Isang matunog na tawa ang kumawala sa kabilang linya dahilan para lalong malukot ang mukha ni Devon na kasalukuyang nagmamaneho pauwi sa siyudad.
" Seriously, ikaw pa ba 'yan, Devs?! " Natatawang hayag ni Kasey sa kabilang linya. " Is this some kind of joke? Baka naman nag p-prank ka lang, ha? Wala kasi sa ugali mo 'yang ginagawa mo ngayon. Hindi ko ma-imagine! "
Napaikot ang mata ni Devon at sandaling tinapunan ng tingin ang cellphone sa harap. " Believe me, kahit ako hindi ko ma-imagine na gagawin ko 'to. I don't know, I just find him attractive kasi and since napag-usapan namin ni Papa ang plano niyang pag hired ng personal bodyguard , bigla na lang siyang nag pop-up sa utak ko out of nowhere! "
" Devs, hindi kaya nagayuma ka? " hindi alam ni Devon kung concern ba ang kaibigan o isa na naman ito sa mga biro sa kaniya. " Kasi 'di ba siya ang tumanggap ng mga sapak na dapat sa mga lalaking nag manyak sa'yo? Sinabi mo hindi niya tinatanggap ang sorry mo kaya para makaganti, ginayuma ka niya—o baka mamaya pinakulam ka na rin niya?! "
" Kasey, stop! It's not funny! " Saway si Devon sa kaibigan na muling humagikhik sa kabilang linya. " So, ano na? Any suggestions kung paano manligaw sa lalaki? "
" Try to seduce him! " suhestiyon nito, " I'm sure hindi makakapalag ang lalaki kapag ang babae na ang nagpakita ng motibo! "
Ngumiwi si Devon nang maalala ang reaksyon ni Pablo bago sila maghiwalay. "Anything else? Iyong may effort para makuha ko ang loob niya. Iyong hindi niya ako itataboy kapag lalapit ako. Iyong tipong ma-a-appreciate niya ang effort ko at magiging reason iyon para lumambot ang puso niya. "
" Teka nga, magkalinawan tayo, ha? Nililigawan mo siya dahil gusto mong tanggapin niya ang job offer mo. You want him to be your bodyguard, tama ba? Gusto mo kuhanin ang loob niya para mag-trabaho sa'yo," tila may pagdududang tanong ni Kasey.
" Yes, that's right. " Dahan-dahang itinigil ni Devon ang sasakyan nang makitang may tatawid sa pedestrian lane.
" Wala kang hidden agenda? " tanong nito, " Ang sabi mo kanina attractive ka sa kaniya, so technically, may gusto ka sa kaniya. "
Mariing napalunok si Devon." W-What are you talking about? "
" Don't even deny it, Devs! Feeling ko parang ginagawa mo lang dahilan iyang pag offer sa kaniya na maging bodyguard mo para magkaroon ka ng chance na mapalapit sa kaniya. "
Sandaling natahimik si Devon. Hindi pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Kasey, ngunit doon niya napagtanto na maaaring iyon nga ang ginagawa niya." I really don't know, Kasey. I mean, alam mong ayoko ng bodyguard , 'di ba? But noong na-mention ni Papa ang tungkol doon, siya talaga ang bigla kong na-picture bilang bodyguard ko. He is tall, he has a broad shoulders and a well-built body. Pasok siya sa mga requirements!"
" So you mean, he's hot? "
" Yeah, " walang pagdadalawang isip na sagot ni Devon, muling pinaandar ang sasakyan nang makatawid sa kabilang kalsada ang mga nagdaan. Napalabi siya upang pigilan ang sariling ngumiti nang bumalik na naman sa isipan niya ang matipunong katawan ng lalaki. " Anyway, talk to you later. May kailangan pa akong daanan sa shop namin bago umuwi. Bye! "
Nang mamatay ang tawag, itinuon ni Devon ang atensyon sa pagmamaneho at nang iangat ang tingin sa rear view mirror, kitang-kita niya ang sariling nagpipigil ng ngiti na agad ring naglaho nang mapansin ang pamilyar na sasakyan na nasa kaniyang likuran, nakasunod sa kaniya.
" Oh gosh, ito na naman siya. " Malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Devon at dahil may kaluwagan ang kalsada, sinubukan niyang mag counterflow para makumpirma kung tama ang hinala niya at hindi na siya nagulat nang makita ganoon rin ang ginawa ng sasakyan sa likuran niya.
***
Walang imik na nakatingin si Pablo sa mesa kung saan nakahain ang mga putaheng natira mula sa dala ng bisita nila kanina. Ang mga kasama niya sa mesa ay halatang tuwang-tuwa sa hapunan nila samantalang siya, hindi magawang galawin ang pagkaing nasa plato niya.
" Pablo, hindi ka ba kakain? " Takhang tanong ni Marcel, ang padre de pamilya ng Regalado. " Ang sarap-sarap ng ulam natin, hindi mo papansinin? Panis na 'to panigurado bukas kung titipirin niyo pa 'yan kaya sumubo ka na. "
" Busog pa po kasi ako Tay. Nagpa-miryenda kanina si Madame Deborah bago kami pauwiin, " sagot ni Pablo patukoy sa amo nilang may-ari ng farm. Kinuha niya ang plato at inilapit ito sa plato ng dalawang kapatid. " Radzel, Sunny, sainyo na itong manok, ubusin niyo na. Hindi na 'ko kakain mamaya. "
" Sigurado ka ba, Pablo? " tanong ni Bernadette, pansin na may kakaiba sa panganay niya magmula noong umuwi ito galing trabaho. " May natira pang tatlong piraso ng pizza. Nandiyan at nakapatong sa ibabaw ng TV. Kainin mo na 'yon at siguradong magugutom ka mamaya. "
Tumango na lamang si Pablo at nagpaalam na lalabas dala ang dalawang walang lamang galon para bumili ng tubig inumin sa kabila pang kanto. Madilim na ang kalsada, nakabukas na ang mga ilaw sa poste ngunit kalat pa rin ang mga tao sa paligid.
" Huy, Pablo, balita ko nililigawan ka ng magandang chicks, ha? Nakita namin kanina noong dumting. Ang puti ng balat, mukhang naka-jackpot ka! " Bati ng mga kalalakihang nakatambay sa isang kanto, bawat isa may mga sigarilyo. " Nagpakain pa raw sainyo kanina? Bakit naman hindi mo kami inimbitahan nang makita naman namin nang malapitan! "
Naiiling na ngumisi si Pablo. " May tina-trabaho 'yon dito. Huwag kayong magpadala sa mga naririnig niyo. "
Nagkatinginan ang mga ito. " Trabaho? Anong klaseng trabaho? "
" Ewan. Baka whistleblower? " walang ganang sagot ni Pablo dahilan para matahimik ang mga ito.
Nang makarating sa tindahan si Pablo, walang kahirap-hirap niyang dinala ang dalawang galon ng tubig inumin pauwi. Ang isa ay nakapasan sa balikat habang ang isa ay bitbit niya gamit ang isang kamay.
Pagkarating ng bahay, naabutan niyang naghuhugas ng plato si Radzel habang si Sunny ay pinupunasan naman ang mesa. Ang padre de pamilya ay nakapuwesto na sa paborito nitong silya, pinanonood ang sinusubaybayan nitong pelikula na may temang aksyon habang ang ina ay inililigpit ang mga nagkalat na gamit sa salas para sa paghahandang mailatag ang kanilang banig na hinihigan.
" Razel. " Nilapitan ni Pablo ang kapatid na abalang pinabubula ang sabon sa isang plato. " Kausapin kita mamaya pagkatapos mo diyan. "
Inangat ni Radzel ang paningin sa nakatatandang kapatid na may seryosong ekspresyon sa mukha." Tungkol saan, kuya? "
" Basta, " sagot na lamang ni Pablo, marahang tinapik sa balikat ang kapatid bago siya tumungo sa likuran ng bahay para humanap ng pagkakaabalahan at makaiwas sa maaaring pagtatanong ng magulang tungkol sa bisita kanina. Hindi niya gustong mapag-usapan pa ang tungkol doon dahil inis lang ang nararamdaman niya.
" Magtapat ka nga saakin, Radzel. Wala ka nga ba talagang balak tumuloy ng high school pagka-graduate mo? " Diretsahang tanong ni Pablo nang magpakita sa kaniya ang kapatid.
" Kuya..." Napakamot ito sa ulo, halata ang pagdadalawang isip kung magsasabi ba ito ng totoo. " Secret lang dapat namin 'yan ni ate ganda, bakit sinabi niya sa'yo? Daya naman. "
" Radzel, " may pagbabantang tawag ni Pablo sa kapatid.
" Eh, kasi plano ko na sanang tumulong muna sa mga bayarin sa bahay. Saka na ako mag-aaral kapag nakapag ipon na rin ako dahil ang layo noong school mula saatin. Kailangan pang mamasahe papunta tapos pauwi. "
" Tingin mo ba hindi kita kayang suportahan? "
" Hindi naman sa ganoon, Kuya Pablo. " Napayuko si Radzel. " Eh kasi nahihiya na 'ko sainyo humingi ng baon. Alam kong hindi na sumasapat iyong kinikita ni Tatay sa pamamasada dahil madalas siyang umuwi na bagsak ang balikat dahil sa gasolina pa lang, lugi na siya. Ikaw, kuya, puro kami ang iniisip mo. Sa pagbili ng bigas at ulam, kayo ang sumasagot. Sa baon at pangngailangan namin ni Sunny sa school, kayo rin ang nagbibigay. Hindi niyo tuloy mapalitan ng bago iyong luma niyong sapatos."
Napabuga sa hangin si Pablo. " Radzel, bakit ko kailangan bumili ng bago kung may ginagamit pa ako? Matibay pa 'yong sapatos ko na 'yon."
" Siyempre palagi niyo kasing ginagamitan ng pandikit kaya nabubuo ulit, " sagot ni Radzel, agad pinunasan ang nagbabadyang luha sa mata at ibinaling sa iba ang paningin. " Gusto ko ng tumulong sainyo, kuya. Saka na ako mag-aaral kapag may ipon na ako. Puwede naman bumalik sa pag-aaral kahit ilang taon na, eh. "
" Hindi, Radzel. Tutuloy ka sa high school. " Ginulo nang bahagya ni Pablo ang buhok ng kapatid. " Huwag mong masyadong isipin iyong mga bagay na matatanda ang may responsibilidad. Saka ka na bumawi kapag nakatapos ka na ng kolehiyo. "
" Pero kuya..." Umiling si Pablo, inipit ang ilong ng kapatid gamit ang daliri niya dahilan para lumayo ito sa kaniya, kinapa-kapa ang ilong bago pumasok sa loob ng bahay para humanap ng salamin sa takot na ma-dislocate ito. Guluhin na ang buhok niya, huwag lang ang matangos na ilong na isa sa best asset niya bagay na madalas puruin sa kaniya.
Kinabukasan, ala singko pa lang ng umaga ay gising na si Pablo upang maghanda sa pagpasok. Ala siyete ang simula ng trabaho sa farm at kahit malapit lang siya, maaga pa rin siyang umaalis ng bahay dahil isa siya sa mga may hawak ng susi ng mga pinto sa farm.
" Good morning, Pablo! Aga ulit natin, ha? " Pagbati ng guwardiyang nakasabay pumasok ni Pablo sa gate. " Hindi na ako magtataka kung isang araw, ikaw na boss namin dito. "
Ngumiti si Pablo saka itinuro ang paa nito. " Mayroon ho ba kayong baong sapatos, kuya? "
" Ha? Wala, bakit? " Takhang tanong ng guwardiya, binaba ang tingin sa paanan niya at nagpakawala nang malutong na mura nang mapagtantong naka tsinels lang siya at medyas sa paa. " Anak ng tinola nga naman oh! Sandali uuwi ako! Pakisabi sa kapalitan ko na mamaya na siya umalis. Mabilis lang 'to. "
Kumaripas ng takbo palabas ang guwardiyang nakatalagang mag duty ngayong araw upang umuwi sa bahay na halos isang kanto lang ang layo mula sa farm.
Nagsimula sa matiwasay at payapa ang umaga ni Pablo na kasalukuyang nag a-araro kasama ang kalabaw sa malawak na bukiran nang bigla siyang tawagin ng kasama para sabihin na pinatatawag siya sa opisina. Agad namang nagpunta si Pablo sa pag-aakalang importante ang dahilan kung bakit siya pinatatawag, ngunit noong makita niya si Devon na kausap ang isa sa mga staff ng opisina, nasagot agad ang mga tanong sa isip niya.
" Hi! " Masiglang bati ni Devon kay Pablo matapos magpaalam sa staff na kausap niya." Good morning, Pablo! "
" Ano na naman ba 'to? " Inis na tanong ni Pablo na dinaan lang sa bungisngis ni Devon.
" What? Nandito ako ngayon bilang customer niyo. " Lumingon si Devon sa likuran para ituro ang kasama niyang dalawang staff sa restawran na pagmamay-ari nila. " Balita ko kasi, magaganda at malalaki raw ang eggs niyo rito, kaya naman sumadya kami rito para mag order ng ilang tray. Kulang na rin kasi kami ng supply. "
Napakamot sa noo si Pablo, hindi alam kung dapat bang sakyan ang paliwanag na narinig niya. " Ikaw nagpatawag saakin? "
Tumango si Devon. " Gusto kasi kitang makita. "
HIndi nabago ang pagkakakunot ng noo ni Pablo." Mukhang ang dami mong oras para mang abala ng tao. "
" Sakto lang. "
" Puwes ako wala akong oras sa'yo. " Seryosong tugon ni Pablo. " Hindi mo ba nakikita na abala ang mga tao dito? Nag ta-trabaho kami nang maayos kaya kung puwede tigilan mo na ginagawa mong paglalaro? "
Tumaas ang kilay ni Devon. " What? Sinong nasabi na naglalaro ako? "
Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Pablo nang mapansin ang ilang staff na nakatingin sa gawi nila ng dalaga, lantaran na ipinapakitang nakikinig ang mga ito sa pinag-uusapan nila. Binalik ni Pablo ang tingin kay Devon." Kung wala na kayong ibang kailangan, aalis na ako. Marami pa akong trabahong kailangan tapusin, Miss. "
Mabilis tumalikod si Pablo, sinuot ang sambalilo bago mag martsa pabalik sa naiwang- trabaho nang maramdaman ang presensya sa kaniyang likuran. Hindi niya ito nilingon, itinuri niya itong isang hangin na nakasunod sa kaniya hanggang sa makarating sa lupang inaararo niya kasama ang kalabaw.
" Oh wow, ang init sa puwesto mo, ha? " komento ni Devon, itinaas ang dalawang palad para itaklob sa ulo niya. " Need ba talagang gawin mo 'yan sa ganitong oras? Bakit hindi sa hapon or sa gabi para hindi mainit? Ang sakit sa balat ng sikat ng araw. "
Nagpanggap na walang naririnig si Pablo. Nagpatuloy siya sa ginagawang pag-araro kasama ang kalabaw habang si Devon naman ay nakatayo lang sa isang puwesto, pinanonood ang ginagawa ng lalaki.
" Puwede ko ba 'yan i-try? Mukhang ang saya gamitin niyan, ah? " tanong ni Devon pero wala siyang narinig na sagot kaya bumusangot ang mukha niya. Naglakad siya palapit sa ilalim ng puno para doon magpalilim. May nakita siyang bangkito kaya naupo na rin siya doon at muling binalik ang atensyon kay Pablo. " Panonoorin na lang kita dito. Don't worry, hindi kita aabalahin. Just do your thing and I'll do mine. "
Pinanindigan ni Pablo ang pagpapanggap na walang naririnig at nagpatuloy sa pag-aararo ng lupa. Minsan ay pasimple niyang dinadaanan ng tingin ang dalagang nasa ilalim ng puno na panay ang pag paypay sa sarili gamit ang kamay. Tatayo tapos uupo ulit bagay na kinainis ni Pablo dahil pati siya ay hind mapalagay sa kilos ng dalaga.
Hindi naman namalayan ni Devon ang takbo ng oras dahil nalibang siya sa panonood at nagpatangay sa preskong hangin sa kaniyang puwesto. Iyon nga lang, iyong sinisilungan niya sa ilalim ng puno ay unti-unting sinakop ng sikat ng araw kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo na para sana lumipat ng ibang puno nang mula sa likuran niya ay may nag suot ng sambalilo sa kaniyang ulo.
" Aww, thank you—"
" Kung ako sa'yo umuwi ka na. Wala kang mapapala sa ginagawa mo, " ani Pablo, kinuha ang bangkito saka tinalikuran si Devon ngunit nakakailang hakbang pa lang si Pablo nang makarinig ng pagbagsak mula sa likuran at nang lumingon siya, nakita niya ang dalaga na nakahiga sa lupa at walang malay.
***
Isang mahaba at impit na sigaw ang pinawalan ni Devon habang nakabaon ang mukha sa kaniyang malambot na unan, hiyang-hiya sa nangyari sa farm kung saan siya nawalan ng malay dahil sa init ng panahon. Ngayon ay nakakulong siya sa kaniyang kuwarto, nagmamaktol dahil sa palpak niyang plano.
" Hija, hindi ka ba bababa para kumain? O gusto mong iakyat ko na lang dito sa kuwarto mo 'yong pagkain mo? "
Inalis ni Devon ang mukha mula sa pagkakabaon sa unan para tignan ang kasambahay nilang si Manang Elma. " Nakauwi na po ba si Papa? "
Umiling ito. " Hindi raw siya kakain dito dahil may event na pupuntahan. Doon na raw siya mag d-dinner at late na siya makakauwi mamaya. "
Tumango si Devon. " Please, iyong pinag-usapan po natin, Manang Elma, ha? Huwag niyo na pong banggitin kay Papa iyong nangyari saakin kanina doon sa farm. Magagalit iyon at baka pagalitan din niya iyong mga staff niya na kasama ko. "
Buntong-hiningang tumango ang matanda. " Ano ba kasing naisipan mo at pumunta kayo doon? "
" B-Basta po, Manang. Importante 'yon. " Nahihiyang sagot ni Devon, walang lakas ng loob ngayon i-kuwento sa matanda ang pinagkakaabalahan niya sa mga nagdaang araw lalo na't pumalpak na naman siya sa ikalawang pagkakataon." A-Anyway, bababa na lang po ako mamaya. Mauna na po kayong kumain. Susunod na po ako. "
Nang maiwan muling mag-isa, kinuha ulit ni Devon ang kaniyang unan upang ibaon muli ang mukha. Magkahalong hiya at pagkadismaya sa sarili ang nararamdaman niya sapagkat ang plano niyang pagpapabango ng imahe kay Pablo ay nasira. Kinunstaba niya pa ang ilang staff sa restawran nila para personal na bumyahe pa-probinsya at bumili ng maraming tray ng itlog mula sa mismong farm kung saan nag ta-trabaho si Pablo. Subalit nabaliwala naman ang effort niya dahil rin sa kagagawan niya.
Nais magpakitang gilas ni Devon. Gusto niyang maipakita ang dedikasyon niya para makuha ang atensyon ng lalaki at mabigyan ng chance na pag-isipan ang trabahong inaalok niya. Ngunit sa nangyari kanina, hindi niya alam kung may lakas pa ba siya ng loob magpakita kay Pablo sa pag-aalalang pagtawanan siya nito at ipamukha kung gaano siya kahinang nilalang kapag nagkita sila.
" Oh God, nakakahiya. " Nakangusong nilingon ni Devon ang salamin na nasa isang sulok ng kuwarto niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama para lumapit sa salamin, tinitigan ang sarili at in-imagine kung ano ang hitsura niya nang mawalan ng malay. " Wala naman sigurong tumulong laway, ano? H-Hindi naman siguro ganoon kasama ang hitsura ko? "
Buong gabing inalala ni Devon kung ano ang hitsura niya nang mawalan ng malay sa harap ni Pablo at kung ano ang tumatakbo sa isip nito noong mga sandali iyon. Hanggang sa panaginip ay nadala ni Devon iyong problema kaya naman kinaumagahan, para siyang lantang gulay na bumangon sa kama. Lumabas ng kuwarto nang walang naabutang tao sa salas dahil ang ama ay maagang pumasok sa trabaho habang si Manang Elma ay nag-iwan ng sulat na nagsasabing kailangan nitong pumunta sa bayan para mamili ng mga kasangkapan na wala na sa kusina.
Pabagsak na naupo si Devon sa malaking sopa sa salas, nakipagtitigan sa mataas na kisame habang nag-iisip ng susunod na hakbang sa panliligaw kay Pablo. Wala siyang balak tigilan ang binata hangga't hindi nito tinatanggap ang alok niyang trabaho bilang personal bodyguard niya. Isang linggo palugit lang ang binigay sa kaniya ng ama para maipakilala ang ipinagmamalaki niyang bodyguard at kapag wala siyang maipakita sa mga sumunod na araw, ang ama na niya mismo ang pipili ng magiging bodyguard niya.
" Ma'am Devon, may bisita po kayo sa labas. " Naputol ang pag-iisip ni Devon nang marinig ang boses ng kanilang driver na hindi niya nakitang pumasok sa salas dahil sa lalim ng iniisip niya
" Parang wala naman akong inaasahang bisita ngayon? " Nanatiling nakasandal ang likod ni Devon sa sopa habang ang mga paa ay nakapatong sa lamesitang nasa harap niya. " Nagpakilala ho ba kung sino? "
" Pablo raw ho? " Bumilog ang mata ni Devon at mabilis na napatayo mula sa pagkakaupo niya. Hindi na siya nag-abalang tanungin muli ang driver para sa kumpirmasyon dahil kumaripas agad siya ng takbo palabas ng salas at muli siyang na-sopresa nang makita ang lalaking laman ng isip niya bente-kuwatro oras na ngayo'y na sa labas na ng gate ng bahay nila.
" H-Hey..." sa kabila ng pagtataka at supresa, walang pagdalawang isip na pinagbinuksan ni Devon ng gate ang bisita niya. " Come in."
" Hindi mo man lang ako tatanungin muna kung bakit ako nandito? " tanong ni Pablo dahilan para matahimik sandali si Devon at wala sa sarling napalingon sa likuran kung saan naroon ang kanilang driver, nakatayo sa kanilang garahe habang naglilinis ng kotse.
" Y-Yeah, why are you here? " tanong ni Devon nang ibalik ang tingin kay Pablo. Inayos ang sarili dahil batid niyang makakarating sa ama ang kasalukuyang ganap sa gate nila. Napatingin siya sa L300 na nakaparada sa gilid ng kalsada. " Oh, wait, mayroon bang problema sa delivery niyo ng mga eggs? "
" Hindi, wala..." Tumikhim si Pablo, napasuklay pataas sa kaniyang buhok gamit ang mahahabang daliri bago ibaba muli ang tingin kay Devon. " Kumusta ka pala? A-Ayos ka na? "
" Yeah, of course. Wala lang iyong nangyari kahapon! J-Just forget about that! " Sunod-sunod na sagot ni Devon, idinaan sa hilaw na tawa ang pag-akyat ng hiya na naramdaman niya bigla. " So, uhm, sinadya mo ako rito saamin para kumustahin ako? Aww, ang sweet mo naman. "
" Hindi ako nagpunta dito para doon. " Mabilis na pagtanggi ni Pablo, rason para mapangiwi si Devon." Ang totoo niyan, nandito ako para tanungin kung ino-offer mo pa ba 'yong trabahong—"
" Yes, of course! Siyempre para sa'yo talaga iyong offer na 'yon! " Lumabas ng gate si Devon para malapitan si Pablo, hindi maitago ang pananabik sa narinig. " Kailan mo gustong mag start? Wait, puwede ka na pala mag start ngayon! "
Nakunot ang noo ni Pablo. " Wala ba ako dadaanang proseso bago ako magsimula?"
" No need! Hired ka na! " Masayang anunsyo ni Devon. " Let's go inside! Sa loob natin pag-usapan iyong iba pang details sa bago mong work. "
Hindi pa man nakakasagot ni Pablo ay hinila na ni Devon ang kamay nito para isama itong pumasok sa loob ng malaking bahay, rason para dumiin ang hawak sa manibela ng isang lalaking nasa loob ng isang itim na kotseng nakaparada ilang metro ang layo sa bahay ng mga Valencia.
" Hindi ka puwedeng mapunta sa iba, Devon. Saakin ka lang, tangina ka, " bulong niya sa hangin at agad pinaharuruot paalis ang kotse. Ramdam ng buong katawan niya ang init dahil sa matinding galit. Nanginginig ang kamay na kumuha ng isang stick ng sigarilyo mula sa glove compartment niya at inilagay sa bibig bago ito sindihan gamit ang lighter.