Thirty minutes akong na-late pero dahil kasabay kong pumasok si Kyrous, pinapasok din ako. Pinagtitinginan kami ng mga staff nang makapasok pero wala akong narinig mula sa kanila. Pinauna ako ni Kyrous na pumasok, siya naman ay pinuntahan muna ang opisina. Pagbukas ko ng pinto ay napatingin ang halos lahat sa akin. Tahimik sila noong una pero bigla ulit nag-ingay. "Akala ko si sir, 'yong kalandian niya lang pala." Mas pinili kong balewalain ang narinig. Inilibot ko ang paningin ko nang makitang may nakaupo sa dating p'westo ko. Twenty five kaming mga babae sa section namin. Kung dati ay tig-limang upuan sa bawat limang hilera, ngayon ay naging anim na iyon at may nag-iisang bakanteng upuan sa dulo kaya roon na lang umupo. "See? I told you, wig lang ang suot niya rati!" pagmamayabang ni Anastacia sa mga kasama.Umirap lang ako at binuksan ang phone para maglibang habang wala pa si Kyrous. Sakto ay nakatanggap ako ng mensahe kay LJ kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko na siya ni-rep
"Talaga?!" Hindi siya sumagot at naglakad na palayo. "Sir!" Muli ko siyang hinabol. "Oo na! Ang kulit mo." Mahina akong natawa dahil sa pagkairita sa mukha niya. "Thank you!" "Anong sabi?" salubong ni LJ. "Bibilhan niya raw ako," masayang paliwanag ko at sinamahan siyang bumaba sa cafeteria. Bumili ako ng mango iced tea at iyon ang ininom habang naghihintay sa pinabiling pagkain. Limang minuto na ang lumipas pero wala pa ring text si Kyrous. Naubos ko na ang inumin ko pati si LJ ay tapos nang kumain. Dismayado akong bumalik sa classroom namin at inihiga na lamang sa ang ulo sa arm chair. Nagugutom na ako! "Delivery for Scarlet Agape!" Nang marinig ang mga katagang iyon ay mabilis akong nag-angat ng tingin. Naroon sa pinto namin ang guwardya at may hawak siyang paper bag na may logo ng isang Korean Restaurant. Tinakbo ko iyon at tinanggap. "Magkano raw po?" tanong ko at sinilip ang loob. Halos magningning ang mga mata ko sa nakita. "Bayad na, ma'am. Pirma mo na lang ang kailan
Scarlet's POV"P'wedeng um-order ulit?" tanong ko kay Kyrous nang maubos ang corn dog. Ibinaba ko ang stick at inipon sa gilid ng lamesa. Hindi ko alam ang saktong bilang pero nasa lampas lima na iyon. Base sa hindi makapaniwalang tingin ni Kyrous, alam kong nauumay na siya sa pangungulit kong bumili. "Fine, ilan pa ba? Para hindi na pabalik-balik." Tinignan ko ang p'westo kung saan nakahanda ang pagkaing gusto. "Tatlo?" hindi siguradong sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya tumayo. "Sigurado ka ba? Baka hindi ka na makakain ng dinner niyan." "Oo, ito na lang ang dinner ko!" masayang sagot ko. Napangiti ako nang pumunta siya sa counter at pagbalik, may kasama pang inumin. Sakto, paubos na 'yong tubig ko. "Here, this will be the last, okay? Ang dami mo nang nakain." "Okay!" Tumango ako na parang masunuring bata at muling kumain. "You're so weird today," aniya at tumingin sa salaming pinto ng shop nang bumukas iyon. "Love!" tawag ko at kumaway habang ngumung
Bigla kasi akong nakaramdam ng init dahil ang hot niyang tignan kahit halatang pagod siya. Namumungay ang mga mata niya, medyo magulo ang buhok, kitang-kita ang hulma ng biceps niya sa fitted na white long sleeves na suot niyang sinamahan pa ng niluwagang tali ng necktie, at dahil naka tuck-in ang pang-itaas niya, malayang nakikita ang umbok sa pagitan niya. Bigla ko tuloy na-miss ang parusa niya. "Gusto ko lang magpahinga," sagot niya at umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ayos lang ba?" "Bakit dito?" kuryosong tanong ko at lumayo ng kaunti nang bumaba ang tingin niya sa suot ko. Spaghetti strap dress ang suot ko, mababa ang v-neckline at tanging kalahati lang ng hita ko ang natatakpan dahil sa ikli. "'Cause you're here. Wala akong kasama roon sa bahay. Nami-miss lang kita." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sagot niya. Na-miss niya talaga rin ako? Hmm..."So, can I sleep here everyday? Para diretso na, na sabay tayong papasok." "Uhm..." Tumingin ako saglit sa b
Nagpatuloy ang mga araw at palagi na naman kaming magkasama ni Kyrous. Akala ko ay huli na iyong dati, pero, hindi pa pala. Masaya ako dahil doon pero hindi ko maiwasang mag-alala dahil tatlong beses na niya akong nahuling dumuduwal. Minsan kasi ay hindi ko mapigilang masuka na lang bigla. Nauubusan na rin ako ng palusot, buti na lang ay naniniwala siya. "Scatlet, are you really fine? You look pale."Ngumiti ako kay Lyn at tumango. "Oo, medyo nahihilo lang," sagot ko at umupo sa tabi niya. Bumalik na ang pwesto ko sa harapan. Inutos kasi ni Kyrous na dating ayos ang mga upuan at naging alphabetical ang pwesto namin. Susunod dapat si Zhai sa akin pero nakipagpalit siya kay Lyn. Galit pa kasi ito sa akin. Nagsimula na ang klase. Mas lalo akong nahilo habang nakikinig. Hindi na ako nakapagsulat dahil nanghihina na rin ng kamay ko. Gusto ko nang matapos 'tong araw na 'to. "Anong masakit?" nag-aalalang tanong ni LJ nang matapos ang lunch break. Napatingin ako sa tiyan ko at hinawakan i
Nataranta ako at naiiyak na sa kaba. Sabi ng doctor ay ito raw ang dapat kong iwasan. Dahil sinyales ito ng pagkalaglag ng baby ko. Sana 'wag namang mangyari 'yon. Palabas na ako ng unit nang mapahawak ako sa tiyan ko dahil maramdaman ang kirot doon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tiniis iyon bago binuksan ang pinto. Sakto ay may lalakeng nakatayo roon. "Uh, you haven't changed yet?" tanong ni Kyrous na tila nabigla at pumasok. Imbes na sumagot ay lumabas ako pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. "You, okay? Saan ka pupunta?" "Kay LJ... may sasabihin ako," paliwanag ko at hinintay na bitawan niya ang kamay ko. Wala kasi akong lakas na bawiin iyon sa pagkakahawak niya. "Bakit kailangan pang puntahan siya? You can talk over the phone," paliwanag niya dahilan para maiyak ako dahil sa frustration. "Please, Kyrousㅡahh!" napadaing ako at napayuko habang hawak ang tiyan. Kumirot na naman iyon at mas masakit ngayon. "Anong masakit? Sorry, 'wag ka nang umiyak. Dito ka lan
Scarlet's POV"Good morning!" Boses ni Kyrous ang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata ko. Niyakap ko ang unan niya at inamoy iyon. "Bakit ka pa nandito?" inaantok na tanong ko. "I took a leave. I won't teach until my babies are fine," aniya at humiga sa tabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hinayaan kong haplusin niya ang tiyan ko at halikan iyon. "Babies? Isa lang ang anak natin, 'di ba?" Wala akong matandaang sinabi ng OB na kambal iyon.He smiled and kissed the tip of my nose. "Yeah. The other one is you. You're my baby girl, right? And she is our baby girl," he said and kissed my tummy. Bigla akong napangiti. Sana ganito na lang kami. "Bakit?" "Anong bakit?" tanong niya at muling hinalikan ang pisngi ko. "Bakit ka ganito sa akin? Tayo na ba?" umaasang tanong ko. Tinignan ko siya nang hindi siya sumagot matapos ang ilang segundo. "Bakit? Ako pa rin ba, Scarlet?" tanong niya nang bumangon siya at yumuko para tignan ko. "Ha?" naguguluhang tanong ko. Nag-iwas siya
"I'll prepare our breakfast. Gusto mo ba sa dining o dito na?" pagpapalit niya ng usapan. "Dito na lang," sagot ko kahit gusto ko siyang tanungin tungkol sa sinabi niya. "Ang sarap!" komento ko at muling sumubo. Fried rice at bacon ang iniluto ni Kyrous sa akin. May gatas, tubig at higit sa lahat, ang hilaw na mangga na ipinabili ko sa kanya. "Kain ka ng madami," aniya at pinunasan ang gilid ng labi ko. Muli kong kumuha ng naka-slice na mangga at isinabay iyon sa kanin. Nang matapos ay uminom ako ng gatas at naligo gamit ang maligamgam na tubig. Inalalayan pa ako ni Kyrous dahil baka madulas daw ako. "What do you want for our lunch?" tanong niya habang nakaupo ako sa pagitan ng hita niya. Siya kasi ang nagpresintang magsuklay ng buhok ko. Humahaba na kasi iyon at nangangawit ako sa pagsuklay. Nakakatamad pa naman kumilos ngayon. Kaunting galaw lang ay nakakapagod agad. "Kahit ano," sagot ko at kinuha ang remote para palitan ang pinapanood. Nakakaboring kasi ang action movie na n