Share

Chapter 34.3

Sa sasakyan ni Androus ipinasok ni Kyrous ang walang malay na si ate. Agad namang sumunod si mama na halatang alalang-alala sa kapatid ko. Dumaan ang mga mata sa akin ni Kyrous bago niya isinarado ang pinto ng kotse.

"Aba?! Hoy, 'yong bata!" sigaw ko at tumakbo para habulin sila. Natigil ako nang tumunog ang phone kong nasa likurang bulsa ng short dahil may natanggap na mensahe.

Kyrous: Take care of the child.

Kyrous: 'Til kuya came back.

Padabog akong bumalik at isinardo ang gate dahil sa akin nabaling ang nang-uusisang mata ng mga kapit-bahay. Mahirap na rin baka tumakbo 'tong bata at masagasahan. Malamang, sa akin ang sisi.

"Hoy, tigil! Hali ka rito, mainit d'yan," utos ko rito pero mas lumakas ang hagulgol niya.

"Mama! Papa!"

"Iniwan ka na nila! Kaya p'wede ba, tumigil ka? Nagsasayang ka lang ng luha!" gigil na sabi ko at hinatak siya papasok sa loob pero nagpigil ito at umupo pa sa sahig. Ang kulit!

"Sige, bahala ka r'yan!" Iniwan ko siya roon at pumunta sa kusina para um
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status