Drunk
HINDI AKO nakatulog nang gabing iyon. Dahil sa mga salita ni Ric, hindi ko na nagawa pang ipikit iyong mga mata ko. May mga gusto akong malaman pero natatakot akong itanong.Siguro ay nasabi niya lang iyon, dahil ako ang magiging asawa ng papa niya. Ayaw niya sigurong umalis ako dahil...."Anong dahilan?" mahina kong tanong sa sarili ko.Kinaumagan, ang una kong ginawa ay nag ayos ng mga gamit ko. Alas sais pa lang ng umaga, may mga kasambahay na agad na kumatok sa pintuan ko dahilan para magising ako. Nalaman ko lang na dala na pala nila iyong mga bagahe ko.Sinimulan kong ilagay iyong ibang damit ko sa cabinet. Kaunti lang ang mga damit roon na pang lalaki at masyadong maluwag pa sa loob."Kakain na po." Mabilis na tumango ako sa isang maid na kumatok sa pintuan ko. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. Kakain, malamang, sabay kami. Napabuga ako ng hangin.Naligo ako sa banyo at nagbihis sa labas na. Dali dali kong sinuot iyong t-shirt ko at saka huminga ng malalim. Nagsuklay ako bago lumabas ng kuwarto.Iyong mga sinabi kagabi ng lalaking 'yon, tumatak sa isipan ko hanggang sa nakatulog ako ng madaling araw. Hindi iyon nawala kahit saglit.Umupo ako sa upuan na kahapon ay siyang inupuan ko rin. May mga maids pa ring nakatayo sa likod at harapan ko.Tiningnan ko ang upuan na bakante ngayon. Maraming upuan na bakante, pero itong malapit sa akin ang siyang nagpakunot ng noo ko. Wala siya?"Ma'am, pinapasabi po pala ni amo, pagktapos niyo raw po kumain, doon lang kayo sa kuwarto ninyo hanggang sa gumabi," biglang salaysay noong isang kasambahay na malapit sa pwesto ko. Dahan dahan akong ngumiti.Walang...mali kaya kailan kong ngumiti."Paano...iyong pagkain ko?" tanong ko. Alam kong masyado akong mayabang kong magtanong. Bago pa lang ako rito pero kung makagalaw na ako, ako iyong amo nila.Ngumiti ang maid. "Dadalhan ka po namin ng pagkain sa kuwarto ninyo. Huwag po kayong mag alala." Tipid akong napangiti. Ibinalik ko iyong paningin ko sa pagkain na nasa lamesa. Nag umpisa akong sumubo.Uminom ako ng tubig matapos kumain habang nag isip-isip. Tumayo na ako. Napansin kong kaagad na nagsiyukuan iyong mga maids habang wala ni isang nagsalita. Napatikhim ako."S-Salamat po sa pagkain." Tipid akong yumuko at nagsimula ng maglakad pabalik sa kuwarto ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya sa mga nakapaligid sa akin ngayon, pati na sa sarili ko. Kasi, bago lang ako rito sa mansyon. Kahapon lang. Tapos, ganito na agad ang turing nila sa akin? Para akong matagal ng nakatira rito. Ayoko ng ginaganito nila ako.Hindi ako...sanay.Napabuntong hininga ako nang makabalik na ng kuwarto ko. Humiga ako sa kama at nag isip-isip. Nang walang magawa, kaagad akong tumayo at saka kinuha sa bagahe iyong cellphone ko. Naisip ko kahapon, hindi na muna ako gagamit nito. Pero mukhang hindi ko matutupad iyon ngayon. Wala akong magawa kaya wala na akong choice kundi ang mag-cellphone.Tinawagan ko si mama. Nag usap kami ng ilang oras habang ako ay papalit palit lang ng pwesto sa kama. Minsan ay nasa may dulo ako habang ang ulo ay sinasadya kong mahulog.Umayos ako ng higa sa kama. Inayos ko rin iyong pagkakadikit ng cellphone sa tainga ko para marinig ng maayos ang nagsasalita na si mama."Maayos ka ba diyan?" Ilang ulit na niya itong itinanong sa akin. Napatawa ako ng mahina."Mama, nakakakain ako ng maayos. Nakakaligo rin at nakakatulog sa malambot na kama. Huwag na kayong mag alala." Tumayo ako ng dahan dahan habang kausap pa rin si mama sa cellphone. Maglalakad na sana ako papuntang cabinet para makapagpalit ng damit nang bigla nalang may kumatok sa pintuan."Ma'am, iyong tanghalian niyo po?" Naging bilog ang kurba ng labi ko. Dali dali akong naglakad papuntang pintuan para patuluyin ang kasambahay."Sino 'yan?" si Mama sa kabilang linya. Nahimigan ko ang pag aalala sa boses niya. Umiling ako na para bang nasa harapan ko lang siya."Iyong pagkain ko, mama, nandito na." Tipid akong ngumiti. Nakita ko ang dahan dahan na pagtuloy ng maid sa loob ng kuwarto ko. May dala siyang tray ng pagkain dahilan para manlaki ang mga mata ko.Anong oras na nga ba?"Ganoon ba. O siya, kumain ka na muna. Mamaya nalang tayo mag usap." Tumango ako at pinatay ang tawag. Matapos maibaba ang cellphone, tiningnan ko ang oras at nalamang alas onse na ng umaga. Malapit ng maghapon."Aalis na po ako." Yumuko ang maid, ganoon din ang ginawa ko."Salamat." Isang matamis na ngiti lang ang sinukli niya sa akin. Lumabas siya ng kuwarto ko at siya na ang nagsuhestyon na magsarado ng pintuan.Matapos ang pananatili sa kuwarto ng ilan pang oras, ilang ulit akong napabuga ng hangin. Kinuha na rin ng kasambahay iyong pagkain ko matapos kong maubos iyon kanina.Kaagad na napatabon ako ng mukha ko nang maalala ang pagtatanong ko kanina sa kasambahay."May gagawin ka pa ba?" mahinang tanong ko sa babaeng nagliligpit ng pinagkainan ko. Ngumiti siya sa akin at tumango."Opo, marami marami iyong huhugasin ko." Napatango ako at napaisip."Pwedeng...sumama?" Kaagad kong nakita sa reaksyon niya ang pagtataka. Akala ko ay tatanungin niya ako kung bakit ko gustong sumama sa kanya, ngunit imbis na ganoon ang gawin niya, umiling siya sa akin at ilang ulit na nagpaumanhin."Ipinagbabawal na palabasin kayo ni amo. Nandoon sila sa labas ng mga kaibigan niya, nag iinuman. Huwag daw po kayong palabasin o pasilipin man lang." Kaagad na natahimik ako at napakurap. Peke akong napangiti."Ganoon ba, sige. Bye!" Lumabas ang maid nang ilang ulit na yumuko sa akin.Hindi ko akalain na iyon pala ang rason kaya hindi ako pwedeng lumabas ng kuwarto ko. Dahil sa nag iinuman?"Huwag ka ng kumuntra, Lia." Pinatigil ko ang sarili ko. Napailing ako at mabilis na nakagat iyong pang ibabang labi.Siguro ay nahihiya siya. Nahihiya siyang malaman ng mga kaibigan niya na ikakasal na ang papa niya, at sa isang katulad ko pa. Isang bata at baguhan pa lang sa bahay na ito. Malamang, ganoon ang iniisip niya.Napapikit ako ng mariin habang gumiling giling sa kama. Huwag ko nalang isipin. Ang importante, maayos ang lagay ko rito.Alas otso na ng gabi. Kanina pa ako rito sa kuwarto ko tahimik. Hindi na tumawag pa si mama. Gusto ko sana siyang tawagan kaso nalaman ko na expired na iyong load ko.Huminga ako ng malalim bago nagbalak na lumabas ng kuwarto. Mag a-alas nuwebe na ng gabi. Siguro naman ay wala ng nag iinuman?Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang tagumpay akong makalabas ng kuwarto. Kaagad na bumilis ang oras at nalaman ko nalang na sumisilip na ako sa double doors na siyang daanan ko 'pag pupunta akong dining area. Nauunang nakikita rito ang living room. Kasunod pa ang dining area kung saan ako kumain kaninang umaga.Napatabon ako sa nakaawang kong labi gamit ang kanan kong kamay, natatakot na baka makabuo ng ingay. Titig na titig ako ngayon sa lalaking pagod na nakaupo sa malapad na sofa. Nakaharap ito sa pwesto ko kaya kitang kita ko ang malumanay nitong ekspresyon habang nakapikit ang mga mata."Ma'am?" Napasinghap ako. Mabilis akong napalingon sa likuran ko at nakita ko ang isang maid na parehas ng reaksyon sa akin. Gulat siya, ganoon din ako."Ayos lang po ba kayo?" tanong niya. Tumango ako. Nahihiya akong ngumiti."A-Ayos lang." Liningon ko saglit si Ric na akala ko ay nakaupo pa rin na nakapikit sa sofa. Ngunit, nagkamali ako.Nakita kong walang kurap na siya ngayong nakatitig sa akin habang seryoso iyong ekspresyon. Nakaupo pa rin siya, ngunit, ang kaninang nakasaradong mga mata, ngayon ay nakabukas na at pinagmamasdan akong mabuti.Naramdaman kong mas naging maluwag pa ang pagkakabukas ng pintuan. Nilingon ko ang may gawa noon at nakita kong ang kasambahay iyon."P-Pasensya, Ma'am." Yinukuan niya ako. May dala siyang bote na mukhang mamahaling alak ang laman. Sa kaliwang kamay niya, may hawak siyang baso.Pumasok ang babaeng maid sa pintuan na siyang mas naging maluwag pa dahilan para makita ng tuluyan ni Ric iyong kabuhuan ng mukha at katawan ko. Umayos ako ng tayo at nanginginig ang mga kamay na ipinagdikit ko ang mga iyon sa likod ko."Why are you still up? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" may halong banta ang boses niya. Hindi ko alam pero, ramdam ko ang agad na pagtayo ng mga balahibo ko. Lumunok muna ako bago sumagot."H-Hindi kasi ako...makatulog." Iniwas ko iyong paningin ko sa kanya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang dahan dahan na paglagay ng kasambahay ng mga dala niya sa harapang lamesa ni Ric."Well, then, come here. Join me." Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkabahala. Hindi ako umiinom, at wala akong balak na tumikim man lang kahit kaunti.Kaagad na natahimik ako at napayuko. Matapos ang ilang segundo, nagsalita ako nang makapag isip-isip."H-Hindi po ako umiino—""Sinong nagsabing iinom ka? I just want you to join me. Sit here beside me. Tingnan mo lang ako." Napapikit ako habang nakayuko pa rin. Sa klase ng tono ng boses niya, parang alam na niyang iyon ang sasabihin ko."Come here, Lia." Inulit niya pa. Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Wala akong nagawa kundi ang titigan ang mga mata niya habang nagsisimulang maglakad papunta sa kinaroroonan niya.Tinuro niya iyong katabing pwesto niya. Sa harapan, may mga ubos ng bote ng alak.Napalunok ako matapos makaupo na ng tuluyan sa tabi niya. Nasa akin pa rin iyong mga mata niya habang ako ay nakayuko na naman at tahimik."Look at me." Utos iyon. Palihim akong napabuga ng hangin bago sinunod iyong sinabi niya. Kaagad na nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa umabot iyon ng ilang segundo. Malapit siya sa akin, ngunit dahil sa walang kurap naming titigan, mukhang sa paningin ko, mas lalo pa siyang lumalapit."L-Lasing ka ba?" naitanong ko. Nakaawang iyong labi niya. Dahil nga malapit siya sa akin, amoy na amoy ko iyong alak sa hininga niya. Kaagad na napatawa siya ng mahina at umiling."I am not. Hindi ako madaling malasing." Pinagmasdan niya saglit iyong mukha ko bago lumayo sa akin at umiwas ng tingin.Ngayon ko lang napansin na sa bawat titig ko sa kanya, siya iyong umiiwas ng paningin sa aming dalawa.Napaisip ako at ibinalik iyong mga mata sa alak."How's your day here?""A-Ayos lang naman." Hindi ako nakalabas dahil may nag inuman.Gusto ko sanang dugtungan, ngunit huwag na."Good to hear. How about...my suggestion last night? Ayos lang din ba 'yon?" Napabaling ako sa kanya.Naisip ko kahapon na baka hindi siya seryoso sa sinabi niya. Ngunit, mukhang nagkamali ako. Seryoso siya base sa ekspresyon niya ngayon.Nilingon niya ako nang maging tahimik ako. Nagkatitigan na naman kami. Umayos siya ng upo at mas humarap pa sa akin. Maingat niya akong pinagmasdan."I won't force you kung hindi ka komportable sa suggestion ko, Ailia. Hindi ako namimilit. Lalo na kung sa isang kagaya mo."Sasamahan Kita Ngayon"P-PAG IISIPAN ko pa, Ric..." Hindi ako makapaniwala sa bigla niyang sinabi. Ilang saglit akong tahimik habang siya ay patuloy pa rin akong pinagmamasdan.Natapos ang gabi at sumapit ang umaga. Hindi pa man lumiliwanag ng sobra ang araw, nalaman ko nalang na naroon na ako sa kuwarto ko kinaumagahan. Naalala ko, nakatulog ako habang nasa tabi ni Ric. Ang lalaking iyon ay umiinom pa rin habang parehas kaming tahimik. Wala na ni isang nagsalita sa amin."P-Pwede na ba akong lumabas?" nag aalala kong tanong sa maid na siyang laging naghahatid sa akin ng pagkain. Ngayon ay may dala na naman siyang tray. Nakita ko siyang ngumiti at tumango."Opo. Nga pala, wala si amo ngayon. Apat na araw siyang magta-trabaho sa bukid nila ng mga kapatid niya. Sa mga susunod na araw pa siguro siya makakabalik rito." Lumabas siya ng kuwarto ko matapos akong yukuan. Hindi ako nakapagsalita.Napabuga ako ng hangin. Maya maya, nag-desisyon akong maligo na muna. Maingat kong kinuha sa cabin
MaynilaNAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati."Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to."Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti."Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam."Kailan siya...dumating?""Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong da
AsarNAGLAKAD ako papuntang lababo ng kusina at agad na naghugas ng kamay. Nang matapos, bumalik ako sa mga kasambahay na ngayon ay patuloy pa rin na nagk-kuwentuhan."Hala siya, bakit naman 'yon sinabi ng pamangkin mo, Manang Milly?" Nakita kong nagkibit balikat si Manang at saka ako nilingon. Napansin kong sinundan ng ibang nakapalibot sa kanya iyong tinitingnan niya. Nagsiyukuan silang lahat habang ako ay hindi pa rin nasasanay sa mga trato nila sa akin. Napalunok ako at awkward na ngumiti."Ano ang pinag uusapan ninyo, Manang?" tanong ko para maialis iyong hiya sa reaksyon ko. Ngumiti si Manang at agad na tumagilid para siguro papasukin ako sa bilog na ginawa nila ng mga kasama niya. Huminto ako sa paglalakad."Wala, Ma'am. Nagk-kuwento lang ako ng mga trato ng pamangkin ko sa akin." Napatango ako at mas lalo pang napangiti."Bakit po? Ano po ba ang trato nila sa inyo?" mahinang napatawa si Manang at agad na napatingin sa mga kasama niya. Mukha siyang nahihiya."Kanina pa namin p
MaliNATAPOS kami sa kakahintay sa machine kung saan nilalabhan ang mga damit. Nang tumigil iyon sa kaiikot, kaagad namin iyon ni Jessica pinuntahan.Nasa dryer sila Marie at Manang. Naghihintay lang rin nang pagkakatuyo ng mga tapos ng nalabhan na damit.Sinulyapan ko si Ric na ngayon ay nakatayo ng tuwid malapit sa dalawang pintuan. Nasa dalawang dibdib niya iyong mga kamay niya at naka-cross ang mga iyon. Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ng palihim iyong kabuuhan ng katawan niya.Ilang beses ko na siyang ninakawan ng tingin, mabuti nalang at hindi niya ako nahuhuli. Sisiguraduhin ko rin naman na hindi niya ako mahuhuli kaya hindi ko na dapat iniisip pa iyong magiging reaksyon niya 'pag nakita akong nakatingin."Saan na kayo 'pag...wala ng titira dito?" Sinimulan kong pag usapan iyong anunsyo ni Ric para makagawa ng mga salita kasama si Jessica. Nasa tabi ko siya at tahimik rin.Tumikhim siya. "S-Sa ikalawang mansyon ni amo sa bayan na 'to, sabi ni Manang." Napatango ako ha
AlaricTAHIMIK ko si Ric na hinintay habang nakayuko iyong ulo. Ayoko siyang tingnan na namimili ng mga damit sa cabinet ko. Mas lalo lang akong hindi nakakahinga sa isipin na may mali sa akin.Bakit ako nakakaramdaman ng ganito? Linggo pa lang ako rito pero si Ric, ang dami ng tanong na ibinibigay sa akin. Nangangailangan ako ng sagot niya.Bakit mo 'to ginagawa sa akin?Gusto ko iyang itanong. Ilang beses ko na itong pinag isipan at ibinahagi sa sarili kung tama ba, ngunit hindi ko pa rin kayang ibuka ang bibig ko para malaman niya iyong laman ng isip ko."How about...this dress? Kulay pula." Lantang gulay ang kamay na itinaas niya iyon habang umiiwas ng tingin sa akin. Pinagmasdan ko ang pulang dress na binili sa akin ni Mama noong birthday ko. Plain iyon at walang design. Pero dahil sa tindig ng may hawak nito, para itong kumikinang habang pinagmamasdan ko."I-Iyan nalang..." Dito lang ako sa loob pero kailangan naka-dress pa. Huminga ako ng malalim bago yumuko ulit."Alright..."
Hindi PwedeNAKAUPO ako ng tuwid sa loob ng sasakyan ni Ric habang siya ay nasa labas pa ng kotse. Ako lang ang taong nasa loob. Sinulyapan ko siya sa labas ng bintana at nakitang naroon pa rin siya nakatayo habang may kausap na kasambahay.Ang babaeng maid ay tumatango kay Ric habang nakikinig ng mabuti. Ang lalaki naman ay todo salita at turo ng mga pwesto sa hardin.Maya-maya, tumigil sa pagsasalita si Ric at saka nilingon ang pwesto ko. Kaagad na kumuyom ang kamao ko at napaigtad. Nanlalaki ang mga mata na iniwas ko iyong paningin ko sa kanya.Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit na niya sa sasakyan. Nang makalapit, pumasok agad siya sa front seat para magmaneho. Nasa likuran niya ako."Dito ka umupo..." Nilingon niya ako at nakitang seryoso iyong ekspresyon niya. Tumango ako sa gusto niya para wala ng mahabang usapan na mangyari.Lumabas ako sa kotse at pumunta sa katabi niyang upuan. Tumikhim ako bago umayos ng upo."Sa kabilang bayan tayo. Ayos lang ba 'yon sayo?" tan
EdadHUMIGA ako sa kama. Nasa sofa pa rin si Alaric at nagliligpit ng pinagkainan namin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita."Ayaw mo ba talaga?""Hmm?" Mabilis niya akong nilingon gamit ang nagtatakang ekspresyon."Pwede naman akong sa sahig nalang. Sa kama ka..." pangungumbinsi ko. Napakunot ang noo ni Ric bago tinapos ang nililigpit. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa kama ngunit malayo layo iyon sa akin.Palihim na nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglapit niya. Baka...pumapayag na siya."Lia...lalaki ako...""Tapos?" mahina ang boses ko. Umusog siya papalapit sa akin bago napabuga ng hangin. Naguguluhan ang ekpresyon niya."Hindi tayo pwedeng magsama sa isang kuwarto..." aniya, pagod ang mga mata nang titigan ko. Wala kong nagawa. Naiwas ko ang mga mata ko sa kanya habang kagat ang pang ibabang labi."Paano ang ngayon? Hindi ba nasa isang kuwarto tayo?" Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya dahil sa sinabi ko. Nilingon ko siya nang nagta
WeirdPUMASOK at nanatili kami saglit sa sinasabing bahay ni Alaric. Maganda sa loob, lalo na sa labas. May napakagandang hardin at halos mga bulaklak ang nakatubo roon. Dahil sa sinag ng araw, kung pagmamasdan, para silang diyamante na kumikinang.Nakatitig ako sa kanila habang nakatayo sa harapan ng bintana. Nasa ibaba ako ng bahay dahil nasa itaas pa si Ric na kanina ay nagpaalam para magbihis.Kaparehas sa mansyon ni Ric sa Aloguinsan, may hardin rin doon. Ngunit, kung iko-kompara sa pananaw ko rito sa hardin na pinagmamasdan ko, masasabi kong alagang-alaga ang mga bulaklak roon sa mansyon ni Ric.Maganda naman ang mga bulaklak rito sa bahay. Ngunit, ibang iba roon sa mansyon."You coming with me?" Natigilan ako sa kinatatayuan ko at agad na napalingon sa likuran. Nakita ko si Ric na abala sa pag aayos ng kusot sa damit niya habang nakayuko. Tumikhim ako."Pwede ba?" Hinarap niya ako at tinitigan."Oo. Sigurado ka? Masyadong mainit, hindi ka ba maarte?" mahina siyang napatawa at s
Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy
Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak
Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A
TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya
Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto
Past Ruined It all"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat."Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako."Take your time..." sinabi niya."Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman."U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang
Bata PaDAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin."Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.Napalunok ako bago napayuko."Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon...""Sagutin mo muna, Lia..."Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon."Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko."Oo, pero
Maagaw SiyaSERYOSO ba talaga siya?"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina."Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko."G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa."Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng k
Matapos"DAMARIS...""Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling."Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—""Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Baki