All Chapters of The Young Bride of Mr. Alaric Levine: Chapter 21 - Chapter 30

55 Chapters

Kabanata 20

Lalayo"GUSTO mo bang ihatid kita?" si Ric sa likod ko. Tahimik akong umiling bago humarap sa kanya nang makalabas kami ng kuwarto. Ako ang naunang naglakad dahil pilit niya akong pinapaharap.Ayaw kong humarap sa kanya kanina dahil may luha pa sa mga mata ko."Sorry sa mga ginawa ni Papa..." Tipid lang akong tumango at saka ngumiti."Tama naman ang sinabi ng Papa mo...""Uhm...Lia, huwag ka sanang maniwala. Nasabi lang iyon ni Papa dahil sa nangyari kay Mama. Please, don't go..." Napatingin ako kay Ric. Nakita kong seryoso ang mukha niya ngunit puno ng pag aalala ang mga mata. Huminga lang ako ng malalim bago patagong ipinasok sa bulsa ang inilahad kanina ng papa niya.Hindi dapat 'to sinasabi ngayon ni Ric. Papa niya iyon at may nangyaring masama sa mama. Hindi pwedeng baliwalain niya nalang iyon para lang sa akin..."Lia, about...what I said last time, totoo iyon. Naiintindihan mo naman siguro, hindi ba? Na...gusto kita?" Kaagad na nawalan ng kulay amg mukha ko at nakaramdam ng pag
last updateLast Updated : 2024-06-27
Read more

Kabanata 21

Akala KoBUWAN ang lumipas. Nalaman kong may mga bayarin rin pala rito sila mama. Pinagtulungan namin iyon at syempre, gumastos rin ako para hindi sila mama mahirapan. Mabuti nalang at malapit na iyon naming matapos.Ang bahay namin, apartment lang. Malaki laking apartment dahil iyon ang gusto ni papa. May trabaho pa kasi siya noon, ngayon wala na. Ayaw niya na daw bumalik sa mga Levine dahil ilang taon na rin siyang nagta-trabaho. Gusto niya daw munang magpahinga, kahit saglit. Tapos, magt-trabaho na naman ulit. Pero hindi na kina Alaric.Sumang ayon ako kasi ang sinasabi niya lang ay ayaw na niyang bumalik pa ako doon. Ayaw niyang, maging kapalit na naman ako sa pagtulong ni Ric sa kanila.Napabuga ako ng hangin. Naghuhugas ako ngayon ng mga pinggan sa lababo nang marinig ko ang ingay ng cellphone ko. Pinatuyo ko muna ang kamay ko sa damit ko bago kinuha ang cellphone para masagot. "Hello?" Walang sumagot. Sandali akong natigilan at saka tiningnan sa cellphone kung sino ang tumata
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more

Kabanata 22

RegretIYAK ako ng iyak pagkatapos makabalik sa amin. Ilang beses kong pinagsalitaan ng masasakit na salita si Alaric sa isipan ko. Kahit na hindi ko dapat iyon isipin, wala akong magawa dahil sobra sobra ang bigat ng nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin. Oo kaunting panahon lang iyon, pero napalapit na ako sa kanya! Mabuti siya at maalaga. Pero noong una lang pala iyon. Pinaikot niya ako na ako lang ang gusto niya! Akala ko totoo iyong sinabi niya kahit na alam kung nag sinungaling na siya noon sa akin.Nakakapikon na nakakalungkot..."Bakit ka umiiyak? Bakit ka nagagalit sa kanya gayong sinabi mo na wala kang nararamdaman para sa kanya?" Napasinghot ako bago humarap kay mama. Nakayakap pa rin ako sa kanya habang nakahiga sa kama. Nandito kaming dalawa ngayon sa kuwarto ko."Ma...May kahalikan siya. Nasasaktan ako..." mariin kong sinabi bago malakas na napahagulgol. Napansin ko ang pilit na ngiti na mama bago pinahiran ang mga luha ko sa
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more

Kabanata 23

Levine"MAG IINGAT KA, Lia. Nandito lang kami palagi..." si Mama nang makalabas sa pintuan ng apartment namin. Dala dala ko ang bagahi ko sa kanang kamay habang tinutulungan ako ni Willy sa isa ko pang bag. Lumabas ako ng apartment namin bago humarap kina mama at papa na ngayon ay naghihintay na sa akin."Opo. Mag aaral rin ako ng mabuti para sa inyo. Kung pwede rin, magtrabaho rin ako para naman hindi kayo medyo mahirapan..." Ngumiti ako. Sumang ayon si mama pero si papa umiling."Baka ikaw pa ang mahirapan. Dapat komprable ka roon at hindi namo-moblema." Lumapit sa akin si papa at kinuha sa balikat ko ang malaki kong bag. Pinasok niya iyon sa isang traysikel na nasa likod nila mama. May driver rin doon na naghihintay at paniguradong nakikinig sa usapan namin."Pa, ayos lang. Ang importante naman maayos ako doon, 'di ba? Magiging okay ako. Huwag kang mag alala.""Siguraduhin mo lang. Ang susunod sayo si Willy kaya pagbutihin mo.""Huwag mo naman pressure-n ang anak mo, Glen!" awat ni
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more

Kabanata 24

LiliTUMIGIL KAMI sa isang hindi gaano kalaking gate na sa gilid ay may mahabang hagdanan. Napalunok ako at umiling agad nang makatingin sa akin si Aris."H-Huwag na. Ayos lang po ako. Baka po nakakaabala—""Sus! Wala 'yon. Ang importante naman tumulong ako. Tanggapin mo na itong offer ko, kahit ngayon lang. 'Pag nakahanap ka na ng malilipatan at maayos na tayo, then, makakaalis ka na. Just don't call a cop, okay?" Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti nalang. Sa lawak ng Maynila, bakit kapatid pa ni Ric ang tumulong sa akin? Pwede namang iba nalang. O pwede din, huwag nalang ako tulungan ng kung sino dahil nakakatakot iyon.First time kong mag isa sa lugar na 'to. Bago ito sa pakiramdam ko pero hindi naman bago sa akin ang paningin sa lugar. Pero kahit na ganoon, kailanga ko pa rin mag ingat."Hali ka, pasok tayo sa taas." Nang makalabas ng kotse, agad na humarap sa akin ang babae habang masaya ang ekspresyon. Napabuga ako ng hangin bago sumang ayon. Mabait sa akin si Ric noong tu
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more

Kabanata 25

TextNASA kuwarto ako. Kanina, inibigay ko kaagad kay Damaris ang cellphone dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi lang kaba, sobra sobrang takot na baka marinig niya ako. Ayaw kong malaman niya na ako iyong nasa kabilang linya.Huminga ako ng malalim bago kinuha ang mga napili kong damit sa bag ko. Aalis ako at mag e-enroll sa mga gusto kong unibersidad. Ayos naman siguro ang mga grades ko. Malalaki ito at walang subject akong nasayang. Ang naging problema lang noon sa guro ko noong grade 12 ko, may ilang araw akong absent. Mabuti nalang naagapan dahil ginawa ko lahat ng mga projects na kulang sa akin."Dahil talaga 'yon sa pagtira ko kina Ric..." Natigil pa ako saglit dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya. Napailing ako. Ang una ko ngayong gagawin ay hindi magpakita kay Damaris na aalis ako. Baka kasi...ilahad na niya naman sa akin ang cellphone niya.Lumabas ako ng kuwarto matapos makaligo at makabihis ng damit. Naihanda ko na rin ang pamasahe ko papunta sa mga pupuntahan kong luga
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more

Kabanata 26

Party"OO, ano ka ba. Ikaw susunod sa akin dito." Nang tumawag ang kapatid kong si Willy noong Bernes, wala akong ginawa kung hindi ang kausapin siya. Kapag sinasabi niyang papatayin na niya ang tawag, pinipilit ko siyang magkwento pa ng mga kaganapan sa amin.Gusto kong malibang. Para na rin...mawala na sa isip ko iyong pakikipag-text ko kay Ric. Noong gabi kasi na 'yon, hindi ako nakatulog kaka-reply sa mga text niya. Sinasabi niya ang tungkol sa kapatid niya at...hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa sarili ko. Parang...ang saya ko dahil lang sa nagkausap kami?Pero hindi. Hindi pwedeng mapalapit na naman ako sa kanya. Sa ginawa niya sa akin?"Magkwento ka pa, Wil," mariin kong sinabi. Narinig ko siyang napatawa ng mahina."Oo na...Ay ate, meron pa pala. Si mama. Noong nakaraang araw pa 'to. May kausap kasi siya sa labas. Matandang lalaki. Naka kotse pa. Wala si papa no'n dahil naghahanap ng trabaho. Tapos, iyong matandang lalaki, seryoso lang ang mukha at para
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Kabanata 27

PagkikitaNAPALUNOK ako.Nilingon ko si Damaris at nakitang may kausap na siyang lalaki. May ilang tao sa kinaroroonan namin dahilan para makaramdam ako ng medyo pagkirot ng ulo."Oh, come on, Leo. May kasama ako, okay? Here's Lili. Kaibigan ko siya at type siya ni Ala." Pakilala sa akin ng babae sa isang gwapong lalaki. May manipis na labi. Kulay brown ang mga mata at may dimples. Hindi siya gaanong maputi. Sakto lang. Pero halata siyang mayaman at malinis. Naka t-shirt siya ng manipis at kulay puti iyon.Agad akong nahiya at napayuko."She's pretty. Baka gawing babae 'yan mamaya ni Paul, ah. Ilang taon na ba siya?""Seventeen."Napatingin agad iyong Leo kay Damaris. Hindi makapaniwala iyong reaksyon niya."Gago ka. Bata pa pala 'yan. What the fudge...Sorry, miss..." Nagiging ayaw ko na agad dito. Dahil sa kaba at takot na nararamdaman, parang gusto ko nalang na lamunin ako nang buo ng lupa.Hinawakan ako sa pulsuhan ni Damaris at agad na umalis kami roon. Pansin ko ang ilang mga nak
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Kabanata 28

Kakilala LangNAKATINGIN ako kay Owen habang seryoso ang mukha. Para akong nakikinig sa lalaking masayang nagk-kwento. Ramdam ko ang mga mata niya na nasa akin pa rin. Nakaupo na siya sa upuan kasama ang mga kaibigan ni Damaris pero wala man lang siyang sinagot sa mga tanong ng nakapalibot sa kanya.Nag uumpisa na akong kabahan. Hindi na ako komportable. Kung sana ay ayos lang na umalis na. Kaso, kararating lang namin. At kararating niya lang din. Baka isipin niya...kaya ako aalis dahil sa kanya."Ala, kumusta na pala? Ngayon ka lang ulit namin nakita, ah?" tanong noong isang lalaki malapit sa kanya. Binalingan niya lang ito saglit at saka tipid na sinagot. Agad niya rin ibinalik ang paningin sa akin. Kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.Napalunok ako at palihim na umiling para pigilan ang sarili na tuluyan ng humarap."C-Cr lang ako..." paalam ko kay Owen. Agad siyang nagtaka pero tumango rin. Tumayo ako at inilibot ang paningin. Napunta sa kanya iyong mga mata ko pero agad rin na b
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Kabanata 29

Sasakay KaKASAMA KO ngayon sila Aris. Kakatapos lang naming mag usap ni Owen at naka akbay siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kanya.Siguro dahil doon sa mga pagsagot niya sa mga tanong ko kanina habang umiiyak. Halos isang oras ko siyang kasama sa garden. Ala siyang ibang ginawa kung hindi ang patahanin ako. Nakinig siya sa akin gamit iyong nag aalala niyang ekspresyon.Napakabilis ng oras. Parang kahapon lang iyong pagtulak ko sa kanya palayo dahil ang tingin ko sa kanya, masamang tao. Nakakapagsisi."Sakay na," si Damaris bago pumasok sa driver seat. Basa ako at ang magmamaneho. Si Owen lang iyong hindi.Sabay kaming pumasok ni Owen sa loob ng kotse ng babae pero nasa backseat ako. Magkatabi sila ni Aris at Owen.Papaalis na kami ng mansyon dahil tapos na ang party. Nag uusap kami kanina ni Owen nang bigla nalang kaming tinawag ni Damaris at sinabing uuwi na raw dahil alas dies na ng gabi. Sumang ayon ako dahil pupunta pa ako sa unibersidad bukas."He
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status