Home / Romance / Beyond the Bargain / Kabanata 101 - Kabanata 110

Lahat ng Kabanata ng Beyond the Bargain: Kabanata 101 - Kabanata 110

152 Kabanata

Chapter 100

Humigpit ang paghawak ko sa aking cellphone. Nagdadalawang – isip ako kung maniniwala ba ako sa nalaman ko ngayon. Suminghap ako saka tiningnan ang numero ni Mr. Greg. Ilang minuto na akong pabalik – balik sa paglalakad habang kinakagat ang kuko. Tumingin ako sa wall clock. Pasado alas dos na ng hapon. Mag – iisang oras na rin at hindi pa nakabalik sina Max at Manang Toni. Hindi ako pwedeng umalis dahil walang magbabantay kay Francine dito. Napalingon ako agad nang biglang bumukas ang pintuan. Nakita kong pumasok sina Max at Manang Toni. Nakabusangot ang mukha ng aking pamangkin. Nilapitan ko sila. Lumuhod ako para i-check si Max. “Ayos ka lang ba?” Nag – aalala kong tanong saka nag – angat ng tingin kay Manang Toni. Nagsasalin siya ng tubig saka ibinigay sa bata. “Saan ka ba pumunta? Mabuti na lang at naabuotan ka ni Manang. Uminom ka muna ng tubig.” “I saw him, Tita Brit.” Ibinalik ni Max ang baso kay Manang pagkatapos niyang ubosin ang laman nito. Kinunotan ko siya ng noo. “Sin
Magbasa pa

Chapter 101

Umupo ako sa bakanteng silya habang nakayuko. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Lucas tungkol sa nabasa niyang mensahe galing kay Mr. Greg. Napatingin ako sa aking cellphone nang bigla itong nag-vibrate. Tiningnan ko muna kung sino ang nag-text sa akin. Napakagat labi ako nang nakita ko ang pangalan ni Lucas. From: Lucas We need to talk kapag nakaalis na si Clint. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa akin. Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hapon na nang naisipan naisipan ni Clint na umuwi sa kanila dahil hinahanap siya ng kaniyang ina. Nagpaalam siya ng maayos sa amin at sa kapatid ko. Pinauwi ko muna si Manang Toni sa kanila dahil may sakit ang anak niya. Pinapunta ko naman ang isa naming kasambahay para may kasama kaming dalawa ni Max dito. “I want to sleep beside her,” sabi ni Max at itinuro ang kaniyang ina. Nagtinginan kami ni Lucas bago tumingin kay Max. “But –” “Let him sleep with her mother, Brit. Itabi na lang natin ang
Magbasa pa

Chapter 102

Umuubo ng dugo si Greg nang lumapit ako sa kanila. Hawak niya pa rin ang brown envelope habang pinipigilan naman ni Lucas ang paglabas ng dugo sa katawan nito. "Call an ambulance!" Utos ni Lucas sa mga staffs. Natataranta na rin sila. "Tinawagan na po namin, Sir." Sagot ng isang staff habang pinapakalma ang kaniyang kasama. "Lumaban ka, Greg. Papunta na rito ang ambulansiya," sabi ni Lucas. Ngumiti si Greg at tumango. Kinuha ko ang brown envelope at tiningnan kung ano ang laman nito. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko ang DNA Test results. "He's the real father!" Bulalas ko habang nasa papel ang paningin. "You're the father, Greg!" "I-I w-want to see my d-daughter. I want to see her, Luc," sabi ni Greg. May kaunting luhang lumabas sa kaniyang mga mata. "Yes, Greg. Sasamahan ka namin na makita ang anak mo. Huwag ka munang magsalita. Ikaw mismo ang magsasabi sa kaniya na ikaw ang totoo niyang ama." May lumapit na staffs at binigyan nila ng benda si Lucas. Sinubokan niyang
Magbasa pa

Chapter 103

“Hey, Georgia. What are you talking about? She's my friend –” “She’s your friend?” Suminghap si Georgia at tiningnan ako ng masama. “Hindi mo dapat siya kinakaibigan, Lucas.” “But why? I know her –” “Her father killed my grandfather!” Nanigas ako sa kinatatayoan ko. Hindi ko iginalaw ang aking katawan. Pati pagkurap ng mata ay hindi ko nagawa dahil sa gulat. “What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lucas sabay iling ng kaniyang ulo. “This is not a nice joke, Georgia. Hindi siya ang pumatay sa –” “He killed him, Luc! I have an evidence!” Proud na sabi niya. “Hindi na ako magtataka kapag nalaman kong ama niya ang nagpapatay sa kapatid ko.” “Huwag kang magsalita ng ganiyan, Georgia. Hindi magagawa ni Tito Apollo ang binibintang mo sa kaniya!” Galit na singhal ni Lucas. Lumapit siya sa akin. “Akala mo lang ‘yon, Lucas!” sabi ni Georgia.Hinawakan niya ang mukha ni Greg. Palipat-lipat ang paningin ko sa kanila. “Matagal ng wala si Lolo pero hindi pa rin kami matahimik dahil hindi nabi
Magbasa pa

Chapter 104

Nanginginig ang aking mga kamay habang pinlay ulit ang video. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa nakita ko. Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang numero ni Lucas. Kinukuskos ko ang aking kuko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag.Nag-angat ako ng tingin kay Max. Hinahakot niya ang kaniyang mga laruan at inilagay sa tabi ko. “Tita, let’s play!” Nakangiting sabi ni Max at binigyan niya ako ng mga stuff toys. Nagmadaling lumapit si Manang Loida sa amin at binuhat si Max papalayo sa akin. “May ginagawa pa ang Tita Brit mo, Max. Tayo na lang ang maglalaro.” “No! Gusto ko si Tita Britney ang kalaro ko!” Pagmamaktol ni Max. Tumabi siya sa akin. “Let’s play, please?”Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at muling tinawagan si Lucas. Bumaling ako kay Max. “Maglalaro tayo kapag tapos na ako sa ginagawa ko. Kayo muna ni Manang –”“But I want to play with you, Tita.” Max interrupted me. Binigay niya sa akin ang iba pang laruan. “Mamaya mo na lang po ‘yan taposin.”“Yes, Brit
Magbasa pa

Chapter 105

“What’s your plan now?” tanong ni Lucas pagkatapos niyang isarado ang laptop at ibinalik sa akin ang flash drive.“I don’t know…” Suminghap ako at hinarap siya. “My father is a killer. Paano ko ipapaliwanag sa kapatid ko ang mga nalaman natin? She’s still unconscious. Gusto kong kasapin si Daddy. I want to confront him but I have no guts to ask him. Natatakot ako.” “Don’t be scared, Brit. He’s your father and –” “And he killed someone, Luc. Nagdudurusa ang kapatid ko dahil sa ginawa niya.”“Huwag mong sabihin ‘yan, Brit. Hindi natin alam kung ano ang dahilan ni Tito Apollo kaya niya nagawa ‘yon.” Hindi na ako muling nagsalita. Nanatili lang akong tahimik sa loob ng sasakyan ni Lucas habang nakatingin sa kawalan. Masyadong magulo ang aking utak sa dami ng iniisip kong problema. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Bumuntong hininga ako nang napagdesisyonan kong bumalik na sa loob ng hospital para makauwi na rin si Lucas. “I have to go. Palalamigin ko muna ang ulo ko para makapag-
Magbasa pa

Chapter 106

Nagmulat ako ng mata nang napansin kong tahimik na ang buong paligid. Nakita ko si Manang Loida na nakahiga sa kabilang kama. Nanatili akong nakahiga at pinagmasdan siya. Mas lalo akong hindi makatulog. Kailangan kong bantayan ang kapatid ko baka may ituturok na naman silang gamot sa katawan nito. Pagtingin ko sa wall clock mag-aalas tres na ng umaga. Gising na gising pa rin ako. “Mommy…” Bumaling ako kay Max. Napabangon ako nang napansing nanginginig ang kaniyang katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit. “I’m here, Max. Tita is here,” bulong ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni Max sa akin. “I missed you, Mom…” he whispered at muling bumalik sa pagtulog. Nakatitig lang ako sa kisame habang binabantayan sin Max at Francine. Natatakot akong ipikit ang aking mga mata baka may gawin si Manang Loida sa kanila. Ikinuyom ko ang aking mga palad nang biglang sumagi sa aking isipan ang pinag-usapan nina Daddy at Manang Loida. Hindi ko aakalain na magagawang saktan ni Daddy ang sarili niyang anak.
Magbasa pa

Chapter 107

We installed hidden CCTV cameras in every corner of Francine's room. Gusto namin makasiguro ni Lucas kung marunong bang tumupad sa usapan sina Manang Loida at Dr. Fernandez. Kapag nahuli namin na patuloy pa rin sila sa maling ginagawa nila sa aking kapatid sisiguradohin ko na sa kulongan sila pupulotin. “Let us check,” sabi ni Lucas pagkatapos namin ilagay ang mahigit sampung cameras sa bawat korner ng kuwarto. “Maririnig din natin lahat ng mga pag-uusapan nila. Sisiguradohin ko na hindi na magagalaw ni Daddy ang kapatid ko.” Tumayo ako at isa-isang chineck ang mga secret cameras. Lumapit si Lucas sa akin. Abala siya sa pag-scroll ng mga cameras. “All are fine. Kakausapin ko si Dr. Fernandez mamaya. Hihingi ako ng kopya sa fake result ng kalagayan ni Francine.” Tumango lang ako at kinuha ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa. Kanina ko pa napapansin ang pag-vibrate nito. Agad kong nakita ang sandamakmak na mensahe ni Dom. Napahawak ako sa aking bibig nang nakita ko ang mga litrato
Magbasa pa

Chapter 108

“Wala na tayong ibang magagawa, Brit!” Galit na sigaw ni Daddy. Humakbang siya papalayo sa akin. “Kahit maghintay pa tayo ng ilang araw, lingo, at buwan na magising siya may magbabago ba? Patay na ang katawan niya! Nasa kritikal na kondisyon ang kapatid mo. Alam ko naman na hindi ka papayag na gawin ang bagay na ‘yon.” Pinunasan ko ang aking mga luha. “Hindi ako papayag, Dad. I’m still holding that one percent hope na magiging maayos ang kalagayan niya. Huwag muna kayong magdesisyon. Anak niyo siya, Dad. Bakit ang bilis-bilis niyong magdesisyon?” “That’s the best way –” “No!” I cut him off. “Nasasabi niyo lang ‘yan dahil ang bilis niyong panghinaan ng loob! Hindi kayo marunong maawa. Anak niyo siya! Kambal ko siya! Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Wala akong pakialam kahit patay na ang katawan niya as long as alam kong buhay pa siya…” “Why are you crying, Tita Brit?” tanong ni Max. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng tissue. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang nakita ko
Magbasa pa

Chapter 109

Bumukas ang elevator at may pumasok na mga employees. “Good day, Sir Lucas!” sabay-sabay nilang bati sa kaniya. Ngumiti lang si Lucas at tumango. Napatingin ako kay Lucas nang nahuli ko ang mga babaeng empleyado na tumitingin sa kaniya. Hindi nakatakas sa aking tenga ang pagtili nila sa tuwing tinitingnan nila si Lucas.“Mukhang type ka ng mga babae,” bulong ko.“Sanay na ako sa mga ganiyan, Brit. Hindi na bago sa akin ang mga ‘yan lalo na’t may itsura ako,” mayabang niyang sabi. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He’s right. Kahit malapit na siyang mag-thirty pero parang hindi siya tumatanda. Age is just a number lang talaga para sa kaniya.“We’re here,” sabi niya nang tumunog at bumukas ang elevator. Nauna siyang lumabas.Lalabas na sana ako nang biglang nagsalita ang isa sa mga babaeng empleyado. “Girlfriend po ba kayo ni Sir, Lucas, Ma’am?” Huminto ako at nilingon sila. “Hindi niya ako girlfriend. Magkaibigan lang kami. But he’s not available. Sorry,” sagot ko at kinind
Magbasa pa
PREV
1
...
910111213
...
16
DMCA.com Protection Status