RegretIYAK ako ng iyak pagkatapos makabalik sa amin. Ilang beses kong pinagsalitaan ng masasakit na salita si Alaric sa isipan ko. Kahit na hindi ko dapat iyon isipin, wala akong magawa dahil sobra sobra ang bigat ng nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin. Oo kaunting panahon lang iyon, pero napalapit na ako sa kanya! Mabuti siya at maalaga. Pero noong una lang pala iyon. Pinaikot niya ako na ako lang ang gusto niya! Akala ko totoo iyong sinabi niya kahit na alam kung nag sinungaling na siya noon sa akin.Nakakapikon na nakakalungkot..."Bakit ka umiiyak? Bakit ka nagagalit sa kanya gayong sinabi mo na wala kang nararamdaman para sa kanya?" Napasinghot ako bago humarap kay mama. Nakayakap pa rin ako sa kanya habang nakahiga sa kama. Nandito kaming dalawa ngayon sa kuwarto ko."Ma...May kahalikan siya. Nasasaktan ako..." mariin kong sinabi bago malakas na napahagulgol. Napansin ko ang pilit na ngiti na mama bago pinahiran ang mga luha ko sa
Levine"MAG IINGAT KA, Lia. Nandito lang kami palagi..." si Mama nang makalabas sa pintuan ng apartment namin. Dala dala ko ang bagahi ko sa kanang kamay habang tinutulungan ako ni Willy sa isa ko pang bag. Lumabas ako ng apartment namin bago humarap kina mama at papa na ngayon ay naghihintay na sa akin."Opo. Mag aaral rin ako ng mabuti para sa inyo. Kung pwede rin, magtrabaho rin ako para naman hindi kayo medyo mahirapan..." Ngumiti ako. Sumang ayon si mama pero si papa umiling."Baka ikaw pa ang mahirapan. Dapat komprable ka roon at hindi namo-moblema." Lumapit sa akin si papa at kinuha sa balikat ko ang malaki kong bag. Pinasok niya iyon sa isang traysikel na nasa likod nila mama. May driver rin doon na naghihintay at paniguradong nakikinig sa usapan namin."Pa, ayos lang. Ang importante naman maayos ako doon, 'di ba? Magiging okay ako. Huwag kang mag alala.""Siguraduhin mo lang. Ang susunod sayo si Willy kaya pagbutihin mo.""Huwag mo naman pressure-n ang anak mo, Glen!" awat ni
LiliTUMIGIL KAMI sa isang hindi gaano kalaking gate na sa gilid ay may mahabang hagdanan. Napalunok ako at umiling agad nang makatingin sa akin si Aris."H-Huwag na. Ayos lang po ako. Baka po nakakaabala—""Sus! Wala 'yon. Ang importante naman tumulong ako. Tanggapin mo na itong offer ko, kahit ngayon lang. 'Pag nakahanap ka na ng malilipatan at maayos na tayo, then, makakaalis ka na. Just don't call a cop, okay?" Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti nalang. Sa lawak ng Maynila, bakit kapatid pa ni Ric ang tumulong sa akin? Pwede namang iba nalang. O pwede din, huwag nalang ako tulungan ng kung sino dahil nakakatakot iyon.First time kong mag isa sa lugar na 'to. Bago ito sa pakiramdam ko pero hindi naman bago sa akin ang paningin sa lugar. Pero kahit na ganoon, kailanga ko pa rin mag ingat."Hali ka, pasok tayo sa taas." Nang makalabas ng kotse, agad na humarap sa akin ang babae habang masaya ang ekspresyon. Napabuga ako ng hangin bago sumang ayon. Mabait sa akin si Ric noong tu
TextNASA kuwarto ako. Kanina, inibigay ko kaagad kay Damaris ang cellphone dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi lang kaba, sobra sobrang takot na baka marinig niya ako. Ayaw kong malaman niya na ako iyong nasa kabilang linya.Huminga ako ng malalim bago kinuha ang mga napili kong damit sa bag ko. Aalis ako at mag e-enroll sa mga gusto kong unibersidad. Ayos naman siguro ang mga grades ko. Malalaki ito at walang subject akong nasayang. Ang naging problema lang noon sa guro ko noong grade 12 ko, may ilang araw akong absent. Mabuti nalang naagapan dahil ginawa ko lahat ng mga projects na kulang sa akin."Dahil talaga 'yon sa pagtira ko kina Ric..." Natigil pa ako saglit dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya. Napailing ako. Ang una ko ngayong gagawin ay hindi magpakita kay Damaris na aalis ako. Baka kasi...ilahad na niya naman sa akin ang cellphone niya.Lumabas ako ng kuwarto matapos makaligo at makabihis ng damit. Naihanda ko na rin ang pamasahe ko papunta sa mga pupuntahan kong luga
Party"OO, ano ka ba. Ikaw susunod sa akin dito." Nang tumawag ang kapatid kong si Willy noong Bernes, wala akong ginawa kung hindi ang kausapin siya. Kapag sinasabi niyang papatayin na niya ang tawag, pinipilit ko siyang magkwento pa ng mga kaganapan sa amin.Gusto kong malibang. Para na rin...mawala na sa isip ko iyong pakikipag-text ko kay Ric. Noong gabi kasi na 'yon, hindi ako nakatulog kaka-reply sa mga text niya. Sinasabi niya ang tungkol sa kapatid niya at...hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa sarili ko. Parang...ang saya ko dahil lang sa nagkausap kami?Pero hindi. Hindi pwedeng mapalapit na naman ako sa kanya. Sa ginawa niya sa akin?"Magkwento ka pa, Wil," mariin kong sinabi. Narinig ko siyang napatawa ng mahina."Oo na...Ay ate, meron pa pala. Si mama. Noong nakaraang araw pa 'to. May kausap kasi siya sa labas. Matandang lalaki. Naka kotse pa. Wala si papa no'n dahil naghahanap ng trabaho. Tapos, iyong matandang lalaki, seryoso lang ang mukha at para
PagkikitaNAPALUNOK ako.Nilingon ko si Damaris at nakitang may kausap na siyang lalaki. May ilang tao sa kinaroroonan namin dahilan para makaramdam ako ng medyo pagkirot ng ulo."Oh, come on, Leo. May kasama ako, okay? Here's Lili. Kaibigan ko siya at type siya ni Ala." Pakilala sa akin ng babae sa isang gwapong lalaki. May manipis na labi. Kulay brown ang mga mata at may dimples. Hindi siya gaanong maputi. Sakto lang. Pero halata siyang mayaman at malinis. Naka t-shirt siya ng manipis at kulay puti iyon.Agad akong nahiya at napayuko."She's pretty. Baka gawing babae 'yan mamaya ni Paul, ah. Ilang taon na ba siya?""Seventeen."Napatingin agad iyong Leo kay Damaris. Hindi makapaniwala iyong reaksyon niya."Gago ka. Bata pa pala 'yan. What the fudge...Sorry, miss..." Nagiging ayaw ko na agad dito. Dahil sa kaba at takot na nararamdaman, parang gusto ko nalang na lamunin ako nang buo ng lupa.Hinawakan ako sa pulsuhan ni Damaris at agad na umalis kami roon. Pansin ko ang ilang mga nak
Kakilala LangNAKATINGIN ako kay Owen habang seryoso ang mukha. Para akong nakikinig sa lalaking masayang nagk-kwento. Ramdam ko ang mga mata niya na nasa akin pa rin. Nakaupo na siya sa upuan kasama ang mga kaibigan ni Damaris pero wala man lang siyang sinagot sa mga tanong ng nakapalibot sa kanya.Nag uumpisa na akong kabahan. Hindi na ako komportable. Kung sana ay ayos lang na umalis na. Kaso, kararating lang namin. At kararating niya lang din. Baka isipin niya...kaya ako aalis dahil sa kanya."Ala, kumusta na pala? Ngayon ka lang ulit namin nakita, ah?" tanong noong isang lalaki malapit sa kanya. Binalingan niya lang ito saglit at saka tipid na sinagot. Agad niya rin ibinalik ang paningin sa akin. Kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.Napalunok ako at palihim na umiling para pigilan ang sarili na tuluyan ng humarap."C-Cr lang ako..." paalam ko kay Owen. Agad siyang nagtaka pero tumango rin. Tumayo ako at inilibot ang paningin. Napunta sa kanya iyong mga mata ko pero agad rin na b
Sasakay KaKASAMA KO ngayon sila Aris. Kakatapos lang naming mag usap ni Owen at naka akbay siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kanya.Siguro dahil doon sa mga pagsagot niya sa mga tanong ko kanina habang umiiyak. Halos isang oras ko siyang kasama sa garden. Ala siyang ibang ginawa kung hindi ang patahanin ako. Nakinig siya sa akin gamit iyong nag aalala niyang ekspresyon.Napakabilis ng oras. Parang kahapon lang iyong pagtulak ko sa kanya palayo dahil ang tingin ko sa kanya, masamang tao. Nakakapagsisi."Sakay na," si Damaris bago pumasok sa driver seat. Basa ako at ang magmamaneho. Si Owen lang iyong hindi.Sabay kaming pumasok ni Owen sa loob ng kotse ng babae pero nasa backseat ako. Magkatabi sila ni Aris at Owen.Papaalis na kami ng mansyon dahil tapos na ang party. Nag uusap kami kanina ni Owen nang bigla nalang kaming tinawag ni Damaris at sinabing uuwi na raw dahil alas dies na ng gabi. Sumang ayon ako dahil pupunta pa ako sa unibersidad bukas."He
Selos na SelosANO? Seryoso...ba talaga siya?"After ng perma ko, magsisimula na sila bukas nang paggawa ng 'di gaano kalaking bahay. Pupunta tayo mamaya roon. I want you and your family to move here. Pero desisyon mo pa rin ang masusunod, Lia. Depende sayo...""P-Pero Ric...seryoso ka ba talaga?"Masyadong mabilis ang galaw niya. Paano kapag nalaman ito ng papa niya? Siguradong hindi sasang ayon iyon..."Naroon na ang papa mo sa mansyon, Lia. Ano ang sa tingin mo mararamdaman niya 'pag nalaman niyang galit na galit sayo si Papa?"Napaisip ako. Kung iyon ang mangyayari, paniguradong aalis si Papa at isasama niya sila Mama. Paniguradong sa akin iyon kakampi. Pero...Napatingin ako sa maamong mukha ng lalaki. Puno ng pag aalala ang mga mata niya. Lumunok ako bago napayuko."B-Bakit ka pa gumastos...""Hmm, ang importante ay ang kaligtasan ninyo..."Bakit ganito si Ric? Tingin niya ba sa papa niya ay masamang masama na talaga? Kinamumuhian niya ba ang papa niya? Dahil ba sa akin? Mas gug
Hatid At SundoHE'S silent but observant. Kahit na may sarili siyang pagkain, binabantayan at binabantayan niya ang pinggan ko kung kaunti lang ba o naparami na ang nakain ko. Kapag kaunti nalang, kukuha agad siya ng ulam at kanin at saka ilalagay sa harapan ko."M-Marami na, Ric. Hindi ko na 'to mauubos...""You sure? Edi ako na ang uubos—""M-Mauubos ko naman yata 'to. Huwag na pala..." Dahil sa agad na pagbawi ko sa sinabi ko, napatawa si Ric bago uminom ng tubig.Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa hindi gaano kahabang lamesa. Kami lang dalawa dahil kakaalis lang noong mag asawang Casiano. Pupunta raw kasi silang kabilang Purok. Mamayang gabi pa ang balik."Lia, pagkatapos natin dito, gusto mo na bang maligo sa ilog?" "Hmm?" Napabaling ako sa lalaking titig na titig. Kumurap ako at saka napatingin sa hindi na masyadong basa niyang buhok."Pero...kakaligo mo lang, Ric. Maliligo ka ulit?""Well, about that...Oo. Kasi sino ba naman ang sasama sayo sa tubig, 'di ba?" Nanunukso siya
Kasalanan Mo 'ToNAKAUPO ako ng walang imik sa loob ng bus. Ngunit, kinakabahan ako. Kahit na hindi dapat. Natatakot ako. Bakit ba nandito na naman si Bea? Akala ko tapos na iyong pagkikita namin sa party. Ano na naman 'to?Napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo niya nang huminto ang bus. Sa labas, kita ko ang ilang malalaki at matatayog na puno. Bumama siya roon. Nang makababa, umandar ulit ang bus ngunit nang silipin ko ang kinatatayuan niya sa labas, kita ko ang galit sa mga mata niya kahit na papalayo nang papalayo ang sasakyan.Napabuga ako ng hangin nang lumiko na ang bus. Pinilit ko ang sarili ko na mag focus ulit at alisin nalang iyong mga kaganapan sa isipan ko, ngunit ko kaya.Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Jessica. Me:Jessica. Mag usap tayo. May iku-kuwento ako.Ang gusto ko ngayong mangyari ay mailabas ang lahat ng hinanakit ko sa sarili ko, sa mga nagawa ko sa taong mahal ko pala.Hinintay kong mag reply si Jessica ngunit naabutan ako ng bus na
Walang Sayo"BEFORE we talk about...what you saw earlier, ayos ka ba, Lia?" Hindi ako nagsalita. Wala akong masabi. Hanggang ngayon blanko pa rin iyong utak ko dahil sa mga nangyari kanina.Si...Bea. "Baby? Please tell me what's wrong. Mukha kang pagod na sa lahat..." Napabaling ulit ako kay Alaric. Ang nag aalala niya kaninang mukha ay nadagdagan ng takot at pagsisisi. Para siyang hindi mapakali dahil sa pagbaling ko ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin."A-Ayos lang ako, Ric—""Huwag kang magsinungaling. Gago ako pero hindi tanga, Lia. Tell me. Kanina noong umalis ako hindi ka masyadong tulala, ngayon buong byahe na para kang wala sa sarili. May problema ba? Tungkol ba roon sa mga si—""Huwag na natin iyong pag usapan..." nasabi ko at saka siya iniwasan ng paningin. Naisip ko, si Bea mahal si Ric pero si Ric mahal ako. Ang papa ni Ric ayaw sa akin pero si Ric gusto ako. Iyong iba naniwala sa kasinungalingan ni Bea, ngunit si Ric hindi. Sa lahat lahat ng mga nangyari sa akin, si
Sinungaling"I'M sorry. Galit ka ba?" malambing na boses ang nagpatigil sa akin sa kakaisip. Nasa gilid ko siya, nagmamaneho ngunit ang buong atensyon ko ay nasa iniisip ko. Tungkol roon sa mga tinext niya kanina sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala.Si papa...magt-trabaho ulit? Pero paano si mama? Ano ang naging reaksyon noon?Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko kaagad ang kamay ko na tumaas at napunta sa kung saang lugar. Napalingon ako kay Ric at nakita kong hawak hawak niya ang kamay ko habang hinahaplos. Parang pinapakalma ako. Nasa daan ang mga mata niya, ngunit parang nakikita niya ang gulat sa mukha ko."Ibigay mo na sa akin 'to. Ako ang lalaban para sa atin...""R-Ric...bakit ba ginawa iyon ng papa mo? Ganoon ba ang galit niya sa akin kaya niya dinamay pati ang pamilya ko?""I don't know, Lia. Please...just trust me." Hindi na ako umimik. Nanatiling nasa baba ang paningin ko dahil nahihiya akong tumingin kay Ric.Mukhang kasalanan ko ang lahat. Sa ginawa kong pagsabat sa
Young Bride"SO, you love me?""O-Oo nga!" Kanina niya pa ako paulit paulit na tinatanong niyan. Nakaupo kaming dalawa sa sofa ngunit siya, hindi matanggal ang yakap sa akin. Ang mukha niya ay nasa balikat ko nakapatong. Rinig na rinig ko ang malalim niyang boses habang nagsasalita."I love you also, Lia..." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.Gusto kong ngumiti, ngunit naroon pa rin sa isip ko iyong mga sinent ng kapatid ko sa akin.Bakit ba nandoon ang papa ni Ric? Dahil ba sa mga nasabi ko kagabi? Bakit siya ganoon sa akin? Ni wala pa siyang nakikitang ebedensya. Bakit siya naniniwala agad?"A-Anong oras na nga?" tanong ko."Hmm? Alas tres na ng hapon. Bakit? May gagawin ka ba?""U-Uhm...Oo. Nangako kasi ako kaninang umaga kay Damaris na ngayong araw na ako magt-trabaho sa cafe. Alas singko ng hapon ako magsisimula...""Anong oras ka matatapos? Hatid na kita roon. Kunin na rin kita kung anong oras ka matapos sa trabaho mo..." Napatango ako at saka napangiti.Ang bait n
Mahal Kita"R-RIC, nakakahiya..." Uminit ang pisngi ko. Gusto niyo kasing magkahawak ang kamay namin. Nahihiya ako dahil baka madumi ang kamay ko o hindi malambot. Baka may pawis rin. Ayaw kong pagtawanan ako ni Ric. Kahit na alam kong hindi siya ganoon, pumapasok pa rin sa isip ko na baka asarin niya ako dahil sa paghawak namin ng kamay."Okay. I understand. Kain nalang tayo ng ice cream..." Sumang ayon agad siya dahil sa pagyuko ko. Mukhang na-gets niya na agad ang pinupunto ko.Napabuga ako ng hangin nang magkahiwalay ang mga kamay namin.Napansin kong ang suot niya ay kulay itim na blazer. Sa loob ay may kulay puti na t-shirt.Iyon sana ang suot niya ngayon kung naibigay ko sana."Hmm, what is it?" Sinundan niya ang tinitingnan ko nang mapansin niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at muling nag init ang mga pisngi.Napatawa siya ng mahina."Hindi ka ba komportable? Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" malambing ang boses niya kaya agad akong nataranta at umiling.Kasalukuyan kaming nagl
Ayaw Kong Pilitin Ka"YOU want me to?""H-Ha?" Napatingin ako sa paper bag na hawak ko nang mamataan kong naroon ang paningin niya. Kaagad akong umiling at saka sumabay sa kanya ng paglalakad."H-Huwag na...""Are you sure? Baka mabigat 'yan..." mahina niyang turan. Kumurap ako bago tipid na napangiti.T-shirt lang ang laman nito. Hindi mabigat dahil isang bagay lang naman ang nasa loob.Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papasok sa isang simbahan. Wala akong masyadong alam sa mga lugar dito sa Maynila kaya hindi ko masabi kung nasaan na kami."A-Ano ang gagawin natin dito?" kinakabahan kong tanong dahil gulat pa rin ako sa sinabi niya sa akin kanina.Pansin kong binalingan ako ni Ric nang makapasok na kami sa simbahan. Nasa harapan pa rin ang paningin ko at pinagmamasdan kapaligiran. Nasa akin pa rin ang paningin niya, mukhang wala siyang balak iyon na ialis sa akin."May dumi ba sa...mukha ko?" tanong ko, hindi pa rin siya binabalingan."Wala. While I was here, standing and starin
Akin Palagi Ang BintangANONG oras na nga ba? Gabi na at hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Nasa apartment na ako ngayon at kaarawan na ni Ric. Kahapon, hindi na kami nagkita dahil hindi siya pumunta rito sa apartment.Bali ako lang mag isa ngayon. Nakakapanghinayang dahil hindi kami nagkita kanina para sana makabati ako sa kanya."Ano ang isusuot ko?" mahina kong bulong habang ang atensyon ay nasa nakabukas kong malaking bag.Alas syete na at tinext ako ni Owen na magsisimula raw ang party alas otso ng gabi. Naghahanda na raw iyong iba sa mansyon."Maya maya nandito na si Owen. Naku naman!" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at saka bumalik sa paghahanap ng mga damit. May nakita ako t-shirt na kulay pink kaya agad ko iyong inilingan.Masyadong makulay. Gusto ko puti para hindi masyadong pansin sa ibang mga tao roon. Sigurado naman ako na maraming bisita si Ric. Kung pupunta man talaga ako, kailangan kong magmukhang maayos.Nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko. Napaisip