Share

Chapter 2

Scarlet's POV

"Sana 'di lumagpas sa tatlo ang line of seven ko."

Iyon ang paulit-ulit na dasal ko habang naliligo hanggang sa makabihis ako ng itim na off-shoulder top at mini skirt. Pinaresan ko rin ito ng itim na boots na umabot hanggang bukong-bukong ko. Dahil mamaya, paglalamayan ko ang mga grado ko.

"Sana..." Napatigil ako nang maabutan sina Kyrous at Ate Serenity sa kusina. Nagluluto si ate habang yakap siya ni Kyrous mula sa likuran.

Ramdam ko ang pagsilay ng munting ngiti sa labi ko. "Sana magkaroon din ako ng boyfriend na kasing-gwapo, hot at sweet ni Kyrous," hiling ko mula sa isipan habang pinagmamasdan siya. "Kung walang darating, si Kyrous na lang!" mapaglarong dagdag ko dahilan para natawa ako sa sarili.

"Nand'yan ka na pala, Scarlet. Tamang-tama, tapos na 'to. Umupo ka na at kumain na tayo," anyaya sa akin ni Ate Serenity nang mapansin nila ako.

Nginitian ko si Kyrous bago ako umupo. "Wala si mama, ate?" tanong ko sa kapatid nang may mapansin.

Habang nagsasandok ng sinangag na kanin ay tumango siya. "Pinuntahan niya ang mga kumare niya. Na-miss ata ni mama," sagot nito at mahinang tumawa.

Inilapag ni Kyrous ang mga plato, kutsara at baso sa lamesa bago ito umupo sa tabi ni Ate Serenity.

"P'wede bang ikaw nalang ang kumuha ng card ko, ate?" pakiusap ko habang kumukuha ng pagkain.

"Si mama raw e. At isa pa, may pupuntahan kami mamaya ni Kyrous."

Napanguso ako bago kumain. "Balik kayo agad, ha? Bago ako umuwi."

Humalakhak si ate. "Natatakot ka? Bakit? Madami ka bang bagsak?" sunod-sunod na tanong niya.

"Hmm, feel ko lang," walang ganang sagot ko at nginuya ang kinakain.

"Cheer up, Scarlet! Don't think too negatively about your grades," Kyrous expressed which made me stop.

Napatitig ako sa kanya at dahan-dahang napangiti. "Salamat."

"Tama, Scarlet! 'Wag ka ngang masyadong nega r'yan! Palitan mo ang suot mo. Nakakamalas 'yang itim," iritadong utos ni ate. "At isa pa, bawal 'yang off-shoulder at skirt 'di ba?"

"P'wede namang ganito, ate. Basta huwag papasok sa main gate."

"Napakakulit mo talaga! Mapagalitan ka sana mamaya ni mama," gigil na aniya habang masama ang tingin.

"Love, calm down!" Kyrous kisses Ate Serenity's cheek then he hugs her. Agad na napakalma si Ate at namula ang pisngi sa kilig.

"Yuck! Ano ba?! Napaka-PDA niyo!" tili ko ngunit ang totoo ay inggit na inggit ako kay Ate. Gusto ko ring makulong sa dalawang makikisig na braso ni Kyrous.

Hays, saan ba ako makakakita ng katulad niya?

Todo ang pag-selfie ko at pag-post ng litrato ko sa F******k, My Day at I*******m. Umani agad iyon ng madaming likes at reacts. Iyon lang ang ginawa ko maghapon sa loob ng silid-aralan.

"Iba ka na talaga, Scarlet! Yayamanin!" puri ng mga kaibigan ko sa akin.

Ngumisi ako at inayos ang buhok. "Hindi naman ako ang mayaman. Sina ate at 'yong boyfriend niya..." pagkikwento ko at umayos ng upo habang nakatingin sa tatlong kaibigan. "...na crush ko!"

Nanlaki ang mga mata nila at napatili. "Ano? Gaga ka! Gwapo ba?" tanong ni Kate.

Umiling ako at malawak na ngumiti. "Sobrang gwapo!"

"Hot ba 'yon?" kuryosong ani Danna.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. "Oo! Malaki ang katawan at matangkad!"

"Oh my gosh! E 'yong boses kamusta? Hot din ba pakinggan?" pangungulit ni Zhai.

"Husky at deep!" komento ko na mas ikinatili nila.

"Ang swerte naman ni Ate Serenity!" nakangiting tukso nila.

I rolled my eyes and sigh. "I want him too."

"Hayaan mo na siya sa ate mo, Scarlet!" giit ni Danna.

"Agawin mo para masaya!" pandedemonyo ni Zhai.

"Ganito na lang, Scarlet. Landiin mo 'yong boyfriend ng ate mo. Kung kumagat, e 'di sa 'yo na. Kung hindi, tigilan mo na," mungkahi ni Kate na ikinangiti ko.

"Sige, gusto ko 'yan!"

Agad akong umuwi sa bahay namin nang mag-uwian. Ginaganahan kasi akong makita ulit si Kyrous. Pero, nawala ang ngiti ko nang bumungad silang dalawa ni ate na nagtatawanan sa gilid ng bahay Nag-iihaw sila. Si Kyrous ang nagpapaypay at si ate naman ang tumitingin sa niluluto sabay pinupunasan ang pawis sa noo ni Kyrous.

Bumaba ang tingin ko sa pawis na leeg at maugat na braso ni Kyrous na mas lumalaki tuwing igagalaw niya.

"Sarap!" wala sa sariling hiyaw ko at napakagat labi nang magtama ang mga mata namin ni Kyrous.

Napalunok ako at agad na inilipat ang tingin kay ate. "Wow, Ate! Barbeque! Paborito ko 'to!" puri ko sa kanya.

"Paborito natin!" pagtatama niya na ikinangisi ko.

Tama siya. Kung ano kasi ang gusto niya ay nagugustuhan ko rin. Mula sa laruan, noong pagkabata. Hanggang ngayon, kay Kyrous, ay parehas pa rin kami ng tipo.

"Scarlet!"

Kapwa kami napatingin ni ate sa gate nang may kumatok rito. "May naghahanap sa 'yo. Puntahan mo na," utos niya na mabilis kong sinunod.

Binuksan ko ang gate at napaawang ang labi ko nang makita si Calvin. Hinila niya ako papasok sa gate at isinandal niya ako roon bago sinakop ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inasahan ang paghalik niya. "Calvin!" pigil ko at sinubukang itulak ito pero nagpabaling-baling ang ulo niya habang mapusok na hinahalikan ako.

"Hoy! Bitawan mo ang kapatid ko!" si Ate Serenity na mukhang nakita kami.

Sa isang iglap ay nahiwalay ni Kyrous si Calvin mula sa akin. Dinaluhan ako ni Ate Serenity ngunit napatakip ako ng bibig nang lumapat ng kamao ni Kyrous sa pisngi ni Calvin.

"What do you think you're doing?!" Kyrous shouted at my boyfriend who's now lying on the ground.

Agad kong nilapitan si Calvin dahil sa awa nang makitang dumugo ang gilid ng labi nito.

"Love, tama na," pang-aawat ni Ate Serenity sa kasintahan bago siya tumingin sa amin ni Calvin. "Sino siya, Scarlet?" tanong niya.

"Si Calvin. Boyfriend ko siya, ate." Inalalayan ko si Calvin patayo.

"Sino naman 'yan, babe?" iritadong tanong ni Calvin sa akin habang masama ang tingin kay Kyrous.

"I'm your girlfriend's sister's boyfriend." Kyrous uttered that made Calvin's forehead creased.

"Ano daw, babe? Girlfriend ko raw siya? Bakla ba siya?" naguguluhang tanong ni Calvin sa akin.

Mabilis akong umiling. "Hindi, 'no! May bakla bang ganyan ka-gwapo at kalakas sumuntok?" pagtatanggol ko kay Kyrous.

"Have some respect, dude! Be a man not a slow witted one!" asik ni Kyrous bago niya hinarap si ate at nagpatangay nang hilain siya nito.

"Scarlet, papasukin mo siya at gamutin ang sugat niya. Kakausapin ko siya mamaya," pambabanta ni Ate Serenity kay Calvin bago kami iniwan.

"Ba't ka ba kasi basta basta nanghahalik, babe?!" reklamo ko rito bago siya hinila papasok sa bahay namin.

"Na-miss kita. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag at text ko," nakangusong sagot niya na ikinairita ko.

"Break na tayo."

"Ano? Babe, naman! Wala namang ganyanan." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Nakakainis ka kasi!" dahilan ko.

"Hindi na kita iinisin. Pangako, babe." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod n'on.

"Sige. Kapag nainis pa ako sa 'yo. Ayaw ko na," pagtatapos ko sa usapan bago sinimulang gamutin ang sugat sa pisngi niya. Napalakas kasi ang suntok ni Kyrous sa kanya.

"Kawawa ka naman," tinawanan ko si Calvin na ngayon ay naiiyak sa sakit nang lagyan ko ng alcohol ang sugat niya.

"'Wag na kasi 'yan, babe. Betadine na lang!"

"Mas mabilis gagaling kapag alcohol," pilit ko at idiniin ang bulak sa sugat niya.

"Ahh! Aray, babe!" napahiyaw ito sa sakit. Samantalang ako ay tuwang-tuwa habang pinapanood siya.

"Ang arte mo!" pang-iinsulto ko sa kasintahan bago tumayo nang narinig ang boses ni mama sa labas.

"Scarlet!"

Dahil sa malakas na boses ni mama ay parang gusto ko na nang tumakbo sa kwarto ko para magtago.

"Po, ma?" tanong ko at nakangiting nilapitan siya.

"P*****a ka! Bakit puro line of seven itong nasa card mo?" bulyaw ni Mama at hinagis sa akin ang card ko.

"Ma, sinabi ko naman na kahapon, e!" rason ko ngunit mas nagsalubong lang ang kilay niya.

Tumakbo na ako bago pa man niya maabot ang buhok ko at masabunutan.

"Aba't sino ka naman? Anong ginagawa mo sa pamamamahay ko?" galit na tanong ni mama kay Calvin na ngayon ay nanginginig na dahil sa takot.

"Ma, boyfriend siya ni Scarlet. Pinapasok ko muna dahil may kasalanan pa 'yan kay Scarlet. Bigla ba namang laplapin ang kapatid ko sa gate!" pagsusumbong ni Ate Serenity.

Napatampal ako ng sariling noo dahil sa sari-saring kasalanan ko. "Scarlet, tarantada ka talaga!" halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si mama.

"Ma, sorry na!" nakangusong pakiusap ko rito.

"Mas mabuti po siguro, tita, kung kumalma ka muna at pakinggan ang paliwanag ni Scarlet," mahinahong pagniningit ni Kyrous.

Nagpakawala ng malalim na hininga si mama bago siya nagtungo sa living room at umupo sa couch. "Hali ka ritong, gaga ka! Mag-uusap tayo! Isama mo ang kalandian mo!" malupit na utos ni Mama.

"Scarlet, uuwi nalang ako," naiiyak na saad ni Calvin nang lapitan ko siya para yayain.

Nagsalubong ang kilay ko. "E 'di break na tayo!" sagot ko.

"Sige."

Pagkasabi n'on ni Calvin ay walang paalam siyang tumakbo palayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang hinarang siya ni Kyrous sa pintuan.

"Upo," mariing utos ni Kyrous sa kanya.

Napangisi ako at pinuntahan ang galit na galit na ina. Umupo ako sa tapat nito at nagsimulang magpaliwanag. "Break na kami ni Calvin, ma. Palayasin mo na siya."

"Wala akong pake sa kalandian mong gaga ka!" pambabara ni mama na ikinanguso ko.

Hinarap ko si Calvin. "Umalis ka na," walang ganang sambit ko na mabilis niyang sinunod. Umupo si Kyrous sa tabi ni Ate Serenity nang umalis na ang ex boyfriend ko.

"Ipaliwanag mo ang pesteng grado mo, Scarlet! Gan'on ka ba talaga kawalang hiya sa School niyo, ha?" reklamo ni Mama.

Kinuha ni Ate Serenity sa akin ang nalukot na card ko. Puro palakol nga ang lahat ng subject ko maliban sa MAPEH. "Ma, may eighty naman ako," pagtatanggol ko sa sarili.

"Sa MAPEH? Walang kwenta 'yan!" pagmamaliit niya. "Akala ko ba gusto mong maging flight attendant? Ano na, Scarlet? Hindi ikaw ang lilipad dahil sa ginagawa mo. Kun'di 'yong pangarap mong tatanawin mo na lang sa malayo!"

Natahimik ako dahil sa sinabi ni mama. Paano na ang pangarap kong iyon? Gusto ko pang makapunta sa iba't-ibang bansa!

"MAPEH is important when you want to be a flight attendant, Scarlet."

Napaangat ako ng tingin kay Kyrous dahil sa sinabi niya. Gano'n din si mama na magkasalubong pa rin ang kilay.

"You have to be physically and mentally fit to perform well when you're aboard. Also, you need to know the different safety procedures that you will be using when an emergency happens," he added that made the side of my lips rose a bit. "But, other subjects are also important, Scarlet. Especially english, you'll be using that language to talk to your soon to be international passengers."

"Paano mo nalaman?" kuryosong tanong ko.

"My family owned an Airline. As a CEO of our industy here in the Philippines, I need to learn those things." he proudly shared.

Mas lalong nalaglag ang panga ko. So, mayaman siya?

"Talaga?! Alam mo 'yong LDIA? Lorcan Domestic and International Airline? D'on ko gustong magtrabaho," pagkikwento ko, nawala pansamantala sa isip ang galit ni mama.

Isa iyon sa pinakamalaking airline sa buong Asya. At isa pa, maganda at engrande ang uniporme nilang kulay itim at may kulay gintong palamuti. Nang makita ko iyon sa internet ay nagustuhan ko rin itong suotin sa sarili pagdating ng panahon.

The side of his lips rose. "That's our Industry. I'm Kyrous Lorcan, by the way," he answered that made my eyes widened in shock and amusement.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status