MagulangKinabukasan, ang akala kong katabi ko na si Ric ay wala sa gilid ko. Nakatulog ako dahil sa kakaisip at nang gabing iyon, lumabas si Ric sa kubo. Hindi ko na siya sinundan pa dahil hindi mawala sa isipan ko iyong mga sinabi ni papa."Magandang umaga. Kumusta ang gising mo, Hija?" Napakurap ako dahil sa bati ni Manang Juli. Sa labas ng kubo, may malapad na lamesa roon at sa harapan, puno iyon ng mga pagkain. Maliwanag na ang araw dahilan para mas lalo pang magising ang sarili ko sa pagkakaantok."P-Pwede pong maligo sa inyo?" tanong ko, nahihiya ang tono ng boses habang palihim na inaayos ang buhok."Oo naman. May damit ka bang dala?" Nakangiti siya kasama si Intoy at ibang mga nag aayos ng mga pinggan sa lamesa. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at umiling."Ibabalik ko nalang po itong damit ko. Aalis rin naman po kami ni Ric. Magbibihis nalang po ako roon sa bahay niya..." sinabi ko. Tumango si Manang at natatawa akong sinamahan patungo sa bahay niya. Napansin ko ang pagsuno
Ayos Lang Ba"YOU okay?" Kanina pa kaming dalawa rito ni Ric sa kuwarto ko. Tuwid akong nakaupo sa kama habang siya ay nakaharap sa akin at walang kurap akong tinititigan. Kulang nalang ay dumikit siya sa akin at may sabihin na kung ano.Base sa pagkakatahimik niya, para siyang may gustong itanong sa akin."O-Oo naman. Ikaw ba?" tanong ko at saka siya binalingan. Matagal niya muna akong pinagmasdan bago sinagot."Oo din. Maayos. But...""Pero?" Nagtitigan kami at maya maya ay siya ang umiwas ng tingin. Umayos siya ng upo sa kama at medyo lumayo sa akin."Wala. Nakalimutan ko pala..." ani Ric. Muntik na akong mapangiti at asarin siya dahil sa kasinungalingan niyang iyon kung hindi lang kumatok si Jessica sa pintuan ng kuwarto ko at tinawag kami para kumain. Tumango si Ric at inaya na rin ako. Tahimik kaming lumabas ng kuwarto at tinahak ang daanan papuntang dining area. Nasa gilid ko si Ric habang nasa likuran naman namin si Jessica. Nang lingunin ko kanina ang babae, nakita ko siyang
PagdatingMABILIS akong umiling nang makabawi sa pagkabigla. Seryoso ba siya? Hindi...Nanunukso na naman siguro si Ric. Nagsisimula na naman siguro siyang mang inis dahil sa ginawa ko kanina."Ano ba, Ric! L-Lumabas ka na nga. Matutulog...ako..." nauutal kong sinabi nang unto unting mapaharap sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya bago iniwas ang tingin sa akin. Umayos siya ng upo sa kama ko at saka pa tumayo ng tuwid. Muli ay tinitigan niya ako ngunit mukhang pilit lang iyon."Fine. Sige, matulog ka na. Pero...about sa nangyari kanina, huwag mo na ulit akong ipahiya sa mga magulang ko at sa kung sino pa man. Kung mag aakala sila na may relasyon tayo, let them, okay?" Hindi ko alam kung bakit ako tumango sa sinabi niya. Kahit na hindi ako sang ayon sa gusto niya, wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod para na rin makaalis siya ngayon sa kuwarto ko.Matapos ang ilang segundo, awkward na tumikhim si Ric bago dahan dahan na lumabas ng kuwarto. Tinitigan niya muna ako sa huling pagkak
Hindi Ako"OKAY ka lang, Lia?" si Jessica nang mapansin ako na tulala. Mabilis akong tumango at pilit na ngumiti sa kanila nang mapatingin rin sa akin sila Manang at Marie. Nasa harapan ako nakaupo katabi ni Marie habang nasa harapan namin sila Manang at Jessica. Nakasakay kami ngayon ng traysikel papunta sa bahay ng anak ni Manang."Siya nga pala, ano ang sinabi ni amo? Pupunta rin ba siya sa birthday? Inimbita rin siya ni Manang, 'di ba?" Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil pokus pa iyong isipan ko sa nakakapagtakang mga galaw kanina ni Bea. Pumasok pa siya sa gym at ginuyod si Ric sa loob. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin."Lia?" si Manang. Agad akong naalerto at napatingin sa naghihintay ng isasagot ko."U-Um...wala po siyang sinabi..." iyon lang at naging tahimik na ulit ako. Pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming mga building at saka ibinalik agad sa isipan iyong kaganapan kanina.Nakakapagtaka. Ano ang ginagawa rito ni Bea? Hindi naman sa a
Sala"MA? Ma!" rinig ko ang malakas na boses ni Ric nang makalabas na siya ng mansyon. Sumunod ako sa kanila ni Bea pati ang mga nagkalat na mga maid.Sa hardin, naroon si Ric at ang mama niya. Wala pang dugo kanina iyong ulo ng nakahiga pero alam ko ng malala na ang nangyari. Naiiyak akong napatabon sa bibig ko at napatingin sa papa ni Ric na nakaupo sa damuhan habang tinitingnan ang kalagayan ng asawa niya. Nandito na pala siya at ibang mga trabahador ng mansyon..."I-ready niyo ang sasakyan!" sigaw niya at saka napatingin sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya ako kinabahan, ngunit napaigting lang ang panga niya at saka nag aalala na ibinalik ang atensyon sa asawa.Binuhat niya ito at tinalikuran kaming lahat. Sumunod sa kanya si Ric at si Bea. Ang babae ay napatingin muna sa akin ng nanlilisik ang mga mata bago humawak sa braso ni Ric. Napahikbi ako. Ni hindi man lang ako tiningnan ni Ric o binalingan. Linagpasan niya ako kasama si Bea at mabilis na sumunod sa papa niya."Li
Lalayo"GUSTO mo bang ihatid kita?" si Ric sa likod ko. Tahimik akong umiling bago humarap sa kanya nang makalabas kami ng kuwarto. Ako ang naunang naglakad dahil pilit niya akong pinapaharap.Ayaw kong humarap sa kanya kanina dahil may luha pa sa mga mata ko."Sorry sa mga ginawa ni Papa..." Tipid lang akong tumango at saka ngumiti."Tama naman ang sinabi ng Papa mo...""Uhm...Lia, huwag ka sanang maniwala. Nasabi lang iyon ni Papa dahil sa nangyari kay Mama. Please, don't go..." Napatingin ako kay Ric. Nakita kong seryoso ang mukha niya ngunit puno ng pag aalala ang mga mata. Huminga lang ako ng malalim bago patagong ipinasok sa bulsa ang inilahad kanina ng papa niya.Hindi dapat 'to sinasabi ngayon ni Ric. Papa niya iyon at may nangyaring masama sa mama. Hindi pwedeng baliwalain niya nalang iyon para lang sa akin..."Lia, about...what I said last time, totoo iyon. Naiintindihan mo naman siguro, hindi ba? Na...gusto kita?" Kaagad na nawalan ng kulay amg mukha ko at nakaramdam ng pag
Akala KoBUWAN ang lumipas. Nalaman kong may mga bayarin rin pala rito sila mama. Pinagtulungan namin iyon at syempre, gumastos rin ako para hindi sila mama mahirapan. Mabuti nalang at malapit na iyon naming matapos.Ang bahay namin, apartment lang. Malaki laking apartment dahil iyon ang gusto ni papa. May trabaho pa kasi siya noon, ngayon wala na. Ayaw niya na daw bumalik sa mga Levine dahil ilang taon na rin siyang nagta-trabaho. Gusto niya daw munang magpahinga, kahit saglit. Tapos, magt-trabaho na naman ulit. Pero hindi na kina Alaric.Sumang ayon ako kasi ang sinasabi niya lang ay ayaw na niyang bumalik pa ako doon. Ayaw niyang, maging kapalit na naman ako sa pagtulong ni Ric sa kanila.Napabuga ako ng hangin. Naghuhugas ako ngayon ng mga pinggan sa lababo nang marinig ko ang ingay ng cellphone ko. Pinatuyo ko muna ang kamay ko sa damit ko bago kinuha ang cellphone para masagot. "Hello?" Walang sumagot. Sandali akong natigilan at saka tiningnan sa cellphone kung sino ang tumata
RegretIYAK ako ng iyak pagkatapos makabalik sa amin. Ilang beses kong pinagsalitaan ng masasakit na salita si Alaric sa isipan ko. Kahit na hindi ko dapat iyon isipin, wala akong magawa dahil sobra sobra ang bigat ng nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin. Oo kaunting panahon lang iyon, pero napalapit na ako sa kanya! Mabuti siya at maalaga. Pero noong una lang pala iyon. Pinaikot niya ako na ako lang ang gusto niya! Akala ko totoo iyong sinabi niya kahit na alam kung nag sinungaling na siya noon sa akin.Nakakapikon na nakakalungkot..."Bakit ka umiiyak? Bakit ka nagagalit sa kanya gayong sinabi mo na wala kang nararamdaman para sa kanya?" Napasinghot ako bago humarap kay mama. Nakayakap pa rin ako sa kanya habang nakahiga sa kama. Nandito kaming dalawa ngayon sa kuwarto ko."Ma...May kahalikan siya. Nasasaktan ako..." mariin kong sinabi bago malakas na napahagulgol. Napansin ko ang pilit na ngiti na mama bago pinahiran ang mga luha ko sa
Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy
Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak
Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A
TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya
Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto
Past Ruined It all"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat."Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako."Take your time..." sinabi niya."Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman."U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang
Bata PaDAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin."Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.Napalunok ako bago napayuko."Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon...""Sagutin mo muna, Lia..."Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon."Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko."Oo, pero
Maagaw SiyaSERYOSO ba talaga siya?"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina."Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko."G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa."Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng k
Matapos"DAMARIS...""Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling."Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—""Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Baki