All Chapters of Desiring His Ruthless Ways: Chapter 71 - Chapter 80

119 Chapters

Chapter 32.2

Binalewala ko ang tanong at muling napatingin sa orasan. Nauuna ang Pilipinas ng thirteen hours. Kung tama ang pagkalkula ko sa oras ng alis namin bukas, makakarating kami sa Pilipinas ng ala-una. Tangina, nasa biyahe ako kapag sinend ang e-mail! Baka hindi ko maabutan. Shit! Kailangan na naming umalis ngayon. Tinakbo ko ang kwarto ni kuya at kinatok ito ng maraming beses. Nang pagbuksan niya ako ay iritado ang mukha nito. "What?!" "We need to leave now! Come on, put your things onㅡ" "I already did last night," pagputol niya sa akin. Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Good! Book our flight now. Mag-iimpake na rin ako!" utos ko rito kahit labag sa kalooban niya. Habang nag-iimpake ay tinawagan ko si mom at nagdahilang may emergency sa LDIAA kaya kailangan na ako roon. Alam kong makakarating sa kanila ang pagsisinungaling ko pero ang mahalaga ay makauwi na ako. Tsaka na ako hihingi ng tawad. Kailangan ko na talagang makita si Serenity!"What's with the rush?" tanong ng kapat
Read more

Chapter 33.1

Scarlet's POV"You really cut and dye your hair?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyrous matapos alisin ang pagkapusod nito. Hinaplos niya iyon at pinalandas sa mahahabang daliri niya. Napanguso ako at hinuli ang kamay niya. "Sorry. Hindi ko kasi binasa noon 'yong rule book kaya heto. Ganito kasi kami dati ni Danna no'ng hindi pa ako nag-aaral dito," malambing na paliwanag ko. "It's okay." Binitawan niya ang kamay ko at ngumiti ng kaunti. "Maganda, bagay rin sa 'yo 'yan." Nanlaki ang mga mata ko at napangiti rin. "Talaga? Thank you!" Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. "But, that should be temporary. Ayos lang ang kulay brown. Basta 'wag 'yang mga ganyan," paliwanag niya, tumango lang ako at iniba ang usapan. "By the way, Kyrous. Nakita mo na si... ate?" Napakagat labi ako nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko. "Yes, kaninang madaling araw. Pinuntahan ko muna siya bago ako bumalik sa 'yo." "S-sa akin?" kunot-noong tanong ko. Tumango ito at
Read more

Chapter 33.2

Tumango ako at mahigpit na napakapit sa bag na nasa kandungan. "Kyrous, p'wedeng... pa-hug? For the last time," nag-aalangang tanong ko nang makalas ang seatbelt. Hindi siya gumalaw kaya ako na ang lumapit para yakpin siya. Uminit ang gilid ng mga mata ko nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Niyakap niya ako pabalik. Gusto kong doon na lang ako sa braso niya, pero, hindi na p'wede. Tumulo ang luha ko nang maramdaman ang halik niya sa noo ko. "I'm sorry for everything," bulong niya bago ako pinakawalan. "S-sorry rin," sagot ko at pinunasan ang pisngi. Inayos ko ang sarili bago tuluyang bumaba sa kotse niya. Hindi na ako nagpaalam. Kumapit ako sa bag nang makatapat sa gate namin. Ilang taon na ang lumipas pero gano'n pa rin ang bahay namin. Kumatok ako sa gate at hindi nagsalita nang marinig ang boses ni ate. "Sino 'yan?" Kasunod ay ang pagbukas ng gate. Kapwa napaawang ang labi namin nang makita ang isa't-isa. "Scarlet!" Mabilis siyang dumalo sa akin at niyakap ako ng mah
Read more

Chapter 34.1

Scarlet's POV"Hindi ko alam, ma, kung paano. Basta ang sabi niya, mag-asawa kami," paliwanag ni ate kay mama at Kyrous. At ako, pasimple lang akong nakikinig sa usapan nila habang nakatuon ang mga mata sa TV. "Paanong hindi mo alam, anak? 'Di ba kayo nagpakasal? O pumirma ka man lang ng kontrata?" litong tanong ni mama. "Or maybe, kuya is that selfish to make you believe that you two are married?" saad naman ni Kyrous, halatang iritado."Hindi ko maalala." Ang sunod kong narinig ay ang hagulgol ni ate. Pinakalma siya nina mama bago napagdesisyonang magpahinga na. At sa huli, naiwan ako sa living room, mag-isa. Napabuntonghininga ako at sumandal sa couch. Ganito naman na dati, Scarlet. Hindi ka pa ba sanay? Nagpalipas ako ng ilan pang minuto bago isinarado ang bintana ang pinto. Ako na rin ang nag-ayos ng ilang kalat at nagpatay ng ilaw bago pumuntang kwarto. "Scarlet, anak," si mama. Nilapitan ako siya para tanungin pero hinawakan niya ang kamay ko. "Hali ka, na-miss kita. Tabi
Read more

Chapter 34.2

Bumaba ako para malaman ang sagot. Naabutan ko sa pinto si mama, katulad ko ay naguguluhan din siya. Sa labas ay naroon sina Kyrous at Androus na nag-uusap. Mukhang iyong bata lang ang pinayagang makapasok at makalapit kay ate. "Sorry, baby. Hindi na p'wede, e," sagot ni ate at pinunasan ang madungis na mukha ng bata. Naghalo na kasi ang luha at sipon nito. Sayang, ang cute pa naman!"Ate," hindi ko na napigilang sumingit. "Anak mo?" hindi naniniwalang tanong ko. Nang tumango si ate ay nanlaki ang mga mata ko. "Totoo ba, anak?!" gulantang na tanong ni mama, lumapit na rin pala siya. "Spill your lies, kuya," si Kyrous naman ang nagsalita habang napamulsa. Kung gano'n, alam na niya?Lumapit si Androus sa batang si Ace at lumuhod rin para maabot ito. Napalayo naman ng kaunti si ate at tumango habang nagpapaliwanag si Androus kung paano naging anak ni ate si Ace. Iyong bata naman ay umiiyak pa rin. Ewan ko kung naiintindihan niya ang paliwanag ng tatay niya o nag-iinarte lang talaga.
Read more

Chapter 34.3

Sa sasakyan ni Androus ipinasok ni Kyrous ang walang malay na si ate. Agad namang sumunod si mama na halatang alalang-alala sa kapatid ko. Dumaan ang mga mata sa akin ni Kyrous bago niya isinarado ang pinto ng kotse. "Aba?! Hoy, 'yong bata!" sigaw ko at tumakbo para habulin sila. Natigil ako nang tumunog ang phone kong nasa likurang bulsa ng short dahil may natanggap na mensahe. Kyrous: Take care of the child. Kyrous: 'Til kuya came back. Padabog akong bumalik at isinardo ang gate dahil sa akin nabaling ang nang-uusisang mata ng mga kapit-bahay. Mahirap na rin baka tumakbo 'tong bata at masagasahan. Malamang, sa akin ang sisi. "Hoy, tigil! Hali ka rito, mainit d'yan," utos ko rito pero mas lumakas ang hagulgol niya. "Mama! Papa!" "Iniwan ka na nila! Kaya p'wede ba, tumigil ka? Nagsasayang ka lang ng luha!" gigil na sabi ko at hinatak siya papasok sa loob pero nagpigil ito at umupo pa sa sahig. Ang kulit! "Sige, bahala ka r'yan!" Iniwan ko siya roon at pumunta sa kusina para um
Read more

Chapter 34.4

"Anong character ba ng isang girl ang gusto mo, Ace, para maging mommy?" pag-interview ko rito at sinuri ang mukha niya sa camera. Ang gwapong bata naman nito! "As long as she love me and stays, that's enough." Napatitig ako sa kanya at hindi maiwasang malungkot. Tingin niya, walang nagmamahal sa kanya kasi palagi siyang iniiwan. Umiling ako at tinapos ang live. Agad ko rin iyong idinelete. Hindi niya kailangan ng mommy dahil hindi lang naman sila ang makapagbibigay ng pagmamahal sa kanya. "Ace," tawag ko sa bata habang nililigpit ang laptop. "I can be your ate. I'll give you love too." "Be my mommy!" pagpupumilit niyan"Ate nga, 'di ba?!" singhal ko. Napanguso naman siya at biglang niyakap ako nang makabalik sa kama. "But I want a mom. Please?" Napatitig ako rito. Ang hirap tanggihan. "Okay! I'll be your substitute mom for a while," sagot ko at tinignan siya. "Happy?" "Yes!" Sa unang pagkakataon, nakita kong nakangiti siya. Hindi lang simple kun'di malawak na ngiti. Kinurot k
Read more

Chapter 35.1

Scarlet's POV"Good morning, mommy!" Naalimpungatan ako dahil sa pamilyar na boses ng bata. Oo nga pala, Sabado ngayon at nandito siya para makasama ang mama Serenity niya. Umikot ako sa kama at nagtalukbong. "Oh, no please?" pakiusap ko nang maramdamang may tumalon-talon sa kama ko. Antok na antok ako at pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kung tama nga si mama, tungkol sa sunod-sunod na nangyari sa akin noong nakaraan. Dumating ang Lunes pero hindi pa ako bumalik sa Maynila, gano'n din si Kyrous. Nagpaalam lang ako sa mga teacher namin na hindi ako makakapasok ng isang Linggo dahil may inaasikasong problema. Totoo naman iyon, hindi gawa-gawa lang dahil paglabas ni Ate Serenity ng Hospital ay napag-alaman naming may selective amnesia siya. Kaya pala hindi siya galit sa akin noong unang beses na nagkita kami. Hindi naman pala niya naaalala ang nangyari noon. Ang tanging alam lang niya, magkarelasyon sila ni Kyrous at ayos lang ang lahat.
Read more

Chapter 35.2

Umiling ako at sinubukan ang isa pang PT na nabili. Umaasang iba ang resulta. Pero nabigo ako dahil parehas lang ang naging resulta. Nakasandal ako sa pader at dahan-dahang napaupo sa malamig na pader. "H-hindi p'wede," bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Mommy? Mommy Barbie?" rinig kong tawag sa akin. Umirap ako sa ipinangtawag niya at naalalang tinatawag niya akong Barbie dahil kamukha ko raw ito lalo na ang buhok ko."Get out!" sigaw ko nang marinig kay Ace dahil naiirita ako sa boses at pagkatok niya pinto ko. Humagulgol ako nang mawala iyon at agad na nagtipa sa cphone para tawagan si LJ. Akmang pipindutin ko na ang call button nang bigla kong naalalang nagka-klase pa sila. Half day lang sila ngayon kaya mamaya ko na lang siya tatawagan. "Hindi pa ako gutom, ma. Mamaya na lang," sagot ko sa ina nang katukin niya ako at ayaing kumain. Mabuti naman at hindi na niya ako kinulit gaya ni Ace.Muli ay natulala ako sa kawalan habang hinihintay ang tawag ni LJ. Sinabi ko kasi sa
Read more

Chapter 35.3

Tumango ako at itinuro ang dalawang PT na nasa ibabaw ng malapit na drawer. "I-ito 'yong gusto kong sabihin sa 'yo," nanginginig na sabi ko at binitawan ang papel para takpan ang mukha. Humagulgol ako at umiling nang yakapin ako ni LJ. "A-ayaw ko, LJ. Tulungan mo 'ko! G-gusto kong ipalaglag 'to. Please?" Kinalas niya ang yakap at tinignan ako. "Ano?! Sigurado ka ba, Scarlet?" Tumango ako, desidido na, at humikbi. "Oo. Hindi p'wede 'to, Love! Ayaw ko pa at ayaw ko ring masira na naman ang relasyon nila ate," pag-aamin ko at hinawakan ang kamay niya. "Please, tulungan mo 'ko." Magsalubong ang kilay niya at nag-iwas ng tingin. "Scarlet, magta-tatlong buwan na 'yang pinagbubuntis mo." "P'wede pa naman, 'd-di ba?" nag-aalangang tanong ko. "Oo, pero delekado. At isa pa, anak mo 'yan. Hindi mo ba siya hahayaang mabuhay?" tanong niya at napatingin sa tiyan ko. "Kung ako ang tatanungin, tutol ako, Scarlet." "Gusto kong magka-anak. P-pero, Love, hindi pa ngayon. Kasi... paano na ang pag-a
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status