Share

Chapter 33.2

Tumango ako at mahigpit na napakapit sa bag na nasa kandungan. "Kyrous, p'wedeng... pa-hug? For the last time," nag-aalangang tanong ko nang makalas ang seatbelt.

Hindi siya gumalaw kaya ako na ang lumapit para yakpin siya. Uminit ang gilid ng mga mata ko nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Niyakap niya ako pabalik. Gusto kong doon na lang ako sa braso niya, pero, hindi na p'wede.

Tumulo ang luha ko nang maramdaman ang halik niya sa noo ko. "I'm sorry for everything," bulong niya bago ako pinakawalan.

"S-sorry rin," sagot ko at pinunasan ang pisngi. Inayos ko ang sarili bago tuluyang bumaba sa kotse niya. Hindi na ako nagpaalam.

Kumapit ako sa bag nang makatapat sa gate namin. Ilang taon na ang lumipas pero gano'n pa rin ang bahay namin. Kumatok ako sa gate at hindi nagsalita nang marinig ang boses ni ate.

"Sino 'yan?" Kasunod ay ang pagbukas ng gate. Kapwa napaawang ang labi namin nang makita ang isa't-isa.

"Scarlet!" Mabilis siyang dumalo sa akin at niyakap ako ng mah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status