Hindi PwedeNAKAUPO ako ng tuwid sa loob ng sasakyan ni Ric habang siya ay nasa labas pa ng kotse. Ako lang ang taong nasa loob. Sinulyapan ko siya sa labas ng bintana at nakitang naroon pa rin siya nakatayo habang may kausap na kasambahay.Ang babaeng maid ay tumatango kay Ric habang nakikinig ng mabuti. Ang lalaki naman ay todo salita at turo ng mga pwesto sa hardin.Maya-maya, tumigil sa pagsasalita si Ric at saka nilingon ang pwesto ko. Kaagad na kumuyom ang kamao ko at napaigtad. Nanlalaki ang mga mata na iniwas ko iyong paningin ko sa kanya.Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit na niya sa sasakyan. Nang makalapit, pumasok agad siya sa front seat para magmaneho. Nasa likuran niya ako."Dito ka umupo..." Nilingon niya ako at nakitang seryoso iyong ekspresyon niya. Tumango ako sa gusto niya para wala ng mahabang usapan na mangyari.Lumabas ako sa kotse at pumunta sa katabi niyang upuan. Tumikhim ako bago umayos ng upo."Sa kabilang bayan tayo. Ayos lang ba 'yon sayo?" tan
EdadHUMIGA ako sa kama. Nasa sofa pa rin si Alaric at nagliligpit ng pinagkainan namin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita."Ayaw mo ba talaga?""Hmm?" Mabilis niya akong nilingon gamit ang nagtatakang ekspresyon."Pwede naman akong sa sahig nalang. Sa kama ka..." pangungumbinsi ko. Napakunot ang noo ni Ric bago tinapos ang nililigpit. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa kama ngunit malayo layo iyon sa akin.Palihim na nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglapit niya. Baka...pumapayag na siya."Lia...lalaki ako...""Tapos?" mahina ang boses ko. Umusog siya papalapit sa akin bago napabuga ng hangin. Naguguluhan ang ekpresyon niya."Hindi tayo pwedeng magsama sa isang kuwarto..." aniya, pagod ang mga mata nang titigan ko. Wala kong nagawa. Naiwas ko ang mga mata ko sa kanya habang kagat ang pang ibabang labi."Paano ang ngayon? Hindi ba nasa isang kuwarto tayo?" Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya dahil sa sinabi ko. Nilingon ko siya nang nagta
WeirdPUMASOK at nanatili kami saglit sa sinasabing bahay ni Alaric. Maganda sa loob, lalo na sa labas. May napakagandang hardin at halos mga bulaklak ang nakatubo roon. Dahil sa sinag ng araw, kung pagmamasdan, para silang diyamante na kumikinang.Nakatitig ako sa kanila habang nakatayo sa harapan ng bintana. Nasa ibaba ako ng bahay dahil nasa itaas pa si Ric na kanina ay nagpaalam para magbihis.Kaparehas sa mansyon ni Ric sa Aloguinsan, may hardin rin doon. Ngunit, kung iko-kompara sa pananaw ko rito sa hardin na pinagmamasdan ko, masasabi kong alagang-alaga ang mga bulaklak roon sa mansyon ni Ric.Maganda naman ang mga bulaklak rito sa bahay. Ngunit, ibang iba roon sa mansyon."You coming with me?" Natigilan ako sa kinatatayuan ko at agad na napalingon sa likuran. Nakita ko si Ric na abala sa pag aayos ng kusot sa damit niya habang nakayuko. Tumikhim ako."Pwede ba?" Hinarap niya ako at tinitigan."Oo. Sigurado ka? Masyadong mainit, hindi ka ba maarte?" mahina siyang napatawa at s
Be With YouMATAPOS makapag almusal. Dumiretso na kami ni Alaric sa kotse niya para makapagtrabaho na siya. Pagod ako sa byahe, aaminin ko. Ngunit, maayos ayos na naman ang pakiramdam ko nang makakain na ako.Tahimik na pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming bahay at mga puno sa gilid. May mga batang pansin ko ay napapatingin sa kotse ni Ric 'pag lumiliko. Tipid akong napangiti.Napapikit ako habang dinadama ang ihip ng hangin na tumatama sa magkabila kong pisngi. Kaunting mga hibla ng buhok ang nagagalaw dahilan para mas lalo pa akong mapangiti. Dahil sa pakiramdam, para akong nasa safe na lugar. Naisip ko, kung pwede labg sana na dito nalang ako manatili. Maganda ang ihip ng hangin at nakaka-relax. Hindi gaanong mainit kahit nasa ganitong mga oras.Maganda dito..."You feeling good?" Nawala ang ngiti ko sa labi nang makarinig ng magandang pagkaka-ingles ng nasa gilid ko. Liningon ko si Ric at awkward na nagkibit ng balikat. Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya habang ang
PagtatakaNA-KIDNAPPED ako. Grade five ako noon. Pauwi sa amin habang naglalakad. Bigla nalang may lumapit na babae at binigyan ako ng candy. Noong una ayaw ko noon dahil marami ng kumakalat na mga sabi sabi tungkol sa mga nawawalang bata.Kahit na hindi ako sumunod sa gusto nila, kinuha pa rin nila ako. Dinala sa madilim na lugar kasama ang ibang mga bata. Rinig ko noong hindi pa ako nakuha, ang mga nawawala raw na bata ay pinapatay at ipinagbibili sa mga mayayamang tao. Akala ko noong una ay ganoon rin ang gagawin sa akin.Mahigit dalawang araw akong wala. Nakakulong lang roon sa madilim na lugar kasama ang hindi pamilyar sa akin na mga mukha. Ngunit, ang akala kong mananatiling dilim ay biglang nawala. Nalayo ako roon at agad na naligtas.Kahit na nakabalik ako sa amin dahil sa mga pulis, iyong takot ay narito pa rin sa akin. Nakaalis man ako roon sa madilim na lugar, ang pait ng nangyari ay mananatili at mananatili sa isipan ko. Hindi iyon mabilis na mawala. At sa tingin ko, hindi
LieNAGT-TRABAHO na naman sila ni Ric. Pasado alas sais na ng gabi nang tumigil sila ng mga kasamahan niya. Akala ko ay babalik na kami sa bahay niya, ngunit nang matapos na siyang magpunas ng pawis sa noo, pinuntahan niya ako sa kubo at agad siyang humingi ng tawad."Sorry napaghintay kita. Are you all fine here?" tanong niya, malalim ang boses. Kulay blue ang kulay ng t-shirt niya at sa baba noon halos puno ng putik. May dala siyang pala sa kanang kamay at naka bota siya sa mga paa niya. Tiningnan ko muna ang kabuhuan ng katawan niya bago pilit na napatango.Sa kubo, kasama ko sila Manang Juli at asawa niya. Nalaman ko na pamangkin ng ginang si Bea kaya narito rin ang babae."Ayos lang naman..." Tumango si Ric. Hinawakan niya ang siko ko na para bang pinapahiwatig na sumunod na ako sa kanya. Tumalikod siya. Agad niya rin na inalis ang kamay niya roon at ilang sulyap ang ipinakita sa akin. Napatikhim ako bago sila Manang Juli liningon.Nakita ko ang ginang na nakangiti habang si Bea
MagulangKinabukasan, ang akala kong katabi ko na si Ric ay wala sa gilid ko. Nakatulog ako dahil sa kakaisip at nang gabing iyon, lumabas si Ric sa kubo. Hindi ko na siya sinundan pa dahil hindi mawala sa isipan ko iyong mga sinabi ni papa."Magandang umaga. Kumusta ang gising mo, Hija?" Napakurap ako dahil sa bati ni Manang Juli. Sa labas ng kubo, may malapad na lamesa roon at sa harapan, puno iyon ng mga pagkain. Maliwanag na ang araw dahilan para mas lalo pang magising ang sarili ko sa pagkakaantok."P-Pwede pong maligo sa inyo?" tanong ko, nahihiya ang tono ng boses habang palihim na inaayos ang buhok."Oo naman. May damit ka bang dala?" Nakangiti siya kasama si Intoy at ibang mga nag aayos ng mga pinggan sa lamesa. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at umiling."Ibabalik ko nalang po itong damit ko. Aalis rin naman po kami ni Ric. Magbibihis nalang po ako roon sa bahay niya..." sinabi ko. Tumango si Manang at natatawa akong sinamahan patungo sa bahay niya. Napansin ko ang pagsuno
Ayos Lang Ba"YOU okay?" Kanina pa kaming dalawa rito ni Ric sa kuwarto ko. Tuwid akong nakaupo sa kama habang siya ay nakaharap sa akin at walang kurap akong tinititigan. Kulang nalang ay dumikit siya sa akin at may sabihin na kung ano.Base sa pagkakatahimik niya, para siyang may gustong itanong sa akin."O-Oo naman. Ikaw ba?" tanong ko at saka siya binalingan. Matagal niya muna akong pinagmasdan bago sinagot."Oo din. Maayos. But...""Pero?" Nagtitigan kami at maya maya ay siya ang umiwas ng tingin. Umayos siya ng upo sa kama at medyo lumayo sa akin."Wala. Nakalimutan ko pala..." ani Ric. Muntik na akong mapangiti at asarin siya dahil sa kasinungalingan niyang iyon kung hindi lang kumatok si Jessica sa pintuan ng kuwarto ko at tinawag kami para kumain. Tumango si Ric at inaya na rin ako. Tahimik kaming lumabas ng kuwarto at tinahak ang daanan papuntang dining area. Nasa gilid ko si Ric habang nasa likuran naman namin si Jessica. Nang lingunin ko kanina ang babae, nakita ko siyang
Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy
Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak
Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A
TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya
Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto
Past Ruined It all"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat."Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako."Take your time..." sinabi niya."Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman."U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang
Bata PaDAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin."Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.Napalunok ako bago napayuko."Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon...""Sagutin mo muna, Lia..."Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon."Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko."Oo, pero
Maagaw SiyaSERYOSO ba talaga siya?"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina."Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko."G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa."Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng k
Matapos"DAMARIS...""Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling."Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—""Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Baki