Scarlet's POV
"Goodbye, grade nine C!" paalam ng guro namin sa huling asignatura bago ito lumabas ng silid."Goodbye, ma'am!" magiliw na paalam ng mga kaklase ko pabalik.Samantalang ako, abala na sa pagkuha ng face powder at liptint sa bag para lagyan ang mukha at labi."Scarlet, pahingi rin!" Biglang nagsilapitan ang mga kaibigan kong sina Kate, Zhai at Danna."Sige lang," nakangising sagot ko at inilapag ang gamit ko bago sinimulang suklayin ang mahabang buhok at inipitan iyon."Mukhang nagmamadali ka ngayon, Scarlet, ah? May naghihintay ba sa 'yo?" makahulugang tanong ni Jane habang pinapatag ang powder nasa mukha niya."Wala, 'no! Ngayon kasi ang balik nina ate at mama mula sa Maynila. Gusto ko na silang makita," nakangiting paliwanag ko at kinuha ang mga gamit sa lamesa."Talaga? Panigurado may pasalubong ka, Scarlet! 'Wag mo kaming kalimutang bigyan, ha?" ani Zhai na ikinatawa ko."Naman! Kayo pa ba?" nakaangat ang kilay na tanong ko at muling tumawa."O siya, umuwi ka na, Scarlet!" pantataboy sa akin ni Kate at inabot sa akin ang bag."Bye, girls! See you tomorrow!" I wave my hand at them before I left our classroom."Scarlet, sabay na tayo!" si Calvin, boyfriend ko."Sige! Tara na!" anyaya ko at tumakbo nang hawakan niya ang kamay ko."Chill, babe! Bakit ka ba nagmamadali?" nakangising tanong niya at inakbayan ako nang makarating kami sa paradahan ng mga sasakyan."Darating sina mama ngayon. Excited lang akong makasama sila ulit," sagot ko at pumasok sa isang tricycle. Mabilis namang umupo si Calvin sa tabi ko at niyakap ako."Gano'n ba?" Isinandal niya ang mukha sa balikat ko. "E 'di hindi na natin masosolo ang bahay niyo?" makahulugang tanong niya."Malamang, oo," tugon ko at napatingin sa dalawang babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa akin.Agad kong siniko ang tiyan ni Calvin. "Umayos ka nga! May mga tumitingin sa 'tin. Mamaya makarating na naman 'to mama," nakangusong reklamo at umirap sa dalawang estudyanteng chismosa."Manong, bayad po namin ng magandang girfriend ko." Ini-abot ni Calvin ang singkwenta pesos sa matandang tricycle driver kaya nagsimula nang umandar ang sasakyan namin."I will miss your house, babe. Especially being with you," Calvin whispered while giving me small kisses on my cheeks."I'll miss you too," I only sigh and let him kiss me. It's just the two of us inside this tricycle so, I have nothing to worry.Simula nang umalis sina mama at ate ay naiwan akong mag-isa sa bahay namin. Noong una, nalulungkot ako dahil nagtatrabaho si mama sa malayo at si ate naman ay sumama sa kanya dahil napagdesisyonan niyang maghanap na rin ng trabaho sa Maynila kasi mas madaming oportunidad d'on kaysa rito sa Probinsya. Pero minsan, tuwing umuuwi ako ay kasama ko ang mga kaibigan kong babae at si Calvin para maglaro, kumain, sleepover o gumawa ng kalokohan. Dahil d'on ay 'di ko naramdaman na mag-isa lang ako kahit wala ang pamilya ko."Bye, babe! Kita nalang tayo bukas," paalam ko sa kasintahan bago ko siya mabilis na hinalikan sa pisngi.Hinaplos niya ang pisngi ko bago tumango. "Tatawagan kita mamaya."Hinintay kong makaalis ang tricycle bago binuksan ang gate para pumasok. Hindi ko pa naisasara ang gate namin ay may itim na magarang kotse na huminto sa tapat ko.Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan iyon. Bago na ba ang kulay ng kotse ng mga sindikatong nangunguha ng bata ngayon? Hindi na puti? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naisip.Isinarado ko ang gate namin at tumakbo papasok ng bahay namin."Scarlet!"Napahinto ako nang marinig ang boses ni Ate Serenity at napatingin sa itim na kotse kung nasaan siya. Nakababa na kasi ang bintana nito kaya nakita kong kumakaway si ate sa akin.A wide smile immediately formed on my lips because of happiness before I ran towards her. "Ate, I missed you!"Pinagbuksan ko sila ng gate at naghintay na maiparada ang kotse sa bakanteng garahe, kung saan ginagawa na naming tambakan ng lumang gamit. Agad ko silang nilapitan nang bumaba si mama mula sa likod ng kotse at si Ate Serenity naman sa harap."Mama!" Inuna kong yakapin ang ina. Nang itulak niya ako ay nilapitan ko ang kapatid. "Na-miss ko kayo." Nag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa sobrang saya pagtapos ng ilang buwan na pangungulila sa kanila."We missed you too, Scarlet!" Ate Serenity exclaimed before hugging me again.Tumawa ito nang harapin akong muli. "'Wag ka nang umiyak. May regalo ako sa 'yo," aniya na ikinalaki ng mga mata ko."Talaga? Ano, ate?!" mabilis na tanong ko pero napatingin lang si ate sa lalakeng bumaba sa kotse.Napaawang ang labi ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya. Nakakaakit ang mga mata nito, may kakapalan ang mga kilay at pilik mata, matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Ang gwapo!Bumaba ang paningin ko sa katawan niya. Mabilis na uminit ang pisngi ko dahil hindi ko kinaya ang malaki at makising na pangangatawan niya. Matangkad ang lahi namin pero mas matangkad pa ito kay Ate. Kalebel ng tenga niya ang taas ni Ate Serenity at tingin ko, haggang leeg niya lang ako. May maputi rin itong balat gaya ng sa aming magkakapamilya na namana sa tatay na Amerikano.Napalunok ako dahil naramdaman kong nanuyo ang lalamunan ko sa sobrang pagkamangha. "Hi!" nakangiting bati ko sa kanya bago napaharap sa kapatid nang akbayan siya ng lalake. "Sino siya, ate?""Si Kyrous, Scarlet. Boyfriend ko," sagot ni ate na ikinawala ng ngiti ko.Muli akong napatingin kay Kyrous. Ang gwapo at ang hot niya. Gusto ko rin siyang maging boyfriend!His eyes drifted on my school uniform first before he smiled and looked at me. "My love always tell me about you. And finally, it's nice meeting you, Scarlet."Napangiti ako at kinurot ang binti para pigilan ang sariling tumili dahil pati ang boses niya, ang gwapo at ang hot. Ang sarap sa tenga ng pagiging malalim nito."Nice to meet you din po, Kuya Kyrous," nahihiyang sambit ko gamit ang maliit na boses at mabilis na nag-iwas ng tingin nang magsalita si mama."O, siya! Pumasok na tayo sa loob," anyaya niya.Sumunod kami kay mama. Umupo ang magkasintahan sa mahabang couch samantalang ako ay dumiretso sa kwarto para magbihis."Ba't ang gwapo ng boyfriend ni ate?" nakangusong hinaing ko at agad na napangiti nang muling pumasok sa isip ko ang mukha ni Kyrous."Sayang! Kay ate ka na." Umiling ako bago hinubad ang uniporme. Iniwan ko ang itim na cyling short at mga pangloob bago isinuot ang puting loose t-shirt na bigay ni Calvin sa akin. Dinagdagan ko rin ang polbo sa mukha at liptint sa labi bago bumalik sa living room kung nasaan sina ate.Agad na natagpuan ng mga mata ko si Kyrous na napatingin sa akin at sa suot ko, pababa sa hita ko bago siya nag-iwas ng tingin. Mahina akong napahagikgik dahil sa inasal niya.Siguro, crush niya rin ako!"Scarlet, hali ka rito, may ibibigay ako!" Nalipat ang atensyon ko kay Ate Serenity na ngayon ay malawak ang ngiti.Tumakbo ako palapit sa kanya at umupo sa harap nila. "'Yong regalo mo ba, ate?" 'di mapigilang tanong ko."Oo, ito!" Ipinakita niya sa akin ang isang kahon na may tatak na iPhone at inilahad iyon.Mabilis kong kinuha ang regalo at napaawang ang labi ko nang makita ang laman. "Hala! Sa akin na 'to, Ate?" Sinuri ko ang bagong iPhone at binuksan."Oo! Pinag-ipunan ko 'yan at 'yung iba si Kyrous ang gumastos. Naghati kami kaya regalo naming dalawa 'yan sa 'yo," paliwanag niya na mas ikinalawak ng ngiti ko.Tumayo ako at niyakap ang kapatid. "Thank you, ate!" magiliw na wika ko at hinalikan ito sa pisngi.Sunod ay napatingin ako kay Kyrous. "Thank you, kuya." Gusto kong yakapin din siya pero bigla akong nahiya."No problem." He smiled at me and rested his arms on my sister's shoulder."Mag-meryenda na kayo!" anunsyo ni mama habang dala ang pagkain mula sa Jollibee na nilipat sa plato namin. "Scarlet, kunin mo ang mga inumin sa kusina," utos niya sa akin."Okay," nakangusong sagot ko at iginilid ang bagong iPhone bago sinunod ang sinabi ng ina.Nilagyan ko ng ice cube ang mga inumin dahil hindi na ito malamig, bago ko binuhat lahat gamit ang tray. "Ito na po," sambit ko at dahan-dahang naglakad papalapit sa center table."Ako na." Kinuha ni Kyrous ang tray sa akin at walang kahirap-hirap na dinala iyon at inilapag sa lamesa.Napangiti ako at umupo sa tabi ni mama na lumalamon na. "Ma, tignan mo, oh! May bago na akong iPhone," pagmamayabang ko at binuksan ang camera nito. "Ang ganda, ma!" dagdag ko matapos kuhanan ang sarili."O! E 'di galing-galingan mo naman sa Eskwela para may kwenta ang pagbili niyan sa 'yo ng ate at kuya mo," pangangaral niya at seryosong tinignan ako. "'Yong card mo pala. Meron na ba?"Mabilis akong umiling. "Wala pa po! Bukas pa ibibigay," sagot ko at muling tinignan ang phone para 'di na siya magtanong pa.Tumango ito bago muling kumain. "Siguraduhin mong walang palakol d'on. Kun'di papalakulin kita," pambabanta niya na ikinatawa namin ni ate."Ma, naman! Bobo nga ako, e, malamang meron," sagot ko at napatingin kay Ate Serenity. "Si ate lang kasi ang nabiyayaan ng talino sa genes niyo," reklamo ko."Hindi naman sa gan'on, Scarlet. Nasa tao 'yon, hindi namamana. Kung mamana man ang talino, kaunti lang. Pero hindi ibig sabihin na matalino ang magulang ay matalino na rin agad ang anak," mahabang paliwanag ni ate. "At isa pa, hindi ka bobo. Sadyang tamad ka lang.""Kaya nga! Inuuna mo kasi ang paglalandi kaysa sa pag-aaral," pang-iinsulto pa ni Mama sa akin.Iniikot ko ang mga mata at sumandal sa couch. "Duh, ma? Hindi ko inuuna, 'no? Pinagsasabay ko!"Humalakhak ako nang batukan ako ni mama. "D'yan ka magaling! Puro ka kalokohan!" Nang muli niyang itinaas ang braso ay gumapang ako palapit kay ate para maiwasan si mama."Kumain ka na nga, Scarlet," natatawang anyaya ni ate at inabot sa akin ang plato na may spaghetti."Si mama kasi, e!" nakangusong sumbong ko at 'di sinasadyang napatingin kay Kyrous.Nakaangat ang gilid ng labi nito na parang tuwang-tuwa sa akin habang pinapanood. Mas lalo akong napanguso. Nang mapansin niya iyon ay kinagat niya ang pang-ibabang labi na parang nagpipigil ng pagtawa.Scarlet's POV "Sana 'di lumagpas sa tatlo ang line of seven ko." Iyon ang paulit-ulit na dasal ko habang naliligo hanggang sa makabihis ako ng itim na off-shoulder top at mini skirt. Pinaresan ko rin ito ng itim na boots na umabot hanggang bukong-bukong ko. Dahil mamaya, paglalamayan ko ang mga grado ko. "Sana..." Napatigil ako nang maabutan sina Kyrous at Ate Serenity sa kusina. Nagluluto si ate habang yakap siya ni Kyrous mula sa likuran. Ramdam ko ang pagsilay ng munting ngiti sa labi ko. "Sana magkaroon din ako ng boyfriend na kasing-gwapo, hot at sweet ni Kyrous," hiling ko mula sa isipan habang pinagmamasdan siya. "Kung walang darating, si Kyrous na lang!" mapaglarong dagdag ko dahilan para natawa ako sa sarili. "Nand'yan ka na pala, Scarlet. Tamang-tama, tapos na 'to. Umupo ka na at kumain na tayo," anyaya sa akin ni Ate Serenity nang mapansin nila ako. Nginitian ko si Kyrous bago ako umupo. "Wala si mama, ate?" tanong ko sa kapatid nang may mapansin. Habang nagsasandok
Scarlet's POV "Ma, sige na kasi, ibalik mo na!" Kagabi ko pa pinapakiusapan si mama na ibalik ang phone ko. Kinuha niya kasi iyon bilang kaparusahan sa mga bagsak na grado. "Hindi! Isang buwan kang walang gadgets at walang gala, Scarlet!" pagmamatigas niya at ipinagpatuloy ang paghati ng rekados para sa uulamin namin mamaya. Napanguso ako at napapadyak dahil sa sobrang inis. "Ma, naman! Kung kailan bakasyon na, saka mo kukunin 'yon! Nakakainis ka!" "Mas nakakainis kang bata ka! Lumayas ka nga rito!" singhal niya pabalik. Padabog kong tinungo ang living room. Naroon sila Ate Serenity at Kyrous. Nakaupo si ate samantalang nakahiga si Kyrous sa lap nito habang may nilalarong online game sa phone. "Ate, kausapin mo nga si mama. Wala na akong magawa rito sa bahay," naiiyak na pakiusap ko sa kapatid. Napaupo naman sa couch si Kyrous at napatingin sa akin. "Ayan ang napapala mo, Scarlet! 'Di bale, mamaya pupunta kaming Mall ni Kyrous. Gusto mong isama ka namin?" alok niya dahilan pa
Scarlet's POV "Ma, ako na po r'yan!" Mabilis akong dumalo kay mama nang makitang kinukuha niya ang mga sinampay na damit. Kailangan ko kasing magpakabait ngayon!"Sige! Ingatan mo ang mga puti kun'di ipalalaba ko ulit sa 'yo ang mga 'yan," pambabanta niya na ikinatawa ko. "Ma, galit ka na naman? Bati na tayo, please?" Niyakap ko siya. Nagbabakasaling kaya nitong tunawin ang inis niya sa akin. Kaso mabilis niya akong itinulak palayo na parang diring-diri siya. "Kung sa tingin mo madadaan mo ako sa paninipsip mong 'yan. Naku, ibahin mo ako, Scarlet! 'Di mo ako mauuto." Nagmartsa ito sa loob ng bahay at iniwan akong napanguso. Napatingin ako sa mga damit na nakasampay at padabog na kinuha ang mga iyon. "Kainis!" paulit-ulit na singhal ko. "What's the matter?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Kyrous. Hinarap ko siya at mas humaba ang nguso nang makita ang mukha niya. "Galit pa rin si mama sa akin e. Baka hindi siya pumayag na sumama ako sa inyo sa Maynila," ma
Tinakbo ko ang kwarto nila ate at natigilan ako nang makita si Kyrous na nag-aayos ng higaan nila. Wala itong suot pang-itaas kaya kitang-kita ko ang matipunong likod at matitigas na braso niya. Nang lumingon si Kyrous sa akin ay ngumiti ako. "Kuya, pwedeng pahiram 'yong phone ni ate?" "Sure!" He took my sister's phone beside their bed and handed it to me. "Thank you!" Sinadya kong hawakan ang kamay niya nang abutin iyon sa akin kaya malawak ang ngiti ko nang bumaba. "Ate, ipaalam mo naman ako kay mama mamaya," pangungumbinsi ko sa kapatid nang balikan ko siya sa kusina. "Para ba sa pag-film niyo?" tanong nito.Tumango ako at sinimulang i-log in ang account sa Face Book app ni ate. "Oo." "Wala si mama mamaya kaya papuntahin mo na lang ang mga kaibigan mo rito." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Talaga? 'Wag mo na lang pala akong isumbong!" "Hindi p'wede, Scarlet. Tigilan mo 'yan! 'Di ba, magpapakabait ka na?" Napanguso ako at napayuko. "Sige na, 'te. Pangit ang background di
Scarlet's POV "Hold this." Hinawakan ni Kyrous ang kamay ko at pwersahang inihawak ang payong sa akin. Umikot siya at pumasok sa loob ng kotse. "Sakay na, Scarlet!" nagmamadaling utos niya. Tinupi ko ang payong bago sumakay sa tabi niya. Inilagay ko sa ibaba ang payong at agad na niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin ng aircon sa basang katawan ko. "I'll turn it off," Kyrous uttered and clicked something on a remote of his car.Kahit nagsimula siyang mag-drive ay palingon-lingon pa rin siya sa akin. "Are you fine?" He then hold my hand that is resting on my exposed leg and drived using only his one hand.Kung kanina ay nanginginig lang ang katawan ko, ngayon naman ay bumibilis na rin ang pintig ng puso ko. "Oo," mahinang sagot ko at marahang pinisil ang kamay niya. Hinayaan niya akong hawakan ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Ang resulta, mas bumagal dahil ingat na ingat siya sa pag-drive."Mabuti naman at dumating na kayo! Pauwi na raw
Kinagabihan ay nag-impake na kami ng gamit para sa pag-alis. Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan ko para sabihin ang patungkol sa bakasyon. "Excited na ako, ma!" Humagikgik ako nang makapasok sa sasakyan ni Kyrous. Nasa backseat kami ni mama. Sa front seat si Ate Serenity at nasa driver's seat si Kyrous. "Tumahimik ka, Scarlet! Matutulog ako habang nasa biyahe. 'Wag mo kong istorbohin," pabalang na sagot ni mama at humarap ito sa bintana.Napanguso ako at tumingin na lang din sa bintanang nasa gilid ko. Kinuhanan ko ng litrato ang mga nadaanan namin at pumili ng ilan para i-upload sa social media. Nang magsawa sa kaka-scroll ay sinalpak ko ang earpods sa tenga para makinig ng kanta. Akmang ipipikit ko na ang mga mata para matulog nang magtama ang paningin namin ni Kyrous sa rear view mirror. Ngumiti ako ng kaunti. Tumango lang ito at nag-iwas ng tingin. Napabuntonghininga ako at isinandal ang ulo sa malambot na upuan bago ipinikit ang mga mata para matulog na muna. "Gisingin niy
Scarlet's POV Gaya ng sinabi ni Kyrous ay mag-aaral akong lumangoy ngayon. Pero bumili muna kami sa Mall ng mga gagamitin ko gaya ng swimsuit, kickboard, sunblock at sunscreen.Ibinigay sa akin ni ate ang mga gamit na pinamili at umakyat ako sa kwarto ko. Nang makapili ng isusuot ay nagbihis na ako ng white floral swimsuit. Spaghetti strap ang top at mini skirt naman sa pang-ibaba. Pinahiran ko ang katawan ng sunblock para hindi umitim ang balat ko. Medyo maaraw na kasi sa labas. Kinunan ko muna ng litrato ang sarili ko sa mataas na salamin bago bumaba at nagtungo sa pool area ni Kyrous. "You're really a goddess, love," iyon ang bumungad sa akin. Nasa pool sina Kyrous at Ate Serenity at naghaharutan na naman sila. Napanguso ako at umupo sa isang lounge na nasa gilid ng pool. May beach umbrella na nakatayo sa gilid nito kaya hindi ako nasisinagan ng araw. Inabot ko ang orange juice na nasa gilid at sumipsip habang pinagmamasdan ang dalawa. Sakit sa mata! Bigla akong nawalan ng ganan
Tumango lang ako at umahon. Inayos ko ang basang buhok ang pinisil ang dulo nito para maalis ang mga tubig na tumutulo. Muli akong umupo sa lounge at kumuha ng juice sa table. Sunod ay kinuha ko ang phone na dinala ko kanina at kinunan ng litrato ang sarili sabay pinost iyon sa social media. Inilapag ko sa bilog na mesa ang baso nang daluhan ako nina ate at Kyrous. Magkatabi sila sa isang lounge. Humiga si Kyrous at nakayakap ang braso niya sa bewang ni ate na siyang nakaupo lang.Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanila at mainggit kay Ate. Gusto ko, ako lang ang yayakapin ni Kyrous!"Kamusta, Scarlet? Mahirap bang mag-aral lumangoy?" Napakurap ako at nag-angat ng tingin kay ate. Nagkibit balikat ako. "Medyo mahirap pero masaya, ate," sagot ko. Matapos kumain ay tumayo si Kyrous at tumalon sa pool. Hawak na niya ang kickboard."Let's try to use this, Scarlet. Come here!" he called me and swam towards the deeper side of the pool. Naglagay muli ako ng sunblock sa katawan at sunscreen