Share

Chapter 35.1

Scarlet's POV

"Good morning, mommy!"

Naalimpungatan ako dahil sa pamilyar na boses ng bata. Oo nga pala, Sabado ngayon at nandito siya para makasama ang mama Serenity niya.

Umikot ako sa kama at nagtalukbong. "Oh, no please?" pakiusap ko nang maramdamang may tumalon-talon sa kama ko.

Antok na antok ako at pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kung tama nga si mama, tungkol sa sunod-sunod na nangyari sa akin noong nakaraan.

Dumating ang Lunes pero hindi pa ako bumalik sa Maynila, gano'n din si Kyrous. Nagpaalam lang ako sa mga teacher namin na hindi ako makakapasok ng isang Linggo dahil may inaasikasong problema. Totoo naman iyon, hindi gawa-gawa lang dahil paglabas ni Ate Serenity ng Hospital ay napag-alaman naming may selective amnesia siya. Kaya pala hindi siya galit sa akin noong unang beses na nagkita kami. Hindi naman pala niya naaalala ang nangyari noon. Ang tanging alam lang niya, magkarelasyon sila ni Kyrous at ayos lang ang lahat.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status