alam ni Devon kung nag d-delusyon lang ba siya o talagang totoo ang pangyayari na kaniyang nakita sa panaginip niya. Hindi niya magawa-gawang tapusin iyong pag-aayos sa sarili dahil kada tumitingin siya sa salamin, agad na bababa ang mata niya para tignan ang labi niya at kasabay noon ay ang paglitaw ng imahe ng paghalik niya kay Pablo. " Gosh, imposibleng panaginip iyon dahil...dahil bakit ang linaw sa memory ko? Bakit...bakit ramdam na ramdam ko iyong labi niya? "" Devs, halika na kumain na tayo! Mamaya ka na mag-ayos! " Napatingin si Devon sa pinto nang madinig ang pagtawag sakaniya ni Kasey mula sa labas ng kuwarto nila.Binalik ni Devon ang tingin sa harap ng salamin, wala naman siyang blush-on pero sobra ang pamumula ng pisngi niya kaya bago pa may makakita sa kaniya at asarin siya, tinapos na niya ang paglalagay ng sunscreen sa mukha. Ilang minuto ang lumipas bago niya napagpasyahang lumabas ng kuwarto na puno pa rin ng katanungan ang isipan ha
Tila hindi magkakakilala ang mga nakaupo sa parihabang mesa dahil sa katahimikang naghahari ilang minuto na ang nakararaan. Lahat nagpapakiramdaman, ang mga mukha ay makakakitaan ng kalituhan sa sitwasyong kinalalagyan, maliban na lamang kay Caleb nakaupo sa dulo ng mesa, hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito habang kinakausap ang isang staff patungkol sa panghimagas na ihahain mamaya nang biglang tumayo si Devon sa kinauupuan." Para saan ba ang mga 'to, Caleb? " tanong ng dalaga, tumingin sa mga kasama na nag aabang sa sunod na sasabihin niya. " Ano ba ang ibig sabihin ng ginawa mo na 'to?"" Reconnecting with my old friends? " Nagtatakang tanong pabalik ni Caleb, sumenyas sa staff na umalis muna sa mesa nila at bumalik na lang kapag tinawag niya " I mean, ilang years ko rin kayong hindi nakita. Gusto kong kumustahin kayo lahat since may mga pinagsamahan rin naman tayo kahit papano, hindi ba? "" And what makes you think na gusto ka naming makita? " tanong ni Kasey na nasa tabi n
Trigger Warning: Abuse and Suicide Mabigat ang mga paa ni Devon na naglalakad sa pasilyo habang patungo sa condo unit na tinitirhan niya kasama ang nobyo. Nag-iinit ang buong katawan niya sa galit at kahihiyan sa gulong nangyari sa coffee shop kasama ang kaibigan." Ilang explanation pa ba ang dapat kong gawin para maintindihan mo na magkaibigan lang kami? " halos mamaos ang boses ni Devon habang binubuksan ang pinto ng unit nila. " We're not doing anything wrong para ipahiya mo siya nang ganoon sa harap ng maraming tao. We're just talking, anong maling doon?! "Sarkastikong natawa si Caleb. " What the hell, Devon? Ikaw na nga 'tong may mali, ikaw pa ang may lakas ng loob na magalit nang ganiyan? "" What did I do?! " Hinarap ni Devon si Caleb. " Sabihin mo kung anong ginawa kong mali para maintindihan ko kung bakit nagkakaganiyan ka? "" Lumabas ka ng may ibang kasamang lalaki, Devon! Sinong boyfriend ang hindi magagalit kapag nakita niyang nakikipaglandian sa iba iyong girlfriend n
Humahalakhak sa tuwa si Devon habang siya'y tila lumilipad sa ere sakay ng isang parachute na hinihila ng isang uri ng sasakyang pandagat. Mula sa puwesto niya, tanaw na tanaw niya kung gaano kalawak ang dagat na tila kumikinang dahil sa sinag ng araw. May kataasan ang lipad nila at sa halip na malula, mas nakararamdam pa ng tuwa at pananabik si Devon dahil sa ganda ng tanawin sa ibaba." Ganito pala pakiramdam ng ibon, 'no? Ang saya! " Nilingon ni Devon ang kasama niya sa parasailing para tignan ang reaksyon nito at pakiramdam niya mas lumundag ang puso niya nang makita kung gaano ka-inosente ang ngiti ni Pablo habang nakatanaw sa ibaba. Ngayon lamang niya ito nakitang may malawak na ngiti at hindi man siya ang dahilan, siya naman ang nakahanap ng paraan. " Pablo, marunong ka bang mag swim? "Napalingon naman si Pablo kay Devon na halos hindi na niya makita ang mukha dahil natatakpan ito ng mga lumilipad na hibla ng buhok. " Laking ilog ako. Bakit? "" Kapag nahulog ba ako, sasaluhin
Nakapagtapos si Devon ng kolehiyo sa kursong tourism at sa mga sandaling ito, tila gusto niya ulit mag-aral sa kursong may kinalaman sa teatro para maging mahusay sa pag-arte lalo na sa mga sitwasyong gugustuhin na lamang niyang lamunin ng lupa.Mula sa pagkakapikit, bahagyang idinilat ni Devon ang mga mata upang silipin kung saang banda na sila at kung ilang oras pa ang kailangan niyang tiisin bago makawala sa nakaiilang na katahimikan sa loob ng sasakyan na kasama si Pablo na abala sa pagmamaneho. Pauwi na sila mula sa resort at alas nuebe na ng umaga ngunit wala pa ring nagpapakitang araw dahil sa mga oras na ito ay natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Tinapunan ng tingin ni Devon ang cellphone na hawak niya, at nakita ang message mula kay Kasey na nasa kabilang sasakyan, kinukumusta siya na hindi alam ni Devon kung ikatutuwa niya. Pinili siyang iwanan mag-isa ng kaibigan dahil sumabay ito sa magkasintahan na ang sasakyan ay nasa kanilang unahan. Kung sa ibang pagkakataon
Kabado na may halong pananabik ang nararamdaman ng isang dalagang nakatayo sa loob ng isang malaking hacienda. Pinagpapawisan ang mga palad niya sa kabila ng lamig ng hangin na na nanggagaing sa malaking air-conditioned na nasa dalawang sulok ng silid kung nasaan siya. " Good morning po. Kayo po ba si Miss Devon Valencia? " Napalingon ang dalaga sa likuran nang madinig ang ngalan niya. Lumapit sa kaniya ang isang dalaga na mayroong salamin sa mata, hawak nito ang isang folder kung saan nakalagay resume na kaniyang ipinasa. " Ako nga. " Ngumiti si Devon, napalunok ng sariling laway nang bumalik ang nerbyos na nararamdaman niya. Ngayon na lamang siya ulit maisasalang sa job interview matapos ng apat na taon kaya hindi niya maiwasang mag-aalala sa kabila ng memoryadong sagot sa mga maaaring itanong sa kaniya. " Okay, Miss Valencia. Paki-fill-up-an niyo muna itong paper na ito, and after this, sasalang po kayo sa interview with the boss. " Inilapag ng babae sa isang lamesita ang folder
" Happy 23rd birthday, Devon! " Sabay-sabay na pagbati ng mga kaibigan ng isang dalagang may suot na birthday hat, isa-isang hinihipan ang mga maliliit na kandilang nasa ibabaw ng red velvet cake na hawak niya bago tumili na sinundan ng palakpakan at hiyawan ng mga taong nakapalibot sa kaniya." Let's go back to party! " Hiyaw ng dalaga kasabay ng muling pa dagungdong sa loob ng isang bar dahil sa musikang nanggagaling sa entablado ng DJ. Eksaktong alas-dose na ng hatinggabi ngunit buhay na buhay pa rin ang mga taong tila ngayon lang nakaramdam ng kalayaan. Sa bawat indak at pagsabay sa kanta, siya ring paggaan ng mga dinadalang problema ng bawat isa." Devon, let's dance! Halika na roon sa dance floor! " Pagyaya ng isang dalagang may maikling buhok, ang labi ay kasing-pula ng mansanas habang ang kasuotan nito ay puro itim, mula sa see-through na blouse, maong skirt hanggang sa tigh high boots, lahat itim." I need to pee! Mauna na kayo, susunod na lang ako, Kasey! " Paalam ni Devon s
Ala dos y medya nang madaling araw, sa isang munting bahay ay tahimik ng natutulog ang isang pamilya na magkakatabi sa banig na nakalatag sa salas. Ang mag-asawa ay nakapuwesto malapit sa likuran ng pintuan, magkayakap, animo'y pino-proteksyunan ang isa't isa sa lamig ng hangin mula sa labas na pumapasok sa dingding na gawa sa kawayan. Sa kabilang dulo ng banig, naroon ang dalawang bata, magkasalo sa isang manipis na bulaklaking kumot na dekada ng ginagamit ng pamilya.Mula naman sa isang banyo, lumabas ang isang binata na katatapos lamang maligo. Nakasuot ng maong pants, ang damit pang-itaas ay nakasampay pa sa kaliwang balikat dahil ang katawan ay basa pa ng tubig. Dumiretso siya sa mesa upang kuhanin ang tasa ng kape na maligamgam na dahil kanina pa niya ito tinimpla bago pumasok ng banyo. Dire-diretso na niya itong nilagok, kailangan niya iyon para hindi antukin sa mahigit isang oras na byahe pa-siyudad.Lumakad ang binata patungo sa silyang gawa sa kawayan at naupo. Pinagpag ang