We installed hidden CCTV cameras in every corner of Francine's room. Gusto namin makasiguro ni Lucas kung marunong bang tumupad sa usapan sina Manang Loida at Dr. Fernandez. Kapag nahuli namin na patuloy pa rin sila sa maling ginagawa nila sa aking kapatid sisiguradohin ko na sa kulongan sila pupulotin. “Let us check,” sabi ni Lucas pagkatapos namin ilagay ang mahigit sampung cameras sa bawat korner ng kuwarto. “Maririnig din natin lahat ng mga pag-uusapan nila. Sisiguradohin ko na hindi na magagalaw ni Daddy ang kapatid ko.” Tumayo ako at isa-isang chineck ang mga secret cameras. Lumapit si Lucas sa akin. Abala siya sa pag-scroll ng mga cameras. “All are fine. Kakausapin ko si Dr. Fernandez mamaya. Hihingi ako ng kopya sa fake result ng kalagayan ni Francine.” Tumango lang ako at kinuha ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa. Kanina ko pa napapansin ang pag-vibrate nito. Agad kong nakita ang sandamakmak na mensahe ni Dom. Napahawak ako sa aking bibig nang nakita ko ang mga litrato
“Wala na tayong ibang magagawa, Brit!” Galit na sigaw ni Daddy. Humakbang siya papalayo sa akin. “Kahit maghintay pa tayo ng ilang araw, lingo, at buwan na magising siya may magbabago ba? Patay na ang katawan niya! Nasa kritikal na kondisyon ang kapatid mo. Alam ko naman na hindi ka papayag na gawin ang bagay na ‘yon.” Pinunasan ko ang aking mga luha. “Hindi ako papayag, Dad. I’m still holding that one percent hope na magiging maayos ang kalagayan niya. Huwag muna kayong magdesisyon. Anak niyo siya, Dad. Bakit ang bilis-bilis niyong magdesisyon?” “That’s the best way –” “No!” I cut him off. “Nasasabi niyo lang ‘yan dahil ang bilis niyong panghinaan ng loob! Hindi kayo marunong maawa. Anak niyo siya! Kambal ko siya! Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Wala akong pakialam kahit patay na ang katawan niya as long as alam kong buhay pa siya…” “Why are you crying, Tita Brit?” tanong ni Max. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng tissue. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang nakita ko
Bumukas ang elevator at may pumasok na mga employees. “Good day, Sir Lucas!” sabay-sabay nilang bati sa kaniya. Ngumiti lang si Lucas at tumango. Napatingin ako kay Lucas nang nahuli ko ang mga babaeng empleyado na tumitingin sa kaniya. Hindi nakatakas sa aking tenga ang pagtili nila sa tuwing tinitingnan nila si Lucas.“Mukhang type ka ng mga babae,” bulong ko.“Sanay na ako sa mga ganiyan, Brit. Hindi na bago sa akin ang mga ‘yan lalo na’t may itsura ako,” mayabang niyang sabi. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He’s right. Kahit malapit na siyang mag-thirty pero parang hindi siya tumatanda. Age is just a number lang talaga para sa kaniya.“We’re here,” sabi niya nang tumunog at bumukas ang elevator. Nauna siyang lumabas.Lalabas na sana ako nang biglang nagsalita ang isa sa mga babaeng empleyado. “Girlfriend po ba kayo ni Sir, Lucas, Ma’am?” Huminto ako at nilingon sila. “Hindi niya ako girlfriend. Magkaibigan lang kami. But he’s not available. Sorry,” sagot ko at kinind
Umawang ang labi ko. Napatingin ako kay Lucas nang wala sa oras. Nakataas ang kaniyang isang kilay habang umiinom ng kape. Bumaling ako kay Liam. Hindi pa rin nawala ang pagkamangha ko sa kaniya nang nalaman kong nagpipinta rin siya katulad ni Francine. Naglakad ako patungo sa gilid ng kaniyang mesa at hinawakan ang painting. “You painted her?” pagkaklaro ko. “Baka iba ang nagpinta nito?” biro ko at hinawakan ang painting. Kuhang-kuha niya ang mukha ng kapatid ko. “Yes, Brit. Well, I’m an engineer at given na sa akin ang pagiging artist,” proud niyang sabi. Napakagat-labi ako at binaba ang painting. Nakalimutan ko na isa pala siyang engineer. Mas pinili niya lang i-manage ang kompanya nila kesa sundin ang dream career niya. “Bakit mo pala ako tinatanong kung hihingin ko ba ‘to?” tanong ko sabay turo sa painting. Umupo siya sa swivel chair. “Ikakasal na ako, Brit.” Hindi na ako nagulat dahil mabilis kumalat ang balitang pagpapakasal niya kay Celine. Kaya nga nandito ako dahil ba
Third Person's POV Pagbalik sa hospital ay agad na tinawagan ni Britney ang kaniyang ama para magpaalam na iuuwi niya sa bahay ang kapatid na si Francine. “Dad, pumapayag na ako na dalhin si Francine sa America,” panimula niya. Nilingon niya si Lucas na kasalukuyang nanunuod ng mga videos nina Apollo at Celso habang nag-uusap ito kasama ang mga drug dealers. “Mabuti naman at nakapag-desisyon ka na agad, hija,” natutuwang sabi ni Apollo sa kabilang linya. “Iuuwi namin siya ngayon sa bahay. Gusto ko muna siyang makasama ng ilang araw o linggo rito sa Pilipinas bago gawin ang mercy killing, Dad,” dagdag ni Britney. Hindi agad nakasagot si Apollo dahil kasama niya ang matalik niyang kaibigan na si Celso. “Dad, naririnig mo ba ako? Pumapayag na ako sa gusto mo. Ayoko rin makitang nahihirapan siya kahit na magising pa siya. Hayaan niyo muna akong makasama siya, Dad.” “Okay, hija. Iuwi niyo siya sa bahay habang inaayos ko pa ang mga kakailanganing dokumento patungo sa America,” sabi ni
Katatapos lang ayosan nina Celine at Liam ng kanilang kinuhang make up artist. Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal. Naghihintay na lang silang dumating ang kinuha nilang pari sa La Esmeralda Beach and Resorts na pagmamay-ari ng pamilya ni Celso. Pumasok si Liam sa kaniyang silid habang tinitingann ang larawan ni Francine sa kaniyang cellphone. Gusto siyang kausapin ng kaniyang pamilya pero mas pinili niya ang mapag-isa. “Liam?” tawag ni Clint habang kumakatok ito sa pinto. “Pwede ba kitang makausap?”Bumuntong hininga muna si Liam bago tumayo para pagbuksanng kaniyang kapatid. Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil nakokonsensiya siya. Wala pa rin itong alam kung sino ang pumatay sa totoong ama nito.“Why are you sad? It’s your wedding day! Dapat masaya ka!” nakangiting sabi ni Clint at inakbayan ang kaniyang kapatid. “Ngumiti ka naman. Sayang ang pagiging pogi mo kung nakasimangot ka lang.”“Stop teasing me, Clint,” saway ni Liam sa kaniyang kapatid. Naglakad si L
Isang malakas na sampal ang nakuha ni Liam galing kay Angeline bago siya tinalikuran ng mag-asawa. Dahil sa matinding galit na nararamdaman niya, sinuntok niya ng malakas ang dingding. Napadaing siya nang naramdaman ang pagsakit ng kaniyang kamao. Napapikit siya nang nakitang dumurugo ito. Kumuha siya ng malinis na tela at ginawang pamunas sa sugat ng kaniyang kamay. May kumatok sa pinto. Hindi niya ito pinansin. Nanatili lang siyang nakatalikod habang pinupunasan ang kamay niya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang kaniyang ina na si Blythe upang tingnan ang anak. “Magsisimula na ang seremonya,” sabi ni Blythe. Sinubokan niyang hawakan ang balikat ni Liam ngunit mabilis na umiwas ang binata. “Galit ka pa rin ba sa akin?” diretsong tanong niya. Hindi sumagot si Liam. Wala siyang balak kausapin ang kaniyang mga magulang hanggang sa matapos ang seremonya.Umupo si Blythe sa bakanteng silya at pinagmasdan ang kaniyang anak. Napansin ni Liam ang pagtitig ng kaniyang ina. Nili
As she opened her eyes, she squinted against the brightness of the light pouring in from the window. The walls of her room greeted her vision, the scent of antiseptic filled her nostrils, and the constant beeping sound filled her ears. Despite the aches in every part of her body, she ignored it all as she caught sight of her child.“Mommy? Mommy? Are you awake?” Unti-unti niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kaniyang anak. “Mommy's awake,” Max said, tears brimming in his eyes as he held up his mother's hand. “She's awake, Tita Brit. She’s awake!”She attempted to move, but her body remained immobile. Only her eyes had the freedom to roam. She quickly scanned her surroundings, taking in every detail, while still attempting to regain control of her body.Mabilis na tumakbo palabas ng kwarto si Britney at pinuntahan ang personal doktor sa silid nito. Halos madapa na sila sa pagmamadali pabalik sa kwarto ni Francine. Naabotan nilang nakayakap si Max sa ina habang nakatingin sa paligi