All Chapters of The Young Bride of Mr. Alaric Levine: Chapter 51 - Chapter 55

55 Chapters

Kabanata 50

Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto
last updateLast Updated : 2024-12-31
Read more

Kabanata 51

TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

Kabanata 52

Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

Kabanata 53

Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

Wakas

Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status