Scarlet's POV "Goodbye, grade nine C!" paalam ng guro namin sa huling asignatura bago ito lumabas ng silid. "Goodbye, ma'am!" magiliw na paalam ng mga kaklase ko pabalik. Samantalang ako, abala na sa pagkuha ng face powder at liptint sa bag para lagyan ang mukha at labi. "Scarlet, pahingi rin!" Biglang nagsilapitan ang mga kaibigan kong sina Kate, Zhai at Danna. "Sige lang," nakangising sagot ko at inilapag ang gamit ko bago sinimulang suklayin ang mahabang buhok at inipitan iyon. "Mukhang nagmamadali ka ngayon, Scarlet, ah? May naghihintay ba sa 'yo?" makahulugang tanong ni Jane habang pinapatag ang powder nasa mukha niya."Wala, 'no! Ngayon kasi ang balik nina ate at mama mula sa Maynila. Gusto ko na silang makita," nakangiting paliwanag ko at kinuha ang mga gamit sa lamesa. "Talaga? Panigurado may pasalubong ka, Scarlet! 'Wag mo kaming kalimutang bigyan, ha?" ani Zhai na ikinatawa ko. "Naman! Kayo pa ba?" nakaangat ang kilay na tanong ko at muling tumawa. "O siya, umuwi ka
Read more