Share

Chapter 104

Nanginginig ang aking mga kamay habang pinlay ulit ang video. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa nakita ko. Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang numero ni Lucas. Kinukuskos ko ang aking kuko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag.

Nag-angat ako ng tingin kay Max. Hinahakot niya ang kaniyang mga laruan at inilagay sa tabi ko. “Tita, let’s play!” Nakangiting sabi ni Max at binigyan niya ako ng mga stuff toys.

Nagmadaling lumapit si Manang Loida sa amin at binuhat si Max papalayo sa akin. “May ginagawa pa ang Tita Brit mo, Max. Tayo na lang ang maglalaro.”

“No! Gusto ko si Tita Britney ang kalaro ko!” Pagmamaktol ni Max. Tumabi siya sa akin. “Let’s play, please?”

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at muling tinawagan si Lucas. Bumaling ako kay Max. “Maglalaro tayo kapag tapos na ako sa ginagawa ko. Kayo muna ni Manang –”

“But I want to play with you, Tita.” Max interrupted me. Binigay niya sa akin ang iba pang laruan. “Mamaya mo na lang po ‘yan taposin.”

“Yes, Brit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status