Share

Chapter 35.5

Thirty minutes akong na-late pero dahil kasabay kong pumasok si Kyrous, pinapasok din ako. Pinagtitinginan kami ng mga staff nang makapasok pero wala akong narinig mula sa kanila. Pinauna ako ni Kyrous na pumasok, siya naman ay pinuntahan muna ang opisina. Pagbukas ko ng pinto ay napatingin ang halos lahat sa akin. Tahimik sila noong una pero bigla ulit nag-ingay.

"Akala ko si sir, 'yong kalandian niya lang pala."

Mas pinili kong balewalain ang narinig. Inilibot ko ang paningin ko nang makitang may nakaupo sa dating p'westo ko. Twenty five kaming mga babae sa section namin. Kung dati ay tig-limang upuan sa bawat limang hilera, ngayon ay naging anim na iyon at may nag-iisang bakanteng upuan sa dulo kaya roon na lang umupo.

"See? I told you, wig lang ang suot niya rati!" pagmamayabang ni Anastacia sa mga kasama.

Umirap lang ako at binuksan ang phone para maglibang habang wala pa si Kyrous. Sakto ay nakatanggap ako ng mensahe kay LJ kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko na siya ni-rep
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status