Maynila
NAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati."Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to."Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti."Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam."Kailan siya...dumating?""Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong dalawang kilay ko at saka napalunok."Sige, mauna ka na doon. Magbibihis na muna ako." Tumango si Missy at agad na sinunod iyong sinabi ko. Ayoko sana siyang palabasin dahil nakakahiya kung titingnan. Bago pa lang ako rito. Hindi ko dapat inuutos utusan nalang ang mga kasambahay sa mansyon na ito.Wala akong karapatan.Nagbihis ako ng komportableng damit sa pang itaas at pang ibaba. Nang matapos, kaagad na lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa dining area.Nakabalik na si Ric. At, mukhang ako yata iyong unang nakaalam noon.Huminga ako ng malalim.Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ngunit, sabi nga ni papa. Kailangan kong maging tahimik at masunurin. Hindi ako pwedeng maging madaldal. Lalo na sa harapan ng magiging asawa ko.Pero...hindi naman si Ric iyong papakasalan ko, hindi ba? Ayos lang naman yatang magsalita ako kahit ilang mahahaba lang 'pag kasama ko siya.Dahan dahan kong binuksan ang double doors na lagi kong dinadaanan. Kaagad na luminga linga ako sa paligid para tingnan kung may tao bang nasa paligid. Natigilan ako nang malamang meron nga.Isang lalaki.Ilang saglit kong pinagmasdan ang napansin kong taong naglilinis ng mga picture frames malapit sa malaking TV. Nasa living room na ako. At sa kabilang banda pa ang dining area.Kaagad na napakurap ako nang mapansin ako ng lalaki. Tumigil siya sa ginagawa niya at hinarap ako. Nakataas na ngayon iyong dalawang kilay niya na para bang tinatanong ako kung bakit ko siya pinagmamasdan.Napalunok ako.Bakit ba ako tumigil sa paglalakad? Napailing iling ako sa isipan ko at agad na humarap sa daanan kung saan papunta ang dining area. Nagsimula ulit akong maglakad."Hey, teka!" Natigilan ako at ilang saglit pa bago hinarap iyong lalaking hindi ko akalain na tatawagin ako. Nahihiya ko siyang tiningnan.Ngayon ko lang napansin ang mabilis niyang pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko. Tumigil siya sa harapan ko at agad na napabuga ng hangin.Naglahad siya ng kamay na siyang nagpagulo sa isipan ko."I am Clint. Ngayon lang kita nakita dito kaya ganoon ako kanina makatingin. Pasensya na." Ramdam ko ang paghihintay niya sa paggalaw ng kamay ko. Ngunit, nanatiling lantang gulay iyong balikat ko.Nahihiyang ibinalik ng lalaki sa kaninang iyong kamay niya nang mapansin niya siguro na wala akong balak na suklian iyong pagpapakilala niya.Awkward akong napayuko. Napapikit ako ng mariin at agad na dinilat iyong mga mata.Ito iyong problema sa akin, e. Wala akong mga kaibigan sa eskwelahan ko maliban kay Shiela dahil sa ugali kong ito. Nahihiya ako at natatakot makipag usap sa tao. Para akong nakaranas na ng isang bagay na dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng takot 'pag may hindi pamilyar sa akin na nagpakilala."S-Sorry. Aalis na ako." Matapos ang ilang segundo, mabilis kong ginalaw iyong katawan ko patalikod sa taong 'to. Ngunit, kaagad rin na natigilan sa pag abante nang makasalubong ng mga mata. Pagtataka at galit ang nakikita ko sa mga mata ng lalaking ito ngayon.Noon ay napakaganda nito tingnan. Sa una naming pagkikita, akala ko ay ito na ang pinakamagandang mga mata na nakita ko at makikita ko pa sa buong buhay ko. Ngunit, mukhang may pagbabago rin pala ang mga 'yon."Oh, Ala, ikaw pala." Ni sulyap ay hindi ko pinagbigyan ang kanina'y kausap ko. Nakapokus ang mga mata ko kay Ric na ngayon ay seryosong nakatayo akong pinagmamasdan. Kahit siya ay hindi man lang binigyang pansin ang nasa likuran ko.Napansin ko ang malalaking paghakbang ni Ric papunta sa kinaroroonan namin ng tumawag kanina sa kanya. Napalunok ako at nakaramdam ng lamig sa balikat. Napahawak ang isang kamay ko roon habang hindi pa rin bumibitaw sa mga titig ng paparating na lalaki.Tumigil sa paglalakad si Ric at doon lang bumitaw. Siya na naman ang sumuko.Tiningnan niya ang taong nasa likuran ko at saka ako."Pinatawag kita para kumain. Why are you here with Clint? Ayaw mo bang kumain?" mahinahon ang boses niya habang tinatanong iyon. Ilang saglit pa ang nakalipas bago ako nakasagot."P-Papunta na sana ako. Natigil lang dahil—""Sa kanya?" naging malamig ang tanong niya sa akin. Umiling ako."Papunta na ako kanina. D-Dumating ka lang..." Naiwas ko iyong paningin sa kanya."Woah, may kinalaman ba ako dito? Wala naman siguro, 'di ba?" Rinig kong natatawang tanong noong Clint. Ngayon ko lang naalala iyong sinabi kanina ni Missy."Go back to your job, Clint. O hindi kaya, huwag na sa trabaho. Bumalik ka na sa maynila kung pwede." Sinulyapan ko si Ric at nakitang wala na sa akin iyong paningin niya.Nakagat ko agad iyong pang ibabang labi ko dahil sa lumuwag iyong paghinga ko."Kanina lang nga ako dumating, paaalisin muna agad ako. How rude of you, amo.""Shut up."Para akong nawala saglit sa mga mata ni Ric. Para akong nakawala sa hindi ko malamang dahilan.Nakarinig ako ng tikhim. Napakurap ako ng dalawang beses at agad na binalingan ng dahan dahan iyong gumawa noon. Nakaharap na naman sa akin si Ric. Nasa akin na naman iyong mga mata niyang napakaganda kung pagmamasdan mo ng maigi at dahan dahan."Come now. Kanina pa mainit iyong pinaluto ko." Tinalikuran niya ako at naglakad sa daanan kung saan banda ang dining area. Sumunod ako sa kanya, ngunit bago ko ginawa iyon, nilingon ko muna ang nasa likuran ko. Wala na si Clint roon.Napabuga ako ng hangin at mabilis na ibinalik iyong paningin sa daraanan. Sinabayan ko sa paghakbang si Ric at ilang saglit ang natapos, nakarating kami sa mahabang lamesa na sa magkabilang gilid ay may mga kasambahay pa rin na nakapalibot."Sit here." Tumigil siya sa upuan na noon ay inupuan niya rin. Umupo ako sa upuan na inupuan ko rin noon. Iyon ang itinuro niya kaya dapat kong sundin.Nagsimula kaming kumain hanggang sa natapos. Ganoon pa rin ako, tahimik at ni isang kwento sa buhay ko ay hindi ko ibinahagi. Walang dahilan para gawin ko iyon."Maayos na ba ang pakiramdam mo? I heard...you were sick." Natigil ako sa pag inom ng tubig sa baso nang makarinig ng salita mula kay Ric. Ngayon lang ulit siya nagsalita."Hmm, opo. Maayos na ako." Nakita ko siyang napatango."Mabuti naman."Tahimik na naman ulit kami. Hindi ako nag ingay kaya mukhang wala siyang nagawa kundi ang magsalita ulit."How's your sleep? Nakatulog ka ba?" Napalunok ako nang iyon ang itanong niya.Aamin ako. Hindi ako nakatulog dahil roon sa bigla niyang pagbisita sa kuwarto ko. Hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin iyon. Rinig na rinig ko pa rin iyong mga salita niyang binitawan. Himig na himig ko pa rin iyong lambing sa tono ng boses niya."A-Ayos lang din. Nakatulog ako ng mahimbing." Nagsinungaling ako. Wala na akong maisagot pa kaya iyon ang nagawa ko. Labag man sa loob kong hindi sabihin ang totoo, nakakahiya rin naman kung iyon ang isasagot ko kay Ric, hindi ba? Siguradong...matatawa siya sa sagot ko 'pag nalaman niya.Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatitig na naman siya sa akin ng walang kurap. Nataranta ako at naramdaman ko ang pag awang ng labi ko. Nadilaan ko ang pang ibaba noon dahil sa kaba.Bakit ba ako laging kinakabahan? Epekto ba ito ng hiya ko kay Ric? O, iba? Masyadong malayo, e. Walang dahilan para kabahan ako sa lalaking wala pa namang ginagawa sa aking masama.Wala pa? I don't know. Nasabi ko lang iyon dahil...natatakot nga ako. Natatakot ako kapag seryoso ang eskpresyon ni Ric. Para siyang galit 'pag ganoon ang itsura ng mukha niya. Para niya akong masasaktan 'pag nagiging matalim iyong mga titig niya sa akin."Nga pala, si Missy, iyong laging nagdadala ng pagkain mo, wala na siya ngayon dito.""H-Ha...?" Napalunok ako at hindi makapaniwala siyang hinarap."Nasa kabilang bayan na siya. Sa kabilang mansyon kasama iyong ibang kasambahay," ani Ric."Bakit? Bakit...doon sila? Hindi ba pwede dito?" Umiling siya."No. Hindi na pwede dahil wala na naman silang pagsisilbihan dito. Tomorrow at eight AM iyong flight natin papuntang maynila."AsarNAGLAKAD ako papuntang lababo ng kusina at agad na naghugas ng kamay. Nang matapos, bumalik ako sa mga kasambahay na ngayon ay patuloy pa rin na nagk-kuwentuhan."Hala siya, bakit naman 'yon sinabi ng pamangkin mo, Manang Milly?" Nakita kong nagkibit balikat si Manang at saka ako nilingon. Napansin kong sinundan ng ibang nakapalibot sa kanya iyong tinitingnan niya. Nagsiyukuan silang lahat habang ako ay hindi pa rin nasasanay sa mga trato nila sa akin. Napalunok ako at awkward na ngumiti."Ano ang pinag uusapan ninyo, Manang?" tanong ko para maialis iyong hiya sa reaksyon ko. Ngumiti si Manang at agad na tumagilid para siguro papasukin ako sa bilog na ginawa nila ng mga kasama niya. Huminto ako sa paglalakad."Wala, Ma'am. Nagk-kuwento lang ako ng mga trato ng pamangkin ko sa akin." Napatango ako at mas lalo pang napangiti."Bakit po? Ano po ba ang trato nila sa inyo?" mahinang napatawa si Manang at agad na napatingin sa mga kasama niya. Mukha siyang nahihiya."Kanina pa namin p
MaliNATAPOS kami sa kakahintay sa machine kung saan nilalabhan ang mga damit. Nang tumigil iyon sa kaiikot, kaagad namin iyon ni Jessica pinuntahan.Nasa dryer sila Marie at Manang. Naghihintay lang rin nang pagkakatuyo ng mga tapos ng nalabhan na damit.Sinulyapan ko si Ric na ngayon ay nakatayo ng tuwid malapit sa dalawang pintuan. Nasa dalawang dibdib niya iyong mga kamay niya at naka-cross ang mga iyon. Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ng palihim iyong kabuuhan ng katawan niya.Ilang beses ko na siyang ninakawan ng tingin, mabuti nalang at hindi niya ako nahuhuli. Sisiguraduhin ko rin naman na hindi niya ako mahuhuli kaya hindi ko na dapat iniisip pa iyong magiging reaksyon niya 'pag nakita akong nakatingin."Saan na kayo 'pag...wala ng titira dito?" Sinimulan kong pag usapan iyong anunsyo ni Ric para makagawa ng mga salita kasama si Jessica. Nasa tabi ko siya at tahimik rin.Tumikhim siya. "S-Sa ikalawang mansyon ni amo sa bayan na 'to, sabi ni Manang." Napatango ako ha
AlaricTAHIMIK ko si Ric na hinintay habang nakayuko iyong ulo. Ayoko siyang tingnan na namimili ng mga damit sa cabinet ko. Mas lalo lang akong hindi nakakahinga sa isipin na may mali sa akin.Bakit ako nakakaramdaman ng ganito? Linggo pa lang ako rito pero si Ric, ang dami ng tanong na ibinibigay sa akin. Nangangailangan ako ng sagot niya.Bakit mo 'to ginagawa sa akin?Gusto ko iyang itanong. Ilang beses ko na itong pinag isipan at ibinahagi sa sarili kung tama ba, ngunit hindi ko pa rin kayang ibuka ang bibig ko para malaman niya iyong laman ng isip ko."How about...this dress? Kulay pula." Lantang gulay ang kamay na itinaas niya iyon habang umiiwas ng tingin sa akin. Pinagmasdan ko ang pulang dress na binili sa akin ni Mama noong birthday ko. Plain iyon at walang design. Pero dahil sa tindig ng may hawak nito, para itong kumikinang habang pinagmamasdan ko."I-Iyan nalang..." Dito lang ako sa loob pero kailangan naka-dress pa. Huminga ako ng malalim bago yumuko ulit."Alright..."
Hindi PwedeNAKAUPO ako ng tuwid sa loob ng sasakyan ni Ric habang siya ay nasa labas pa ng kotse. Ako lang ang taong nasa loob. Sinulyapan ko siya sa labas ng bintana at nakitang naroon pa rin siya nakatayo habang may kausap na kasambahay.Ang babaeng maid ay tumatango kay Ric habang nakikinig ng mabuti. Ang lalaki naman ay todo salita at turo ng mga pwesto sa hardin.Maya-maya, tumigil sa pagsasalita si Ric at saka nilingon ang pwesto ko. Kaagad na kumuyom ang kamao ko at napaigtad. Nanlalaki ang mga mata na iniwas ko iyong paningin ko sa kanya.Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit na niya sa sasakyan. Nang makalapit, pumasok agad siya sa front seat para magmaneho. Nasa likuran niya ako."Dito ka umupo..." Nilingon niya ako at nakitang seryoso iyong ekspresyon niya. Tumango ako sa gusto niya para wala ng mahabang usapan na mangyari.Lumabas ako sa kotse at pumunta sa katabi niyang upuan. Tumikhim ako bago umayos ng upo."Sa kabilang bayan tayo. Ayos lang ba 'yon sayo?" tan
EdadHUMIGA ako sa kama. Nasa sofa pa rin si Alaric at nagliligpit ng pinagkainan namin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita."Ayaw mo ba talaga?""Hmm?" Mabilis niya akong nilingon gamit ang nagtatakang ekspresyon."Pwede naman akong sa sahig nalang. Sa kama ka..." pangungumbinsi ko. Napakunot ang noo ni Ric bago tinapos ang nililigpit. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa kama ngunit malayo layo iyon sa akin.Palihim na nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglapit niya. Baka...pumapayag na siya."Lia...lalaki ako...""Tapos?" mahina ang boses ko. Umusog siya papalapit sa akin bago napabuga ng hangin. Naguguluhan ang ekpresyon niya."Hindi tayo pwedeng magsama sa isang kuwarto..." aniya, pagod ang mga mata nang titigan ko. Wala kong nagawa. Naiwas ko ang mga mata ko sa kanya habang kagat ang pang ibabang labi."Paano ang ngayon? Hindi ba nasa isang kuwarto tayo?" Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya dahil sa sinabi ko. Nilingon ko siya nang nagta
WeirdPUMASOK at nanatili kami saglit sa sinasabing bahay ni Alaric. Maganda sa loob, lalo na sa labas. May napakagandang hardin at halos mga bulaklak ang nakatubo roon. Dahil sa sinag ng araw, kung pagmamasdan, para silang diyamante na kumikinang.Nakatitig ako sa kanila habang nakatayo sa harapan ng bintana. Nasa ibaba ako ng bahay dahil nasa itaas pa si Ric na kanina ay nagpaalam para magbihis.Kaparehas sa mansyon ni Ric sa Aloguinsan, may hardin rin doon. Ngunit, kung iko-kompara sa pananaw ko rito sa hardin na pinagmamasdan ko, masasabi kong alagang-alaga ang mga bulaklak roon sa mansyon ni Ric.Maganda naman ang mga bulaklak rito sa bahay. Ngunit, ibang iba roon sa mansyon."You coming with me?" Natigilan ako sa kinatatayuan ko at agad na napalingon sa likuran. Nakita ko si Ric na abala sa pag aayos ng kusot sa damit niya habang nakayuko. Tumikhim ako."Pwede ba?" Hinarap niya ako at tinitigan."Oo. Sigurado ka? Masyadong mainit, hindi ka ba maarte?" mahina siyang napatawa at s
Be With YouMATAPOS makapag almusal. Dumiretso na kami ni Alaric sa kotse niya para makapagtrabaho na siya. Pagod ako sa byahe, aaminin ko. Ngunit, maayos ayos na naman ang pakiramdam ko nang makakain na ako.Tahimik na pinagmasdan ko ang mga nadadaanan naming bahay at mga puno sa gilid. May mga batang pansin ko ay napapatingin sa kotse ni Ric 'pag lumiliko. Tipid akong napangiti.Napapikit ako habang dinadama ang ihip ng hangin na tumatama sa magkabila kong pisngi. Kaunting mga hibla ng buhok ang nagagalaw dahilan para mas lalo pa akong mapangiti. Dahil sa pakiramdam, para akong nasa safe na lugar. Naisip ko, kung pwede labg sana na dito nalang ako manatili. Maganda ang ihip ng hangin at nakaka-relax. Hindi gaanong mainit kahit nasa ganitong mga oras.Maganda dito..."You feeling good?" Nawala ang ngiti ko sa labi nang makarinig ng magandang pagkaka-ingles ng nasa gilid ko. Liningon ko si Ric at awkward na nagkibit ng balikat. Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya habang ang
PagtatakaNA-KIDNAPPED ako. Grade five ako noon. Pauwi sa amin habang naglalakad. Bigla nalang may lumapit na babae at binigyan ako ng candy. Noong una ayaw ko noon dahil marami ng kumakalat na mga sabi sabi tungkol sa mga nawawalang bata.Kahit na hindi ako sumunod sa gusto nila, kinuha pa rin nila ako. Dinala sa madilim na lugar kasama ang ibang mga bata. Rinig ko noong hindi pa ako nakuha, ang mga nawawala raw na bata ay pinapatay at ipinagbibili sa mga mayayamang tao. Akala ko noong una ay ganoon rin ang gagawin sa akin.Mahigit dalawang araw akong wala. Nakakulong lang roon sa madilim na lugar kasama ang hindi pamilyar sa akin na mga mukha. Ngunit, ang akala kong mananatiling dilim ay biglang nawala. Nalayo ako roon at agad na naligtas.Kahit na nakabalik ako sa amin dahil sa mga pulis, iyong takot ay narito pa rin sa akin. Nakaalis man ako roon sa madilim na lugar, ang pait ng nangyari ay mananatili at mananatili sa isipan ko. Hindi iyon mabilis na mawala. At sa tingin ko, hindi
Selos na SelosANO? Seryoso...ba talaga siya?"After ng perma ko, magsisimula na sila bukas nang paggawa ng 'di gaano kalaking bahay. Pupunta tayo mamaya roon. I want you and your family to move here. Pero desisyon mo pa rin ang masusunod, Lia. Depende sayo...""P-Pero Ric...seryoso ka ba talaga?"Masyadong mabilis ang galaw niya. Paano kapag nalaman ito ng papa niya? Siguradong hindi sasang ayon iyon..."Naroon na ang papa mo sa mansyon, Lia. Ano ang sa tingin mo mararamdaman niya 'pag nalaman niyang galit na galit sayo si Papa?"Napaisip ako. Kung iyon ang mangyayari, paniguradong aalis si Papa at isasama niya sila Mama. Paniguradong sa akin iyon kakampi. Pero...Napatingin ako sa maamong mukha ng lalaki. Puno ng pag aalala ang mga mata niya. Lumunok ako bago napayuko."B-Bakit ka pa gumastos...""Hmm, ang importante ay ang kaligtasan ninyo..."Bakit ganito si Ric? Tingin niya ba sa papa niya ay masamang masama na talaga? Kinamumuhian niya ba ang papa niya? Dahil ba sa akin? Mas gug
Hatid At SundoHE'S silent but observant. Kahit na may sarili siyang pagkain, binabantayan at binabantayan niya ang pinggan ko kung kaunti lang ba o naparami na ang nakain ko. Kapag kaunti nalang, kukuha agad siya ng ulam at kanin at saka ilalagay sa harapan ko."M-Marami na, Ric. Hindi ko na 'to mauubos...""You sure? Edi ako na ang uubos—""M-Mauubos ko naman yata 'to. Huwag na pala..." Dahil sa agad na pagbawi ko sa sinabi ko, napatawa si Ric bago uminom ng tubig.Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa hindi gaano kahabang lamesa. Kami lang dalawa dahil kakaalis lang noong mag asawang Casiano. Pupunta raw kasi silang kabilang Purok. Mamayang gabi pa ang balik."Lia, pagkatapos natin dito, gusto mo na bang maligo sa ilog?" "Hmm?" Napabaling ako sa lalaking titig na titig. Kumurap ako at saka napatingin sa hindi na masyadong basa niyang buhok."Pero...kakaligo mo lang, Ric. Maliligo ka ulit?""Well, about that...Oo. Kasi sino ba naman ang sasama sayo sa tubig, 'di ba?" Nanunukso siya
Kasalanan Mo 'ToNAKAUPO ako ng walang imik sa loob ng bus. Ngunit, kinakabahan ako. Kahit na hindi dapat. Natatakot ako. Bakit ba nandito na naman si Bea? Akala ko tapos na iyong pagkikita namin sa party. Ano na naman 'to?Napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo niya nang huminto ang bus. Sa labas, kita ko ang ilang malalaki at matatayog na puno. Bumama siya roon. Nang makababa, umandar ulit ang bus ngunit nang silipin ko ang kinatatayuan niya sa labas, kita ko ang galit sa mga mata niya kahit na papalayo nang papalayo ang sasakyan.Napabuga ako ng hangin nang lumiko na ang bus. Pinilit ko ang sarili ko na mag focus ulit at alisin nalang iyong mga kaganapan sa isipan ko, ngunit ko kaya.Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Jessica. Me:Jessica. Mag usap tayo. May iku-kuwento ako.Ang gusto ko ngayong mangyari ay mailabas ang lahat ng hinanakit ko sa sarili ko, sa mga nagawa ko sa taong mahal ko pala.Hinintay kong mag reply si Jessica ngunit naabutan ako ng bus na
Walang Sayo"BEFORE we talk about...what you saw earlier, ayos ka ba, Lia?" Hindi ako nagsalita. Wala akong masabi. Hanggang ngayon blanko pa rin iyong utak ko dahil sa mga nangyari kanina.Si...Bea. "Baby? Please tell me what's wrong. Mukha kang pagod na sa lahat..." Napabaling ulit ako kay Alaric. Ang nag aalala niya kaninang mukha ay nadagdagan ng takot at pagsisisi. Para siyang hindi mapakali dahil sa pagbaling ko ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin."A-Ayos lang ako, Ric—""Huwag kang magsinungaling. Gago ako pero hindi tanga, Lia. Tell me. Kanina noong umalis ako hindi ka masyadong tulala, ngayon buong byahe na para kang wala sa sarili. May problema ba? Tungkol ba roon sa mga si—""Huwag na natin iyong pag usapan..." nasabi ko at saka siya iniwasan ng paningin. Naisip ko, si Bea mahal si Ric pero si Ric mahal ako. Ang papa ni Ric ayaw sa akin pero si Ric gusto ako. Iyong iba naniwala sa kasinungalingan ni Bea, ngunit si Ric hindi. Sa lahat lahat ng mga nangyari sa akin, si
Sinungaling"I'M sorry. Galit ka ba?" malambing na boses ang nagpatigil sa akin sa kakaisip. Nasa gilid ko siya, nagmamaneho ngunit ang buong atensyon ko ay nasa iniisip ko. Tungkol roon sa mga tinext niya kanina sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala.Si papa...magt-trabaho ulit? Pero paano si mama? Ano ang naging reaksyon noon?Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko kaagad ang kamay ko na tumaas at napunta sa kung saang lugar. Napalingon ako kay Ric at nakita kong hawak hawak niya ang kamay ko habang hinahaplos. Parang pinapakalma ako. Nasa daan ang mga mata niya, ngunit parang nakikita niya ang gulat sa mukha ko."Ibigay mo na sa akin 'to. Ako ang lalaban para sa atin...""R-Ric...bakit ba ginawa iyon ng papa mo? Ganoon ba ang galit niya sa akin kaya niya dinamay pati ang pamilya ko?""I don't know, Lia. Please...just trust me." Hindi na ako umimik. Nanatiling nasa baba ang paningin ko dahil nahihiya akong tumingin kay Ric.Mukhang kasalanan ko ang lahat. Sa ginawa kong pagsabat sa
Young Bride"SO, you love me?""O-Oo nga!" Kanina niya pa ako paulit paulit na tinatanong niyan. Nakaupo kaming dalawa sa sofa ngunit siya, hindi matanggal ang yakap sa akin. Ang mukha niya ay nasa balikat ko nakapatong. Rinig na rinig ko ang malalim niyang boses habang nagsasalita."I love you also, Lia..." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.Gusto kong ngumiti, ngunit naroon pa rin sa isip ko iyong mga sinent ng kapatid ko sa akin.Bakit ba nandoon ang papa ni Ric? Dahil ba sa mga nasabi ko kagabi? Bakit siya ganoon sa akin? Ni wala pa siyang nakikitang ebedensya. Bakit siya naniniwala agad?"A-Anong oras na nga?" tanong ko."Hmm? Alas tres na ng hapon. Bakit? May gagawin ka ba?""U-Uhm...Oo. Nangako kasi ako kaninang umaga kay Damaris na ngayong araw na ako magt-trabaho sa cafe. Alas singko ng hapon ako magsisimula...""Anong oras ka matatapos? Hatid na kita roon. Kunin na rin kita kung anong oras ka matapos sa trabaho mo..." Napatango ako at saka napangiti.Ang bait n
Mahal Kita"R-RIC, nakakahiya..." Uminit ang pisngi ko. Gusto niyo kasing magkahawak ang kamay namin. Nahihiya ako dahil baka madumi ang kamay ko o hindi malambot. Baka may pawis rin. Ayaw kong pagtawanan ako ni Ric. Kahit na alam kong hindi siya ganoon, pumapasok pa rin sa isip ko na baka asarin niya ako dahil sa paghawak namin ng kamay."Okay. I understand. Kain nalang tayo ng ice cream..." Sumang ayon agad siya dahil sa pagyuko ko. Mukhang na-gets niya na agad ang pinupunto ko.Napabuga ako ng hangin nang magkahiwalay ang mga kamay namin.Napansin kong ang suot niya ay kulay itim na blazer. Sa loob ay may kulay puti na t-shirt.Iyon sana ang suot niya ngayon kung naibigay ko sana."Hmm, what is it?" Sinundan niya ang tinitingnan ko nang mapansin niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at muling nag init ang mga pisngi.Napatawa siya ng mahina."Hindi ka ba komportable? Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" malambing ang boses niya kaya agad akong nataranta at umiling.Kasalukuyan kaming nagl
Ayaw Kong Pilitin Ka"YOU want me to?""H-Ha?" Napatingin ako sa paper bag na hawak ko nang mamataan kong naroon ang paningin niya. Kaagad akong umiling at saka sumabay sa kanya ng paglalakad."H-Huwag na...""Are you sure? Baka mabigat 'yan..." mahina niyang turan. Kumurap ako bago tipid na napangiti.T-shirt lang ang laman nito. Hindi mabigat dahil isang bagay lang naman ang nasa loob.Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papasok sa isang simbahan. Wala akong masyadong alam sa mga lugar dito sa Maynila kaya hindi ko masabi kung nasaan na kami."A-Ano ang gagawin natin dito?" kinakabahan kong tanong dahil gulat pa rin ako sa sinabi niya sa akin kanina.Pansin kong binalingan ako ni Ric nang makapasok na kami sa simbahan. Nasa harapan pa rin ang paningin ko at pinagmamasdan kapaligiran. Nasa akin pa rin ang paningin niya, mukhang wala siyang balak iyon na ialis sa akin."May dumi ba sa...mukha ko?" tanong ko, hindi pa rin siya binabalingan."Wala. While I was here, standing and starin
Akin Palagi Ang BintangANONG oras na nga ba? Gabi na at hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Nasa apartment na ako ngayon at kaarawan na ni Ric. Kahapon, hindi na kami nagkita dahil hindi siya pumunta rito sa apartment.Bali ako lang mag isa ngayon. Nakakapanghinayang dahil hindi kami nagkita kanina para sana makabati ako sa kanya."Ano ang isusuot ko?" mahina kong bulong habang ang atensyon ay nasa nakabukas kong malaking bag.Alas syete na at tinext ako ni Owen na magsisimula raw ang party alas otso ng gabi. Naghahanda na raw iyong iba sa mansyon."Maya maya nandito na si Owen. Naku naman!" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at saka bumalik sa paghahanap ng mga damit. May nakita ako t-shirt na kulay pink kaya agad ko iyong inilingan.Masyadong makulay. Gusto ko puti para hindi masyadong pansin sa ibang mga tao roon. Sigurado naman ako na maraming bisita si Ric. Kung pupunta man talaga ako, kailangan kong magmukhang maayos.Nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko. Napaisip