All Chapters of The Young Bride of Mr. Alaric Levine: Chapter 1 - Chapter 10

55 Chapters

Simula

WALA NA akong magagawa pa. Gustuhin ko man o hindi, ipapakasal nila ako. At sa amo pa talaga ng papa ko."Isipin mo nalang na ito ang makakapagpabusog sa at—""Ma naman...Pwede ba i-iba naman? Pwede ba, isipin niyo rin naman iyong mararamdaman ko?" Ilang beses na akong umiyak sa harapan nila. Ilang beses na akong nagmakaawa at lumuhod para lang hindi matuloy iyong mga binabalak nila sa akin, ngunit hindi pa rin nila ako tinulungan na tumayo.Hinaplos ni Mama iyong pisngi ko. Narito kaming mag ina ngayon sa kama ng kuwarto ko. Habang ako ay lumuluha, siya naman ay pinapatahan ako. Para niyang inihahatid na wala ni isa siyang magagawa para matigil itong kalokohan na ito."Pagkatapos na pagkatapos ng tatlong buwan, ipaghihiwalay namin kayo. K-Kahit na...amo siya ni Glen, gagawa ako ng paraan," nanginginig na paliwanag ni mama. Mas lalo kong nahigpitan iyong pagkakayakap sa bisig niya.Hindi ko kaya..."M-Ma, rinig ko...matandang lalaki at mahilig raw sa babae iyong papakasalan ko. M-Mama
last updateLast Updated : 2024-02-02
Read more

Kabanata 1

JerseyPINAGMASDAN ko ang kapaligiran ng napakagandang mansyon. Kung kanina ay 'yong hardin sobrang ganda, mas dumoble ang kalinisan at kagandahan ng mansyon sa labas, lalo na sa loob.Napanganga ako. Pansin ko iyong halos sampung kasambahay na may kanya kanyang uniporme habang seryosong naglilinis sa living room. Kaagad na lumiko kami sa isang daan na may double doors. Pumasok kami roon nang buksan ng nasa unahan ko iyong pintuan.Ganito ba kayaman ang papakasalan ko?"M-Mabait ba ang papa mo?" Agad na napansin ko iyong paghinto ng nauna sa paglalakad. Natigilan ako at ganoon din ang nagawa.Hinarap niya ako. Seryoso iyong mukha niya ngunit ilang saglit lang rin ang nakalipas, napatawa siya habang titig na titig sa akin. Napakunot iyong noo ko at nahihiyang napayuko dahil sa tono ng boses niya. Naramdaman ko ang pagtalikod niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang natatawa pa rin.May nakakatawa ba?"Well, mabait iyong groom mo. Mabait at gwapo." Habang siya ay nakatalikod,
last updateLast Updated : 2024-02-02
Read more

Kabanata 2

Kapalit"MOVE!" Napapikit ako nang mariin. Malakas ang boses noong nagsalita dahilan para agad na pumagilid iyong mga kasambahay."You? What are you doing here? Hindi ba sabi ko ay ako ang pupunta sa kuwarto mo?" malamig ang boses niya habang pilit akong pinapakumpirma. Hindi ako nagsalita. Nanatiling nasa ibaba iyong mga mata ko habang nakasarado.Gusto kong tumakbo papalayo sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.Pilit kong pinapababa iyong jersey na suot ko. Sana pala ay 'yong basa nalang ang isinuot ko. Bahala magmukha akong tanga tingnan, basta may maisuot lang. Basta hindi lang ito."Answer me, Lia. Huwag mo akong paghintayin." Mas lalong bumigat iyong nararamdaman ko. Natatakot na ako. Pero wala ako ni isang magawa para man lang makatakas."I-Iyong bag ko..." mahinang sinabi ko. Idinilat ko ang mga mata ko at saka pinakatitigan ang mga taong nasa gilid ko. Lahat sila ay nakayuko katulad ko."Hmm...what about it?" Napansin ko agad ang paghina ng boses niya. Hinarap ko siya nang n
last updateLast Updated : 2024-02-02
Read more

Kabanata 3

DrunkHINDI AKO nakatulog nang gabing iyon. Dahil sa mga salita ni Ric, hindi ko na nagawa pang ipikit iyong mga mata ko. May mga gusto akong malaman pero natatakot akong itanong. Siguro ay nasabi niya lang iyon, dahil ako ang magiging asawa ng papa niya. Ayaw niya sigurong umalis ako dahil...."Anong dahilan?" mahina kong tanong sa sarili ko.Kinaumagan, ang una kong ginawa ay nag ayos ng mga gamit ko. Alas sais pa lang ng umaga, may mga kasambahay na agad na kumatok sa pintuan ko dahilan para magising ako. Nalaman ko lang na dala na pala nila iyong mga bagahe ko.Sinimulan kong ilagay iyong ibang damit ko sa cabinet. Kaunti lang ang mga damit roon na pang lalaki at masyadong maluwag pa sa loob."Kakain na po." Mabilis na tumango ako sa isang maid na kumatok sa pintuan ko. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. Kakain, malamang, sabay kami. Napabuga ako ng hangin.Naligo ako sa banyo at nagbihis sa labas na. Dali dali kong sinuot iyong t-shirt ko at saka huminga ng malalim. Nagsuklay ako
last updateLast Updated : 2024-02-02
Read more

Kabanata 4

Sasamahan Kita Ngayon"P-PAG IISIPAN ko pa, Ric..." Hindi ako makapaniwala sa bigla niyang sinabi. Ilang saglit akong tahimik habang siya ay patuloy pa rin akong pinagmamasdan.Natapos ang gabi at sumapit ang umaga. Hindi pa man lumiliwanag ng sobra ang araw, nalaman ko nalang na naroon na ako sa kuwarto ko kinaumagahan. Naalala ko, nakatulog ako habang nasa tabi ni Ric. Ang lalaking iyon ay umiinom pa rin habang parehas kaming tahimik. Wala na ni isang nagsalita sa amin."P-Pwede na ba akong lumabas?" nag aalala kong tanong sa maid na siyang laging naghahatid sa akin ng pagkain. Ngayon ay may dala na naman siyang tray. Nakita ko siyang ngumiti at tumango."Opo. Nga pala, wala si amo ngayon. Apat na araw siyang magta-trabaho sa bukid nila ng mga kapatid niya. Sa mga susunod na araw pa siguro siya makakabalik rito." Lumabas siya ng kuwarto ko matapos akong yukuan. Hindi ako nakapagsalita.Napabuga ako ng hangin. Maya maya, nag-desisyon akong maligo na muna. Maingat kong kinuha sa cabin
last updateLast Updated : 2024-02-02
Read more

Kabanata 5

MaynilaNAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati."Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to."Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti."Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam."Kailan siya...dumating?""Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong da
last updateLast Updated : 2024-02-02
Read more

Kabanata 6

AsarNAGLAKAD ako papuntang lababo ng kusina at agad na naghugas ng kamay. Nang matapos, bumalik ako sa mga kasambahay na ngayon ay patuloy pa rin na nagk-kuwentuhan."Hala siya, bakit naman 'yon sinabi ng pamangkin mo, Manang Milly?" Nakita kong nagkibit balikat si Manang at saka ako nilingon. Napansin kong sinundan ng ibang nakapalibot sa kanya iyong tinitingnan niya. Nagsiyukuan silang lahat habang ako ay hindi pa rin nasasanay sa mga trato nila sa akin. Napalunok ako at awkward na ngumiti."Ano ang pinag uusapan ninyo, Manang?" tanong ko para maialis iyong hiya sa reaksyon ko. Ngumiti si Manang at agad na tumagilid para siguro papasukin ako sa bilog na ginawa nila ng mga kasama niya. Huminto ako sa paglalakad."Wala, Ma'am. Nagk-kuwento lang ako ng mga trato ng pamangkin ko sa akin." Napatango ako at mas lalo pang napangiti."Bakit po? Ano po ba ang trato nila sa inyo?" mahinang napatawa si Manang at agad na napatingin sa mga kasama niya. Mukha siyang nahihiya."Kanina pa namin p
last updateLast Updated : 2024-02-05
Read more

Kabanata 7

MaliNATAPOS kami sa kakahintay sa machine kung saan nilalabhan ang mga damit. Nang tumigil iyon sa kaiikot, kaagad namin iyon ni Jessica pinuntahan.Nasa dryer sila Marie at Manang. Naghihintay lang rin nang pagkakatuyo ng mga tapos ng nalabhan na damit.Sinulyapan ko si Ric na ngayon ay nakatayo ng tuwid malapit sa dalawang pintuan. Nasa dalawang dibdib niya iyong mga kamay niya at naka-cross ang mga iyon. Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ng palihim iyong kabuuhan ng katawan niya.Ilang beses ko na siyang ninakawan ng tingin, mabuti nalang at hindi niya ako nahuhuli. Sisiguraduhin ko rin naman na hindi niya ako mahuhuli kaya hindi ko na dapat iniisip pa iyong magiging reaksyon niya 'pag nakita akong nakatingin."Saan na kayo 'pag...wala ng titira dito?" Sinimulan kong pag usapan iyong anunsyo ni Ric para makagawa ng mga salita kasama si Jessica. Nasa tabi ko siya at tahimik rin.Tumikhim siya. "S-Sa ikalawang mansyon ni amo sa bayan na 'to, sabi ni Manang." Napatango ako ha
last updateLast Updated : 2024-02-05
Read more

Kabanata 8

AlaricTAHIMIK ko si Ric na hinintay habang nakayuko iyong ulo. Ayoko siyang tingnan na namimili ng mga damit sa cabinet ko. Mas lalo lang akong hindi nakakahinga sa isipin na may mali sa akin.Bakit ako nakakaramdaman ng ganito? Linggo pa lang ako rito pero si Ric, ang dami ng tanong na ibinibigay sa akin. Nangangailangan ako ng sagot niya.Bakit mo 'to ginagawa sa akin?Gusto ko iyang itanong. Ilang beses ko na itong pinag isipan at ibinahagi sa sarili kung tama ba, ngunit hindi ko pa rin kayang ibuka ang bibig ko para malaman niya iyong laman ng isip ko."How about...this dress? Kulay pula." Lantang gulay ang kamay na itinaas niya iyon habang umiiwas ng tingin sa akin. Pinagmasdan ko ang pulang dress na binili sa akin ni Mama noong birthday ko. Plain iyon at walang design. Pero dahil sa tindig ng may hawak nito, para itong kumikinang habang pinagmamasdan ko."I-Iyan nalang..." Dito lang ako sa loob pero kailangan naka-dress pa. Huminga ako ng malalim bago yumuko ulit."Alright..."
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more

Kabanata 9

Hindi PwedeNAKAUPO ako ng tuwid sa loob ng sasakyan ni Ric habang siya ay nasa labas pa ng kotse. Ako lang ang taong nasa loob. Sinulyapan ko siya sa labas ng bintana at nakitang naroon pa rin siya nakatayo habang may kausap na kasambahay.Ang babaeng maid ay tumatango kay Ric habang nakikinig ng mabuti. Ang lalaki naman ay todo salita at turo ng mga pwesto sa hardin.Maya-maya, tumigil sa pagsasalita si Ric at saka nilingon ang pwesto ko. Kaagad na kumuyom ang kamao ko at napaigtad. Nanlalaki ang mga mata na iniwas ko iyong paningin ko sa kanya.Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit na niya sa sasakyan. Nang makalapit, pumasok agad siya sa front seat para magmaneho. Nasa likuran niya ako."Dito ka umupo..." Nilingon niya ako at nakitang seryoso iyong ekspresyon niya. Tumango ako sa gusto niya para wala ng mahabang usapan na mangyari.Lumabas ako sa kotse at pumunta sa katabi niyang upuan. Tumikhim ako bago umayos ng upo."Sa kabilang bayan tayo. Ayos lang ba 'yon sayo?" tan
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status