Kumalabog ang puso ko at agad na kinain ng hiya. Gan'on ba ako kalandi sa harap ng iba? "Totoo, wala akong boyfriend. Wala kong ka-relasyon sa kanila. Lalo na kay Sir Kyrous." Umiling ako at napalunok nang maramdaman ang paggilid ng mga luha. "Sinungaling," bulong niya at umambang tatalikuran ako pero mabilis kong hinila ang braso niya. "LJ, please, maniwala ka sa akin. 'Wag mong sasabihin sa iba kung ano 'yung nakita mo sa amin ni Sir Kyrous. Walang kami! Ang ate ko ang girlfriend niya," pakiusap ko rito. Kumunot ang noo nito. "Ate mo? Narinig kitang umuungol, Scarlet. Alam ko ang ginawa niyo n'on sa kotse," katwiran niya. Naroon siya?!Mas lalo akong naging desperada para pakinggan niya. "Totoo nga, sila ni ate! Galit lang si Kyrous sa akin kasi kasalanan ko kung bakit nawala si ate. At gusto akong saktan ni Kyrous kaya niya ako ikinakama... iyon lang." Sunod-sunod ang naging pagtulo ng luha ko sa pisngi habang nagpapaliwanag. "I know he's hurting you. I heard you beg for him be
Read more