Share

The Young Bride of Mr. Alaric Levine
The Young Bride of Mr. Alaric Levine
Author: youreminestrawberry

Simula

last update Last Updated: 2024-02-02 11:06:28

WALA NA akong magagawa pa. Gustuhin ko man o hindi, ipapakasal nila ako. At sa amo pa talaga ng papa ko.

"Isipin mo nalang na ito ang makakapagpabusog sa at—"

"Ma naman...Pwede ba i-iba naman? Pwede ba, isipin niyo rin naman iyong mararamdaman ko?" Ilang beses na akong umiyak sa harapan nila. Ilang beses na akong nagmakaawa at lumuhod para lang hindi matuloy iyong mga binabalak nila sa akin, ngunit hindi pa rin nila ako tinulungan na tumayo.

Hinaplos ni Mama iyong pisngi ko. Narito kaming mag ina ngayon sa kama ng kuwarto ko. Habang ako ay lumuluha, siya naman ay pinapatahan ako. Para niyang inihahatid na wala ni isa siyang magagawa para matigil itong kalokohan na ito.

"Pagkatapos na pagkatapos ng tatlong buwan, ipaghihiwalay namin kayo. K-Kahit na...amo siya ni Glen, gagawa ako ng paraan," nanginginig na paliwanag ni mama. Mas lalo kong nahigpitan iyong pagkakayakap sa bisig niya.

Hindi ko kaya...

"M-Ma, rinig ko...matandang lalaki at mahilig raw sa babae iyong papakasalan ko. M-Mama, ayoko..." Mas lalo akong napaluha. Umiling iling ako at pumikit pa ng mariin.

Alam kong pinipiga ang puso ngayon ni mama. Minsan ay sinasabi niya iyan dahilan para matigil ako sa pag iyak. Ngunit, kung sasabihin niya rin naman iyan ngayon, hindi ko alam. Hindi yata ako matitigil sa kakaluha dahil sa ito na ang huling pag iyak ko ngayong gabi.

Hindi ako galit

Narinig ko kanina sa batang kapatid kong lalaki, bukas na raw iyong magiging alis ko papuntang kabilang bayan.

Nasa kabilang bayan nagt-trabaho si papa, kaya sigurado akong sa matandang babaero ang abot ko bukas. Napahikbi ako at mas lalong nagmakaawa kay mama na hindi na ako patuluyin.

Ngunit, puro iling at paghingi ng tawad lang ang lagi niyang sinusukli sa mga luha ko. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at saka tinabunan iyong mukha ng puting unan.

Kaya nilang gawin ito sa anak nila? Ibibigay nila ako sa kung sinong 'yon?

Huminga ako ng malalim bago kinalma ang sarili. Kung pwede lang sana akong lumayas. Kung pwede ko lang sanang talikuran nalang ang lahat ng ito.

"K-Kung pwede lang sana..." bulong ko at mahinang napahikbi.

Seventeen pa lang ako. At saka sa edad kong 'to, imposible akong mabuhay mag isa. Kaka-seventeen ko lang rin noong October. Aaminin kong medyo wala pa akong masyadong alam sa kapaligiran. Lalo na sa kabilang mga bayan.

Nasa Cebu kami, sa probinsya. Hindi ko man alintana ang mga nangyayari sa syudad, ang importante pa rin sa akin ay iyong pamilya at pag aaral ko.

Kaya wala. Wala na akong magagawa pa. Kailangan kong magpakasal sa ganitong edad. Kahit na sa batas ay bawal iyon, hindi ko na inisip pa kung paano gagawin ng matandang iyon ang pagpapakasal sa menor de edad na katulad ko.

Mukhang ito yata ang nakatadhana sa akin...

"Sorry, anak..." Dinig kong bulong ni mama bago ko naramdaman iyong paghaplos niya sa buhok ko.

Kaagad akong humarap nang mapansin ko ang ingay ng pagkakasarado ng pintuan. Nilingon ko ang kaninang pwesto ni mama. Wala na siya roon. Malamang ay umalis na siya dahil ayaw ko pa rin tumigil sa pagkakaiyak.

Napabuga ako ng hangin at saka kinuha iyong cellphone ko. Pinadalhan ko ng text ang ka-klase kong si Shiela.

Nagpaalam ako gamit iyong ilang salita bago pinindot ang sent. Sapat na iyon. Si Shiela lang naman ang malapit sa akin sa school namin kaya wala ng dahilan para hingan ko siya ng pabor para ipagpaalam na din ako sa mga ka-klase namin.

Inilagay ko sa unan iyong cellphone ko. Umupo ako sa kama at maya maya ay agad rin na humiga dahil sa napakarami ng iniisip. Napapikit ako.

Kung saan man 'to patungo, sana naman ay walang mangyari sa akin at sa pamilya ko. Gagawin ko, hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila. Magpapakasal ako sa doble ang tanda sa akin para lang matustusan ang pangangailangan namin.

Sana naman...maging maayos ang lahat pagkatapos.

TIPID AKONG tumango nang pagtulungan ako ng pamilya ko. Ilang ulit nila akong tinanong ng mga gagawin ko para maging maayos ang pakiramdam ko roon. Lalo na si papa. Humingi siya ng tawad ilang beses bago ako mahigpit na niyakap.

"P-Papa..." Naiiyak ako. Ayokong mawalay sa kanila, ngunit wala na akong magagawa.

Nakita kong kinuha ni papa iyong dalawang bag kong malalaki. Naglakad siya papuntang sasakyan na kanina pa madaling araw na nandito sa labas ng bahay namin. Huminga ako ng malalim bago naglakad ng dahan dahan sa kotse.

Nang nasa pintuan na, nilingon ko sila mama at nakitang lahat sila ay parehas ng reaksyon. Naiiyak na ngumiti sa akin ang kapatid kong si Willy. Kinse anyos.

Napangiti ako at saka kumaway sa kanilang dalawa. Kita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata ni mama. Nandito na. Tatanggapin ko nalang ng tahimik habang iniisip iyong kinabukasan ng pamilya ko pagkatapos ng lahat ng ito.

"Mag iingat ka." Ngumiti ako kay papa. Siguro ay nakarga niya na lahat ng mga gamit ko sa loob ng kotse.

"Iyan iyong lagi kong iisipin, papa."

"Kung ganon...salamat. Maging maayos ka lang roon, ayos na ako, Lia." Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para maramdaman ko iyong pangingilid ng luha ko. Pumikit ako at dinama ang yakap ng isang ama.

Alam kong ayaw nila itong mangyari. Base sa mga galaw at ekspresyon nila, alam kong hindi nila ako hahayaan na mapahamak.

"Huwag kang mag alala, nangako naman ang amo ko na hindi ka niya ilalagay sa gulo. May tiwala ako roon." Hinalikan niya ako sa noo. Tumango ako kay papa nang nagpupunas ng luha sa gilid ng mga mata.

"S-Salamat, papa," bulong ko. Tumango siya at saka ngumiti.

Pumasok na ako ng tuluyan sa kotse. Ilang ulit akong kumaway sa papalayong mga magulang ko habang hindi maalis ang pekeng kurba sa labi.

Napalunok ako. Huminga ako ng malalim at saka umayos ng pagkakaupo nang mawala na nga sa paningin ko sila mama.

Kailangan kong maging kalma.

"Ma'am?" Napadilat ako at saka napalinga linga sa paligid. Nakatulog ako dahil sa mga isipin.

Umawang ang labi ko nang mapansin ko ang pagkakayuko ang driver ng kotse sa gilid ko.

"Narito na po tayo." Umalis siya sa gilid ko, ngunit nakabukas pa rin ang pintuan ng kotse. Lumunok ako at dahan dahan na bumaba ng sasakyan.

Kaagad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Wala na iyong driver. Ako nalang mag isa kasama iyong mga...bulaklak.

Kinurot ko ang kamay ko para ipaalam sa sarili kong hindi ako nananaginip. Kakagising ko lang, malay ko bang hindi nga ito panaginip.

Inayos ko iyong pagkakatayo ko. Isa sa habilin ni papa sa akin ang pagiging tahimik ko sa lahat ng oras.

Sinabi niya, ayaw raw ng amo niya ng maiingay. Kailangan kong hindi magsalita. Kung tatanungin ako o papasalitain, doon na daw ako dapat gumawa na ng galaw.

Palihim akong napangiti dahil sa kagandahan nang hardin ng lugar na ito. Nasa gilid ang mga ilang klase ng bulaklak habang sa gitna ang daan ng mga tao o sasakyan.

"Ang...ganda.." Hindi ko mapigilan. Malawak akong napangiti habang pinagmamasdan ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak.

"Kasing ganda ka nga nila." Natigilan ako nang may marinig na boses. Malalim ang tono nito at hindi mo masasabi kung natural ba o sadya ang pagkakabanggit nito ng mga salitang iyon.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ako napalunok at napayuko.

Ayokong balingan iyong nasa gilid ko. Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang tangkad niya sa akin habang pinagmamasdan ako ng mabuti.

Ito na ba iyong matanda? Matangkad na matanda? Siguro ay hindi pa siya ganoon katanda sa inaakala ko kaya ganito katangkad ang isang 'to.

Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili.

Hinarap ko ang matanda. Sa oras na napunta na sa kanya iyong buong mukha ko, kaagad kong dinilat ang mga mata ko para tingnan ang itsura ng papakasalan ko.

"Tama nga ako." Walang kurap akong mas tinitigan ng akala ko'y singkwenta anyos ng matanda. Napalunok ako nang makita kong umangat iyong sulok ng labi ng binata.

Hindi ko alam na may kasing edad akong kasama rito. At lalaki pa.

Kaagad na naestatwa ako nang makita ko ang mabilis na pagkunot ng noo niya. Hindi dahil sa pagkakakunot ng noo niya, kundi sa tanong niyang hindi ko aakalain na babanggitin niya.

"Who are you? Bago ka bang kasambahay rito?" Napakurap ako at saka nanigas sa kinatatayuan. Nanginig ang binti ko at hindi makapagsalita.

Wala akong...masabi.

Napalunok ako.

"Hey, I'm asking you." Tinuro niya ako. Pinagmasdan ko iyong seryoso niyang ekspresyon habang nakaawang iyong labi.

"U-Um..." Hindi ako makapagsalita.

Sa perpektong hugis ng mga mata, pababa sa ilong at bibig niya, doon ako nakatunganga. Hindi ko maalis iyong paningin sa mga mata niya. Sobrang ganda ng mga iyon.

"Nakikinig ka ba? Can you hear me?" Mas naging intense ang pagkakatitig niya sa itsura ko. Para siyang binigo ng inutusan niya.

"Damn it! Hindi ka ba nakakapagsalita?" Bumalik ang isipan ko sa akin nang makita ko siyang lumayo at napamura sa gilid.

Maya maya, hindi ko maiwasang hindi makagat iyong pang ibabang labi ko bago nag isip ng sasabihin.

"U-Um...nandito ba ang papa mo?" tanong ko. Mukha siya ang may ari sa bahay na ito base sa pagtawag niya sa aking bagong kasambahay. Hindi na ako magugulat pa kung siya iyong anak ng matandang papakasalan ko.

Hinarap niya ako. Dahil sa bilis ng galaw niya, kaagad akong napaatras ng ilang hakbang habang ilang ulit na napasinghap.

Madilim ang ekspresyon niya akong pinagmasdan.

"You know my father? How?" tanong niya, malamig ang boses. Napailing agad ako.

"A-Anak ako ni Glen De Ner—"

"Oh, so...you.." Nagulat ako at hindi makapaniwala dahil sa mabilis na pagbabago ng reaksyon niya. Malumanay ang mga mata na tiningnan niya ang kabuhuan ng katawan ko.

Kaagad na naalerto ako at napayuko.

"I-Ikaw ba 'yong anak ng...matandang papakasalan k-ko?" tanong ko, hindi na makapagpigil. Alam kong nakakahiya iyong klase ng pagtatanong ko, ngunit wala na akong choice.

Kaagad na nakarinig ako ng mahinang tawa na para bang sobrang nakakatawa iyong sinabi ko.

"Well...yeah. I am...Ric. Son of my father, Mr. Levine." Nang marinig ko ang pagpapakilala niya, hinarap ko siya at saka napakurap ng ilang beses. Mukha siyang hindi seryoso sa sinabi niya base sa ekspresyon ng mukha niya.

"S-Seryoso ka ba?"

"Yes. Bakit? Hindi ka naniniwala?" Humakbang siya papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko bago ko nakita ang mabilis na pag angat ng sulok ng labi niya. Nasisiyahan niya akong pinagmasdan.

Baliw ba...ang lalaking 'to?

Umatras ako sa kanya, ngunit nahuli ako. Kaagad kong naramdaman iyong kamay niya sa kamay ko. Napasinghap ako at saka hindi makapaniwala siyang tiningnan.

"A-Anong—"

"Shh! Baka may makarinig." Nakita kong inilapat niya iyong hintuturo niya sa labi niya para patigilan ako sa pag ingay.

Ilang segundo kaming nagkatitigan lang. Puno ng saya at pagtataka iyong mga mata niya habang pinagmamasdan ako. Akala ko ay hindi ko makakaya siyang titigan, ngunit mukhang pinagpala ako sa oras na ito. Napakurap ako nang makita ko siyang agad na umiwas ng tingin sa akin nang kagatin ko iyong pang ibabang labi ko. Inalis niya iyong pagkakahawak sa kamay ko at saka umatras sa kinatatayuan ko.

Narinig ko siyang napatikhim.

"G-Gusto mo na bang makita iyong...kuwarto mo?" tanong niya, nasa mga bulaklak na ang paningin. Tipid akong tumango kahit na nakatulala pa rin sa gilid.

Pagod ako. Hindi ko alam kung saan. Basta ang alam ko, sobra akong nanghina sa mga titig na iyon.

Related chapters

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 1

    JerseyPINAGMASDAN ko ang kapaligiran ng napakagandang mansyon. Kung kanina ay 'yong hardin sobrang ganda, mas dumoble ang kalinisan at kagandahan ng mansyon sa labas, lalo na sa loob.Napanganga ako. Pansin ko iyong halos sampung kasambahay na may kanya kanyang uniporme habang seryosong naglilinis sa living room. Kaagad na lumiko kami sa isang daan na may double doors. Pumasok kami roon nang buksan ng nasa unahan ko iyong pintuan.Ganito ba kayaman ang papakasalan ko?"M-Mabait ba ang papa mo?" Agad na napansin ko iyong paghinto ng nauna sa paglalakad. Natigilan ako at ganoon din ang nagawa.Hinarap niya ako. Seryoso iyong mukha niya ngunit ilang saglit lang rin ang nakalipas, napatawa siya habang titig na titig sa akin. Napakunot iyong noo ko at nahihiyang napayuko dahil sa tono ng boses niya. Naramdaman ko ang pagtalikod niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang natatawa pa rin.May nakakatawa ba?"Well, mabait iyong groom mo. Mabait at gwapo." Habang siya ay nakatalikod,

    Last Updated : 2024-02-02
  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 2

    Kapalit"MOVE!" Napapikit ako nang mariin. Malakas ang boses noong nagsalita dahilan para agad na pumagilid iyong mga kasambahay."You? What are you doing here? Hindi ba sabi ko ay ako ang pupunta sa kuwarto mo?" malamig ang boses niya habang pilit akong pinapakumpirma. Hindi ako nagsalita. Nanatiling nasa ibaba iyong mga mata ko habang nakasarado.Gusto kong tumakbo papalayo sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.Pilit kong pinapababa iyong jersey na suot ko. Sana pala ay 'yong basa nalang ang isinuot ko. Bahala magmukha akong tanga tingnan, basta may maisuot lang. Basta hindi lang ito."Answer me, Lia. Huwag mo akong paghintayin." Mas lalong bumigat iyong nararamdaman ko. Natatakot na ako. Pero wala ako ni isang magawa para man lang makatakas."I-Iyong bag ko..." mahinang sinabi ko. Idinilat ko ang mga mata ko at saka pinakatitigan ang mga taong nasa gilid ko. Lahat sila ay nakayuko katulad ko."Hmm...what about it?" Napansin ko agad ang paghina ng boses niya. Hinarap ko siya nang n

    Last Updated : 2024-02-02
  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 3

    DrunkHINDI AKO nakatulog nang gabing iyon. Dahil sa mga salita ni Ric, hindi ko na nagawa pang ipikit iyong mga mata ko. May mga gusto akong malaman pero natatakot akong itanong. Siguro ay nasabi niya lang iyon, dahil ako ang magiging asawa ng papa niya. Ayaw niya sigurong umalis ako dahil...."Anong dahilan?" mahina kong tanong sa sarili ko.Kinaumagan, ang una kong ginawa ay nag ayos ng mga gamit ko. Alas sais pa lang ng umaga, may mga kasambahay na agad na kumatok sa pintuan ko dahilan para magising ako. Nalaman ko lang na dala na pala nila iyong mga bagahe ko.Sinimulan kong ilagay iyong ibang damit ko sa cabinet. Kaunti lang ang mga damit roon na pang lalaki at masyadong maluwag pa sa loob."Kakain na po." Mabilis na tumango ako sa isang maid na kumatok sa pintuan ko. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. Kakain, malamang, sabay kami. Napabuga ako ng hangin.Naligo ako sa banyo at nagbihis sa labas na. Dali dali kong sinuot iyong t-shirt ko at saka huminga ng malalim. Nagsuklay ako

    Last Updated : 2024-02-02
  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 4

    Sasamahan Kita Ngayon"P-PAG IISIPAN ko pa, Ric..." Hindi ako makapaniwala sa bigla niyang sinabi. Ilang saglit akong tahimik habang siya ay patuloy pa rin akong pinagmamasdan.Natapos ang gabi at sumapit ang umaga. Hindi pa man lumiliwanag ng sobra ang araw, nalaman ko nalang na naroon na ako sa kuwarto ko kinaumagahan. Naalala ko, nakatulog ako habang nasa tabi ni Ric. Ang lalaking iyon ay umiinom pa rin habang parehas kaming tahimik. Wala na ni isang nagsalita sa amin."P-Pwede na ba akong lumabas?" nag aalala kong tanong sa maid na siyang laging naghahatid sa akin ng pagkain. Ngayon ay may dala na naman siyang tray. Nakita ko siyang ngumiti at tumango."Opo. Nga pala, wala si amo ngayon. Apat na araw siyang magta-trabaho sa bukid nila ng mga kapatid niya. Sa mga susunod na araw pa siguro siya makakabalik rito." Lumabas siya ng kuwarto ko matapos akong yukuan. Hindi ako nakapagsalita.Napabuga ako ng hangin. Maya maya, nag-desisyon akong maligo na muna. Maingat kong kinuha sa cabin

    Last Updated : 2024-02-02
  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 5

    MaynilaNAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati."Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to."Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti."Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam."Kailan siya...dumating?""Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong da

    Last Updated : 2024-02-02
  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 6

    AsarNAGLAKAD ako papuntang lababo ng kusina at agad na naghugas ng kamay. Nang matapos, bumalik ako sa mga kasambahay na ngayon ay patuloy pa rin na nagk-kuwentuhan."Hala siya, bakit naman 'yon sinabi ng pamangkin mo, Manang Milly?" Nakita kong nagkibit balikat si Manang at saka ako nilingon. Napansin kong sinundan ng ibang nakapalibot sa kanya iyong tinitingnan niya. Nagsiyukuan silang lahat habang ako ay hindi pa rin nasasanay sa mga trato nila sa akin. Napalunok ako at awkward na ngumiti."Ano ang pinag uusapan ninyo, Manang?" tanong ko para maialis iyong hiya sa reaksyon ko. Ngumiti si Manang at agad na tumagilid para siguro papasukin ako sa bilog na ginawa nila ng mga kasama niya. Huminto ako sa paglalakad."Wala, Ma'am. Nagk-kuwento lang ako ng mga trato ng pamangkin ko sa akin." Napatango ako at mas lalo pang napangiti."Bakit po? Ano po ba ang trato nila sa inyo?" mahinang napatawa si Manang at agad na napatingin sa mga kasama niya. Mukha siyang nahihiya."Kanina pa namin p

    Last Updated : 2024-02-05
  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 7

    MaliNATAPOS kami sa kakahintay sa machine kung saan nilalabhan ang mga damit. Nang tumigil iyon sa kaiikot, kaagad namin iyon ni Jessica pinuntahan.Nasa dryer sila Marie at Manang. Naghihintay lang rin nang pagkakatuyo ng mga tapos ng nalabhan na damit.Sinulyapan ko si Ric na ngayon ay nakatayo ng tuwid malapit sa dalawang pintuan. Nasa dalawang dibdib niya iyong mga kamay niya at naka-cross ang mga iyon. Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ng palihim iyong kabuuhan ng katawan niya.Ilang beses ko na siyang ninakawan ng tingin, mabuti nalang at hindi niya ako nahuhuli. Sisiguraduhin ko rin naman na hindi niya ako mahuhuli kaya hindi ko na dapat iniisip pa iyong magiging reaksyon niya 'pag nakita akong nakatingin."Saan na kayo 'pag...wala ng titira dito?" Sinimulan kong pag usapan iyong anunsyo ni Ric para makagawa ng mga salita kasama si Jessica. Nasa tabi ko siya at tahimik rin.Tumikhim siya. "S-Sa ikalawang mansyon ni amo sa bayan na 'to, sabi ni Manang." Napatango ako ha

    Last Updated : 2024-02-05
  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 8

    AlaricTAHIMIK ko si Ric na hinintay habang nakayuko iyong ulo. Ayoko siyang tingnan na namimili ng mga damit sa cabinet ko. Mas lalo lang akong hindi nakakahinga sa isipin na may mali sa akin.Bakit ako nakakaramdaman ng ganito? Linggo pa lang ako rito pero si Ric, ang dami ng tanong na ibinibigay sa akin. Nangangailangan ako ng sagot niya.Bakit mo 'to ginagawa sa akin?Gusto ko iyang itanong. Ilang beses ko na itong pinag isipan at ibinahagi sa sarili kung tama ba, ngunit hindi ko pa rin kayang ibuka ang bibig ko para malaman niya iyong laman ng isip ko."How about...this dress? Kulay pula." Lantang gulay ang kamay na itinaas niya iyon habang umiiwas ng tingin sa akin. Pinagmasdan ko ang pulang dress na binili sa akin ni Mama noong birthday ko. Plain iyon at walang design. Pero dahil sa tindig ng may hawak nito, para itong kumikinang habang pinagmamasdan ko."I-Iyan nalang..." Dito lang ako sa loob pero kailangan naka-dress pa. Huminga ako ng malalim bago yumuko ulit."Alright..."

    Last Updated : 2024-03-11

Latest chapter

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Wakas

    Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 53

    Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 52

    Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 51

    TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 50

    Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 49

    Past Ruined It all"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat."Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako."Take your time..." sinabi niya."Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman."U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 48

    Bata PaDAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin."Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.Napalunok ako bago napayuko."Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon...""Sagutin mo muna, Lia..."Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon."Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko."Oo, pero

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 47

    Maagaw SiyaSERYOSO ba talaga siya?"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina."Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko."G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa."Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng k

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 46

    Matapos"DAMARIS...""Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling."Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—""Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Baki

DMCA.com Protection Status