" Kuya, kailan ka babalik dito? " mula sa paglalagay ng ilang damit ni Pablo sa kaniyang bag, natigil siya sa tanong na narinig mula sa bunsong kapatid. " Matagal raw po kayo mawawala sabi ni kuya Radzel. Puwede po bang huwag na kayo tumuloy bukas? "" Sunny, kailangan mag trabaho ni Kuya sa malayo para kay Tatay, " sagot ni Radzel, nakaupo sa malamig na sahig habang binibilang ang mga baryang laman ng sinira niyang alikansya. " Hindi mo ba gustong gumaling ang Tatay? Gusto mo bang sa ospital lang siya nang matagal?"" Siyempre gusto kong gumaling si Tatay! " ani Sunny, " Pero 'di ba may trabaho naman ang Kuya sa may farm? Bakit lalayo pa?! "" Siyempre ganoon talaga. Hindi naman kasi tayo mayaman kaya kailangan natin nang maraming pera! " Bahagyang tumaas ang boses ni Radezel, hindi na maalala kung magkano na ang mga baryang binibilang niya dahilan para mapakamot siya sa ulo at umulit sa simula. " Tulungan mo na nga lang ako dito, Sunny. Nalito na ako sa bilang ko. Ikaw kasi, dami m
Tatlong taon na mahigit magmula noong makaramdam muli ng kalayaan si Devon matapos niyang putulin ang koneksyon sa lalaking inakala niya'y hanggang dulo ay makakasama niya. High school noong makilala ang varsity player na kumuha ng atensyon niya dahil bukod sa mahusay ito sa paglalaro ng basketball, may taglay itong charisma na nagpapatili sa mga kababaihan sa tuwing tumutungtong ito sa gym sa kanilang eskwelahan. Walang interes si Devon sa kahit na anong sports noon ngunit araw-araw siyang pumupunta sa gym masilayan lang ang lalaking bumihag sa puso niya na kinalaunan ay naging nobyo niya. Mestizo at mayroong maamong mukha na kapag nginitian ka, maaari kang mangingisay sa tuwa. Bilog ang mga mata, may makapal na kilay at matangos na ilong. Kulot ang kulay kahoy nitong buhok na isa sa mga katangiang panlabas na kumuha sa atesyon noon ni Devon." Hello, my darling. Long time no see. " Mariing napalunok si Devon nang
" Pa, wala nga po kaming ginagawang masama. Pinabitbit ko lang sa kaniya iyong mga pinamili namin sa kuwato ko kaya siya nandoon, " halos lumuhod na si Devon sa pagpapaliwanag sa ama na hanggang ngayon ay kitang-kita ang pagduruda sa mukha sa paliwanag na naririnig sa anak niyang dalaga. " Kung ganoon paano mo ipaliliwanag saakin iyong naabutan ko kanina? " Seryosong tanong ni David, naka-krus ang mga braso habang pinagmamasdan ang mataas na lalaki sa tabi ng unica hija niya. Kasalukuyan silang nasa salas, nakaupo si David sa sopa at nakatayo naman sa harap niya ang dalawa." Pa—"" Hindi ikaw ang tinatanong ko, Devon. Kanina ka pa sagot nang sagot, " anito saka binalingan muli ng tingin si Pablo. " Wala ka bang balak magpaliwanag saakin, hijo? Kung hindi ka magsasalita, sa presinto na lang tayo magharap. "" Papa!" Napapadyak sa inis si Devon, namumula na ang mukha dahil sa magkahalong inis at hiya. " This is my fault, okay? Nagpupumilit ako na hubarin iyong jumper ko dahil may gusto
Alas singko ng umaga, lumabas na ng kuwarto si Pablo na ilang oras lang ang itinulog sa kadahilanang hindi siya dinalaw ng antok sa buong magdamag. Malambot ang kama na kapag tinalon ay tatalbog ka pa. Malaki rin ito, kasya ang tatlong tao ngunit sa hindi malamang dahilan, naging rason din iyon kay Pablo para manatiling aktibo ang isip sa gitna ng mga matang nakapikit. Sa ilang oras niyang nakahiga sa kama, napuno ang isip niya ng mga katanungan tungkol sa naging desisyon niya. " Oh, magandang umaga, Pablo. Ang aga mo namang bumangon? Mamayang mga alas nuebe pa gising ng ating Señorita. " Nakasalubong ni Pablo si Manang Elma sa salas, may dala itong isang tasa ng kape. " Kung pagbabasehan ang lalim ng mga mata mo, mukhang hindi ka nakatulog nang maayos kagabi, ah? "Nahihiyang ngumiti si Pablo. " Namamahay lang ho. Ito ho kasi unang beses na matulog ako sa ibang bahay. "" Talaga? " Hind makapaniwalang tanong ng matanda na kung pagbabasehan ang kaniyang karanasan, nagawa na niyang ma
Mula sa backseat ng sasakyan, tahimik na nakaupo ang dalagang walang ibang alam na kulay kundi itim. Mula sa suot na sandals, maong short at crop top shirt na may naka print ng skull, aakalain mong isa siyang miyembro ng bandang may mga rakista kahit na ang totoo, wala siyang alam sa musika at hindi rin kagandahan ang boses niya." Nandoon na raw iyong mag jowa sa resort, Devs. Kadarating lang nila, " anunsyo ni Kasey, hawak ang cellphone at abala sa pagtitipa ng ire-reply sa kaibigan nilang naunang dumating sa resort. " Nakabili ba tayo na pads na pinapabili ni Mai? Parang hindi ako nakakuha kanina? "" Ah, hindi ko lang sure...oo yata?" ani Devon na kanina pa lutang. Mula sa passenger seat, nilingon niya si Kasey. " Mayroon namang tindahan sa resort, right? Doon na lang siya bumili. "" Ang mahal kaya ng mga tinda doon, " sagot ni Kasey, sandaling binaba ang cellphone para kuhanin ang pagkakataong makilatis si Devon na kanina pa niya napapansin na wala sa sarili. " Hindi ba maganda a
" Wow, nag m-moment na ang dalawa..." Manghang saad ni Kasey nang mula sa veranda ng cottage, kita niya ang kaibigan at bodyguard nito na magkayakap sa gitna ng malawak na buhanginan at napapalibutan ng mga naglalakihang puno ng niyog. Kulay kahel na ang kalangitan dahil sa paglubog ng araw na nakadagdag sa ganda ng tanawin mula sa kaniyang kinatatayuan. " Sure ba talagang bodyguard iyan ni Devs? " tanong ni Mai na kagagaling lang mula sa loob ng cottage. Isinandal niya ang mga braso sa railings at pinagmasdan ang dalawa sa hindi kalayuan. " Bakit parang iba ang nakikita ko? Feeling ko itong get together na 'to ay excuse lang niya para makasama ang bodyguard kuno niya. "Bahagyang natawa si Kasey saka inilabas ang camera niya para kuhanan ng litrato ang kaibigan sa baba. " Enjoy-in na lang natin since libre naman ito lahat ni Devs. "Humagikhik si Mai. " Nagulat nga ako sa biglaang plano dahil hindi naman niya ugali 'yong ganitong biglaan. Gusto niya iyong isini-set muna para mapag-p
Hindi alam ni Pablo kung dapat ba niyang seryosohin ang tanong na binitawan ni Devon na kung aaralin ang ekspresyon sa mukha, wala itong bakas ng pagbibiro. Katunayan ay makikita pa sa mga mata nito ang pagiging desperado na makakuha ng sagot." Ano bang—"" Wait, you don't need to answer that. " Pigil ni Devon habang nakaharap ang mga palad malapit sa mukha ni Pablo. " Gosh, I'm sorry. Huwag mo akong pag-isipan nang hindi maganda, ha? I mean, nag j-joke lang ako. Tine-test lang kita kung ano ang isasagot mo doon. "" Pagiging bodyguard mo ang pinasok kong trabaho, hindi isang contract killer, " may paglilinaw na saad ni Pablo, hindi maiwasang ma-wirduhan sa kinikilos ng dalaga. " Ano bang nangyayari? Kilala mo ba iyong dalawang lalaking nagmamatyag sa'yo? "" I don't know them personally, but..." Napalabi si Devon. "...yes, I know them. Wala naman silang gagawing masama saakin. Panonoorin lang nila mga ginagawa ko sa malayo na parang...parang secret bodyguard? Spy? "" Stalker? " tan
" Mga señorita, gising na! Umuulan ng mga guwapong may six packs abs sa labas, baka maubusan kayo! " Nakabusangot na bumangon si Devon mula sa kama, kinukusot-kusot ang mata habang humihikab dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya. " Napaka-ingay mo kanina pa, Mai. Anong oras na ba? " Iritableng tanong ni Devon, umusod nang bahagya sa kama nang may masagi siya sa tabi niya. Paglingon niya, nakangangang Kasey ang bumungad sa kaniya. Wala itong suot na pang-itaas kaya hinila niya ang kumot pataas para takpan ang katawan ng kaibigan." Girl, alas dos na ng hapon. Bumangon na kayo para ma-enjoy niyo naman iyong araw sa labas. " Inalis ni Mai ang tuwalyang nakatapis sa ulo niya kaya bumagsak ang basa nitong buhok. " For sure kumakalam na mga sikmura niyo kaya bumangon na kayo at kumain sa labas. Nag order lang kami ng bilao for lunch natin. "" Mayamaya na. Hindi pa naman ako nagugutom. " Tamad na umalis ng kama si Devon at lumakad palapit sa maleta niya para kuhanin ang pang sk