Jersey
PINAGMASDAN ko ang kapaligiran ng napakagandang mansyon. Kung kanina ay 'yong hardin sobrang ganda, mas dumoble ang kalinisan at kagandahan ng mansyon sa labas, lalo na sa loob.Napanganga ako. Pansin ko iyong halos sampung kasambahay na may kanya kanyang uniporme habang seryosong naglilinis sa living room. Kaagad na lumiko kami sa isang daan na may double doors. Pumasok kami roon nang buksan ng nasa unahan ko iyong pintuan.Ganito ba kayaman ang papakasalan ko?"M-Mabait ba ang papa mo?" Agad na napansin ko iyong paghinto ng nauna sa paglalakad. Natigilan ako at ganoon din ang nagawa.Hinarap niya ako. Seryoso iyong mukha niya ngunit ilang saglit lang rin ang nakalipas, napatawa siya habang titig na titig sa akin.Napakunot iyong noo ko at nahihiyang napayuko dahil sa tono ng boses niya. Naramdaman ko ang pagtalikod niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang natatawa pa rin.May nakakatawa ba?"Well, mabait iyong groom mo. Mabait at gwapo." Habang siya ay nakatalikod, kita ko ang dahan dahan niyang pag iling na para bang sobra sobra iyong kagwapuhan ng papakasalan ko.Napakunot iyong noo ko."M-Mabait at...gwapo 'yong papa m—""Shut up." Natigil ako sa paglalakad. Narinig ko siyang napatawa kahit na patuloy pa rin siya sa paglalakad. Ako nalang iyong hindi pa makahakbang dahil sa gulat sa pagpapatigil niya sa akin.Dali dali akong sumunod sa kanya nang may maisip. Napasinghap pa ako nang makita sa mga paa niya ang laki ng hakbang habang naglalakad siya.Huminto kami sa isang kuwarto. Muntik pang mapunta iyong mukha ko sa likod niya kung hindi lang mabilis na napahinto. Huminga ako ng malalim."This is your room. Ipinahanda ito ng papa ko sayo." Ramdam ko ang tawa niya habang sinasabi iyon. Siguro may ganito lang talaga sa mga anak. Minsan ganito din ang kapatid kong lalaki, mahilig mang asar.Tumango ako at tipid siyang yinukuan."Salamat...""What's my name?""H-Ha?" Napaharap ako sa kanya. Kita ko ang seryoso sa ekspresyon niya na para bang kailangan kong alam ang pangalan niya.Naalala ko...Ric. Isa siya sa anak ni Mr. Levine. O baka isa lang talaga siyang anak."R-Ric..." Napasinghap ako bago bumitaw sa pakikipagtitigan sa kanya."Say it again." Napalunok ako bago tinitigan ulit. Nakita kong umangat iyong sulok ng labi niya na para bang may tama akong nagawa.Habang nakatitig sa kulay asul niyang mga mata, napansin ko iyong paghakbang niya papalapit sa pwesto ko. Napaatras ako papuntang pintuan. Akala ko ay titigil na siya sa paghakbang kaya ako ang naunang tumigil, ngunit hindi pa pala. Humakbang siya ng humakbang papalapit habang ako ay pilit na ipinipikit iyong mga mata dahil sa wala na akong maatrasan. Ramdam ko iyong pintuan sa likuran ko."R-Ric...Ikaw si...R-Ric." Nanghina ako matapos masabi iyon. Titig na titig siya sa akin na para bang wala ng bukas. Humalakhak siya at saka tinigil iyong paghakbang.Hindi siya malayo sa akin. Malapit lang. Hindi ko masasabing isang hakbang lang ang pagitan namin dahil malayo iyon. Pinagmasdan niya iyong mukha ko."Beautiful. Ang swerte ng papakasalan mo, kung ganoon," mahinang sinabi niya habang hindi matanggal iyong paningin sa labi ko. Napangiti siya at mahinang natawa.Hindi ko na mapigilan. Tinulak ko siya at saka dali daling tinalikuran. Ilang ulit kong binalibag ang door knob para makapasok na sa kuwarto, ngunit hindi pa rin iyon mabuksan. Sumisinghap akong napayuko."I-Isusumbong kita sa papa mo..." matigas ngunit may panginginig habang sinasabi ko iyon. Nakarinig ako ng tawa malapit sa tainga ko.Habang nakayuko ako, kita ko malapit sa bewang ko iyong dalawang kamay ng nasa likod ko. Patuloy ang dalawang kamay na dumaan hanggang sa napunta na ang mga iyon sa door knob."Isumbong mo." Nanghahamon siya base sa tono niya. Nakagat ko agad iyong pang ibabang labi ko.Kaya ko ba?"Hmm..." Nakiliti ako at nanghina. Ramdam ko iyong hininga niya sa balikat ko. May nakita akong susi sa isang kamay niya habang hinahawakan iyong door knob. Hindi pa rin siya gumagalaw.Natatakot na ako. Nanginginig at hindi makapagsalita. Gusto ko siyang isumbong sa papa niya, pero sino ba ako? At hindi ko pa nakikita ang ama niya. Paano kung hindi iyon mabait? Paano kung magkaparehas sila?Napapikit ako nang marinig ko iyong mahina niya tawa. Rinig na rinig ko iyon dahil malapit lang iyong bibig niya sa tainga ko."I'm sorry. Natakot ba kita?" Lumayo iyong ingay ng boses niya at narinig ko iyong pagbukas ng pintuan. Kaagad na naidilat ko iyong mga mata ko. Dahan dahan kong lininga ang paningin ko sa paligid."Come on, pumasok ka na. Babalikan nalang kita 'pag kakain na." Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang malayo na niyang katawan. Iniwan niya akong nakatayo habang tulala.Nanginginig iyong mga tuhod ko. Gusto kong umupo.Pumasok ako sa loob ng kuwarto at agad na sinarado ang pintuan. Huminga ako ng malalim bago mas pinakalma pa ang sarili. Humiga ako sa kama.Parang ang dami ng mga kaganapan ngayon. Kinuha ko iyong cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong shorts na hindi lampas hanggang tuhod.Tiningnan ko ang oras. At nang makitang alas dos pa ng hapon, agad na napapikit ako at pinagpahinga ang mga mata.Mas napagod ang mga 'to kaysa sa ibang parte ng katawan ko."MAMA naman!" Napabuga ako ng hangin nang magising dahil sa ingay ng cellphone ko. Iyon, may tumatawag lang pala.Umupo ako sa kama at saka pinagmasdan ang kapaligiran. Alas singko na. Ilang oras na ako rito pero ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang buong kuwarto. Kanina ay pagod na pagod ako kaya hindi ko na nailibot pa ang mga mata ko sa paligid.Puno ng kulay pink ang kuwarto. Malapit sa banyo ay may disenyo roon na mga butterflies. Napangiti ako. Mukhang pambata ang kuwartong ito, ngunit nagustuhan ko naman. Malaki ang kama at malambot. Iyong disensyo at kulay lang talaga. Pero maganda. Gusto ko.Tumayo ako sa kama at mas pinakatitigan pa ang mga disenyo ng kuwarto. Naglakad ako papuntang banyo. Binuksan ko iyon at pinagmasdan ang loob.Maayos at malinis. Mabango pa.Sinarado ko ang pintuan. Nagsimula akong maghubad ng damit ko hanggang sa naligo na ako. Ang ginamit ko ay iyong shower. May dalawang button roon na pipindutin mo lang kung malamig ba o mainit ang gusto mong iligo mo.Ang pinili ko ay iyong mainit. Nalaman ko rin kasi na hindi naman talaga mainit iyon sa inaakala ko.Napapikit ako para mas maramdaman ang pagiging kalma ng kaloob-looban ko.Ilang saglit ang nakalipas, bumalik sa isipan ko iyong mga kaganapan kanina. Sa klase ng pagtawa ng lalaking iyon at pagngiti. Napabuga ako ng hangin.Sana naman...wala siyang gawing masama sa akin. Kung anak siya ng amo ni papa, kailangan kong maging kalma at tahimik. Nakakatakot man minsan iyong mga galaw niya, kailangan kong itatak sa isipan ko iyong sinabi ni mama.Pagkatapos na pagkatapos ng ilang buwan ko rito, ihihiwalay na nila agad kami. Hindi na ako magtatagal pa rito. Hindi ko na makikita pa ang lalaking iyon.Lumabas ako ng banyo matapos makapagtapis ng tuwalya. May ilang tuwalya sa loob ng napakalaking banyo. Dalawa ang ginamit ko. Isa para sa katawan ko, at isa naman para madaling matuyo iyong buhok ko.Luminga linga ako sa paligid. Tiningnan ko ang gilid ng kama ko para makita iyong dalawang bag ko, ngunit wala ako ni isang nakita. Napakunot iyong noo ko.Wala akong damit. Naroon lahat sa bag. Napapikit ako ng mariin matapos maalala iyong pagkarga ni papa ng mga bag ko sa likod ng kotse.Diyos ko naman.Napapadyak ako at hindi mapakali."Hindi pwede..." Mabilis akong pumasok sa banyo para makita iyong mga damit kong suot ko rin kanina. Basa na ang mga iyon dahil nilabhan ko na rin sa loob ng banyo. Napabuga ako ng hangin bago lumabas ng banyo para pumunta sa kulay pink na cabinet ng kuwarto."Lahat panlalaki." Nakagat ko iyong pang ibabang labi ko. Pinagmasdan ko at pinakatitigan ang malaking jersey na damit na sa likod ay may nakasulat na Levine. Ito lang iyong medyo ayos sa akin. Iyong iba ay halos hanggang tuhod ko na.Wala na akong choice.Pumunta akong banyo at saka nagbihis roon. Wala akong shorts. Panty at bra lang. Panandalian lang naman ito. Hahanapin ko lang iyong driver na sinakyan ko kanina ng kotse o hindi kaya ay iyong kotse nalang ang hahanapin ko para makuha iyong bag ko."Mabuti nalang hindi ko 'to binasa." Tukoy ko sa panty ko. Muntik ko na rin kasi sanang labhan. Napabuga ako ng hangin.Lumabas ako ng banyo nang nakajersey ang suot. Hindi lumampas ang suot ko sa tuhod ko. Maiksi iyon. Ngunit wala na akong magagawa pa.Nagsuklay ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. May malaking salamin malapit sa cabinet dahilan para makita ko iyong kabuhuan ng katawan ko. Inilagay ko pabalik iyong suklay na ginamit ko sa kung saan ko kanina nakita matapos kong magamit.Huminga muna ako ng malalim bago tinuloy iyong pagbukas ng pintuan ng kuwarto para makalabas na ako. Sana naman ay walang makakita sa akin. Lalo na iyong Ric. Ayokong makita niya akong ganito.Luminga linga ako sa paligid matapos makahakbang papalabas ng kuwarto. Sinarado ko agad iyong pintuan.Mabilis na napunta ako sa double doors na dinaanan namin ng lalaking iyon. Binuksan ko ng dahan dahan ang isang pintuan habang tinitingnan ang paligid.Baka may makakita.Nang makita ang mga kasambahay na nagkalat sa labas ng double doors, kaagad na malakas ko na nasarado ang pintuan. Napatabon ako sa nakaawang kong bibig. Diyos ko."M-Ma'am? Ano'ng ginagawa ninyo diyan?" Huli na ako. Mariin akong napapikit at saka napayuko. Nakatalikod ako sa kanya nang buksan niya ang pintuan. Wala na akong oras para bumalik sa dinaanan ko kanina."U-Um..." Hinarap ko siya nang hindi mapakali. Nanlalaki iyong mga mata niya habang nakaawang iyong labi."A-Ayos lang po ba kayo?" Nakita kong mabilis siyang lumingon sa likod niya. Mas umawang ang pintuan dahilan para makita ko ang ibang kasambahay na pinapalibutan na ako."Ma'am? Hinahanap niyo po ba si amo?" Napalunok ako. Kaagad akong umiling, ngunit may nagtanong na naman nang nakapagpaalerto sa akin."Gusto niyo po bang makita si amo?" Mabilis akong umiling at pekeng ngumiti."H-Hindi!""Kung ganoon, bakit kayo nandito?" Nagtanong iyong unang nakakita sa akin. May pag aalala sa mga mata niya."Um...nawala kasi i-iyong ba—""What's happening here?" Natigilan ako. Kaagad na nanginig ang mga tuhod ko at mabilis na napaawang iyong labi. Naestatwa ako. Hindi makagalaw at hindi makapagsalita.Kapalit"MOVE!" Napapikit ako nang mariin. Malakas ang boses noong nagsalita dahilan para agad na pumagilid iyong mga kasambahay."You? What are you doing here? Hindi ba sabi ko ay ako ang pupunta sa kuwarto mo?" malamig ang boses niya habang pilit akong pinapakumpirma. Hindi ako nagsalita. Nanatiling nasa ibaba iyong mga mata ko habang nakasarado.Gusto kong tumakbo papalayo sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.Pilit kong pinapababa iyong jersey na suot ko. Sana pala ay 'yong basa nalang ang isinuot ko. Bahala magmukha akong tanga tingnan, basta may maisuot lang. Basta hindi lang ito."Answer me, Lia. Huwag mo akong paghintayin." Mas lalong bumigat iyong nararamdaman ko. Natatakot na ako. Pero wala ako ni isang magawa para man lang makatakas."I-Iyong bag ko..." mahinang sinabi ko. Idinilat ko ang mga mata ko at saka pinakatitigan ang mga taong nasa gilid ko. Lahat sila ay nakayuko katulad ko."Hmm...what about it?" Napansin ko agad ang paghina ng boses niya. Hinarap ko siya nang n
DrunkHINDI AKO nakatulog nang gabing iyon. Dahil sa mga salita ni Ric, hindi ko na nagawa pang ipikit iyong mga mata ko. May mga gusto akong malaman pero natatakot akong itanong. Siguro ay nasabi niya lang iyon, dahil ako ang magiging asawa ng papa niya. Ayaw niya sigurong umalis ako dahil...."Anong dahilan?" mahina kong tanong sa sarili ko.Kinaumagan, ang una kong ginawa ay nag ayos ng mga gamit ko. Alas sais pa lang ng umaga, may mga kasambahay na agad na kumatok sa pintuan ko dahilan para magising ako. Nalaman ko lang na dala na pala nila iyong mga bagahe ko.Sinimulan kong ilagay iyong ibang damit ko sa cabinet. Kaunti lang ang mga damit roon na pang lalaki at masyadong maluwag pa sa loob."Kakain na po." Mabilis na tumango ako sa isang maid na kumatok sa pintuan ko. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. Kakain, malamang, sabay kami. Napabuga ako ng hangin.Naligo ako sa banyo at nagbihis sa labas na. Dali dali kong sinuot iyong t-shirt ko at saka huminga ng malalim. Nagsuklay ako
Sasamahan Kita Ngayon"P-PAG IISIPAN ko pa, Ric..." Hindi ako makapaniwala sa bigla niyang sinabi. Ilang saglit akong tahimik habang siya ay patuloy pa rin akong pinagmamasdan.Natapos ang gabi at sumapit ang umaga. Hindi pa man lumiliwanag ng sobra ang araw, nalaman ko nalang na naroon na ako sa kuwarto ko kinaumagahan. Naalala ko, nakatulog ako habang nasa tabi ni Ric. Ang lalaking iyon ay umiinom pa rin habang parehas kaming tahimik. Wala na ni isang nagsalita sa amin."P-Pwede na ba akong lumabas?" nag aalala kong tanong sa maid na siyang laging naghahatid sa akin ng pagkain. Ngayon ay may dala na naman siyang tray. Nakita ko siyang ngumiti at tumango."Opo. Nga pala, wala si amo ngayon. Apat na araw siyang magta-trabaho sa bukid nila ng mga kapatid niya. Sa mga susunod na araw pa siguro siya makakabalik rito." Lumabas siya ng kuwarto ko matapos akong yukuan. Hindi ako nakapagsalita.Napabuga ako ng hangin. Maya maya, nag-desisyon akong maligo na muna. Maingat kong kinuha sa cabin
MaynilaNAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati."Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to."Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti."Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam."Kailan siya...dumating?""Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong da
AsarNAGLAKAD ako papuntang lababo ng kusina at agad na naghugas ng kamay. Nang matapos, bumalik ako sa mga kasambahay na ngayon ay patuloy pa rin na nagk-kuwentuhan."Hala siya, bakit naman 'yon sinabi ng pamangkin mo, Manang Milly?" Nakita kong nagkibit balikat si Manang at saka ako nilingon. Napansin kong sinundan ng ibang nakapalibot sa kanya iyong tinitingnan niya. Nagsiyukuan silang lahat habang ako ay hindi pa rin nasasanay sa mga trato nila sa akin. Napalunok ako at awkward na ngumiti."Ano ang pinag uusapan ninyo, Manang?" tanong ko para maialis iyong hiya sa reaksyon ko. Ngumiti si Manang at agad na tumagilid para siguro papasukin ako sa bilog na ginawa nila ng mga kasama niya. Huminto ako sa paglalakad."Wala, Ma'am. Nagk-kuwento lang ako ng mga trato ng pamangkin ko sa akin." Napatango ako at mas lalo pang napangiti."Bakit po? Ano po ba ang trato nila sa inyo?" mahinang napatawa si Manang at agad na napatingin sa mga kasama niya. Mukha siyang nahihiya."Kanina pa namin p
MaliNATAPOS kami sa kakahintay sa machine kung saan nilalabhan ang mga damit. Nang tumigil iyon sa kaiikot, kaagad namin iyon ni Jessica pinuntahan.Nasa dryer sila Marie at Manang. Naghihintay lang rin nang pagkakatuyo ng mga tapos ng nalabhan na damit.Sinulyapan ko si Ric na ngayon ay nakatayo ng tuwid malapit sa dalawang pintuan. Nasa dalawang dibdib niya iyong mga kamay niya at naka-cross ang mga iyon. Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ng palihim iyong kabuuhan ng katawan niya.Ilang beses ko na siyang ninakawan ng tingin, mabuti nalang at hindi niya ako nahuhuli. Sisiguraduhin ko rin naman na hindi niya ako mahuhuli kaya hindi ko na dapat iniisip pa iyong magiging reaksyon niya 'pag nakita akong nakatingin."Saan na kayo 'pag...wala ng titira dito?" Sinimulan kong pag usapan iyong anunsyo ni Ric para makagawa ng mga salita kasama si Jessica. Nasa tabi ko siya at tahimik rin.Tumikhim siya. "S-Sa ikalawang mansyon ni amo sa bayan na 'to, sabi ni Manang." Napatango ako ha
AlaricTAHIMIK ko si Ric na hinintay habang nakayuko iyong ulo. Ayoko siyang tingnan na namimili ng mga damit sa cabinet ko. Mas lalo lang akong hindi nakakahinga sa isipin na may mali sa akin.Bakit ako nakakaramdaman ng ganito? Linggo pa lang ako rito pero si Ric, ang dami ng tanong na ibinibigay sa akin. Nangangailangan ako ng sagot niya.Bakit mo 'to ginagawa sa akin?Gusto ko iyang itanong. Ilang beses ko na itong pinag isipan at ibinahagi sa sarili kung tama ba, ngunit hindi ko pa rin kayang ibuka ang bibig ko para malaman niya iyong laman ng isip ko."How about...this dress? Kulay pula." Lantang gulay ang kamay na itinaas niya iyon habang umiiwas ng tingin sa akin. Pinagmasdan ko ang pulang dress na binili sa akin ni Mama noong birthday ko. Plain iyon at walang design. Pero dahil sa tindig ng may hawak nito, para itong kumikinang habang pinagmamasdan ko."I-Iyan nalang..." Dito lang ako sa loob pero kailangan naka-dress pa. Huminga ako ng malalim bago yumuko ulit."Alright..."
Hindi PwedeNAKAUPO ako ng tuwid sa loob ng sasakyan ni Ric habang siya ay nasa labas pa ng kotse. Ako lang ang taong nasa loob. Sinulyapan ko siya sa labas ng bintana at nakitang naroon pa rin siya nakatayo habang may kausap na kasambahay.Ang babaeng maid ay tumatango kay Ric habang nakikinig ng mabuti. Ang lalaki naman ay todo salita at turo ng mga pwesto sa hardin.Maya-maya, tumigil sa pagsasalita si Ric at saka nilingon ang pwesto ko. Kaagad na kumuyom ang kamao ko at napaigtad. Nanlalaki ang mga mata na iniwas ko iyong paningin ko sa kanya.Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit na niya sa sasakyan. Nang makalapit, pumasok agad siya sa front seat para magmaneho. Nasa likuran niya ako."Dito ka umupo..." Nilingon niya ako at nakitang seryoso iyong ekspresyon niya. Tumango ako sa gusto niya para wala ng mahabang usapan na mangyari.Lumabas ako sa kotse at pumunta sa katabi niyang upuan. Tumikhim ako bago umayos ng upo."Sa kabilang bayan tayo. Ayos lang ba 'yon sayo?" tan
Selos na SelosANO? Seryoso...ba talaga siya?"After ng perma ko, magsisimula na sila bukas nang paggawa ng 'di gaano kalaking bahay. Pupunta tayo mamaya roon. I want you and your family to move here. Pero desisyon mo pa rin ang masusunod, Lia. Depende sayo...""P-Pero Ric...seryoso ka ba talaga?"Masyadong mabilis ang galaw niya. Paano kapag nalaman ito ng papa niya? Siguradong hindi sasang ayon iyon..."Naroon na ang papa mo sa mansyon, Lia. Ano ang sa tingin mo mararamdaman niya 'pag nalaman niyang galit na galit sayo si Papa?"Napaisip ako. Kung iyon ang mangyayari, paniguradong aalis si Papa at isasama niya sila Mama. Paniguradong sa akin iyon kakampi. Pero...Napatingin ako sa maamong mukha ng lalaki. Puno ng pag aalala ang mga mata niya. Lumunok ako bago napayuko."B-Bakit ka pa gumastos...""Hmm, ang importante ay ang kaligtasan ninyo..."Bakit ganito si Ric? Tingin niya ba sa papa niya ay masamang masama na talaga? Kinamumuhian niya ba ang papa niya? Dahil ba sa akin? Mas gug
Hatid At SundoHE'S silent but observant. Kahit na may sarili siyang pagkain, binabantayan at binabantayan niya ang pinggan ko kung kaunti lang ba o naparami na ang nakain ko. Kapag kaunti nalang, kukuha agad siya ng ulam at kanin at saka ilalagay sa harapan ko."M-Marami na, Ric. Hindi ko na 'to mauubos...""You sure? Edi ako na ang uubos—""M-Mauubos ko naman yata 'to. Huwag na pala..." Dahil sa agad na pagbawi ko sa sinabi ko, napatawa si Ric bago uminom ng tubig.Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa hindi gaano kahabang lamesa. Kami lang dalawa dahil kakaalis lang noong mag asawang Casiano. Pupunta raw kasi silang kabilang Purok. Mamayang gabi pa ang balik."Lia, pagkatapos natin dito, gusto mo na bang maligo sa ilog?" "Hmm?" Napabaling ako sa lalaking titig na titig. Kumurap ako at saka napatingin sa hindi na masyadong basa niyang buhok."Pero...kakaligo mo lang, Ric. Maliligo ka ulit?""Well, about that...Oo. Kasi sino ba naman ang sasama sayo sa tubig, 'di ba?" Nanunukso siya
Kasalanan Mo 'ToNAKAUPO ako ng walang imik sa loob ng bus. Ngunit, kinakabahan ako. Kahit na hindi dapat. Natatakot ako. Bakit ba nandito na naman si Bea? Akala ko tapos na iyong pagkikita namin sa party. Ano na naman 'to?Napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo niya nang huminto ang bus. Sa labas, kita ko ang ilang malalaki at matatayog na puno. Bumama siya roon. Nang makababa, umandar ulit ang bus ngunit nang silipin ko ang kinatatayuan niya sa labas, kita ko ang galit sa mga mata niya kahit na papalayo nang papalayo ang sasakyan.Napabuga ako ng hangin nang lumiko na ang bus. Pinilit ko ang sarili ko na mag focus ulit at alisin nalang iyong mga kaganapan sa isipan ko, ngunit ko kaya.Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Jessica. Me:Jessica. Mag usap tayo. May iku-kuwento ako.Ang gusto ko ngayong mangyari ay mailabas ang lahat ng hinanakit ko sa sarili ko, sa mga nagawa ko sa taong mahal ko pala.Hinintay kong mag reply si Jessica ngunit naabutan ako ng bus na
Walang Sayo"BEFORE we talk about...what you saw earlier, ayos ka ba, Lia?" Hindi ako nagsalita. Wala akong masabi. Hanggang ngayon blanko pa rin iyong utak ko dahil sa mga nangyari kanina.Si...Bea. "Baby? Please tell me what's wrong. Mukha kang pagod na sa lahat..." Napabaling ulit ako kay Alaric. Ang nag aalala niya kaninang mukha ay nadagdagan ng takot at pagsisisi. Para siyang hindi mapakali dahil sa pagbaling ko ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin."A-Ayos lang ako, Ric—""Huwag kang magsinungaling. Gago ako pero hindi tanga, Lia. Tell me. Kanina noong umalis ako hindi ka masyadong tulala, ngayon buong byahe na para kang wala sa sarili. May problema ba? Tungkol ba roon sa mga si—""Huwag na natin iyong pag usapan..." nasabi ko at saka siya iniwasan ng paningin. Naisip ko, si Bea mahal si Ric pero si Ric mahal ako. Ang papa ni Ric ayaw sa akin pero si Ric gusto ako. Iyong iba naniwala sa kasinungalingan ni Bea, ngunit si Ric hindi. Sa lahat lahat ng mga nangyari sa akin, si
Sinungaling"I'M sorry. Galit ka ba?" malambing na boses ang nagpatigil sa akin sa kakaisip. Nasa gilid ko siya, nagmamaneho ngunit ang buong atensyon ko ay nasa iniisip ko. Tungkol roon sa mga tinext niya kanina sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala.Si papa...magt-trabaho ulit? Pero paano si mama? Ano ang naging reaksyon noon?Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko kaagad ang kamay ko na tumaas at napunta sa kung saang lugar. Napalingon ako kay Ric at nakita kong hawak hawak niya ang kamay ko habang hinahaplos. Parang pinapakalma ako. Nasa daan ang mga mata niya, ngunit parang nakikita niya ang gulat sa mukha ko."Ibigay mo na sa akin 'to. Ako ang lalaban para sa atin...""R-Ric...bakit ba ginawa iyon ng papa mo? Ganoon ba ang galit niya sa akin kaya niya dinamay pati ang pamilya ko?""I don't know, Lia. Please...just trust me." Hindi na ako umimik. Nanatiling nasa baba ang paningin ko dahil nahihiya akong tumingin kay Ric.Mukhang kasalanan ko ang lahat. Sa ginawa kong pagsabat sa
Young Bride"SO, you love me?""O-Oo nga!" Kanina niya pa ako paulit paulit na tinatanong niyan. Nakaupo kaming dalawa sa sofa ngunit siya, hindi matanggal ang yakap sa akin. Ang mukha niya ay nasa balikat ko nakapatong. Rinig na rinig ko ang malalim niyang boses habang nagsasalita."I love you also, Lia..." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.Gusto kong ngumiti, ngunit naroon pa rin sa isip ko iyong mga sinent ng kapatid ko sa akin.Bakit ba nandoon ang papa ni Ric? Dahil ba sa mga nasabi ko kagabi? Bakit siya ganoon sa akin? Ni wala pa siyang nakikitang ebedensya. Bakit siya naniniwala agad?"A-Anong oras na nga?" tanong ko."Hmm? Alas tres na ng hapon. Bakit? May gagawin ka ba?""U-Uhm...Oo. Nangako kasi ako kaninang umaga kay Damaris na ngayong araw na ako magt-trabaho sa cafe. Alas singko ng hapon ako magsisimula...""Anong oras ka matatapos? Hatid na kita roon. Kunin na rin kita kung anong oras ka matapos sa trabaho mo..." Napatango ako at saka napangiti.Ang bait n
Mahal Kita"R-RIC, nakakahiya..." Uminit ang pisngi ko. Gusto niyo kasing magkahawak ang kamay namin. Nahihiya ako dahil baka madumi ang kamay ko o hindi malambot. Baka may pawis rin. Ayaw kong pagtawanan ako ni Ric. Kahit na alam kong hindi siya ganoon, pumapasok pa rin sa isip ko na baka asarin niya ako dahil sa paghawak namin ng kamay."Okay. I understand. Kain nalang tayo ng ice cream..." Sumang ayon agad siya dahil sa pagyuko ko. Mukhang na-gets niya na agad ang pinupunto ko.Napabuga ako ng hangin nang magkahiwalay ang mga kamay namin.Napansin kong ang suot niya ay kulay itim na blazer. Sa loob ay may kulay puti na t-shirt.Iyon sana ang suot niya ngayon kung naibigay ko sana."Hmm, what is it?" Sinundan niya ang tinitingnan ko nang mapansin niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at muling nag init ang mga pisngi.Napatawa siya ng mahina."Hindi ka ba komportable? Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" malambing ang boses niya kaya agad akong nataranta at umiling.Kasalukuyan kaming nagl
Ayaw Kong Pilitin Ka"YOU want me to?""H-Ha?" Napatingin ako sa paper bag na hawak ko nang mamataan kong naroon ang paningin niya. Kaagad akong umiling at saka sumabay sa kanya ng paglalakad."H-Huwag na...""Are you sure? Baka mabigat 'yan..." mahina niyang turan. Kumurap ako bago tipid na napangiti.T-shirt lang ang laman nito. Hindi mabigat dahil isang bagay lang naman ang nasa loob.Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papasok sa isang simbahan. Wala akong masyadong alam sa mga lugar dito sa Maynila kaya hindi ko masabi kung nasaan na kami."A-Ano ang gagawin natin dito?" kinakabahan kong tanong dahil gulat pa rin ako sa sinabi niya sa akin kanina.Pansin kong binalingan ako ni Ric nang makapasok na kami sa simbahan. Nasa harapan pa rin ang paningin ko at pinagmamasdan kapaligiran. Nasa akin pa rin ang paningin niya, mukhang wala siyang balak iyon na ialis sa akin."May dumi ba sa...mukha ko?" tanong ko, hindi pa rin siya binabalingan."Wala. While I was here, standing and starin
Akin Palagi Ang BintangANONG oras na nga ba? Gabi na at hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Nasa apartment na ako ngayon at kaarawan na ni Ric. Kahapon, hindi na kami nagkita dahil hindi siya pumunta rito sa apartment.Bali ako lang mag isa ngayon. Nakakapanghinayang dahil hindi kami nagkita kanina para sana makabati ako sa kanya."Ano ang isusuot ko?" mahina kong bulong habang ang atensyon ay nasa nakabukas kong malaking bag.Alas syete na at tinext ako ni Owen na magsisimula raw ang party alas otso ng gabi. Naghahanda na raw iyong iba sa mansyon."Maya maya nandito na si Owen. Naku naman!" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at saka bumalik sa paghahanap ng mga damit. May nakita ako t-shirt na kulay pink kaya agad ko iyong inilingan.Masyadong makulay. Gusto ko puti para hindi masyadong pansin sa ibang mga tao roon. Sigurado naman ako na maraming bisita si Ric. Kung pupunta man talaga ako, kailangan kong magmukhang maayos.Nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko. Napaisip