Scarlet's POV"Good morning, mommy!" Naalimpungatan ako dahil sa pamilyar na boses ng bata. Oo nga pala, Sabado ngayon at nandito siya para makasama ang mama Serenity niya. Umikot ako sa kama at nagtalukbong. "Oh, no please?" pakiusap ko nang maramdamang may tumalon-talon sa kama ko. Antok na antok ako at pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kung tama nga si mama, tungkol sa sunod-sunod na nangyari sa akin noong nakaraan. Dumating ang Lunes pero hindi pa ako bumalik sa Maynila, gano'n din si Kyrous. Nagpaalam lang ako sa mga teacher namin na hindi ako makakapasok ng isang Linggo dahil may inaasikasong problema. Totoo naman iyon, hindi gawa-gawa lang dahil paglabas ni Ate Serenity ng Hospital ay napag-alaman naming may selective amnesia siya. Kaya pala hindi siya galit sa akin noong unang beses na nagkita kami. Hindi naman pala niya naaalala ang nangyari noon. Ang tanging alam lang niya, magkarelasyon sila ni Kyrous at ayos lang ang lahat.
Umiling ako at sinubukan ang isa pang PT na nabili. Umaasang iba ang resulta. Pero nabigo ako dahil parehas lang ang naging resulta. Nakasandal ako sa pader at dahan-dahang napaupo sa malamig na pader. "H-hindi p'wede," bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Mommy? Mommy Barbie?" rinig kong tawag sa akin. Umirap ako sa ipinangtawag niya at naalalang tinatawag niya akong Barbie dahil kamukha ko raw ito lalo na ang buhok ko."Get out!" sigaw ko nang marinig kay Ace dahil naiirita ako sa boses at pagkatok niya pinto ko. Humagulgol ako nang mawala iyon at agad na nagtipa sa cphone para tawagan si LJ. Akmang pipindutin ko na ang call button nang bigla kong naalalang nagka-klase pa sila. Half day lang sila ngayon kaya mamaya ko na lang siya tatawagan. "Hindi pa ako gutom, ma. Mamaya na lang," sagot ko sa ina nang katukin niya ako at ayaing kumain. Mabuti naman at hindi na niya ako kinulit gaya ni Ace.Muli ay natulala ako sa kawalan habang hinihintay ang tawag ni LJ. Sinabi ko kasi sa
Tumango ako at itinuro ang dalawang PT na nasa ibabaw ng malapit na drawer. "I-ito 'yong gusto kong sabihin sa 'yo," nanginginig na sabi ko at binitawan ang papel para takpan ang mukha. Humagulgol ako at umiling nang yakapin ako ni LJ. "A-ayaw ko, LJ. Tulungan mo 'ko! G-gusto kong ipalaglag 'to. Please?" Kinalas niya ang yakap at tinignan ako. "Ano?! Sigurado ka ba, Scarlet?" Tumango ako, desidido na, at humikbi. "Oo. Hindi p'wede 'to, Love! Ayaw ko pa at ayaw ko ring masira na naman ang relasyon nila ate," pag-aamin ko at hinawakan ang kamay niya. "Please, tulungan mo 'ko." Magsalubong ang kilay niya at nag-iwas ng tingin. "Scarlet, magta-tatlong buwan na 'yang pinagbubuntis mo." "P'wede pa naman, 'd-di ba?" nag-aalangang tanong ko. "Oo, pero delekado. At isa pa, anak mo 'yan. Hindi mo ba siya hahayaang mabuhay?" tanong niya at napatingin sa tiyan ko. "Kung ako ang tatanungin, tutol ako, Scarlet." "Gusto kong magka-anak. P-pero, Love, hindi pa ngayon. Kasi... paano na ang pag-a
At doon natapos ang usapan namin. Tumayo na ako bumalik sa loob. Nadatnan ko si Ace na nakaharap kay Kyrous. Nakangiti naman si Kyrous habang sinisintas ang sapatos ng bata. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kung bubuhayin ko ang anak namin ni Kyrous, sayang naman dahil hindi niya mararanasan ang alaga ng daddy niya. Hapon na nang bumyahe ako kinabukasan. Masama talaga kasi ang pakiramdam ko tuwing umaga. Mag-isa akong bumalik sa Maynila at dumiretso sa condo kung nasaan ang unit na iniregalo sa akin ni Kyrous. Dahil sa pagod, nagpa-init lang ako ng tubig, kumain ng cup noodles bilang dinner bago humilata sa malambot na kama. Nagising lang ako dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng phone ko. Inaantok ko iyong kinapa hanggang sa maabot. Iminulat ko pansamantala ang mga mata para sagutin ang tawag. "Hello?" bati ko nang itapat iyon sa tenga ko. "Scarlet, where are you? Malapit nang mag-close gate," nag-aalalang boses ni LJ "Ano?!" Nagising ang diwa ko dahil sa narinig at napabangon.
Thirty minutes akong na-late pero dahil kasabay kong pumasok si Kyrous, pinapasok din ako. Pinagtitinginan kami ng mga staff nang makapasok pero wala akong narinig mula sa kanila. Pinauna ako ni Kyrous na pumasok, siya naman ay pinuntahan muna ang opisina. Pagbukas ko ng pinto ay napatingin ang halos lahat sa akin. Tahimik sila noong una pero bigla ulit nag-ingay. "Akala ko si sir, 'yong kalandian niya lang pala." Mas pinili kong balewalain ang narinig. Inilibot ko ang paningin ko nang makitang may nakaupo sa dating p'westo ko. Twenty five kaming mga babae sa section namin. Kung dati ay tig-limang upuan sa bawat limang hilera, ngayon ay naging anim na iyon at may nag-iisang bakanteng upuan sa dulo kaya roon na lang umupo. "See? I told you, wig lang ang suot niya rati!" pagmamayabang ni Anastacia sa mga kasama.Umirap lang ako at binuksan ang phone para maglibang habang wala pa si Kyrous. Sakto ay nakatanggap ako ng mensahe kay LJ kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko na siya ni-rep
"Talaga?!" Hindi siya sumagot at naglakad na palayo. "Sir!" Muli ko siyang hinabol. "Oo na! Ang kulit mo." Mahina akong natawa dahil sa pagkairita sa mukha niya. "Thank you!" "Anong sabi?" salubong ni LJ. "Bibilhan niya raw ako," masayang paliwanag ko at sinamahan siyang bumaba sa cafeteria. Bumili ako ng mango iced tea at iyon ang ininom habang naghihintay sa pinabiling pagkain. Limang minuto na ang lumipas pero wala pa ring text si Kyrous. Naubos ko na ang inumin ko pati si LJ ay tapos nang kumain. Dismayado akong bumalik sa classroom namin at inihiga na lamang sa ang ulo sa arm chair. Nagugutom na ako! "Delivery for Scarlet Agape!" Nang marinig ang mga katagang iyon ay mabilis akong nag-angat ng tingin. Naroon sa pinto namin ang guwardya at may hawak siyang paper bag na may logo ng isang Korean Restaurant. Tinakbo ko iyon at tinanggap. "Magkano raw po?" tanong ko at sinilip ang loob. Halos magningning ang mga mata ko sa nakita. "Bayad na, ma'am. Pirma mo na lang ang kailan
Scarlet's POV"P'wedeng um-order ulit?" tanong ko kay Kyrous nang maubos ang corn dog. Ibinaba ko ang stick at inipon sa gilid ng lamesa. Hindi ko alam ang saktong bilang pero nasa lampas lima na iyon. Base sa hindi makapaniwalang tingin ni Kyrous, alam kong nauumay na siya sa pangungulit kong bumili. "Fine, ilan pa ba? Para hindi na pabalik-balik." Tinignan ko ang p'westo kung saan nakahanda ang pagkaing gusto. "Tatlo?" hindi siguradong sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya tumayo. "Sigurado ka ba? Baka hindi ka na makakain ng dinner niyan." "Oo, ito na lang ang dinner ko!" masayang sagot ko. Napangiti ako nang pumunta siya sa counter at pagbalik, may kasama pang inumin. Sakto, paubos na 'yong tubig ko. "Here, this will be the last, okay? Ang dami mo nang nakain." "Okay!" Tumango ako na parang masunuring bata at muling kumain. "You're so weird today," aniya at tumingin sa salaming pinto ng shop nang bumukas iyon. "Love!" tawag ko at kumaway habang ngumung
Bigla kasi akong nakaramdam ng init dahil ang hot niyang tignan kahit halatang pagod siya. Namumungay ang mga mata niya, medyo magulo ang buhok, kitang-kita ang hulma ng biceps niya sa fitted na white long sleeves na suot niyang sinamahan pa ng niluwagang tali ng necktie, at dahil naka tuck-in ang pang-itaas niya, malayang nakikita ang umbok sa pagitan niya. Bigla ko tuloy na-miss ang parusa niya. "Gusto ko lang magpahinga," sagot niya at umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ayos lang ba?" "Bakit dito?" kuryosong tanong ko at lumayo ng kaunti nang bumaba ang tingin niya sa suot ko. Spaghetti strap dress ang suot ko, mababa ang v-neckline at tanging kalahati lang ng hita ko ang natatakpan dahil sa ikli. "'Cause you're here. Wala akong kasama roon sa bahay. Nami-miss lang kita." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sagot niya. Na-miss niya talaga rin ako? Hmm..."So, can I sleep here everyday? Para diretso na, na sabay tayong papasok." "Uhm..." Tumingin ako saglit sa b